

SANAYSAY
Presentation
•
Other
•
KG
•
Practice Problem
•
Hard
Azi Mendoza
Used 1+ times
FREE Resource
18 Slides • 23 Questions
1
Mga Pokus na Tanong:
Ano ang sanaysay at kaligiran nito?
Paano isulat ang isang sanaysay?
Sanaysay
2
Sanaysay
Isang maikling komposisyon na may tiyak na paksa o temang tinatalakay.
Nagmula ito sa salitang Pranses na “essai” na ang ibig sabihin ay pagtatangka.
"salaysay ng sanay"
Karaniwang nasa anyong prosa, analitiko, at nagpapahayag ng interpretasyon o opinyon.
3
Multiple Select
Dalawang uri ng Sanaysay:
Pormal
Tuluyan
Patula
Impormal
4
Multiple Choice
Hindi tumutulong ang aking ama sa mga gawaing bahay at madalas siyáng nasa labas at nakikipag-inuman sa mga kaibigan. Lagi siyáng lasing sa pag-uwi. Sa tuwing siyá ay nalalasing, madalas ay inaaway niya ang aking ina at sinasaktan ito.
Halimbawa ay pagwawalis, paghuhugas ng pinagkainan, pagluluto, paglalaba, atbp.
Halimbawa ay panunuod ng TV, pagko-computer, pagtulog, pagkain, pagligo, atbp.
5
Multiple Choice
Noong isang araw naman ay nasampal niya ito dahil sa pagtatalo. Nangyari ito noong nanghingi siyá ng perang pang-inom ngunit walang naibigay ang aking ina. Sinabi ng aking ina na kailangang magtrabaho ang aking ama para sa aming pamilya sa halip na maglasing. Sa gálit ng aking ama, kaniyang sinaktan na naman ito. Umiyak ang aking ina.
Perang pambili ng alak
Perang pantayo ng negosyo
6
Mga Sangkap ng Sanaysay
Pangunahing tema - tumutukoy sa nangingibabaw na kaisipan sa iyong sulatin
Himig - tumutukoy sa emosyon o damdamin gaya ng lungkot, saya, pagkaseryoso, galit, at iba pa.
Panauhan - tumutukoy sa punto de bista ng sumulat: una; ikalawa; o ikatlong panauhan
Estilo - paraan ng may-akda sa pagpapahayag ng kaniyang mensahe.
7
Multiple Choice
Ano naman ang Himig (o emosyon) na ipinakita sa sanaysay?
Masaya
Galit
Malungkot
Pag-asa
8
Multiple Choice
Anong Panauhan ang ginamit sa sanaysay na binasa?
Unang panauhan
Ikalawang panauhan
Ikatlong panauhan
9
Paano Isulat ang Sanaysay
Simula – mainam na makapukaw-atensiyon ang panimulang bahagi upang maganyak ang interes ng mga babasa ng akda.
Katawan – sa paglalatag ng nilalaman gaya ng mga pangunahing argumento, paliwanag sa mga ito, at halimbawa, maaaring gumamit ng kronolohikal na pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, pagbibigay anggulo sa pagtalakay ng paksa, paghahambing, o paglalarawan ng mga kaisipan.
Wakas – upang magsilbing panapos, maaari ding banggitin ang buod ng sanaysay, tuwirang mensahe ng may-akda, paglalahat ng mahahalagang idea, at gamitin muli ng pagtatanong na retorikal.
10
Open Ended
Ano naman ang naging Estilo o Paraan ng manunulat sa pagpapahayag ng tema?
11
Tandaan:
Ang sanaysay ay karaniwang nasa anyong prosa, analitiko, at nagpapahayag ng interpretasyon o opinyon. Meron itong uri at mga sangkap.
Isinusulat ang Sanaysay nang may simula, katawan at wakas.
Nagkakahawig ang mga sanaysay sa Tinog-Silangang Asya dahil sa mga karanasang pantao dulot ng kabuhayan, kapaligiran at pangyayaring panlipunan.
