

Untitled Lesson
Presentation
•
Other
•
•
Hard
Kolyne Comia
FREE Resource
66 Slides • 0 Questions
1
Pananaliksik
Inilahad ni Bansuelo, (n.d.) sa
kanyang artikulo ang iba’t
ibang kahulugan ng
pananaliksik ayon sa
pakahulugan ng
mga eksperto.
2
Ayon kay Clarke (2005), ang pananaliksik ay
isang maingat, sistematiko at
obhetibong imbestigasyon na
isinasagawa upang makakuha ng mga
balidong katotohanan, makabuo ng
konklusyon at makalikha ng mga simulaing
kaugnay ng inilahad na suliranin batay sa iba’t
ibang larangan o disiplina.
3
“Ang pananaliksik ay isang lohikal na
proseso ng paghahanap na obhetibong
sagot sa mga katanungan ng
mananaliksik na nakabatay sa suliranin at
metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng
maraming kaalaman at kasanayan upang
makatugon sa pangangailangan ng tao at ng
lipunan.”
Nuncio, (2013),
4
Ayon naman kay Aquino (1994), ang
pananaliksik ay sistematikong
paghahanap sa mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa o suliranin.
5
MATALINO
ETIKAL
SISTEMATIK
O
Pananaliksik
6
Pananaliksik
isang siyentipiko at obhetibong
pag-aanalisa ng mga datos
gamit ang pinaka epektibong
metodo
at
teorya
upang
makabuo
ng
mabisang
paglalahat hinggil sa suliranin
ng pananaliksik.
7
Layunin ng
Pananaliksik
1. Upang makadiskubre ng bagong
kaalaman hinggil sa mga batid nang
penomena.
2. Upang makakita ng sagot sa mga
suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng
mga umiiral na metodo at impormasyon.
8
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik
at makadebelop ng bagong instrumento
o produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang
substance o elements.
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng
mga dati nang substances at elements.
9
6. Makalikha ng mga batayan ng
pagpapasya, sa kalakalan, industriya,
edukasyon, pamahalaan at iba pang
larangan.
7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng
mananaliksik.
8. Mapalawak o ma-verify ang mga
umiiral na kaalaman.
10
9. Upang mapaunlad ang sariling
kaalaman.
10. Upang mabatid ang lawak ng
kaalaman ng mga mag-aaral sa isang
partikular na bagay.
11
Katangian ng
Pananaliksik
1. Sistematik. May sinusunod na proseso o
magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo
sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng
suliranin, o ano pa mang nilalayon ng
pananaliksik.
12
2. Kontrolado. Lahat ng baryabol na sinusuri ay
kailangang maging konstant. Hindi dapat
baguhin, anomang pagbabagong nagaganap sa
asignatura o pinag-aaralan ay maiuugnay sa
eksperimental na baryabol na
kailangang-kailangan sa mga eksperimental na
pananaliksik.
13
3. Empirikal. Kailangang maging
katanggap-tanggap ang mga pamamaraan
ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga
datos na nakalap.
14
Mga Kasanayan sa
Pananaliksik
May iba’t ibang yugto at proseso ang
pananaliksik. Mahalagang matamo ng
mananaliksik ang mga kognitibong kakayahan sa
larangan ng pagbasa at pagsulat. Dapat ang
isang mananaliksik ay bihasa sa gawaing
pananaliksik upang maging matagumpay sa
gawaing ito.
15
Maka-Pilipinong
Pananaliksik
Inisa-isa ni Sicat-De Laza (2016) sa aklat nina San Juan, et al.
(2019) ang mga katangian ng maka-Pilipinong pananaliksik.
16
1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik
ay gumagamit ng wikang Filipino
at mga katutubong wika sa
Pilipinas at tumatalakay sa mga
paksang malapit sa puso at isipan
ng mga mamamayan.
17
2. Pangunahing isinasaalang-alang
sa maka-Pilipinong pananaliksik
ang pagpili ng paksang naaayon sa
interes at kapaki-pakinabang sa
sambayanang Pilipino.
18
3. Komunidad ang
laboratoryo ng
maka-Pilipinong
pananaliksik.
19
Pagpili ng Paksa
ng Pananaliksik
20
Batay kay Bernales, et al., (2018), may
mga batayan ng paglilimita ng paksa.
Tulad ng (a) panahon; (b) edad;
(c) kasarian; (d) perspektibo; (e) lugar;
(f) propesyon o grupong kinabibilangan;
(g) anyo o uri: (h) partikular na
halimbawa o kaso; (i) kombinasyon ng
ng mga nabanggit na batayan
21
22
23
24
25
3. Mahalaga na ang napiling paksa ay
makapag-aambag ng bagong kaalaman.
