wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Non-professional Licence

Total questions: 120

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ayon sa R.A. 4136, ang Student-driver's Permit ay dapat hindi bababa sa edad na:

a)

A. 16 na taong gulang

b)

B. 18 na taong gulang

c)

C. 20 na taong gulang

2.

Sa anong pagkakataon hindi maaring mag-overtake?

a)

A. Tuwing gabi

b)

B. Kung umuulan

c)

C. Sa blind curve

3.

Ano ang maksimum at pinahihintulutang lapad ng saddle box o bag?

a)

A. 14 na pulgada mula sa magkabilang gilid

b)

B. 16 na pulgada mula sa magkabilang gilid

c)

C. 18 na pulgada mula sa magkabilang gilid

4.

Ano ang dapat gawin kapag nagmamaneho sa highway na may maraming lubak?

a)

A. Bilisan ang takbo

b)

B. Bagalan ang takbo

c)

C. Palaging lumipat ng daan o lane

5.

Ang busina ay para sa:

a)

A. pampagising

b)

B. ingay

c)

C. magbigay babala para makaiwas sa disgrasya

6.

Kailan ka maaaring mag-hintay sa dilaw o yellow box sa sangandaan?

a)

A. Kapag ang traffic light ay pula

b)

B. Kapag nakatigil ka sa daloy ng trapiko

c)

C. Hindi kailanman, ang sangandaan ay dapat malinis sa lahat ng oras

7.

Kung higit sa isang drayber ang dumating sa four way stop, sino sa kanila ang may karapatan sa daan?

a)

A. Ang drayber na unang dumating ang siyang unang dapat na umandar

b)

B. Ang drayber pa huling dumating ang siyang unang dapat na umandar

c)

C. Ang drayber ng higit na malaking sasakyan ang siyang unang dapat umandar

8.

Ang drayber ay nararapat na laging magbigay ng daan sa mga sasakyang may blinkers at sirena na nakabukas dahil sila ay:

a)

A. malalaking sasakyan

b)

B. maliliit na sasakyan

c)

C. sasakyang tumutugon sa gipit na kalagayan/emergency

9.

Sino ang may prayoridad sa interseksiyon kung may dalawang sasakyan na dumating?

a)

A. Ang sasakyang nasa kaliwa ang prayoridad

b)

B. May prayoridad ang higit na malaking sasakyan

c)

C. Ang sasakyang nasa kanan ang may prayoridad

10.

Kung liliko pakanan, nararapat na:

a)

A. bagalan ang takbo, manatili sa pinakalabas na bahagi ng daan at mag-signal upang lumiko sa kanan

b)

B. manatili sa kaliwang app ng kalsada at mag-signal upang lumiko sa kanan 15 metro bago lumiko

c)

C. manatili sa kanang daan ng kalsada at mag-signal upang lumiko sa kanan 30 metro bago lumiko

11.

Ang traffic sign na "No Stopping" ay nangangahulugan na:

a)

A. maaari kang huminto sandali kung magsasakay o magbababa ng pasahero ng mabilis

b)

B. hindi maaaring huminto maliban kung tatanggap ng tawag

c)

C. hindi ka maaaring huminto maliban kung pinapahinto ng traffic enforcers

12.

Totoo ba na ang di kumikilos na pulang trapikong ilaw ay nangangahulugang dapat kang huminto hanggang ang sangandaan ay maging maaliwalas para magpatuloy?

a)

A. Totoo

b)

B. Hindi totoo

c)

C. Walang sagot

13.

Ayon sa mga sumusunod, alin ang HINDI ipinagbabawal ng Anti-Distracted Driving Act?

a)

A. Pagbabasa ng e-books o e-mail

b)

B. Pagpapadala o pagbabasa ng mensahe mula sa iyong mobile device

c)

C. Paggamit ng hands-free device

14.

Ang ibig sabihin ng dobleng puting putol-putol na linya sa daan ay:

a)

A. bawal na mag-overtake sa kaliwang parte

b)

B. bawal na mag-overtake sa kanang parte

c)

C. pwede kang mag-overtake sa kaliwa o sa kanan kapag walang panganib

15.

Kung walang linya na minarkahan sa kalsada, dapat kang magmaneho:

a)

A. malapit sa kanang bahagi ng kalsada

b)

B. kahit saang bahagi ng kalsada

c)

C. sa gitna ng kalsada

16.

Ano ang nararapat mong gawin kung ikaw ay umiinom ng mga gamot na maaaring makaapekto sa iyong pagmamaneho?

a)

A. Humingi ng payo sa doktor bago magmaneho

b)

B. Magmaneho lamang kung may kasama na lisensyadong drayber

c)

C. Limitahan ang pagmamaneho sa umaga

17.

