Search Header Logo

NILALAMAN NG IBONG ADARNA (UNANG BAHAGI-MAHIRAP)

Authored by Sannylyn Miñon

Other

7th Grade

Used 8+ times

NILALAMAN NG IBONG ADARNA (UNANG BAHAGI-MAHIRAP)
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

8 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 5 pts

Alin sa sumusunod ang hindi nakatulong kay Don Juan para magtagumpay sa kanyang misyong mahuli ang Ibong Adarna?

Paghingi ng patnubay at gabay sa Birheng Maria

Pagsunod sa payo ng ermitanyo

Pagtulong sa dalawang kapatid na naging bato

Pagtulong sa matandang leproso

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 5 pts

Hindi kaya baga ito

ay sa Diyos na sikreto?

Kawangis ni Hesukristo

ang banal na ermitanyo?

Sang-ayon sa turo ng Katolisismo, ano ang ipinahihiwatig na konsepto nito?

Himala

Kababalaghan

Misteryo

Talinhaga

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 5 pts

Sa araw na kayo’y muling

magkasala kahit munti,

patawarin kayo’y hindi

sinuman nga ang humingi.

Ano ang mensaheng nakapaloob sa saknong?

Ang pagkakamaling nagagawa ng tao ay may karampatang parusa.

Ang problema ay bahagi ng buhay ng bawat nilalang.

Kapag gumawa ng kasalanan ay pagpapatawad ang solusyon.

Maraming problemang nararanasan ang mga tao.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 5 pts

Sa lambing ng mga awit,

ang prinsipeng nakikinig,

mga mata’y napapikit,

nakalimot sa daigdig.

Mula sa saknong, ano ang nais nitong ipahiwatig?

Ang taong tumitingin lamang sa ganda, sa tukso ay madalas nadadala.

Ang taong layo’y kinalimutan, maliligaw sa patutunguhan.

Ang taong madaling maloko, madalas malapit sa gulo.

Ang taong madaling matukso, madalas natatalo.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 5 pts

Nang sa Birhe’y makatawag

ay sandaling namanatag,

lubusang nagpasalamat

sa Diyos, Haring mataas.

Ano ang mahihinuhang aral sa saknong na ito?

Ang Diyos ay mataas na dapat tawagin at tingalain.

Ang pagtawag sa Diyos ay mabisa para magtagumpay sa mga pagsubok.

Ang pananalig sa Diyos ay nagbibigay ng kapayapaan sa kalooban.

Sa oras ng pangangailangan, dapat lamang na tumawag sa Diyos.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 5 pts

Huwag nating tutularan

ang ugaling di mainam

na kaya lang dumaramay

ay nang upang madamayan.

Ano ang kaisipang mabababatid sa saknong?

Ang pagdamay ay dapat gawin lamang sa mga malalapit na kaibigan.

Ang pagiging matulungin ay isang tungkulin ng lahat ng tao.

Ang pagtulong ay dapat bukal sa kalooban, hindi lamang kung kailan kailangan.

Ang pagtulong sa iba ay hindi mahalaga kung wala namang kapalit.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 5 pts

Noon niya napagsukat

ang sa tao palang palad

magtiwala ay mahirap

daan sa pagkapahamak.

Alin sa sumusunod ang taliwas sa kaisipang mahihinuha sa saknong?

Ang labis na pagtitiwala ay maaaring magdulot ng kapahamakan.

Kahit na sinuman, bago pagkatiwalaan ay dapat pag-isipan.

Maging mapanuri sa lahat ng oras, upang ang pagtataksil ay hindi madanas.

Mahalagang pundasyon sa anomang relasyon ang pagtitiwala sa lahat ng pagkakataon.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?