Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP Matapat sa Sarili

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Kailan makikita ang katapatan sa sarili?

a)

Aangkinin ang gawa ng iba para purihin ng guro.

b)

Tatanggapin nang maluwag sa loob ang maliit na marka at pag-iigihin ang pag-aaral sa susunod.

c)

Magagalit kapag pinupuna ng kaklase.

d)

Maniniwalang palaging tama ang kaniyang ginagawa.

2.

Inutusan ng nanay si Mila na bumili ng asukal sa tindahan ngunit nadaanan niya ang mga kaibigang naglalaro. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Hahayaang maglaro ang mga kaibigan at didiretso sa tindahan para sundin ang utos ng nanay.

b)

Sasali sa laro at kakalimutan ang utos ng nanay.

c)

Pahihintuin ang mga naglalaro.

d)

Ibibili ng meryenda ang pera at ipamimigay sa mga kaibigan.

3.

Isang opisyal ng barangay si Mang Mario. Ginagampanan niya nang maayos at matapat ang kaniyang mga tungkulin sa kanilang barangay. Ano ang ipinakikita ni Mang Mario?

a)

Katapatan sa guro

b)

Katapatan sa pamilya

c)

Katapatan sa paaralan

d)

Katapatan sa pamayanan

4.

Si Ben ay mabuting bata sinusunod niya ang mga alituntunin sa kanilang paaralan at nakikisama sa mga pangkatang gawain.

a)

Katapatan sa guro

b)

Katapatan sa pamilya

c)

Katapatan sa paaralan

d)

Katapatan sa pamayanan

5.

Napansin mong walang imik ang iyong nakababatang kapatid. Nang tanungin mo,

sinabi niya sa’yo ang problema niya. Ano ang gagawin mo?

a)

Makinig, unawain at maging tapat sa pagbibigay ng payo sa kapatid.

b)

Huwag pagsabihan ang kapatid dahil baka masaktan siya

c)

Pabayaan ang kapatid na lutasin ang sariling problema.

d)

Isumbong sa nanay para mapagalitan.

6.

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng taong matapat?

a)

Pagiging maunawain at matapat sa pakikipag-usap

b)

Pag-iwas sa tsismis o kuwentong walang katotohanan

c)

Paggalang sa usapang dapat tuparin

d)

Lahat ay tama

7.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng hindi matapat?

a)

Nagsasabi ng totoo kapag tinatanong ng kaibigan kung bagay sa kaniya ang suot na damit

b)

Sinasabi ang katotohanan kahit ito ay masakit

c)

Pagbibigay ng puri na mula sa puso

d)

Dinaragdagan ang presyo ng pambili ng gamit sa paaralan

8.

Bakit mahalaga na nagkakaisa ang mga miyembro ng isang samahan? Ito ay __________.

a)

maipakita ang sariling galing at talino sa iba.

b)

sama-samang makamit ang tagumpay sa gawain.

c)

talunin at kutyain ang ibang samahan.

d)

mas dumami ang kaibigan

9.

Alin sa mga sumusunod ang ang dahilan kung bakit nagpupulong ang bawat pangkat?

a)

para mag-aaway

b)

mara sa pagpaplano

c)

para mag-uusap ng mga walang dahilang paksa

d)

para manira

10.

Alin sa mga sumusunod ang angkop na ginagawa ng ng isang pangkat?

a)

pagpaplano

b)

pag-susuri

c)

Pagsasagawa

d)

lahat ay tama

11.

Bakit nakakatulong ang pagging matapat sa iyong sarili?

a)

para makapagyabang

b)

para mawalan ng tiwala sa sarili

c)

para may kompyansa sa ating sarili

d)

wala sa mga sumusunod

12.

Bakit kailangan ang pagbukas ng loob at isipan sa ating mga kapangkat?

a)

para maiwasan ang pagkakagulo

b)

para magamit ang kanya-kanyang ideya sa paggawa ng proyekto

c)

para makapagsuri

d)

lahat ay tama

13.

Niyaya ka ng matalik mong kaibigan na dumaan muna kayo sa palaruan bago pumasok sa paaralan. Sa kapipilit ay sumama ka sa kaniya dahilan para mahuli kayo sa klase. Tinanong kayo ng inyong guro kung bakit ngayon lang kayo dumating.

a)

Sasabihin sa guro na inutusan ng iba pang guro kung kaya nahuli sa klase

b)

Hindi na lamang kikibo

c)

Ipagtatapat sa guro ang ginawa, hihingi ng tawad at mangangakong hindi na uulit

14.

Ang ang gagawin sa mga kamiyembrong nahihirapan sa pagsasagawa ng inyong proyekto?

a)

Iiwan at pagtatawanan

b)

Pagagalitan

c)

Hindi kakausapin

d)

Tutulungan sa abot ng makakaya

15.

Nakita mo ang iyong kaklase na mabilis na lumabas ng palikuran ng mga babae na parang

may tinatakasan. Kinabukasan ay nag -anunsyo ang punong guro ng paaralan na

mayroong nagsulat sa dingding sa loob ng palikuran. Bilang isang matapat na mag-aaral,

ano ang gagawin mo?

a)

Ipagsigawan sa buong paaralan na ang iyong kaklase ang nagsulat.

b)

Pumunta sa guro at makipag-usap nang mabuti tungkol sa iyong kaklase.

c)

Ipahiya ang kaklase sa buong paaralan.

d)

Tumahimik lang at huwag sabihin ang nakita.