Font size
WorksheetsAP Reviewer
Total questions: 45
Worksheet time: 23mins
Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
Pagkamakabayan
Pagkamamamayan
Piliin ang tatlong (3) katangian ng aktibong mamamayan base sa naging talakayan.
Tapat sa Republika
Mahina ang loob at walang tiwala sa sarili
Makatao
Handang magnakaw
Produktibo
Ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.
Saligang Batas
Sandigan bayan
Ito ang artikulo sa ating Saligang Batas ng 1987 kung saan nakapaloob limang sekyon na may patukol sa pagkamamamayan.
Artikulo 2 ng Saligang Batas ng 1987
Artikulo 4 ng Saligang Batas ng 1987
Artikulo 5 ng Saligang Batas ng 1987
Nakukuha ang pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan o sa pagkamamamayan ng magulang.
Likas o Katutubo
Naturalisado
Dumaraan sa proseso ng batas para makuha ang pagkamamamayan sa isang bansa.
Likas o Katutubo
Di Likas o Naturalisado
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang.
Jus sanguinis
Jus soli
Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
Jus sanguinis
Jus soli
Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte.
Naturalisasyon
Sosyalisasyon
Ito ay pagkilos na nakatuon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng ibang tao lalo na ang mahihirap na miyembro ng lipunan.
Gawaing Panlipunan
Gawaing Pansibiko
Ito ang isa sa napakahalagang katangian ng isang mamamayan sa pagtupad ng mga gawaing pansibiko.
Makabayan
Makatao
May Pagkukusa
Maka-Diyos
Ang mga sumusunod ay mga katangiang dapat taglayin sa paglahok sa gawaing pansibiko MALIBAN sa dalawa(2).
Makatao
Makasarili
Makabayan
Makatao
Mapanakit
Kumakatawan sa mga organisasyon o institusyong nagsusulong ng kapakanan at kagalingan ng publikong sektor.
Good Society
Civil Society
Piliin ang apat(4) na mga sumusunod na halimbawa ng mga "gawaing pansibiko".
Pag-organisa o Pakikilahok sa mga Organisasyon o Organisadong Ahensiya
Pakikilahok sa mga Organisasyong Pangkabataan
Pagsali sa mga kilalang "local terrorists" ng bansa
Pagboboluntaryo sa mga "volunteer organization"
Malikhaing Pagganap o Paggamit ng Natatanging Kakayahan
Malayang pagkilos o pagganap para isulong ang kapakanang pampubliko; para sa ibang tao, ito ay maituturing na isang propesyon (profession).
Pagmamahal
Pagboboluntaryo
Pagmamalasakit
Hindi sinusuportahan ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas ang pagsusulong ng kapakanang pampubliko (Civil Society Organizations).
TAMA
MALI
Ang pakikilahok ng mga kabataan sa mga "organisasyong pangkabataan" ay nagdudulot ng hindi magandang pag-uugali, pagbaba ng kakayahan, at hindi pag-unlad ng buhay ng kabataan.
TAMA
MALI
Ang salitang "sibiko" ay kumakatawan sa mga mamamayang bumubuo ng ating lipunan.
TAMA
MALI
Layunin ng pagboboluntaryo sa mga organisasyon nagsusulong ng gawaing pansibiko ay maging makasarili at hindi managutan sa kanyang kapwa.
TAMA
MALI
Ang gawaing pansibiko ay binubuo ng isahan o maramihan para matukoy at mabigyang-pansin ang mga isyu at pangangailangan ng lipunan.
TAMA
MALI
Ang pagkakaroon ng karapatan ay kaakibat ng tungkulin na protektahan ang sariling karapatan at hindi managutan sa kanyang kapwa.
TAMA
MALI
Ang pagtulong sa kapwa nang walang hinihinging kapalit ay isang makabuluhang paraan ng pagpapakita ng kabayanihan sa kapwa.
TAMA
MALI
Dapat maging makasarili sa talento at pagkamalikahain sa pagtupad ng tungkulin bilang kasapi ng isang organisasyon na tumutulong sa paglutas ng mga suliraning panlipunan.
TAMA
MALI
Ang pagkukusa ay isang napakahalagang katangiang dapat taglayin sa pagtupad ng mga gawaing pansibiko.
TAMA
MALI
Ang gawaing pansibiko ay naaayon sa kaisipan na ang bawat tao ay may mahalagang pananagutan sa kanyang kapwa.
TAMA
MALI
Sa teoryang "democratic participation" walang pagpapahalaga sa kaalaman at kakayahang politikal ng mga mamamayan.
TAMA
MALI
Ang pagboto ay isa sa mga halimbawa ng pakikilahok na pampolitika ng mamamayan.
TAMA
MALI
Ang pagkakaroon ng kalayaan o demokrasya sa bansa ay isang mahalagang aspekto upang manatili ng bawat mamamayan ang malayang pagpili ng susunod na mamumuno sa ating bansa.
TAMA
MALI
Ang gawaing politikal ay tumutukoy sa aktibong pagsali ng isang tao o pangkat sa mga proseso sa pamahalaan na nakaaapekto sa sariling pamumuhay o pangkalahatan.
TAMA
MALI
Pinaniniwalaan na nakasalalay lang sa pamahalaan ang pagkakaroon ng isang matatag na sistemang politikal.
TAMA
MALI
Dapat diktahan ng pamahalaan ang mamamayan sa dapat lang nitong gawin na may kinalaman sa pakikilahok sa mga gawaing politikal.
TAMA
MALI
Ang teoryang " democratic participation" ay kumikilala sa hindi balanseng ugnayan ng pamahalaan at mamamayan.
TAMA
MALI
Tanging ang "pagboto" lamang ang paraan ng mamamayan na makilahok sa gawaing politikal.
TAMA
MALI
Ang wastong pagpili at pagkilatis sa mga platporma at programa ng mga mamumuno ay paraan upang mapahalagahan ang pagboto sa araw ng eleksiyon.
TAMA
MALI
Ang ating bansa ay isang estadong demokratiko at republikano kung saan ang ganap na kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan at ang kapangyarihang politikal.
TAMA
MALI
Ito ay tumutukoy sa aktibong pagsali ng isang tao o pangkat sa mga proseso sa pamahalaan na nakaaapekto sa sariling pamumuhay o pangkalahatan.
Gawaing Panlipunan
Gawaing Pampolitikal
Ang mga naniniwala sa teoryang ito ay kumikilala sa kahalagahan ng balanseng ugnayan ng pamahalaan at mamamayan.
Democratic Participation
Democratic Elitism
Rational Choice
Ang tagapagtaguyod ng teoryang ito ay may paglimita sa pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing politikal.
Democratic Participation
Democratic Elitism
Rational Choice
Para sa natataguyod ng teoryang ito, mas nakabubuti na hindi na sumali sa mga gawaing pampolitika lalo na kung mababa ang interes sa usapin o kung ito ay hindi magdudulot ng epekto ang gagawing partisipasyon.
Democratic Participation
Democratic Elitism
Rational Choice
Paraan ng pakikilahok kung saan ang mga kagustuhan ng mamamayan ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pagpupulong-bayan; hinaing o kahilingan ay direktang nakakarating sa mga kinauukulan.
Tuwirang Pakikilahok sa Politika
Di-tuwirang Pakikilahok sa Politika
Paraan ng pakikilahok kung saan ang mga kagustuhan o kahilingan ng mamamayan ay ipinamamahayag sa pamamagitan ng kanilang piniling kinatawan.
Tuwirang Pakikilahok sa Politika
Di-tuwirang Pakikilahok sa Politika
Ito ang pakikilahok na nagpapakita ng kahalagahan ng demokratikong partisipasyon na nakasaad sa Saligang Batas.
Alternatibing Pakikilahok
Tradisyonal o Konserbatibong Pakikilahok
Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan.
TAMA
MALI
Dapat aktibong nakikisangkot ang mamamayan sa diskurso sa pamamahala upang bigyang katugunan ang mga hamong panlipunan.
TAMA
MALI
Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan.
TAMA
MALI