12
Tayutay
Ang tayutay ay mga pahayag na sadyang inilayo sa karaniwang kahulugan ang nais ipahiwatig.

13
Poll
Ang sanaysay ba na binasa mula Cambodia ay may pagkakahawig sa mga pangyayari sa Pilipinas?
Oo
Hindi
14
Uri ng Tayutay
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagsasatao
Pagmamalabis
15
PAGSASATAO
Ang pahayag na ito ay paglalarawan sa mga bagay sa paligid gamit ang mga katangiang pantao lamang. Maari itong gumamit ng pandiwa o pang-uri na para sa tao lamang.
16
PAGMAMALABIS
Sa pahayag na ito pinaliliit o pinalalaki ang paglalarawan sa isang bagay tao, o pangyayari. Sobra-sobrang paglalarawan, madalas na hindi na makatotohanan.
17
PAGTUTULAD
Ito ay pinakasimpleng paraan ng paglalarawan at paghahambing. Madalas na gumagamit ng mga salitang: Tulad ng, Parang, Gaya ng, Kasing-, Sing-, at Ga-.
18
PAGWAWANGIS
Ito naman ay tuwirang paglalarawan ng isang tao, bagay pook, o pangyayari. Hindi na ito gumagamit ng mga katagang nabanggit sa pagtutulad.
19
Pagtukoy sa tayutay
PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng tayutay mayroon ang bawat pahayag. Piliin ang iyong sagot sa kahon.
20
Multiple Choice
Sintaas ng Tore ni Babel ang bagong gusali!
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagsasatao
Pagtutulad
21
Multiple Choice
Kapag mas amoy-paa ang bagoong, mas masarap!
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagsasatao
Pagtutulad
22
Multiple Choice
Tumatakbo ang oras.
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagsasatao
Pagtutulad
23
Multiple Choice
Pakiramdam ko'y nasa loob ako ng freezer SA LAMIG DITO SA BAGUIO!
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagsasatao
Pagtutulad
24
Multiple Choice
Ikaw ay isang tala sa aking paningin.
Pagwawangis
Pagmamalabis
Pagsasatao
Pagtutulad
25
KARUNUNGANG-BAYAN
26
KARUNUNGANG-BAYAN
- Kaalamang-bayan
- Binubuo ng Salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong, alamat at iba pa.
-mapaghahanguan ng sinaunang paniniwala at halagahan.
- Nagmula sa mga Tagalog at hinango sa mahahabang tula.
https://www.youtube.com/watch?v=yPsTS7-kdqk
https://www.youtube.com/watch?v=3vlulPh6wJQ
27
Uri ng Karunungang-Bayan
1. Salawikain
2. Sawikain/Idyoma
4. Kasabihan
Bugtong
Palaisipan
Bulong
28
SALAWIKAIN
Ito ay matalinghagang pahayag na ginagamit ng matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihan at kagandahang asal..
Halimbawa:
1.Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon.
2.Kung hindi ukol, hindi bubukol.
3. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
29
SAWIKAIN/IDYOMA
Ito ay salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga at mayroong nakatagong kahulugan; tinatawag din itong idyoma o eupemistikong pahayag.
Halimbawa:
1. Malawak ang isip - maraming nalalaman
2. Mapurol ang utak - mahina ang pag-intindi
3.bagong tao - binata
4. bulang-gugo - gastador
30
KASABIHAN
Ito ay mga pahayag hinggil sa paniniwala na may kaugnayan sa mga pangyayari sa buhay ng tao na dapat tanggapin o iwasan. Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna ng isang tao. Ito ay payak dahil di nagtataglay ng talinghaga. Maaaring parirala o pangungusap, na karaniwang sinasambit sa ngayon o nakaugaliang sabihin ng mga tao sa isang pook ng isang kapanahunan. (E.G Angeles at N.V Matienzo)
Halimbawa:
1.Kasama sa gayak, di kasama sa lakad.