Ang bilis ng takbo ng sasakyan ay maaring nakadepende sa:

a)

A. pagiging road worthy ng mga sasakyang minamaneho

b)

B. kakayahan ng drayber

c)

C. lahat ng nabanggit

18.

Ano ang dapat mong gawin kung pinapatakbo ka ng pulis pantrapiko kahit na pula na ang traffic light o senyas na nagpapahinto?

a)

A. Hindi ka dapat sumunod sapagkat kung susunod ka ay huhulihin ka

b)

B. Dapat kang sumunod

c)

C. Hindi mo dapat pansinin ang pulis pantrapiko at hintayin ang traffic light na berde

19.

Ano ang ibig sabihin ng paunang babala sa pagtawid sa riles?

a)

A. Upang bigyan ng abiso ang bilis ng motorista

b)

B. Para balaan ang motorista na hindi sila maaaring pumarada kahit kailan

c)

C. Para balaan ang mga motorista na may lebel ng pagtawid sa riles sa unahan

20.

Sa panahon ng pagkakasakit, ang iyong kakayahan sa pagmamaneho ay maaaring humina. Nararapat na ikaw ay:

a)

A. uminom lamang ng mababang dose ng anumang uri ng gamot sa lahat ng panahon para masigurado ang kaligtasan

b)

B. laging bisitahin ang iyong doktor bago magmaneho, lalo na sa mahahabang biyahe

c)

C. maging malusog sa pangangatawan at pag-iisip at huwag magmaneho pagkatapos uminom ng gamot

21.

Ano ang maksimum na parusa para sa paulit-ulit na paglabag sa R.A. 10666 o Children's Safety on Motorcycle Act?

a)

A. Pagkabilanggo ng anim (6) na taon

b)

B. Multang P50,000

c)

C. Pagbawi ng driver's license

22.

Ang drayber ng motorsiklo ay dapat palaging nag iingat. Upang magawa ito, sila ay nangangailangan na nakasuot ng:

a)

A. mga helmet na laan sa trabahong pang-konstruksyon

b)

B. standard protective helmets

c)

C. sombrero ng police o gloves

23.

Kapag kailangan mo ng salamin sa mata para makakita ng maayos, kailan mo dapat ito isuot?

a)

A. Sa pangit na panahon

b)

B. Sa mabigat na daloy ng trapiko

c)

C. Kapag nagmamaneho

24.

Sino ang responsable para siguraduhing hindi sobra sa dami ang nakasakay ng sasakyan?

a)

A. Ang drayber ng sasakyan

b)

B. Ang nagpapasakay sa sasakyan

c)

C. Ang may ari ng sasakyan

25.

Ang mga signal sa pagliko ay dapat gamitin

a)

A. bago umalis sa interseksiyon

b)

B. habang patungo sa interseksiyon

c)

C. bago lumiko sa interseksiyon

26.

Ang U-turn ay ginagamit para baguhin ang direksiyon. Alin sa mga sumusunod ang pinapayagan?

a)

A. Kung saan walang U-Turn sign na nakalagay

b)

B. Sa one-way na kalye

c)

C. Kung walang sasakyan na paparating sa kabilang panig na magreresulta ng sagabal o masamang aksidente

27.

Ano ang magiging resulta ng hindi pagpatay ng signal light matapos lumiko mula sa interseksiyon?

a)

A. Makakapagpapalito sa lahat ng mga nasa daan

b)

B. Makakapagpapalito sa lahat ng mga motorista

c)

C. Makakapagpapalito sa mga tagapagpatupad ng batas pantrapiko

28.

Alin sa mga sumusunod ang gawaing paglabag sa pavement markings?

a)

A. Pagbusina

b)

B. Biglaang pagbagal ng takbo habang naka-berdeng ilaw

c)

C. Paghinto at pagbaba ng mga pasahero sa tawiran ng tao

29.

Ano ang dapat gawin ng isang drayber kung siya ay dadaan sa isang kalye na maraming tao na tumatawid?

a)

A. Bagalan ang takbo, maging alerto o maingat at tingnan kung ligtas ang pagdaan

b)

B. Magpatuloy sa normal na bilis ng takbo

c)

C. Bumusina at pailawin ang mga headlights

30.

Ang traffic light ay nagpalit mula sa berde pa dilaw habang pasangandaan ka. Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Magpatuloy lang sa iyong kasalukuyang bilis

b)

B. Huminto kahit na nasa sangandaan

c)

C. Huminto bago magsangandaan

31.

Ang pagmamaneho ng higit na mabilis sa itinakdang bilis ay:

a)

A. pinapayagan lamang kung mag-o-overtake sa isa pang sasakyan

b)

B. pinapayagan lamang kung ang ibang sasakyan ay magpapatakbo ng higit na mabilis sa itinakdang bilis

c)

C. ito ay ipinagbabawal ng batas maliban na lamang kung may emergency

32.

