Font size
WorksheetsBSHM 1A - PANGGITNANG TERMINONG PAGSUSULIT
Total questions: 70
Worksheet time: 28mins
MAY PAMIMILIAN
PANUTO: Tukuyin kung ano ang binabanggit sa bawat aytem. Piliin ang tamang sagot.
Kritikal ang papel na ginagampanan nito kaugnay ng papalapit na integrasyong ASEAN para makamit ang kawastuhan ng mga impormasyong inaasahang dadagsa at dadaloy at magkakaroon ng kabutihan at kagamitang teknolohiya sa pamamagitan ng CAT o Computer Assisted Translation.
Pananaliksik
Pagsasalin
Pagdodokumento
Pag-aaral
Malaki ang naitutulong nito sa pagpapaunlad ng wika at pagsasalin sa bansa.
Media
Agham
Teknolohiya
Pamahalaan
Maaaring Ingles ang maging pangunahing wikang gagamitin sa ASEAN Integration subalit hindi ito magtatagal at mapapalitan din ng mga wikang _________________.
Asyano
Europeo
Filipino
Aprikano
Nakakagulat ang naging pagdagsa nila sa Filipinas sa nakalipas na 3-5 taon.
Hapones
Chinese
Koreano
Vietnamese
Ang tawag sa patuloy na pagsabog ng impormasyong digital na siya rin mismong nagbubunga ng data glut.
Big data bank
Big data access
Big data link
Big data influx
Ang tawag sa sobra-sobrang impormasyon na magiging dahilan upang malunod ang sinuman sa mga impormasyong hindi naman sadyang kailangan.
Data link
Data glut
Big data influx
Big data bank
Maituturing ito na makabuluhan kapag nagawa nitong matulungan tayong ipokus ang ating atensiyon at bumuo ng mga tunay na katanungan at mapadaloy ang tunay ng kritisismo.
Isyu
Katwiran
Dokumento
Ebidensya
May layunin lamang silang pagkakitaan ang ating kasanayan sa paglilipat-impormasyon na kalaunan ay nauuwi rin sa pagpapalaganap ng mga maling impormasyong, mali ang pagkakasalin.
Informatory translation
Destructive translations
Predatory translators
Opportunist translators
Ilang milyong korpus ang kailangan upang makadevelop ng isang marangal wasto at maaasahang translation software ang Filipinas?
Isang milyon
Apat na milyon
Dalawang milyon
Tatlong milyon
Ito ang wikang gagamitin kapag mag-aambag tayo sa world wide web ng makabuluhang diskursong nagpapahiwatig ng ating damdamin at saloobin para sa kinakailangang datos na maaaring mabuong big data.
Iluko
Filipino
Tagalog
Ingles
Alin ang hindi kabilang sa tatlong katangiang naglalarawan sa kabuoang identidad ng Filipino?
Makamasa
Makakalikasan
Makatao
Maka-Diyos
Iniuugnay ang teoryang ito sa salitang "korporasyon"
Corporate Group
Kin Selection
Coercion
Reciprocity
Alin sa sumusunod ang iniuugnay sa altruismo?
Corporate Group
Kin Selection
Coercion
Reciprocity
Sa pananaw na ito, pinahahalagahan ang pagpapanggap dahil mahalaga ang imahen o ang impresyong nalilikha sa iba.
Primordyal
Sosyobayolohista
Corporate Group
Interactionist
Sinasabi sa teoryang ito na naging mala-Diyos ang isang bansang nagkikintal ng sindak at pagiging masunurin upang matamo ang kapayapaan at kaligtasan.
Primordyal
Sosyobayolohista
Coercion
Interactionist
Ito ang tinutukoy ng kin selection.
tiyaga at buwis upang mapangalagaan ang isang lahi
mahalaga ang papel ng kontrata o kasunduan sa relasyong ito
nagbibigay-diin sa benepisyo nito sa anumang aspekto ng lipunan
paraan upang piliting sumunod o umiwas sa kilos ang nasasakupan
Ang kahulugan nito ay Interactionist Theory.
Tiyaga at buwis-buhay upang mapangalagaan ang isang lahi
Mahalaga ang papel ng kontrata o kasunduan sa relasyong ito
Nagbibigay-diin sa benepisyo nito sa anumang aspeto ng lipunan
Paraan upang piliting sumunod o umiwas sa kilos ang nasasakupan
Ito ay may kinalaman sa Corporate Group Theory
Tiyaga at buwis-buhay upang mapangalagaan ang isang lahi
Mahalaga ang papel ng kontrata o kasunduan sa relasyong ito
Nagbibigay-diin sa benepisyo nito sa anumang aspekto ng lipunan
Paraan upang piliting sumunod o umiwas sa kilos ang nasasakupan
Alin sa sumusunod na kaisipan ang hindi sang-ayon sa pananaw na primordyal?
