WorksheetsPE 5 - KATUTUBONG SAYAW
Total questions: 10
Worksheet time: 7mins
Anong tawag sa posisyon sa sayaw kung ilalagay ang isang braso sa harap at isang braso sa likod sa may baywang?
hayon-hayon
sarok
do-si-do
saludo
Alin sa mga sumusunod ang step pattern ng bleking?
Heel-place, close
Step, swing
slide, close
Step, close, step
Si Ronny ay madalas mangalay at sumakit ang mga braso pag sumasayaw. Ano ang maaari niyang gawin upang maiwasan ang pangangalay at pagsakit ng mga braso at binti?
tumalon ng paulit-ulit
pumadyak ng paulit-ulit
mag warm up-exercise
wala sa mga nabanggit
Si Lando at ang kanyang mga kaibigan ay magsasayaw ng katutubong sayaw sa kanilang Barangay . Alin sa mga sumusunod na mga pangunahing galaw ang dapat muna nilang matutunan para maisagawa nila ng maayos ang kanilang pagsasayaw?
Bleking, Change step, Slide step
Blanking, Hop step, drag step
hop step, long step, stamp step
Lahat ng nabanggit
Ano ang katawagang galaw sa sayaw sa paraan ng pagyuko ng magkapareha sa harap ng mga manonood ?
Sarok
Tap
Do-si-do
Saludo
Paano nahuhubog ng pagsasayaw ang kagandahang pag-uugali ng isang batang Pilipino ?
Pinatitibay nito ang pagkakaibigan, pagsasamahan ng bawat mananayaw.
Nagpapakita ng malalaswang galaw na hindi angkop sa mga bata.
Naipapakita ang pagkakawatak-watak ng bawat miyembro ng grupo.
Nagiging aktibo sa pagsasayaw at walang kapaguran sa pagsasayaw.
Bakit mahalaga na matutunan ng isang bata ang mga katutubong sayaw?
upang maging sikat sa iba
upang malaman ang ating kultura at ito ay mapalago pa
upang maging magaling na mananayaw
upang magkaroon ng maraming kakilala
Alin sa sumusunod ang isang halimbawa ng war dance?
Cariñosa
Don Romantiko
Tinikling
Maglalatik
Ano ang nakakatulong upang makalikha ng maayos na galaw sa isang sayaw?
ritmo
tema
kuwento
props
Ang maglalatik ay isang halimbawa ng katutubong sayaw. Ito ay kadalasang sinasayaw sa mga pagtitipon na isinasagawa ng mga grupo ng kalalakihan. Paano mo mailalarawan ang sayaw na Maglalatik? Ang sayaw na Maglalatik ___________.
isang war dance na batay sa pakikidigma ng mga amerikano laban sa kristiyano para sa latik.
isang war dance na batay sa pakikidigma ng mga moro laban sa hapon para sa latik
isang war dance na batay sa pakikidigma ng mga moro laban sa kristiyano para sa latik
isang war dance na batay sa pakikidigma ng mga espanyol laban sa kristiyano para sa latik