Magkano ang parusa para sa pangalawang opensa ng R.A. 10666 Children's Safety on Motorcycle Act of 2015?

a)

A. PHP 1,000

b)

B. PHP 5,000

c)

C. PHP 7,000

33.

Paano ka naaapektuhan ng alak?

a)

A. Pinabibilis nito ang iyong reaksiyon

b)

B. Pinabubuti nito ang iyong koordinasyon

c)

C. Pinapababa nito ang iyong konsentrasyon

34.

Ang kumikislap na dilaw na ilaw ay signal na nagpapahitawatig na dapat:

a)

A. bagalan ang takbo at magpatuloy kapag ligtas

b)

B. ipagpatuloy ang kasalukuyang bilis

c)

C. magmabilis

35.

Kung balak mong bumagal o huminto, dapat mong:

a)

A. bumusina

b)

B. tapakan ang iyong preno nang magaan upang buksan ang iyong mga ilaw sa preno

c)

C. manatili sa iyong linya pagkatapos huminto

36.

Kumpletuhin ang tamang pahayag: Hindi mo dapat gamitin ang busina kapag ang iyong sasakyan ay nakatigil

a)

A. maliban kung ang isang gumagalaw na sasakyan ay maaaring maging sanhi ng panganib

b)

B. maliban kung ito ay ginagamit lamang nang saglit

c)

C. maliban sa pagbigay na senyales na nakarating ka na

37.

Ang mga linya, simbolo, at mga salitang nakapinta sa kalsada ay tinatawag na_____

a)

A. mga traffic signal

b)

B. pavement markings

c)

C. traffic hazards

38.

Ang kulay berdeng traffic light sa interseksiyon ay nangangahulugang:

a)

A. pinahihintulutang tumawid ang mga tao sa lahat ng tawirang pantao

b)

B. hindi pinahihintulutang tumawid ang mga tao sa lahat ng tawirang pantao

c)

C. ang mga sasakyan sa kabilang kalsada ay nakahinto

39.

Sa anong pangyayari maaaring pumarada sa harapan ng pasukan ng ospital?

a)

A. Kapag sumusundo ng pasyente

b)

B. Wala

c)

C. Kapag empleyado ka ng ospital

40.

Maiiwasan at mababawasan ang mga aksidente sa kalsada kung:

a)

A. hindi binabale-wala ng mga drayber ang mga senyas pantrapiko

b)

B. ganap na binabale-wala ng mga drayber ang mga senyas pantrapiko

c)

C. hindi pinapansin ng mga drayber ang mga senyas pantrapiko sa mga partikular na lugar

41.

Aksidente kang nakabangga ng taong naglalakad. Ano ang unang dapat mong gawin?

a)

A. Tulungan ang taong naglalakad

b)

B. Maghanap ng ligtas na lugar para pumarada

c)

C. Tumawag ng pulis

42.

Ang sasakyan ay nakaparada kapag:

a)

A. hindi gumagalaw ang sasakyan habang nagsasakay ng pasahero

b)

B. hindi gumagalaw ang sasakyan habang nagbababa ng pasahero

c)

C. ang sasakyan ay hindi gumagalaw habang patay ang makina

43.

Ano ang ibig sabihin ng isang paunang babala na may riles ng tren?

a)

A. Upang bigyan ng babala kaugnay ng bilis ng kanilang takbo

b)

B. Upang balaan ang mga motorista na HINDI sila maaaring pumarada anumang oras

c)

C. Upang balaan ang mga motorista na may riles ng tren sa unahang bahagi ng kalsada

44.

Habang nagmamaneho gusto mong lumiko pakaliwa sa minor na kalsada. Paano ang gagawin mo?

a)

A. Manatili sa gitna ng daan

b)

B. Magmabilis na lumipat

c)

C. Huwag magmadali at ayusin lamang ang paglipat

45.

Hindi ka dapat gumamit ng mobile phone habang nagmamaneho:

a)

A. dahil mahina ang pagtanggap kapag umaandar ang makina

b)

B. dahil makakaapekto ito sa mga electronic system ng sasakyan

c)

C. dahil maaaring makasagabal ito sa iyong atensyon

46.

Kapag naka-enkuentro ka sa daan ng mga sasakyang pang-emergency kagaya ng ambulansya, fire truck na sumisirena, ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Huwag mo silang pansinin

b)

B. Magbigay daan sa pamamagitan ng paggilid sa kanan o kaliwa

c)

C. Harangan ang kanilang daanan

47.

Ang bilis ng pagmamaneho mo sa gabi ay dapat nakadepende sa:

a)

A. pisikal at mental na kondisyon at husay ng drayber

b)

B. kakayahan ng sasakyan at lagay ng panahon

c)

C. lahat ng sagot

48.

