NEW
Font size
WorksheetsReview Quiz Filipino 10
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Akdang pampanitikang hango sa Banal na Kasulatan. Ito ay naglalaman ng mga aral ni Hesukristo.
Mitolohiya
Pabula
Parabula
Alamat
Alin sa mga salita ang naiiba ang kahulugan?
Banta
Babala
Ganti
Aling salitang maylapi ang naiiba ang kahulugan?
minahal
iniibig
sinisinta
hinahangaan
Sino sa sumusunod ang kapatid ni Epimetheus?
Apollo
Prometheus
Herakles
Hephaestos
Bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at nagbinigay-buhay sa lipon ng mga salita.
pangngalan
pandiwa
pang-uri
pang-angkop
Ano ang uri ng pandiwa kung may tuwirang layong tumatatanggap sa kilos?
palipat
katawanin
aksiyon
karanasan
Ito'y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.
perpektibo
imperpektibo
kontenplatibo
katawanin
Akdang pampanitikang karaniwang itinatampok ang mga tauhang diyos at diyosa, maging ang kanilang pakikipagsapalaran sa mundo ng mga tao, buhay pag-ibig, at pakikidigma.
alamat
mitolohiya
pabula
parabula
Aling salita ang naiiba ang kahulugan?
naantala
nainip
nahuli
natagalan
Sa "Parabula ng Sampung Dalaga" ginamit ni Hesus ang binata bilang simbolo ng...
Panginoon
Mga lalaki
Kaniyang muling pagbabalik
Tamang edad sa pag-aasawa
Anong kakanyahan o katangian ang lutang na lutang sa akdang "Ang Parabula ng Sampung Dalaga?"
Ito'y isang akdang nagbabalita.
Ito'y isang akdang nangungumbinsi.
Ito'y isang akdang naglalarawan.
Ito'y isang akdang nagsasalaysay.
Ito ay pakikipagtalastasang karaniwang isinasagawa nang harapan. Maaari ding sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa telepono, video call sa fb messenger, Facetime, at iba pa.
Berbal
Di berbal
Pasulat
Ayon sa mga balita, patuloy na nakararanas ng kaguluhan ang bansang Israel. Alin sa sumusunod ang ginamit na pang-ukol?
ayon sa
patuloy
nakararanasa
Israel
Pasa sa kaligtasan ng mga manggagawa ang utos kaya marami ang tumalima. Alin sa sumusunod ang pangatnig?
para sa
kaligtasan
kaya
tumalima
____________ naririto pa si Hesus, ano ______________ ang mararamdaman niya sa ganitong pangyayari sa kanyang bansa? Punan ng wastong pang-ugnay.
Kung, kaya
Ngunit, anupa
Bago, nang
Datapwa, kaya
Ito ay kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.
pang-angkop
pang-ukol
pangawing
pangatnig
Mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay, o payak na pangungusap.
pang-angkop
pang-ukol
pangawing
pangatnig
Aling salita ang naiiba sa sumusunod?
matatag
matibay
maganda
malakas
Ang pandiwang likas na walang simuno tulad ng "Umuulan!" ay kabilang sa uri...
aksiyon
katawanin
palipat
karanasan
Kabilang sa uring ito ng komunikasyon ang liham, e-mail, SMS, chat sa Messenger, o post at komento sa FB, Twitter, Instagram, at iba pang hatirang pangmadla. Gayundin ang mga nalathalang materyal tulad ng aklat, magasin, diyaryo, blog, at iba pa.
berbal
di berbal
pasulat
elektriniko
