wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 9 3rd Quarter Test Prt -2

Total questions: 50

Worksheet time: 32mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas?

a)

Pagpapasidhi ng damdamin

b)

Pamaksang pangungusap

c)

Pangangatwiran

d)

Kantasan ng Pang-uri

2.

Siya ang taong nagsalin ng tulang "Elehiya sa kamayatan ni kuya"?

a)

Gordon Fillman

b)

Julieta U. Rivera

c)

Pat V. Villafuerte

d)

Noli Villanueva

3.

Anong bansa ang kinatawan ng tulang " Elehiya sa kamatayan ni kuya" kung saan matatagpuan sa dulong hanay ng Himalaya sa pagitan ng Tibet sa hilaga at India sa Timog-Silangan, at Timog-Kanlurang bahagi nito.

a)

Syria

b)

Bhutan

c)

India

d)

Israel

4.

Tinaguriang Driglam Namzha dahil sa pagpapatuloy ng kultura at tradisyon kung saan nakapaloob ang tuntunin ng magandang-asal, tamang pananamit, paraan ng pagkain, pakikipag-usap at pagbibigay galang sa opisyal ng gobyerno at mga saserdote.

a)

BHUTAN

b)

SAUDI ARABIA

c)

ISRAEL

d)

INDIA

5.

Ang Elehiya sa Lungsod na Di Pa Naisisilang na isinulat ni Abdul Wahab Al-Bayati ay isang uri ng Martial Elegy sa kadahilanang?

a)

Ito gumamit ng mga matatalinhagang salita at nakapatungkol sa tradisyonal na karunungan

b)

Ito ay pumapaksa sa bayan at kabayanihan

c)

Ito ay karaniwan na nagbibigay ng karangalan sa mga tauhan na kaniyang nabanggit

d)

Wala sa Nabanggit

6.

Ang Elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni hinggil sa kamatayan.Alin sa mga sumusunod ang HINDI ipinapaksa ng elehiya?

a)

Pagluluksa

b)

Kamatayan

c)

Pakikipagtunggali

d)

Kabayanihan at Pakikibaka

7.

Ionians ang mga Griyego mula sa Silangan na nanguna sa paglikha ng isang Elehiya. Ito ay elemento ng elehiya na ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang konkretong kaisipan at pwedeng pagbasehan ang karanasan.

a)

Tema

b)

Kaugalian

c)

Simbolismo

d)

Damdamin

8.

Ang Elegos ay isang tulang ibinibigkas upang ipagluksa ang mga namatay. Ito ay isinasagawa sa paraang?

a)

Pag-awit kasabay ng plauta

b)

Pagsayaw kasabay ng timboli

c)

Pagbigkas kasabay ng kilos

d)

Pagtula kasabay ng pagdula

9.

Ang elehiya ay may iba't ibang elemento at katangian. Ito ay elemento ng elehiya na ginagamit sa pagpapahiwatig ng isang ideya o kaisipan.

a)

Tema

b)

Tradisyon

c)

Simbolismo

d)

Kaugalian

10.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga elemento ng elehiya?

a)

Tagpuan

b)

Tauhan

c)

Tanghalan

d)

Tema

11.

Ano ang nagpapahayag ng tungkol sa kamatayan o kaya ay tula ng panangis lalo na sa paggunita ng isang yumao?

a)

Oda

b)

Elehiya

c)

Awit

d)

Dalit

12.

Ano ang pangalan ng maituturing na pinakaprotagonista sa epikong Rama at Sita?

a)

Hades

b)

Jupiter

c)

Ravana

d)

Hari ng Unggoy

13.

Ano ang dahilan kung bakit nais ni Sita ipahuli ang gintong usa kay Rama?

a)

Nais niyang ipapatay dahil kinain nito ang tanim niyang halaman.

b)

Gusto niyang ulamin ang usa dahil uso ito sa panahong iyon.

c)

Gusto niyang magkaroon ng alagang usa.

d)

Gusto niyang makuha ang mga bato sa sungay ng usa.

14.

Maraming kilalang mga akda sa buong mundo ang pinag-aaralan upang matuloy ang mga kaugalian at paniniwala ng mga bansang pinanggalinagan nito. Siya ang sumulat ng epikong Ramayana na pinagmulan o pinagsalinan ng epikong Rama at Sita.

a)

Rishi Valmiki

b)

Irish Valmiki

c)

Pat Villafuerte

d)

Rene Villanueva

15.