4. Gagamit ng sistematiko at siyentipikong
paraan upang mabigyan ng kasagutan
ang mga inilahad na suliranin sa
pananaliksik.
26
1. Ano anong pag-aaral ang isinagawa ng
Unibersidad ng Pilipinas para matulungan
ang pamahalaan na labanan ang Covid-19?
2. Paano nakaapekto sa kalusugan, emosyon
at pananampalataya ang pinagdadaanang
kasalukuyang pandemya, Covid-19 virus sa
mga kabataan na may edad na 15-21?
27
5. Nararapat na ang
mananaliksik ay may sapat
na kaalaman sa paksa.
28
Pagpili ng Batis
ng Impormasyon
29
1. Tiyakin na ang sanggunian ay isang
Akademiko.
2. Tukuyin ang uri ng sanggunian.
30
PANGANGALAP NG
IMPORMASYON SA
AKLATAN
31
1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang
mga batis ng impormasyon na natukoy para
sa isang pananaliksik.
2. Gumawa at magpadala ng sulat sa
kinauukulan kung aklatan ng ibang paaralan,
kolehiyo, o unibersidad ang pupuntahan.
Ilang paalala sa paghahanap ng batis ng
impormasyon sa aklatan
32
3. Kung hindi man kailangan ng sulat kagaya sa
ilang pampublikong aklatan, alamin ang mga
kahingian bago makapasok at makagamit ng
pasilidad at mga resources ng aklatang
bibisitahin.
ID Card – Pambansang Aklatan ng Pilipinas
Ilang paalala sa paghahanap ng batis ng
impormasyon sa aklatan
33
4. Rebyuhin ang sistemang Dewey Decimal at
sistemang Library of Congress dahil alinman sa
dalawang ito ay madalas na batayan ng
klasipikasyon ng mga aklat ng pangkalahatang
karunungan.
➢ Alamin din ang iba’t ibang dibisyon o
seksiyon sa aklatan
Ilang paalala sa paghahanap ng batis ng
impormasyon sa aklatan
34
35
5. Tandaan na ipinagbabawal ang
pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis,
disertasyon, at ilan pang mga printed na
materyal kaya kailangan ang matiyaga at mabilis
na pagbabasa kung marami ang sangguniang
bubulatlatin.
Ilang paalala sa paghahanap ng batis ng
impormasyon sa aklatan
36
6. Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para
makahanap na ng mga sanggunian bago pa man
pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksiyon o
dibisyon ng aklatan.
7. Huwag kalimutang halughugin ang pinagkukunan na
online ng aklatan gaya ng subskripsiyon sa journals,
e-books, e-databases at iba pang batis ng impormasyon
mula sa Internet.
Ilang paalala sa paghahanap ng batis ng
impormasyon sa aklatan
37
PANGANGALAP NG
IMPORMASYON SA MGA
ONLINE NA MATERYAL
38
➢ Philippine E-Journals Database – https://ejournals.ph
➢ Naglalathala ng mga artikulo sa Filipino – Daloy, Dalumat,
Hasaan, Layag at Malay
➢ Katipunan – https://journals.ateneo.edu/ojs/katipunan
➢ Daluyan – https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf
➢ Social Science Diliman –
https://journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman
➢ Humanities Diliman –
https://journals.upd.edu.ph/index.php/huminatiesdiliman
HALIMBAWA NG MGA ONLINE JOURNALS
39
➢ABS-CBN – https://news.abs-cbn.com
➢GMA 7 – https://www.gmanetwork.com/news
➢CNN – https://cnnphilippines.com/news
➢Philippines Daily Inquirer –
https://www.inquirer.net/
➢Manila Bulletin – https://mb.com.ph
HALIMBAWA NG MGA ONLINE NEWS SITES
40
➢ walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon
dahil naglalathala ng mga artikulong may iba’t ibang
panig;
➢ pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa
pamamagitan ng komento at errata; at
➢ hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango
sa ngalan ng isang tao, grupo, o institusyon habang
tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito
Bigyang prayoridad ang online news sites na:
41
➢Website ng pamahalaan
● Philippine Information Agency – http://pia.gov.ph
● Official Gazette – https://www.officiagazette.gov.ph
➢Website ng ahensiya ng pamahalaan
● Kagarawan ng Agrikultura – http://www.da.gov.ph
● Kagarawan ng Edukasyon– https://www.deped.gov.ph
Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang
pananaliksik ay may kaugnayan sa isyung pambansa
42
➢Website ng mga samahang mapanuri at may
adbokasiyang panlipunan
● IBON Foundation – http://ibon.org
● Philippine Center for Investigate Journalism –
http://pcij.org
➢Website na gumagawa ng fact check
● Vera Files – http://verafiles.org/specials/fact-check
Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang
pananaliksik ay may kaugnayan sa isyung pambansa
43
3. Alamin kung ang sanggunian ay
primarya o sekundarya.
