wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 9-1st Quiz 23-24

Total questions: 55

Worksheet time: 31mins

Name
Class
Date
1.

Saan balak iligaw ni Adrian ang kanyang ama?

a)

paaralan

b)

simbahan

c)

mall

d)

gubat

2.

Ano ang propesyon ni Adrian?

a)

Titser

b)

Doktor

c)

Abogado

d)

Enhinyero

3.

Bakit balak iligaw ni Adrian ang kanyang ama?

a)

dahil hindi niya ito tunay na ama

b)

dahil napapagod na siya sa pag-alaga dito

c)

dahil gusto na rin niyang mag-abroad

d)

dahil gusto niyang maging masaya na walang inaalagaan na ama

4.

Anong palatandaan ang ginawa ng ama ni Adrian?

a)

binabali ang sanga ng kahoy

b)

mga bato

c)

sinusulatan ang daanan

d)

nilalagyan ng tela

5.

Ano ang ginawa ni Adrian upang mapawi ang nararamdaman ng kanyang ama?

a)

pinakain sa mamahaling restaurant

b)

dinala sa hospital at pinagamot

c)

humingi ng tawad at nangangakong hindi na niya ulit ito gagawin

d)

iniwan sa home for the aged

6.

Mula sa anong bansa ang maikling-

       kuwentong “Nang Minsang Naligaw Si Adrian?”

a)

Indonesia

b)

Malaysia

c)

Singapore

d)

Thailand

7.

Ang mga pangyayari sa kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian” ay

maaaring sumasalamin sa mga pangyayari sa tunay na buhay. Alin sa

sumusunod ang mabigat na mensaheng nakapaloob sa akda?

a)

A. Matutong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap.

b)

B. Maaaring bumitaw kung hindi na kaya ang responsibilidad.

c)

C. Maraming responsibilidad na dapat gampanan ang isang anak.

d)

D. Walang kapantay ang halaga ng magulang kaya hindi sila dapat

ipagpalit kahit sa anomang bagay.

8.

Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras. Ang pangyayaring ito ay nagbibigay ng kahulugang ________.

a)

a.      Si Adrian ay nababagot na bilang doktor.

b)

b.      Nais ni Adrian na magkaroon ng oras para sa sarili.

c)

c.      Si Adrian ay nakaramdam ng inggit sa kanyang mga kasamahan.

d)

d.      Nais ni Adrian na lumaya at magkaroon ng oras at panahon sa sarili.

9.

Ito ang katangiang ipinakita ng ama sa pangyayari sa kuwento Minsang Naligaw si Adrian.

a)

a.      amang mapagmahal at maunawain

b)

b.      amang mapagbigay sa anak

c)

c.      amang iresponsable

d)

d.      amang nalulong sa bisyo at nananakit

10.

Panganay sa magkakapatid si Adrian.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Pangarap ni Adrian maging isang inhinyero.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Bulag ang ama ni Adrian kaya siya nahihirapang alagaan ito. 

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Nais na rin ni Adrian makahanap ng babaing makakasama habambuhay.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Lumaki si Adrian na punong-puno ng pagmamahal mula a kaniyang mga magulang at mga kapatid.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Kuntento na si Adrian sa kaniyang buhay.

a)

MALI

b)

TAMA

16.

Nagpumiglas ang tatay ni Adrian nang kargahin siya patungong kagubatan.

a)

MALI

b)

TAMA

17.

Tanggap ng tatay ni Adrian ang plano sa kaniya ng sarili niyang anak.

a)

MALI

b)

TAMA

18.

Mas iniisip ng tatay ni Adrian ang kapakanan ni Adrian hanggang sa huli.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

May dalawang lalaki, kambal na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit. Ano ang kahulugan ng salitang paslit?

a)

dalaga

b)

binata

c)

bata

d)

sanggol

20.

Pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira, ang mga bata ay aali-aligid sa mesa. Ano ang kahulugan ng salitang aali-aligid?

a)

nanahimik

b)

nag-uusisa

c)

umiiwas

d)

nagtatago

21.

Ang dahila'y si Muimui, otso anyos at sakitin na palahalinghing na parang kuting. Ano ang kasalungat ng salitang palahalinghing?

a)

tahimik

b)

umiiyak

c)

humihiyaw

d)

humihikbi

22.

Anong uri ng maikling kuwentong "Ang Ama" ni Mauro R. Avena?

a)

katutubong kulay

b)

pag-ibig

c)

tauhan

d)

makabanghay

23.

Ano ang katangian ng ama sa unang bahagi ng kuwento:

a)

mapag-aruga

b)

iresponsable

c)

mapagmahal

d)

maalalahanin

24.

Magsikap ka pa __________ darating ang araw na magbubunga ng iyong pagpupunyagi. Ano ang pangatnig ang dapat na ilagay sa patlang?

a)

dahil

b)

subalit

c)

tulad

d)

kaya

25.

Umuwi ang ama na may dalang isang supot para sa kanyang pamilya upang pagsaluhan __________ isang beses lang iyong nangyari. Ano ang pangatnig na bubuo ng diwa sa pangungusap?

a)

sumunod

b)

subalit

c)

dahil

d)

kaya

26.

Ang maikling kwentong "Ang Ama " ay maikling kwento ng _____

a)

Pilipinas

b)

Singapore

c)

Thailand

27.

Anong damdamin ang nananaig sa mga bata sa tuwing naghihintay sa ama?

a)

tuwa at lungkot

b)

takot at pananabik

c)

galit at pangamba

28.

Laging galit at lasing na umuuwi ang ama dahil sa __________

a)

pagkamatay ni Mui Mui

b)

maliit na sahod

c)

kawalan ng trabaho

29.

Lumuhod ang ama sa puntod ng anak, dahan-dahan na dinukot ang laman ng supot at inilapag sa puntod habang palihim na humihikbi. Mahihinuha na ang ama ay _______

a)

nahihiya sa kanyang ginawa sa pamilya

b)

nagkaroon ng maraming pera kaya nakabili ng pagkain

c)

nagsisisi sa kanyang ginawa sa anak

30.

Ang naging kalagayan at kamatayan ng anak na si Mui Mui ay ginamit ng manunulat upang _________

a)

baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya

b)

mag-iwan ng mahalagang aral sa kwento

c)

mapaganda ang karakter ng mga tauhan sa kwento

31.

Ginagamit ito sa pag-uugnay ng mga salita, parirala o pangungusap.

a)

Pangngalan

b)

Pangatnig

c)

Pang-abay

d)

Pandiwa

32.

Hindi naipagpatuloy nina Kara at Mia ang kanilang pag-aaral ________ maaga silang nagtrabaho para matustusan ang kanilang pangangailangan.

a)

at

b)

subalit

c)

sapagkat

d)

kung

33.

Ang pagkaing paminsan-minsa'y inuuwi ng ama na ang totoo'y para lang sa kanya.

a)

prutas

b)

ice cream

c)

pansit

d)

spaghetti

34.

Bilang ng mga anak sa kwentong "Ang Ama."

a)

apat

b)

lima

c)

anim

d)

pito

35.

Dahilan kung bakit ang ama'y umuwing masamang-masama ang loob at napagbalingan ang batang si Mui-mui.

a)

Wala siyang pera.

b)

Naubusan siya ng pagakain.

c)

Napagalitan siya ng amo.

d)

Nawalan siya ng trabaho.

36.

"Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!"

Mahihinuhang ang ama ay nakaramdam ng______

a)

pagdaramdam

b)

pagkalungkot

c)

pagmamahal

d)

pagkatuwa

37.

Paano nagwakas ang kwento?

a)

Nagsisi at humingi ng kapatawaran ang ama.

b)

Nakulong ang ama dahil sa kanyang ginawa.

c)

Namatay si Mui Mui makalipas ang dalawang araw.

d)

Pinagsaluhan ng mga anak ang pagkain alay ng ama kay Mui Mui.