2.Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga
3. Utos na sa pusa, utos pa sa daga.
4. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
31
Multiple Choice
Ano ang pinakamatandang sining ng panitikan sa kulturang Pilipino?
a. tula
b. alamat
c. dula
d. kuwentong-bayan
32
Multiple Choice
Anong uri ng Kaalamang Bayan ang sumusunod:
Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
Ang "para" ay sa tao,
Upang tayo'y huminto.
Tulang/Awiting-Panudyo
Tugmang de-Gulong
Bugtong
Palaisipan
33
Multiple Choice
Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso, o mang-uyam.
Tulang/Awiting-Panudyo
Tugmang de-Gulong
Bugtong
Palaisipan
34
Multiple Choice
Anong uri ng Kaalamang Bayan ang sumusunod:
Tutubi, tutubi,
Wag kang pahuhuli,
Sa batang mapanghi.
Tulang/Awiting-Panudyo
Tugmang de-Gulong
Bugtong
Palaisipan
35
Multiple Choice
Uri ng panitikang tuluyan na laganap pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon sapagkat ito'y talaga namang nakapagpapatalas ng isipan ng mga mag-aaral.
Tulang/Awiting-Panudyo
Tugmang de-Gulong
Bugtong
Palaisipan
36
Multiple Choice
Anong uri ng Kaalamang Bayan ang sumusunod:
Pag-aari mo, dala-dala mo,
Datapwa't madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo.
Tulang/Awiting-Panudyo
Tugmang de-Gulong
Bugtong
Palaisipan
37
Multiple Choice
Ito ay paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.
Tulang/Awiting-Panudyo
Tugmang de-Gulong
Bugtong
Palaisipan
38
Multiple Choice
Anong uri ng Kaalamang Bayan ang sumusunod:
Kung kailan mo pinatay,
Saka pa humaba ang buhay.
Tulang/Awiting-Panudyo
Tugmang de-Gulong
Bugtong
Palaisipan
39
Multiple Choice
Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong Patula.
Tulang/Awiting-Panudyo
Tugmang de-Gulong
Bugtong
Palaisipan
40
Multiple Choice
Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito ng patula at kalimitang maiksi lamang.
Tulang/Awiting-Panudyo
Tugmang de-Gulong
Bugtong
Palaisipan
41
Multiple Choice
Anong uri ng Kaalamang Bayan ang sumusunod:
Sa isang kulungan ay may limang baboy si mang Juan.
Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
Tulang/Awiting-Panudyo
Tugmang de-Gulong
Bugtong
Palaisipan
Mga Pokus na Tanong:
Ano ang sanaysay at kaligiran nito?
Paano isulat ang isang sanaysay?
Sanaysay
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 41
SLIDE
Similar Resources on Wayground
37 questions
Intro to Chemical Bonding
Presentation
•
9th - 12th Grade
37 questions
D4 (LP)
Presentation
•
KG - University
36 questions
AP WEEK 6.1 TO 6.2
Presentation
•
3rd Grade
35 questions
Module 5-6 2nd Quarter Filipino 8
Presentation
•
8th Grade
36 questions
Treny i fraszki
Presentation
•
7th - 8th Grade
35 questions
Ang Prinsesa ng Dagat
Presentation
•
6th Grade
35 questions
Quarter 1: ESP: Week 3
Presentation
•
2nd Grade
37 questions
Unang Kabanata - Magalang na pagbati
Presentation
•
1st - 5th Grade
Popular Resources on Wayground
25 questions
The Ultimate College Knowledge Quiz
Quiz
•
8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Cartoon Characters!
Quiz
•
KG - 5th Grade
10 questions
Movie Trivia
Quiz
•
KG - 2nd Grade
15 questions
Memorial Day Trivia
Quiz
•
KG - 12th Grade
12 questions
Name that Candy
Quiz
•
KG - 12th Grade
20 questions
Guess The App
Quiz
•
KG - Professional Dev...
20 questions
Guess that Disney
Quiz
•
KG - 5th Grade
40 questions
Disney Trivia
Quiz
•
KG - University
10 questions
Disney Trivia
Quiz
•
KG - 12th Grade