Bunga ng paghuhubog sa kanila ng kasaysayan ang kakilanlan
Kailangan ang pagsisikil upang matamo ang dangal at iisang identidad
Pinaniniwalaang ang identidad ng isang lahi ay sadyang nakatakda sa kanila
"bawat bayan ay may sariling wika at sariling kaugalian at damdamin"
Sa pag-unawa ng mga teorya ng Nasyonalismo, alin sa sumusunod ang pinakamalapit sa dinanas ng Filipinas upang matamo ang kakilanlan?
Corporate Group
Instrumentalista
Primordyal
Interactionist
Ano ang hangaring palaganapin ng mga Kastila pagdating nila sa Filipinas?
Kaharian
Katolisismo
Budismo
Hudaismo
Ilang taon ang kolonyal at pyudal na sistemanag panlipunan ng mga Kastila sa Filipinas?
Mahigit 100 taon
Mahigit 200 taon
Mahigit 300 taon
Mahigit 400 taon
Ano ang larangan ang dapat makontrol ng US upang makontrol din ang sambayanang Filipino sa ekonomiya at politika?
Kultura
Wika
Paniniwala
Kaugalian
Pagkaraan ng malupit na pananakop sa Filipinas, nagpalapad ng papel sa mga mamamayan ang ilang mga tropang Amerikano sa pamamagitan ng pagiging __________.
Doktor
Abogado
Inhinyero
Titser
Sino ang nanguna sa Amerikanisasyon ng sistema ng edukasyon at kultura ng Pilipinas at nanguna rin sa organisasyong relihiyoso sa pagpapalit ng mga paring Amerikano sa mga paring Kastila sa kanilang mga institusyong akademiko ng mga nakatataas na uri sa lipunan?
Dominikanong Amerikano
Heswitang Amerikano
Itim na Amerikano
Puting Amerikano
Kailan ipinagkaloob ng US ang kunwaring kasarinlan sa Filipinas?
1944
1945
1946
1947
Ano ang naging malakas na pwera sa imperyalismong pangkultura ng US sa Filipinas?
Cold War
World War II
World War I
Edsa Revolution
Ano ang naging sangkalan para sa pagpapatuloy ng dominasyon ng US sa Filipinas sa pagpapanatili ng di makatarungang sistemang kolonyal ng malalaking komprador at panginoong maylupa at sa panunupil sa mga pambansa at demokratibong mithiin ng sambayanan?
Anti-terorismo
Anti-demokratiko
Antikomunismo
Antinasyunal
Ano ang tinatayuan ng akronim na USAID?
Unified States Agency for International Development
United States Agency for International Development
United States Accreditation for International Development
United States Agency for International Diversity
Alin sa sumusunod na estasyon sa telebisyon ang bagong makapangyarihang pinanggagalingan ng impormasyon mula sa US?
Associated Press
United Press International
Voice of America
CNN
Alin sa sumusunod ang pelikulang nangingibabaw sa mundo ng kultura ng mga nakatataas na uring petiburgesyang lungsod at panggitnang burgesya ng kanayunan at kahit maralita ng lunsod?
Pelikulang Indie
Pelikulang Hollywood
Pelikulang FIL-Am
Pelikulang Tommy
Ano ang isports na impluwensya ng kulturang US at nangungunang popular na laro ng kalalakihan at larong paboritong panoorin sa Filipinas.
Balibol
Softball
Basketbol
Baseball
Kailan nagsimulang itinaguyod ng US ang paraan multinasyonal sa dayuhang pamumuhunan sa Filipinas at sa pagsasamantala ng sambayanan?
Dekada 60
Dekada 50
Dekado 40
Dekado 70
Anong bansa ang tumalo sa U.S. sa pagbebenta ng mga sasakyang de-motor at pangkonsyumer na produktong elektroniko sa Filipinas?
Germany
Taiwan
Tsina
Japan
Ano ang pangunahing wikang panturo sa mga paaralan at pangunahin ding wika sa opisyal at pangmasang komunikasyon na nagbibigay ng laging maaasahang daluyan ng imperyalismong pangkultura ng U.S?
British Ingles
Ingles
Scottish Ingles
Taglish
Ito ay ang unti-unting pagkaimpluwensya sa katangian, pag-uugali at pamamaraan ng pamumuhay ng isang grupo ng mga tao.
Culture Shock
Migration
Postenculturation
Enculturation
Dito naging popular ang Teoryang Dependensiya noong nangakaraang dekada.
Filipinas
Africa
Latin America
Mexico
Ito ay ang paniniwala ang pinagkukunang-yaman ay dumadaloy mula sa silid ng nasa mahihirap na kalagayan tungo sa sentro ng mayayamang estado, kung saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghirap ng isa.
Teoryang Dependensiya
Paniniwaalang Marxismo
Teoryang Femenismo
Teoryang Sosyolohikal
Ang bansang Filipinas ay itinuturing na nasa uri ng mga bansang:
First World
Third World
Second World
Fourth World
Alin ang tinukoy ni Rizal na laksa-laksang kanser ng lipunang Filipino noong panahon ng Kastila?
Mga Katiwalian
Magagandang asal
Sakit na nakamamatay
Kayamanan
TAMA O MALI
PANUTO: Basahing may pang-unawa ang pahayag sa abwat aytem. Kung ang pahayag ay wasto, TAMA ang piliin kung ito'y hindi wasto, Mali ang piliin.
May apat na makrong kasanayang panwgwika na dapat nmatutuhan ng mga estudyante.
Tama
Mali
Hindi na kailangang lagyan ng panipi ang pamagat sapagkat nasa itaas nang bahagi ito ng sulatin.
Tama
Mali
Ang mahabang "nang" ay katumbas ng noon o when sa Ingles.
Tama
Mali
Ayon sa tuntunin, may gitling at hindi isang salita lamang ang sari-sari.
Tama
Mali
Ayon sa tuntunin, kapag napapagitnaan ng salitang inuulit kahit pa may singit, "ng" ang gamitin.
Tama
Mali
Ang Filipinas ay ang pangatlong bansa sa buong mundo na may pinakamaraming nagsasalita ng Ingles.
Tama
Mali
Mahirap magsalita sa wikang Ingles na hindi ito ang wikang kinagisnan.
Tama
Mali
Ang konteksto bilang elemento ng pantawang pananaw ay tumutukoy sa mga isyung pampolitika, panlipunan at pang-ekonomiya na saklaw ng panunuri.
Tama
Mali
Ang pantawang pananaw ay nangangahulugang tawa bilang kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan.
Tama
Mali
Ang konteksto ay daluyan kung saan laganap o natatangi ang pantawang pananaw.
Tama
Mali
PAGKILALA
PANUTO: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat aytem upang matukoy ang sagot na binabanggit.
Ang mga guro ay gumagamit ng ganitong moda sa pagtuturo upang maituro ang araling makaagapay at makatulong sa higit na madali at payak na pagkakaunawa ng mga mag-aaral.
(a)
Ang paggamit nito sa pagtuturo ay nakalilikha ng positibong pananaw sa pagtatamo ng wika.
(a)
Ang Marxismo, bilang isang siyentipikong pandaigdigang pananaw ay nagmula sa malikhain at rebolusyunaryong isipan ni (a) .
Sa bawat pahina ng mga librong pilosopikal at mapagtanong na isipan ay ang idea na ang lahat na umiiral na pilosopiya ngayon ay anino lang ng mga alintuntuning kritikal nina Plato at (a) .
Sa ngayon, mula sa napakaraming katunggali ng sistemang ito, ang pinakakontemporaneo ay ang (a) .
(a) ang naisip nilang lunas sa sakit na ito.
Ang Marxismo ay nag-ugat mula sa kritikal na pilosopiya ni Hegel, na lumaya sa mga alituntuning (a) .
Ang hinahangad ng Marxismo ay isang pandaigdigang kilusan na tao-tauhang mga manggagawa para pabagsakin ang mga (a) .
Sina Lukacs, Gramsci at Adorno ay naturingang mga (a) .
Ang pinakahuling naimpluwensyahan ng Marxismo ay si (a) na idinagdag ang alituntunin ng organisasyon sa pag-aanalisa ng pag-unlad sa lipunan.
Dapat igiit na ang bagong pamantayan ng isang diskursong politikal sa loob ng isang malusog na demokrasya ay wala sa kantidad kundi nasa (a) ng mga impormasyong natatanggap.
Mahalaga ring tumugon sa lumalakas na panawagan para sa pagkakaroon ng mas mabilisang (a) ng mga impormasyong accurate o wasto upang magkaroon ng mag makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga kultura at bansang miyembro ng ASEAN.
Ang usaping ASEAN Integration au usaping ng (a) .
Usapin din ng pagsasalin ang mismong mga (a) bilang mga aktibong bahagi ng isang lipunang gumagalaw sa loob ng mga tagisan ng estrukturang kapangyarihan.
Kailangang magkaroon ng masigasig na (a) sapagkat hindi uusad ang anumang gawaing pagsasalin hanggat walang aktibong pakikipag-ugnayan sa iba pang mga disiplina partikular sa larangan ng araling kompyuter.
Kailangan nating mag-ambag ng mga korpus ng literaturang makatotohanan, napapanahon at nagpapahiawatig ng ating pagiging (a) .
Magnilay sa isang (a) na paraan tungkol sa paparating na ASEAN Integration.
Kung hanggang panood lamang tayo, huwag naman sana tayo puro (a) manood din tayo ng iba.
Mas magiging mahusay tayong tagasalin kung mayroon pa tayong alam na ibang (a) .
Hindi lahat ng mga (a) ay dapat isalin sa estilong nakagisnan o nakasanayan.
