WorksheetsPanghalip na Palagyo at Panaklaw ; AT PANURING
Total questions: 22
Worksheet time: 21mins
Bawat mag-aaral ay naatasang gumawa ng isang portfolio. Alin dito ang panghalip na panaklaw sa pangngusap?
Bawat isa sa kanila ay naatasang gumawa ng isang portfolio. Alin dito ang panghalip na panaklaw sa pangungusap?
Kinausap ng dean ang isa sa kanila pagkatapos ng aksidente. Alin dito ang panghalip na panaklaw? Ano ang uri nito?
dean - tiyakan
isa - tiyakan
kanila - di-tiyakan
aksidente - di-tiyakan
Sino man ang tutol sa patakaran ay patatalsikin. Alin dito ang panghalip na panaklaw? Ano ang uri nito?
patakaran - tiyakan
patatalsikin - di-tiyakan
tutol - tiyakan
sino man -
di-tiyakan
Alin dito sa sumusunod ang panghalip na panaklaw ang tiyakan?
ano man
gaano man
magkano
bawat isa
Alin dito sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?
iba
ilan
isa
ano
Alin dito sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?
karamihan
marami
alin man
bawat
Ang balana, lahat, madla, iba, isa " ay halimbawa ng mga panghalip na panaklaw na __________.
tiyakan
di-tiyakan
panuring
palagyo
Si Magna ay kilalang drummer kaya marami siyang tagahanga. Ang nakadiing panghalip ay nasa kaukulang ____________
paari
palagyo
palayon
paukol
Kami ang dadalo sa miting mamayang gabi. Ang nakadiing panghalip ay sa anong kaukulan?
paari
palagyo
palayon
paukol
Ang binitbit nilang bayong ay atin. Ang nakadiing panghalip ay nasa kaukulang ______________.
paari
palagyo
panuring
paukol
Bakit kaya dinala ang ating libro sa laybrari. Ang nakasalungguhit na salita ay _______.
panghalip
panuring
paari
panaklaw
Alin dito sa sumusunod na mga pangungusap ang may panghalip na nasa kaukulang paari?
Maaga kaming umalis sa bahay.
Ang aming tsinelas ay tinangay ng baha.
Ang tinapay ay kinain namin.
Kanila ang inanod na mga gamit sa sapa.
Alin dito sa sumusunod na mga pangungusap ang may gamit ng panghalip bilang paari?
Ang kanyang mangkok ay nabasag.
Binasag niya ang mangkok.
Siya ang nagbasag ng mangkok.
Kanya ang nabasag na mangkok.
Alin dito sa sumusunod na mga pangungusap ang may gamit ng panuring?
Amin ang payong na gamit niya.
Ang aking payong ay natangay ng hangin.
Sa kanya ang payong na tinangay ng hangin.
Kanya ang payong na tinangay ng hangin.
Alin dito sa sumusunod na mga pangungusap ang may gamit ng paghalip na nasa kaukulang palagyo?
Binisita nila ang lolang may sakit.
Sila ay tinaboy ng lola.
Tinaboy ng kanilang lola ang bisita.
Tinaboy niya ang mga bata.
Alin dito sa sumusunod na mga pangungusap ang HINDI kabilang sa pangkat?
Seryoso silang nag-usap.
Tayo ang mamahala sa event.
Ang naatasan sa proyekto ay ako.
Akin ang proyektong iyan.
Gamitin sa pangungusap ang salitang " akin "bilang panghalip.
Gamitin sa pangungusap ang salitang "akin "bilang panuring.
Gamitin sa pangungusap ang salitang " amin "bilang panghalip.
Gamitin sa pangungusap ang salitang " amin " bilang panuring.
Ang ilan sa mga mag-aaral ay dinala sa klinika para masuri. Alin dito ang panghalip na panaklaw na ginamit sa pangungusap?
iba
dinala
klinika
masuri
