wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 9 PANIMULANG PAGTATAYA PARA SA IKALAWANG MARKAHAN

Total questions: 30

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang uri ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsulat. Binubuo ito ng saknong at taludtod.

a)

pabula

b)

tula

c)

maikling kwento

d)

sanaysay

2.

Ito ay uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o mga bagay na walang buhay ay gumaganap na parang tao, at nagbibigay ng moral na aral

a)

parabula

b)

pabula

c)

maikling kuwento

d)

alamat

3.

Ito ay salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng kagustuhan, posibilidad, kakayaha, pahintulot at obligasyon.

a)

pangngalan

b)

pang-uri

c)

modal

d)

pangatnig

4.

Ang TANKA at HAIKU ay mga anyo tula na nagmula sa bansang _____________

a)

Korea

b)

China

c)

Japan

d)

Pilipinas

5.

Ito ay maikling tula na gumagamit ng tatlong linya at 5/7/5 na pantig.

a)

liriko

b)

haiku

c)

tanka

d)

elehiya

6.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa TANKA?

a)

Ang tanka ay isang salitang Hapon na may kahulugan na "maikling tula" o "short poem" sa Wikang Ingles.

b)

Ang tanka ay may limang taludtod lamang.

c)

may karaniwang sukat na 5-7-5-7-7 o di kaya'y 7-7-7-5-5 sa mga taludtod ng mga ito.

d)

Lahay nang nabanggit at tama

7.

Ito ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Maipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon na ang ukol nito ay maipabatid ang inyong saloobin sa isang paksa o isyu.

a)

sanaysay

b)

parabula

c)

tula

d)

maikling kuwento

8.

Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.

a)

wakas

b)

gitna o katawan

c)

simula

d)

wala sa nabanggit

9.

Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.

a)

simula

b)

gitna/katawan

c)

wakas

d)

lahat ng nabanggit

10.

Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.

a)

simula

b)

gitna

c)

wakas

d)

wala sa nabanggit

11.

Alin sa mga sumusunod ang hindi tinataglay ng isang pormal na sanaysay.

a)

seryoso ang mga paksa na nagtataglay ng masusi at masusuri na pananaliksik ng taong sumulat.

b)

ito ay kadalasang nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari.

c)

Ito ay binigyan din ng mga bagay-bagay at karanasan ng akda sa isang topiko kung saan maipakita niya ang kanyang personalidad na parang nakikipag-usap siya sa isang kaibigan.

d)

A at B

12.

Ang mga sumusunod ay mga katangiang tinataglay ng di-pormal na sanaysay maliban sa isa.

a)

Tumatalakay naman nito sa mga topikong karaniwan, personal, at pang araw-araw na kasiya-siya or mapang-aliw para sa mga mambabasa.

b)

Ito ay binigyan din ng mga bagay-bagay at karanasan ng akda sa isang topiko kung saan maipakita niya ang kanyang personalidad na parang nakikipag-usap siya sa isang kaibigan

c)

Ang talakayin na uri nito ay ang mga seryosong mga paksa na nagtataglay ng masusi at masusuri na pananaliksik ng taong sumulat.

13.

Ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.

a)

pangngalan

b)

pandiwa

c)

pang-uri

d)

pangatnig

14.

Ito ay ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita.

a)

tono

b)

diin

c)

antala

d)

hinto

15.

Pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan

a)

morpema

b)

salitang-ugat

c)

ponema

d)

segmental

16.

Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba't ibang damdamin.

a)

tono

b)

diin

c)

antala

d)

hinto

17.

Magkaiba ang paksa ng Tanka at Haiku, maliban sa isa.

a)

pag-ibig

b)

pagbabago

c)

kalikasan

d)

digmaan

18.

Piliin ang pangungusap na nagpapahiwatig na siya'y napagbintangan ng isang bagay na hindi niya ginawa.

a)

Hindi/ ako si Joshua.

b)

Hindi ako si Joshua.

c)

Hindi ako, si joshua.

d)

Hindi ako si/ Joshua

19.

Ibigay ang tamang bigkas ng salitang naiba ang kulay sa pangungusap. Ang buhay ng tao ay mahalaga, kaya dapat natin itong ingatan.

a)

BU:hay

b)

bu:HAY

c)

BUH-ay

d)

buh-AY

20.

Ito ay ang makahulugang tunog, na malinaw na naipapahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita

a)

ponema

b)

segmental

c)

ponemang suprasegmental

d)

semantiko

21.

Ang kanyang ________ ay nakakahawa.

a)

TAwa

b)

taWA

22.

Umakyat ang mga bata sa ______ ng mangga

a)

PUno

b)

puNO

23.

Nagulat siya nang makitang _______ ang kanilang vault ng alahas sa kwarto.

a)

BUkas

b)

buKAS

24.

Ano ang ibig sabihin ng pangungusap sa ibaba.


Mama/ Nita/ Lilit ang pangalan niya.

a)

Ipinapakilala si Lilit sa kanyang Mama Nita.

b)

Ipinapakilala niya sina Mama Nita at Lilit.

c)

Ipinapakilala niya si Lilit sa kina Mama at Nita.

d)

Wala sa nabanggit

25.

Ipinapakilala si Mario na tatay niya kay padre.

a)

Padre, si Mario ang tatay ko.

b)

Padre Mario/ ang tatay ko.

c)

Padre Mario ang tatay ko.

d)

Padre/ Mario/ ang tatay ko.

26.

Ikaw ay nagtataka at nais mong linawin ang iyong narinig mula sa mga tao.

a)

May disgrasya.

b)

May disgrasya!

c)

May disgrasya?

27.

Nakakita ka ng magnanakaw sa kabilang bahay.

a)

may magnanakaw.

b)

may magnanakaw!

c)

may magnanakaw?

28.

Ang mga sumusunod na salita ay ginagamit na pahayag sa pagsisimula maliban sa isa

a)

kasunod

b)

noong unang panahon

c)

sa simula pa lamang

d)

Isang araw

29.

Alin sa mga sumusunod na salita ang angkop na gamitin sa pahayag na pagtatapos ng kwento?

a)

Kasunod nga nito,

b)

Pagkatapos,

c)

Sa huli,

d)

Noong una

30.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng opinyon?

a)

Nakikita ko na hindi siya karapat dapat na manalo sa nalalapit na eleksyon.

b)

Samakatwid naniniwala ang mga kabataan na sila pa rin ang pag-asa ng bayan.

c)

Para sa akin, hindi ako sang-ayon sa nasabing pagpapatupad ng DIVORCE sa ating bansa.

d)

Lahat ng nabanggit.