Search Header Logo
Week 1-Q2-ADM-Version-2-Filipino-SHS-TVL

Week 1-Q2-ADM-Version-2-Filipino-SHS-TVL

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Edgar Monte

Used 1+ times

FREE Resource

25 Slides • 55 Questions

1

Filipino sa Piling

Larang

Te knikal Bokasyunal

Ikalawang Markahan Unang Linggo

Deskripsyon ng Produkto

2

Deskripsyon ng Produkto

3

Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:

Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo- Deskripsyon ng Produkto (CS_FTV11/12PT-0g-i-94)

4

Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:

1. Nakikilala ang kaligiran sa pagtatala ng mga katawagang teknikal kaugnay sa piniling anyo katulad ng deskripsyon ng produkto;

2. Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap na may kaugnayan sa mga katawagang teknikal batay sa deskripsyon ng isang produkto;

3. Nakapagsasagawa ng isang pananaliksik hinggil sa paglalarawan ng mga katangiang ginagamit sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto mula sa piling trabaho;

5

Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:

4. Naipapaliwanag ang paggamit ng deskripsyon ng produkto at paglalarawan sa mga katawagang teknikal nito;

5. Nakaguguhit ng mga angkop na ilustrasyon o disenyo ng isang produkto na may kaugnayan sa deskripsyon nito at mga gagamiting katawagang teknikal; at

6. Nakalilikha at/o nakasusulat ng isang video presentation/ iskrip na naglalaman ng maayos na paglalarawan ng isang produkto gamit ang mga katawagang teknikal

6

Subukin

Basahin ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.

7

Multiple Choice

Sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto, alin sa sumusunod ang angkop

na kinakailangang simulain?

1

paglalarawan ang manunulat

2

pagsasalaysay ang manunulat

3

pangangatwiran ang manunulat

4

mga kinakailangang datos ang manunulat

8

Multiple Choice

Paano mapapanatili ang angkop na pagkakabuo ng pangungusap sa

pagsulat ng deskripsyon ng produkto?

1

Maging payak

2

Gumamit ng kolokyal na salita

3

Isama ang mga Teknikal na salita

4

Bigyang pansin ang mga salitang naglalarawan sa isnag produkto

9

Multiple Choice

Sa nilalaman ng isang deskripsyon ng produkto, ano ang pangunahing

tungkulin ng mga katawagang teknikal batay sa maayos na

paglalarawan?

1

Maipabatid ang kaalaman sa mga mamimili.

2

Magbigay ng kaukulang pang-akit sa mamimili.

3

Mabigyan ng kaukulang kahulugan ang bawat salita.

4

Maayos na magamit ito sa paglalarawan ng isang produkto.

10

Multiple Choice

Ano ang gamit ng ilustrasyon sa paglalarawan ng isang produkto?

1

Mapukaw ang interes ng mamimili.

2

Maipakita ang mga benepisyo ng produkto.

3

Maipakita ang orihinalidad nito sa karamiha

4

Maipakita ang kabuoang nilalaman ng produkto.

11

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng deskripsyon

ng isang produkto?

1

Masuri at makilatis ang isang produkto.

2

Maipakilala ang nilalaman at benepisyo nito.

3

Magbigay ng masining na paglalarawan sa mamimili.

4

Mabatid ang kahalagahan nito sa pansariling pangangailangan

12

Multiple Choice

Bilang mamimili ng isang produkto, ano ang pangunahing impormasyon

ang kinakailangan na mabatid?

1

nilalaman, kulay, at presyo

2

katangian, kulay, sukat, at benipisyo

3

nilalaman, presyo, at pinagmulang pagawaan

4

benepisyo, katangian, gamit o estilo, at presyo

13

Multiple Choice

Ano ang pangunahing tungkulin ng isang produkto sa isang mamimili?

1

Maipakilala ang orihinalidad nito batay sa pagkakabuo.

2

Maipakita ang kabuoang benepisyo nito sa pangkalahatan.

3

Matugunan ang mga impormasyon na nais maipabatid o maipakilala

4

Maipabatid sa mamimili ang angkop na produkto batay sa kanilang pangangailangan.

14

Multiple Choice

Bakit kinakailangan ng masusing pananaliksik sa mga salita o

terminolohiya sa pagbuo ng paglalarawan sa isang produkto?