Ano ang pangunahing relihiyon na masasaksihan sa epikong Rama at Sita?

a)

Buddhism

b)

Islam

c)

Hinduism

d)

Kristiyano

16.

Ito ay akda mula sa India kung saan Isinasalaysay nito ang panganib na pakikipagsapalaran ng kinikilalang bayaning si Rama at ng kanyang asawang si Sita.

a)

Mahabharata

b)

Ramayana

c)

Kalidasa

d)

Pintang Indian

17.

Ito ay akda sa India kung saan ay naglalarawan ng mga debosyon ng Indian sa kinikilala nilang Diyos na si Krishna.

a)

Mahabharata

b)

Ramayana

c)

PintangIndian

d)

Kalidasa

18.

Ito ay tumutukoy sa panitikang nagawa sa subkontinente ng Indiya hanggang 1947 at sa Republika ng Indiya pagkaraan ng taong ito kung saan ipinasa sa pamamagitan ng bukambibig.

a)

Rama At Sita

b)

Panitikang Indiyano

c)

Tulang Indiano

d)

Pintang Indiyano

19.

Ang epiko ay isang mahabang salaysay na patula patungkol sa ___ ng pangunahing tauhan.

a)

Kapangyarihan

b)

Kabutihan

c)

Kababalaghan

d)

Kabayanihan

20.

Ayon sa epiko, sino ang hari ng higante at demonyo?

a)

Ravana

b)

Ravena

c)

Rama

d)

Sita

21.

Tauhan sa epikong may kakayahang magbago ng hugis at anyo.

a)

Lakshamanan

b)

Rama

c)

Maritsa

d)

Surpanaka

22.

Ano ang dahilan ni Maritsa bakit ayaw niyang labanan ang magkapatid na Rama at Lakshamanan?

a)

Dahil kakampi nila ang Diyos.

b)

Dahil may taglay silang kapangyarihan.

c)

Dahil makisig ang magkapatid.

d)

Dahil natatakot siya sa magkapatid.

23.

Ito ang tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat. Ito ay galing sa India.Ang wikang ito ay pangunahing ginagamit sa liturhiya ng mga relihiyong Hinduismo, Budismo, at Jainismo

a)

Hindu

b)

Sanskrit

c)

Devanagari.

d)

Gurmukhi

24.

Ano ang inihuhulog ni Sita mula sa alapaap para magsilbing palatandaan ni Rama upang mahanap siya?

a)

Bulaklak

b)

Dyamante

c)

Alahas

d)

Hibla ng buhok

25.

Sino ang hiningan ng tulong ni Rama sa pagsalakay niya sa kaharian ng Lanka?

a)

Kaharian ng Tutubi

b)

Kaharian ng Dragon

c)

Kaharian ng Unggoy

d)

Kaharian ng Demonyo

26.

Nagturo kung saan dinala ni Ravana si Sita.

a)

Aso

b)

Usa

c)

Ibon

d)

Agila

27.

Kapatid ni Rama na nakahagip sa tenga at ilong ng higante.

a)

Surpanaka

b)

Lakshamanan

c)

Maritsa

d)

Sita

28.

Ito ay Epikong kilala rin bilang Epikong Pambayani, na siyang naglalaman ng mga karakter na may kakaibang kapangyarihan. Sinauna sapagka’t nagpasalinsalin ito mula sa sinaunang panahon hanggang ngayon.

a)

Sinauna

b)

Makabago

c)

Pakutya

d)

Tradisyonal

29.

Ang mga akdang pampanitikan ay may iba't ibang elemento na nagpapalitaw sa kanilang kakanyahan. Ito ay elemento ng epiko kung saan ang lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari.

a)

TAUHAN

b)

TAGPUAN

c)

TUGMA

d)

SUKAT

30.

Ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.Ito rin akdang pampanitikang nagsimula sa iba’t ibang pangkat-etniko, rehiyon, at lalawigan ng bansa. Ito ay nailipat o naipabahagi sa pamamagitan ng pasalin-saling pagkukwento (pasalindila) o pagsasalaysay lamang.

a)

ALAMAT

b)

BUGTONG

c)

EPIKO

d)

MAIKLING KWENTO

31.