38.

Sa kuwentong "Ang Ama" na isinalin ni Mauro R. Avena, ano ang naging magandang wakas nito?

a)

Marami ang nakiramay at nagbigay tulong.

b)

Nagsisi ang ama ni Mui Mui sa kaniyang nagawa at nangakong siya ay magbabago na.

c)

Nakabalik sa trabaho ang ama ni Mui Mui.

d)

Namatay ang batang si Mui Mui.

39.

Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na

a)

panlinaw

b)

pananhi

c)

pantuwang

d)

panapos

40.

_________ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay _________.

a)

Kung

b)

Kapag

c)

Sa

d)

Simula

41.

Sa mga pangungusap na, "Nagugutom si Raj" at "Nagluto si Umar ng pansit", ano ang angkop na gamiting pangatnig upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?

a)

kaya

b)

palibhasa

c)

subalit

d)

datapwat

42.

Sa maikling kuwentong "Anim na Sabado ng Beyblade", ano ang hiling ng batang si Rebo?

a)

Hiniling na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.

b)

Nais ni Rebo na magkaroon ng maraming laruan at mga regalo.

c)

Mangumbida ng mga kaibigan at bisita.

d)

Maging maayos ang kaniyang kalagayan.

43.

Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga ___________.

a)

pantukoy

b)

pangatnig

c)

pandiwa

d)

pang-abay

44.

Ang mga sumusunod ay mga pangatnig maliban sa ________.

a)

at

b)

-ng

c)

ngunit

d)

o

45.

Manatili na lamang sa loob ng tahanan________________________hindi mahawa ng sakit dulot ng COVID-19.

a)

dahil

b)

upang

c)

datapwa’t

d)

subalit

46.

Sino ang pangunahing bida sa 'Anim na Sabado ng Beyblade'?

a)

Ribo

b)

Redo

c)

Rebo

d)

Robredo

47.

Sino ang may akda ng kwentong 'Anim na Sabado ng Beyblade'?

a)

Ferdinand Magellan

b)

Ferdinand Pisigan Jarin

c)

Ferdinand Blumentritt

d)

Ferdinand Marcos

48.

Saan ang tagpuan ng kwentong 'Anim na Sabado ng Beyblade'?

a)

Parke

b)

Bahay at ospital

c)

Sementeryo

d)

Tindahan

49.

Ano ang paboritong laruan ng bidang si Rebo?

a)

Stuffed toys

b)

Walkie-talkie

c)

Crush gear

d)

Beyblade

50.

Kailan ipinagdiwang ni Rebo ang kanyang kaarawan kahit hindi pa nito araw?

a)

Unang Sabado

b)

Huling Sabado

c)

Ikalawang Sabado

d)

Ikatlong Sabado

51.

Anong nangyari kay Rebo sa huling Sabado?

a)

Naglaro si Rebo

b)

Namatay si Rebo

c)

Gumaling si Rebo

d)

Umuwi si Rebo

52.

Ano ang paksa o tema ng akdang 'Anim na Sabado ng Beyblade'?

a)

Pangyayari sa lipunan

b)

Karanasan sa buhay

c)

Pag-uugali ng tao

d)

Pakikipaglaban ng anak sa sakit nito

53.

Ilang taon si Rebo noong siya ay namatay?

a)

Limang taon

b)

Apat na taon

c)

Anim na taon

d)

Tatlong taon

54.

Sa kuwentong 'Anim na Sabado ng Beyblade', tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ____ Sabado'

a)

Ikaapat

b)

Ikatlo

c)

Ikalawang

d)

Unang

55.

Tukuyin ang wastong pangatnig (correct conjuction) para sa pangungusap (sentence):


Ang mga bata ay kumakain _________ nanonood ng telebisyon.

a)

habang

b)

dahil

c)

kung