1

Upang makabuo ng isang masining at teknikal na paglalarawan

2

Upang maihanay ang mga ito sa kabuoang disenyo ng produkto

3

Upang mabilis na mahikayat ang mamimili sa nilalaman ng produkto

4

Upang maisaayos ang mga ito batay sa malinaw na pagpapakahulugan ng mga teknikal na salita

15

Multiple Choice

Paano isusulat ang mga teknikal na salita sa pagbuo ng deskripsyon

ng produkto?

1

Isulat ito ng buo.

2

Isulat ito ng tuwiran.

3

Isulat ito na may kasamang kahulugan.

4

Isulat ito batay sa salin ng iba pang wika.

16

Multiple Choice

Paano maiaangkop ang teknikal na mga slita sa pagkakabuo ng

paglalarawan ng isang produkto

1

Batay sa gamit

2

Batay sa halaga

3

Batay sa benepisyo

4

Batay kabuoan at nilalaman nito

17

Multiple Choice

Sa pagsunod sa tamang tuntunin mula sa masinop na pagsulat sa

ilalim ng paglalarawan ng isang bagay o produkto, ano ang

kinakailangang tandaan?

1

Isinusulat sa malaking titik ang ikalawang pangalan ng produkto, mga tatak o brandnames, at trademarks.

2

Isinusulat sa malaking titik ang ikalawang pangalan ng produkto, mga tatak o brandnames, at trademarks.

3

Isinusulat sa malaking titik ang simula ng mga pangalan ng produkto, mga tatak o brandnames, at trademarks.

4

Isinusulat sa maliit na titik ang simula ng mga pangalan ng produkto, mga tatak o brandnames, at trademarks.

18

Multiple Choice

Ano ang kahalagahan ng maayos na paggamit ng teknikal na salita sa

loob ng pangungusap sa pagbuo ng deskripsyon ng produkto?

1

makatulong sa katangiang taglay ng produkto.

2

makabuo ng isang tuwirang pagpapakahulugan.

3

mabilis na maintindihan ng mamimili ang nais ilarawan ng produktong ibebenta.

4

makabuo nang maayos na paglalarawan mula sa hinihinging benepisyo ng produkto.

19

Multiple Choice

Sino ang nararapat na pokus ng deskripsyon ng produkto upang

makatugon sa kabuoang serbisyo nito?

1

target na mamimili

2

manunulat

3

nilalaman ng produkto

4

teknikal na mga salita

20

Multiple Choice

Anong salita ang maaaring magamit upang magkaroon ng orihinalidad

ang kabuong katangian ng produkto?

1

mas nakahihigit

2

mas nakaangat

3

mas kakaiba

4

mas nakakatawag-pansin

21

Multiple Choice

Paano makukuha ang interes ng isang mamimili sa isang produkto?

1

Dalhin ang mamimili sa likhang sining mula sa paglalarawan ng isang produkto.

2

Dalhin ang mamimili sa likhang panulat mula sa paglalarawan ng isang produkto.

3

Dalhin ang mamimili sa likhang produkto mula sa paglalarawan ng isang produkto.

4

Dalhin ang mamimili sa likhang imahinasyon mula sa paglalarawan ng isang produkto.

22

Balikan

Isulat sa nakalaang patlang ang letrang T kung TAMA ang isinasaad ng mga pahayag at M naman kung MALI.

23

Multiple Choice

Naglalaman ang poster ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa larawan o ibig iparating na mensahe sa biswal na paraan.

1

TAMA

2

MALI

24

Multiple Choice

Pinakamaikling uri ng promotional material ang brochure at may isa o dalawang impormasyon ang nakapaloob sa kabuoan nito.

1

TAMA

2

MALI

25

Multiple Choice

Ang mga uri ng promotional material ay ang mga flyer at brochure.

1

TAMA

2

MALI

26

Multiple Choice

Isa sa mga layunin ng pagsulat ng flyer ay makapagbigay ng malawak na pangangatwiran sa nilalaman na kinakailangan ng mga mamimimili.

1

TAMA

2

MALI

27

Multiple Choice

Isang katangian ng isang flyer o leafleat ay naglalaman ito ng mga impormasyon hinggil sa isang produkto o napiling serbisyo

1

TAMA

2

MALI

28

Open Ended

Question image

Tuklasin

A. Pumili ng isa hanggang tatlong (3) taong kasama sa iyong bahay at itanong ang pinakahuling bagay na kanilang binili at ipalarawan sa kanila ang mga ito. Gamitin ang ilustrasyon sa ibaba sa pag-iisa-isa ng iyong sagot.

