WorksheetsESP5 3RD Summative Test Quarter 1
Total questions: 20
Worksheet time: 3600secs
Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa
lahat.
Mali
Tama
Dapat ang lider ng pangkat ang laging masusunod.
Tama
Mali
Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.
Tama
Mali
Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.
Tama
Mali
Ang pakikilahok ay pagpapahalaga sa iniatas na tungkulin.
Tama
Mali
Ang pagkakaisa ay maaari ring maipakita sa tahanan.
Tama
Mali
Huwag ipaalam sa pangkat ang kakayahan para hindi mautusan.
Tama
Mali
Huwag punahin ang mali ng miyembro sa harap ng nakararami.
Tama
Mali
Sa anumang gawain, kumilos lamang kung may parangal.
Tama
Mali
Napagtanto ni Celso na sobra ang ibinigay na sukli ng tindera sa grocery
store na kaniyang binilhan. Ano ang dapat niyang gawin?
Umuwi kaagad sa bahay pagkatapos bumili.
Pagalitan ang tindera dahil nagkamali ito.
Ibalik ang sobrang sukli sa tindera.
Isilid sa bulsa ang sobrang sukli.
Nakita mo ang iyong kaklase na mabilis na lumabas ng palikuran ng mga
babae na parang may tinatakasan. Kinabukasan ay inanunsyo ng punong
guro ng paaralan na mayroong nagsulat sa dingding sa loob ng palikuran.
Bilang isang matapat na mag-aaral, ano ang gagawin mo?
Ipagsigawan sa buong paaralan na ang iyong kaklase ang nagsulat.
Pumunta sa punong guro at makipag-usap nang masinsinan tungkol
sa iyong kaklase.
Ipahiya ang kaklase sa buong paaralan.
Tumahimik lang at huwag sabihin ang nakita.
“Bawal umihi rito”. Ito ang karatulang mababasa sa pader sa tapat ng
inyong paaralan. May mga kabataang lalaki ang lumabag sa babala na
bawal ang umihi sa lugar na iyon. Paano mo aaksyonan ang pangyayari?
Isumbong kaagad ang mga nakitang lalaki
Pagalitan ang mga lalaking umihi sa hindi tamang lugar.
Pagsabihan nang mahinahon ang mga lalaki na bawal umihi rito.
Alam ni Myra na si Jose ang nambato sa batang katutubo sa inyong
paaralan ngunit natakot siyang sabihin ang katotohanan dahil sa
pinagbantaan siya ni Jose. Gustong ipaalam ni Myra ang totoo, kanino
niya ito sasabihin?
Sasabihin ni Myra sa kaniyang mga kaklase.
Sasabihin ni Myra sa kaniyang kapitbahay.
Sasabihin niya ito sa guro ng batang katutubo.
Sasabihin niya ito sa punong barangay.
Pinuri ng Science teacher si Jane dahil nakakuha siya ng pinakamataas na
marka sa pagsusulit. Pinalakpakan at pinuri siya ng buong klase.
Mayamaya lang ay dahan-dahan siyang tumayo at pumunta sa gitna.
Inamin niya na siya ay nagkodigo. Anong katangian ang ipinakita ni Jane
sa kaniyang pag-amin sa kasalanan?
Pagpapakumbaba
Pagkamatapat
Pagkamasunurin
Pagkamabait
Nag-away ang dalawa mong kaklase. Si Niko na matalik mong kaibigan ang
nagsimula ng gulo. Bilang kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
Tutulungan ang kaibigan at makikipag-away din sa kaklase.
Pagtatawanan ang dalawang nag-aaway.
Aalis at pababayaan ang nag-aaway.
Aawatin ang nag-aaway at pagsasabihan silang dalawa sa
mahinahong paraan.
Kailan makikita ang katapatan sa sarili?
Aangkinin ang gawa ng iba para purihin ng guro.
Tatanggapin nang maluwag sa loob ang maliit na marka at pag-iigihin
ang pag-aaral sa susunod.
Magagalit kapag pinupuna ng kaklase.
Maniniwalang palaging tama ang kaniyang ginagawa.
Inutusan ng nanay si Mila na bumili ng asukal sa tindahan ngunit
nadaanan niya ang mga kaibigang naglalaro. Ano ang dapat niyang gawin?
Sasali sa laro at kakalimutan ang utos ng nanay.
Pahihintuin ang mga naglalaro.
Hahayaang maglaro ang mga kaibigan at didiretso sa tindahan para
sundin ang utos ng nanay.
Ibibili ng meryenda ang pera at ipamimigay sa mga kaibigan.
Isang opisyal ng barangay si Mang Mario. Ginagampanan niya nang
maayos at matapat ang kaniyang mga tungkulin sa kanilang barangay.
Ano ang ipinakikita ni Mang Mario?
Katapatan sa guro
Katapatan sa pamilya
Katapatan sa paaralan
Katapatan sa pamayanan
Napansin mong walang imik ang iyong nakababatang kapatid. Nang
tanungin mo, sinabi niya sa iyo ang problema niya. Ano ang gagawin mo?
Makinig, unawain at maging tapat sa pagbibigay ng payo sa kapatid.
Pabayaan ang kapatid na lutasin ang sariling problema.
Huwag pagsabihan ang kapatid dahil baka masaktan siya
Isumbong sa nanay para mapagalitan.
Mahalagang bahagi ng ikatatagumpay ng isang proyekto ang pagkakaisa.
Tama
Mali