44
� ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon
at teksto na DIREKTANG nagmula sa
isang indibidwal, grupo o institusyon na
nakaranas, naka-obserba, o
nakapagsiyasat ng isang paksa o
phenomena.
Primaryang Batis
45
Hal: Harapang ugnayan sa
kapwa-tao
Hal: Materyal na nakaimprenta
sa papel
� Panayam o interbyu
� Pakikipagkwentuhan
� Umpukan at talakayan
� Pagbabahay-bahay
� Pagtatanong-tanong
� Tesis at disertasyon
� Artikulo sa journal
� Mga rekord sa tanggapan
ng gobyerno
� Talumpati
� Balita sa diyaryo, radio at
telebisyon
Primaryang Batis
46
Hal: Iba pang batis
� Harapan o online na sarbey
� Artifact kagaya ng bakas o labi ng dating buhay, specimen, pera,
kagamitan at damit
� Nakarekord na audio at video.
� Mga blog sa internet na naglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon
� Webiste ng mga pampubliko at pribadong ahensiya sa internet
� Mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting at music video.
Primaryang Batis
47
� pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo
mula sa indibidwal, grupo, o institusyon na HINDI
DIREKTANG nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik
sa isang paksa o penomena. Kasama na rito ang
interpretasyon sa mga pangyayari mula sa taong
hindi nakaranas nito o pagtalakay sa gawa ng iba.
Sekundaryang Batis
48
Sekundaryang Batis
Halimbawa:
� Ilang artikulo sa diyaryo at magasin kagaya ng editorial,
kuro-kurong tudling, sulat sa patnugot , tsismis at tsika
� Teksbuk
� Manwal at gabay na aklat
� Kritisismo
� Komentaryo
� Sanaysay
� Sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto
� Mga kagamitan sa pagtuturo kagaya ng PPT
� Sabi-sabi
49
Ang SEKONDARYANG batis ay
maaaring maging PRIMARYANG
batis kung ito ang mismong paksa
ng pananaliksik.
50
Pagbasa at
Pagsulat ng
Paraphrase,
Abstrak at Rebyu
51
Unang teksto
52
Ikalawang teksto
Sa pag-aaral ni Acuna (1997), lumalabas na
mas nagiging malikhain at tumutulong sa
kognitibong pag-unlad ng bata ang paggamit
ng katutubong wika sa kanyang pag-aaral
kaysa sa banyagang wika.
53
Ikatlong teksto
Sa pagtutok ni Lumbera sa mga pormal na katangian ng tulang Tagalog ay kinasangkapan
niya ang pormalistang lapit sa panunuri ng panitikan. Nagawa rito ni Lumbera ang mga
sumusunod:
a. Una, masinsin niyang sinuri ang mga halimbawang tula upang palitawin ang mga elemento
at katangian ng katutubong tula. At sa paglipas ng panahon, ipinakita rin niya kung ano ang
mga pagbabagong nangyari sa mga katangian ng katutubong tula sa harap ng
impluwensiyang banyaga.
b. Ikalawa, sa pagsipat sa mga tula batay sa pinagdaanang kasaysayan ng mga ito,
naipakikita pa rin ni Lumbera ang kontribusyon ng mga tula, sa kabila ng mga kahinaan nito,
sa pag-unlad ng panulaan. Halimbawa, ang mga tula nina San Jose at Santa Ana, bagaman
dahop, ay responsable sa pagpasok ng malaprosang estilo ng pagtula. Ang tula naman ni
Arriola na lumitaw noong siglo-18, bagaman iisang saknong lamang, ay mahalaga dahil ito
ang kauna-unahang tulang sekular na nailimbag.
54
Unang teksto
Abstrak
55
Ikalawang teksto
Sa pag-aaral ni Acuna (1997), lumalabas na
mas nagiging malikhain at tumutulong sa
kognitibong pag-unlad ng bata ang paggamit
ng katutubong wika sa kanyang pag-aaral
kaysa sa banyagang wika.
Paraphrase
56
Ikatlong teksto
Sa pagtutok ni Lumbera sa mga pormal na katangian ng tulang Tagalog ay kinasangkapan
niya ang pormalistang lapit sa panunuri ng panitikan. Nagawa rito ni Lumbera ang mga
sumusunod:
a. Una, masinsin niyang sinuri ang mga halimbawang tula upang palitawin ang mga elemento
at katangian ng katutubong tula. At sa paglipas ng panahon, ipinakita rin niya kung ano ang
mga pagbabagong nangyari sa mga katangian ng katutubong tula sa harap ng
impluwensiyang banyaga.
b. Ikalawa, sa pagsipat sa mga tula batay sa pinagdaanang kasaysayan ng mga ito,
naipakikita pa rin ni Lumbera ang kontribusyon ng mga tula, sa kabila ng mga kahinaan nito,
sa pag-unlad ng panulaan. Halimbawa, ang mga tula nina San Jose at Santa Ana, bagaman
dahop, ay responsable sa pagpasok ng malaprosang estilo ng pagtula. Ang tula naman ni
Arriola na lumitaw noong siglo-18, bagaman iisang saknong lamang, ay mahalaga dahil ito
ang kauna-unahang tulang sekular na nailimbag.