29

Open Ended

Question image

Magtala ng mga impormasyong maaaring makita sa nilalaman ng isang deskripsyon ng produkto at ibigay ang mga dahilan kung bakit ito mahalaga. Isulat ito sa nakalaang ilustrasyon sa ibaba.

30

Suriin

Ang Deskripsyon ng Produkto

Sa pagkilala natin sa isang produkto na nais bilhin upang maging tugon sa personal na pangangailanagan, ito ay naglalaman ng sistematikong paglalarawan batay sa kabuoang serbisyo nito.

31

Suriin

Sa kasanayan ng teknikal na pagsulat ng isang deskripsyon ng produkto ay mahalagang isa-isahin nang maayos ang mga tiyak na katangiang nais ilahad. Kaugnay nito, ang pagiging payak at makatotohanan ang magbibigay ng malinaw na pagkaunawa ng mamimili.

32

Suriin

Sa istruktura ng paglalahad ay kalimitang binubuo ng tuwiran at detalyadong paglalarawan sa mga produktong inaasahan ng mga ibig bumili o nais gumamit nito.

33

Suriin

Binubuo ang mga salita sa paglalarawan ng isang produkto mula sa pormal na pagkakagamit ng wika. Kalimitang makikita ang iba pang teknikal na salita kung ito ang pangangailangang deskripsyon ng bibilhing produkto.

34

Kahalagahan ng Deskripsyon ng Produkto

1. Upang maipabatid sa mamimili ang kaukulang impormasyon hinggil sa mga benipisyo, katangian, gamit o estilo, at presyo.

2. Pagpapakita sa mamimili ng angkop na produkto batay sa kanilang pangangailangan.

3. Pagpapataas sa kalakasan ng produkto sa larang ng kompetensiya sa merkado.

35

Paraan sa Paglilista ng mga Katawagan Teknikal na Ginagamit sa Pagsulat ng Deskripsyon ng isang Produkto

1. Magsaliksik ng mga salita o terminolohiya na aangkop sa maayos na gagawing paglalarawan sa isang produkto at humanap ng mga salitang makakaapekto sa kanilang pandama.

2. Isulat ng buo ang teknikal na salita sa paglalarawan at iwasan na isalin ito sa iba pang wika upang di magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.

3. Iangkop ang teknikal na mga salita sa pagkakabuo ng paglalarawan sa isang produkto na naaayon sa nilalaman nito.

36

Paraan sa Paglilista ng mga Katawagan Teknikal na Ginagamit sa Pagsulat ng Deskripsyon ng isang Produkto

4. Sumunod sa tamang tuntunin mula sa masinop na pagsulat sa ilalim ng paglalarawan ng isang bagay o produkto.

5. Isinusulat sa malaking titik ang simula ng mga pangalan ng produkto, mga tatak o brandnames, at trademarks.

6. Sistematikong isaayos ang mga teknikal na salita sa loob ng pangungusap upang mabilis na maintindihan ng mamimili ang nais ilarawan ng produktong ibebenta.

37

media

38

Pagyamanin

Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan

39

Open Ended

Question image

Para sa bilang 1-3: Batay sa larawan, isa-isahin ang mga teknikal na salita na nakapaloob sa produkto at bigyan ito ng kahulugan.

40

Open Ended

Para sa bilang 4-5: Bakit mahalaga ang mga teknikal na salita sa pagbuo ng isang deskripsyon ng produkto?

41

media

42

Draw

Mula sa napili, ilarawan ang mga katangiang ginagamit sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto. Inaasahan na makapagtatala ka ng hindi bababa sa tatlong katangian.

Maaaring gumamit ka ng mga sanggunian na makikita sa internet.

Isulat sa malinis na papel ang mga katangiang ito at tiyaking isulat ang bibliyograpiya/sanggunian ng pinagkuhanan ng impormasyon.

43

Gawain 3 Pag-unawa sa Paglinang na Kasanayan

44

Open Ended

Ano ang natutuhan mo sa ginawang pananaliksik?

45

Open Ended

Ano ang masasabi mo tungkol sa produktong napili hinggil sa pagsulat ng deskripsyon?

46

Open Ended

May epekto kaya ang deskripsyon ng produkto sa kabuoang nilalaman nito? Isa-isahin.

47

Open Ended

Sa iyong mga nasaliksik na pagbibigay ng maayos na deskripsyon ng produkto, masasabi mo bang naging epektibo ang paggamit nila ng mga katawagang teknikal? Ipaliwanag

48

Open Ended

Ano-ano ang mga kahinaan at kalakasang nakita mo sa pagsulat ng isang deskripsyon ng produkto?