Isang kasanayan sa paglinang ng talasalitaan na paghahanay ng salita batay sa digri o antas ng kahulugan.

a)

Denotasyon

b)

Konotasyon

c)

Pagkiklino

d)

Context Clues

32.

Ano ang ipupunong salita sa patlang batay sa pagkiklino: (1)_______, (2) saya, (3) tuwa?

a)

Hagikhik

b)

galak

c)

ngiti

d)

ismid

33.

Anong salita ang ipupuno sa patlang batay sa pagkiklino: (1) paghangan, (2) __________________, (3) pagliyag?

a)

pagkagusto

b)

pagmamahal

c)

pagsinta

d)

pagkaharuyo

34.

Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita: takot -kaba - pangamba

a)

kaba - takot - pangamba

b)

pangamba -takot - kaba

c)

kaba - pangamba - takot

d)

takot - kaba - pangamba.

35.

Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita: anas - bulong - sigaw

a)

sigaw - anas - bulong

b)

bulong - anas - sigaw

c)

bulong - sigaw - anas

d)

anas - bulong - sigaw

36.

Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita: iyak - hikbi - panaghoy

a)

iyak - hikbi - panaghoy

b)

hikbi - panaghoy - iyak

c)

iyak -panaghoy - hikbi

d)

hikbi - iyak - panaghoy

37.

Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita: pagkagusto, paghanga, pag-ibig

a)

paghanga - pagkagusto - pag-ibig

b)

pagkagusto - paghanga - pag-ibig

c)

paghanga - pag-ibig - pagkagusto

d)

pagkagusto, pag-ibig - paghanga

38.

Sa mga salita na nasa ibaba, piliin ang nasa pinakasimpleng damdamin?

a)

masaya

b)

nagagalak

c)

natutuwa

39.

Piliin ang nasa pinakamasidhing damdamin

a)

marunong

b)

matalino

c)

dalubhasa

40.

Anong salita ang nasa katamtamang emosyon.

a)

ngiti

b)

tawa

c)

halakhak

41.

Piliin ang nasa pinakasimpleng emosyon

a)

lumbay

b)

pighati

c)

dalamhati

42.

Piliin ang ang may pinakamasidhi na emosyon.

a)

hikbi

b)

iyak

c)

hagulhol

43.

Batay sa “Alamat ng Alamat,” nagana pang pangyayaring ito noong unang panahon. Anong uri ng pang-abay ito?

a)

Panlunan

b)

Pamanahon

c)

Pang-agam

d)

Ingklitik

44.

Anong pang-abay ito na ang katagang o parirala na ginagamit ay baka, marahil at parang?

a)

Panggaano

b)

Pananggi

c)

Pang-agam

d)

Panang-ayon

45.

Pang-abay na nagsasaad kung kalian ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa (verb) sa pangungusap.

a)

Panggaano

b)

Ingklitik

c)

Pamanahon

d)

Panlunan

46.

Anong uri ng pang-abay ang nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos o taglay ng pandiwa?

a)

Panlunan

b)

Pamanahon

c)

Pamaraan

d)

Panggaano

47.

"Kailangan ni Aling Lydia ng isang dosenang itlog." Anong uri ng pang-abay ang pangungusap ito?

a)

Pamaraan

b)

Panlunan

c)

Pamanahon

d)

Panggaano

48.

"Mahusay na nagtalumpati si Bea sa harapan ng mga mag-aaral at guro ng kanilang paaralan." Anong uri ng pang-abay ang pangungusap na ito?

a)

Pamaraan

b)

Pamanahon

c)

Panlunan

d)

Ingklitik o Paningit

49.

"Dadalo rin sa kanyang kaarawan ang matalik niyang kaibigan." Anong uri ng pang-abay ang pangungusap na ito?

a)

Pamaraan

b)

Panlunan

c)

Pamanahon

d)

Ingklitik o Paningit

50.

"Gumawa kami ng proyekto kina Lorna." Anong uri ng pang-abay ang pangungusap na ito?

a)

Pamaraan

b)

Panlunan

c)

Pamanahon

d)

Ingklitik o Paningit