Rebyu
57
❖ Galing ito sa salitang Griyego na
“paraphrasis”, na ang ibig sabihin ay
“dagdag o iba pang paraan ng
pagpapahayag.”
Paraphrase
58
❖ tumutukoy sa pagsasalin ng ideya ng orihinal
na teksto sa mabisa at malinaw na pananalita
na hindi nababago ang tunay na kahulugan.
Ang paraphrasing ay nakatutulong upang
mas mapabilis ang pagbibigay kahulugan sa
binasang teksto. Sa pagsulat ng paraphrase
inilalagay ang pinagkunan ng orihinal na
teksto (APA Style, n.d.)
Paraphrase
59
❖ ay isang uri ng lagom na karaniwang
ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel
tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal
lektyur, at mga report. Ito ay karaniwang
makikita sa unahan ng pananaliksik na
naglalahad ng buod ng akdang akademiko o
ulat. Kinapapalooban din ito ng mga layunin
ng pag-aaral at ang suliranin ng ginawang
pananaliksik.
Abstrak
60
1. Lahat ng nakasulat sa abstrak ay dapat
nakapaloob sa kabuuan ng papel.
2. Hindi isinusulat sa abstrak ang detalyadong
pagpapaliwanag ng mga datos para pahabain ito.
3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon
sa pagsulat ng abstrak.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak
Gervacio, (2020)
61
4. Gumamit ng malinaw at direktang pangungusap.
Iwasan ang pagiging maligoy sa pagsulat ng abstrak.
5. Maging obhetibo. Ilahad lamang ang mga
pangunahing kaisipan.
6. Gawing maikli subalit komprehensibo ang pagsulat
ng abstrak kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman ng pananaliksik.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak
Gervacio, (2020)
62
❖ Ayon kina San Juan, et al. (2019), ang rebyu ay isang
uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay
suriin ang isang akda batay sa nilalaman, istilo at
anyo ng pagkakasulat nito. Naglalaman din ito ng
pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal
na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu.
Gumagamit ang mga nagsusulat ng panunuri sa
rebyu upang magbigay linaw sa nilalaman ng akda
ng sa gayon ay madaling maunawaan ito ng
mambabasa.
Rebyu
63
Presentasyon at
Publikasyon ng
Pananaliksik
64
65
Presentasyon ng
Pananaliksik
66
1. Tukuyin ang pangunahing punto ng papel
pananaliksik.
2. Tukuyin kung sino ang mga magbabasa ng
pananaliksik at kung ano ang mga layunin nito.
3. Tasahin ang iyong mga ebidensiya.
4. Panatilihin lamang ang mahahalagang punto
ng pananaliksik.
5. Pakinisin ang gamit na wika sa kabuuan ng
papel-pananaliksik
Mga Gabay sa Rebisyon
Pananaliksik
Inilahad ni Bansuelo, (n.d.) sa
kanyang artikulo ang iba’t
ibang kahulugan ng
pananaliksik ayon sa
pakahulugan ng
mga eksperto.
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 66
SLIDE
Similar Resources on Wayground
60 questions
Kebangkitan Nasional Indonesia
Lesson
•
8th Grade
60 questions
Números racionais
Lesson
•
5th - 6th Grade
60 questions
Literatura brasileira
Lesson
•
9th - 12th Grade
62 questions
CGH IM Challenge Jun/2025
Lesson
•
Professional Development
62 questions
Présentation de la demande de Pension de Réversion
Lesson
•
1st Grade - University
65 questions
Membrane transport
Lesson
•
University
57 questions
Les Adjectifs Possessifs
Lesson
•
9th - 12th Grade
58 questions
Revisao 3º ano
Lesson
•
12th Grade
Popular Resources on Wayground
15 questions
Fractions on a Number Line
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
29 questions
Alg. 1 Section 5.1 Coordinate Plane
Quiz
•
9th Grade
22 questions
fractions
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
FOREST Effective communication
Lesson
•
KG
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
Discover more resources for Other
15 questions
Fractions on a Number Line
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
29 questions
Alg. 1 Section 5.1 Coordinate Plane
Quiz
•
9th Grade
22 questions
fractions
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
FOREST Effective communication
Lesson
•
KG
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade