WorksheetsQ4 - Summative Test No. 1 in EsP
Total questions: 25
Worksheet time: 15mins
Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting pag-uugali.
Tama
Mali
Nananalig si Jose na manalo sa patimpalak sa pagkanta ngunit hindi siya nag-eensayo.
Tama
Mali
Magkakaroon ng katuparan ang ating kahilingan sa Diyos kahit di tayo magdasal
Tama
Mali
Ang pananalig sa diyos ay maipakikita sa ating pagdarasal lamang.
Tama
Mali
Ang pagmamahal ng Diyos ay wagas para sa mga taong naniniwala lamang sa Kaniya.
Tama
Mali
Ang panalangin ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos.
Tama
Mali
Ang pag-ibig o pagmamahal ng Diyos sa atin ay walang kapantay.
Tama
Mali
Mahalin natin ang ating kapwa kung kapareho natin sila ng Relihiyon.
Tama
Mali
Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hinihinging kondisyon.
Tama
Mali
Ang taong may pananalig sa Diyos ay masaya at marunong magdasal.
Tama
Mali
Kinakailangan mong magsamba sa iba't ibang relihiyon bilang paniniwala sa Diyos.
Tama
Mali
Magkakaiba man ang paraan ng pananampalataya, lahat tayo ay mahal ng Diyos.
Tama
Mali
Ang pag-ibig ng Diyos ay nararanasan nang lubos kung ikaw ay isang Katoliko.
Tama
Mali
Ang paggalang sa pinaniniwalaan ng iba ay isang mabuting pakikipagkapwa-tao.
Tama
Mali
Mapalad ang mga taong may pananampalataya sa Diyos kahit hindi nila nakikita.
Tama
Mali
Paano mo pakikisamahan ang iyong mga kaklase kung magkakaiba ang inyong relihiyon?
Makikipagkaibigan ako kahit magkaiba ang relihiyon.
Kakaibiganin ko ang kaparehong relihiyon.
Hindi na lang po ako makikipagkaibigan.
Isa sa mga kaibigan mo ay Iglesia ni Cristo. Hindi siya nag sign of the cross noong namuno siya sa pagdarasal sa klase. Sinabihan mo siya ngunit sinabi niyang bawal yon sa kanilang relihiyon.
Sasabihan ko po na dapat ay mag sign of the cross siya.
Sasabihan ko po siya na ipagpatuloy ang pagdarasal. Igagalang ko rin ang kaniyang relihiyon.
Sasabihin ko po sa kaniya na ako na lang ang mamumuno sa panalangin.
Nakita mong naglalaro sa loob ng isang kapilya ang mga bata. Ano ang gagawin mo?
Hahayaan ko po sila.
Hahabulin ko sila para lumabas ng kapilya.
Pagsasabihan ko sila na maglaro na lamang sa palaruan.
Ipinakikilala sa iyo ng iyong pinsan ang kaniyang matalik na kaibigan. Isa siyang kasapi ng Iglesia ni Cristo at ikaw naman ay Methodist. Paano mo siya haharapin?
Makikipagkaibigan ako sa kaniya kahit iba ang aming paniniwala tungkol sa Diyos.
Maayos ko siyang kakausapin ngunit di ko siya kakaibiganin.
Hahayaan ko ang aking pinsan sa nais niyang gawin.
Pupunta ang kaibigang Muslim ng iyong kapatid sa inyong bahay sa araw ng piyesta. Ano ang tamang gawin para ipakita mo ang mabuting pagtanggap sa bisita?
Sasabihin ko sa aking nanay na puro lutong may karne ng baboy ang ihanda.
Sasabihin ko sa kanya ang mga handa naming walang sahog na baboy.
Sasabihan ko ang ate ko na huwag na lang siyang papuntahin.
Malakas ang tunog ng radio habang nakikinig ang iyong tatay ng balita. Narinig mong nagdarasal ang mag-anak na Katoliko na inyong kapitbhay. Ano ang dapat mong gawin?
Hihintayin ko ang aking tatay na sabihan akong hinaan ang radio.
Tatahimik na lamang ako habang sila ay nagdarasal.
Magpapaalam ako sa aking tatay na hihinaan ko ang radio dahil may nagdarasal.
Nakita mong pinupunit ng iyong kamag-aaral ang mga pahina ng isang banal na aklat. Alin ang HINDI mo dapat gawin?
Hahayaan ko na lamang sya sa kanyang ginagawa.
Kukunin ko ito mula sa kanya upang hindi na niya ito tuluyang mapunit.
Sasabihin ko na huwag niyang punitin ang mga pahina ng banal na aklat.
Lumiban sa klase ang kaklase mo dahil nilagnat at dahil sa pandemya bawal ang pagdalaw sa mga maysakit para maiwasang mahawa ng COVID-19. Paano mo siya matutulungan na hindi dinadalaw?
Magpapadala po ako ng maraming pagkain at Doktor na gagamot sa kaniya.
Taimtim po ako na magdarasal at hihilingin sa Panginoon na gumaling na ang kaklase ko.
Hihintayin ko na lamang siya na pumasok sa eskwela.
Bilang isang kasapi ng relihiyong Iglesia ni Cristo. Paano mo igagalang ang paniniwala ng kaibigan mo sa mga rebolto o imahe ng santo?
Ipapaalala ko po sa kaniya na bawal ang magsamba sa mga diyos-diyosan.
Hindi ko na lang siya papansinin.
Igagalang ko po ang kaniyang pananampalataya.
Bakit kailangan natin magdasal at magsamba sa Diyos?
Dahil kailangan nating kilalanin ang Diyos at magpasalamat sa Kaniyang mga biyaya.
Dahil yan ang utos ng simbahan.
Dahil kailangang humiling ng mga pagpapala.