49

Isaisip

Punan ang hinihinging impormasyon sa nakalaang patlang. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

50

Fill in the Blanks

media image

51

Fill in the Blanks

media image

52

Fill in the Blanks

media image

53

Fill in the Blanks

media image

54

Fill in the Blanks

media image

55

Fill in the Blanks

media image

56

Fill in the Blanks

media image

57

Fill in the Blanks

media image

58

Fill in the Blanks

media image

59

Fill in the Blanks

media image

60

Fill in the Blanks

media image

61

Isagawa

Mula sa ilustrasyon sa ibaba, lumikha ng isang poster na naglalaman ng isang produkto batay sa inyong hilig o interes. Maaaring tunay o sariling likhang produkto. Iguhit ito na may kabuoang layunin na maakit ang mamimili na bumili ng iyong produkto. Sumulat ng maikling paglalarawan na ginagamitan ng mga katawagang teknikal.

62

media

63

Open Ended

Bakit kailangang mabatid ng isang mamimili ang maayos na deskripsyon ng produkto?

64

Open Ended

Paano makatutulong ang mga katawagang teknikal na ginamit sa paglalarawan ng isang produkto? Ipaliwanag.

65

Tayahin

66

Multiple Choice

Ano ang kinakailangang nilalaman ng isang produkto upang higit na

makilala ito bilang tugon sa personal na pangangailangan ng mamimili?

1

Ito ay naglalaman ng mga larawan na may maayos na pagsasalaysay.

2

Ito ay naglalaman ng pagkakasunod-sunod na pamamaraan ng paggamit.

3

Ito ay naglalaman ng sistematikong paglalarawan batay sa kabuoang serbisyo nito.

4

Ito ay naglalaman ng iba’t ibang teknikal na mga salita na madaling mabatid ng mambabasa mula sa produkto.

67

Multiple Choice

Ano ang tungkulin ng kasanayang teknikal sa pagsulat ng isang

deskripsyon ng isang produkto?

1

Maayos na mailahad ang pangunahing layunin ng produkto

2

Mailapit ang kabuoang interes sa pag-unawa ng isang mamimili.

3

Isa-isahin nang maayos ang mga tiyak na katangiang nais ilahad.

4

Pagpapangkat batay sa antas ng kahulugan sa nilalaman ng isang produkto.

68

Multiple Choice

Ano ang magiging bunga sa mamimili ng isang produkto kung ang

pagiging payak at makatotohanan ang nilalaman ng isinulat na deskripsyon?

1

Magbibigay ito ng mabilis na pamukaw interes.

2

Magbibigay ito ng malinaw na pagkaunawa sa mamimili.

3

Magkakaroon ito ng kalituhan sa kabuoan ng produkto.

4

Magbibigay ito ng pagkakataon na tumingin pa ang mamimili sa iba pang produkto.

69

Multiple Choice

Batay sa istruktura ng paglalahad ng isang produkto, paano ito

nabubuo?

1

payak at detalyadong pagsasalaysay

2

tuwiran at detalyadong paglalarawan

3

tuwiran at sistematikong paglalahad

4

di-tuwiran at teknikal na paglalarawan

70

Multiple Choice

Anong uri ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng kabuoang deskripsyon

ng produkto?

1

Kolokyal

2

Payak

3

Tuwiran

4

Pormal

71

Match

Match the following

Inaasahan ng isang mamimili batay sa pansariling pangangailangan.

Kabuoang paglalarawan sa nilalaman ng isang produkto.

Pamamaraan ng isang produkto na kaiba sa karamihan.

Kaanyuan ng isang produkto na nagpapakilala sa gamit nito

Bahagi ng isang produkto na kinikilala ang kaukulang halaga nito na kinakailangang mabatid ng isang mamimili.

Benepisyo

Deskripsyon

Pamamaraan

Estilo

Presyo

72

media

73

Fill in the Blanks

74

Fill in the Blanks

75

Fill in the Blanks

76

Fill in the Blanks

77

Fill in the Blanks

78

media

79

Video Response

Question image

Lumikha ng maikling video gamit ang iyong cellphone upang makabuo ng isang malikhaing patalastas. Gumamit ng mga likhang larawan na magpapakilala sa iyong produkto.

video
Open Video Recorder

80

media

Filipino sa Piling

Larang

Te knikal Bokasyunal

Ikalawang Markahan Unang Linggo

Deskripsyon ng Produkto

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 80

SLIDE