Ang paglipat ng linya sa sangandaan ay:

a)

A. napakaligtas

b)

B. ligtas

c)

C. hindi ligtas

49.

Kapag ginagamit ang pangunahing batas sa bilis bilang gabay, ang pagpili ng bilis ay nakadepende sa:

a)

A. bilis ng sasakyan na minamaneho

b)

B. kasanayan ng drayber

c)

C. lahat ng nabanggit

50.

Kailan ka dapat magsignal kung ikaw ay liliko pakanan?

a)

A. Habang lumiliko

b)

B. Pagkatapos lumiko

c)

C. Bago lumiko

51.

Ang angkop na senyas kung liliko sa kaliwa ay:

a)

A. ang braso at kamay ay nakaunat pakaliwa

b)

B. ang kaliwang kamay ay nakaturo sa itaas

c)

C. kaliwang kamay na nakababa at nakaturo sa lupa

52.

Ang panuntunan sa Right-Of-Way ay nagbibigay ng:

a)

A. pangunahing karapatan bilang mga drayber

b)

B. mga batas kapag nagbigay daan sa iba

c)

C. lahat ng nabanggit

53.

Ang aksyon na ito ay maaaring magdulot sa iyo na mapasagadsad at mawalan ng kontrol kapag gumawa ka ng biglaang paglipat lalo na sa basa at posibleng madulas na kalsada.

a)

A. Hindi tamang pagpepreno

b)

B. Lumilikong mabagal

c)

C. Akselerasyong napakabagal

54.

Hindi ka maaring bumusina maliban na lamang kung:

a)

A. may mga umaandar na sasakyan na maaaring magdulot sa iyo ng kapahamakan

b)

B. kailangan mong agawin ang pansin ng traffic enforcer

c)

C. magbigay ng senyales na ikaw ay paparating

55.

Ayon sa R.A. 10666, ang bata ay maaaring sumakay sa motorsiklo kung siya ay nakasuot ng standard protective helmet, komportableng naabot ng mga paa ang standard foot peg at

a)

A. nakakakapit ang bata sa rider's seat handle

b)

B. nakakahawak sa balikat ng drayber

c)

C. nakakayakap ng 360 degrees sa baywang ng drayber

56.

Sa mga rotonda, alin sa mga sumusunod na mga sasakyan ang mayroong Right-Of-Way?

a)

A. Ang sasakyan na nakaharap sa berdeng dilaw

b)

B. Mga sasakyan na papasok palang

c)

C. Mga sasakyan na nasa rotonda

57.

May biglang tumawid sa kalsada nang aandar ka na. Ano ang gagawin mo?

a)

A. Bumusina ng isang beses at hayaang tumawid ang tao

b)

B. Maghintay hanggang sa makatawid ang tao

c)

C. Paatrasin ang taong tumatawid

58.

Ang dapat na kulay ng blinkers para sa mga mahahabang sasakyang mababagal ang takbo?

a)

A. Asul

b)

B. Dilaw

c)

C. Pula

59.

Ang traffic sign na "No Parking" ay nangangahulugan na:

a)

A. maaaring pumarada sa pasubaling ang minamaneho mo ay pribadong sasakyan

b)

B. hindi pwedeng huminto nang sandali kung hindi ay huhulihin dahil sa pagwawalang-halaga sa traffic sign

c)

C. maaaring huminto sandali upang magsakay o magbaba ng mga paninda o pasahero at hindi dapat na nakakasagabal sa mga sasakyan

60.

Pinapahintulutang pumarada ang isang sasakyan kung:

a)

A. lampas 4 na metro sa boka-insendiyo o fire hydrant

b)

B. sa loob ng 3 metro ng interseksiyon ng mga linyang kurbada

c)

C. sa loob ng interseksiyon

61.

Alin sa mga nabanggit ang hindi nililimitahan ang bilis ng takbo?

a)

A. Mga drayber na umiiwas mahuli

b)

B. Mga doktor o kanilang drayber na tutugon sa emergency

c)

C. Mga drayber ng matataas na opisyal ng gobyerno

62.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Bawal pumasok

b)

B. Huminto ka

c)

C. Magbigay ka

63.

Ano ang ibig sabihin ng dilaw na ilaw pantrapiko na kumukurap-kurap?

a)

A. Bagalan ang takbo at magpatuloy kung walang panganib

b)

B. Hintayin hanggang maging berde ang ilaw

c)

C. Huminto at hintayin ang pulang ilaw

64.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Lugar ng ospital

b)

B. Lugar ng paaralan

c)

C. Daang Tren

65.

Ang dobleng putol-putol na puting linya sa kalsadaay nangangahulugang:

a)

A. ipinagbabawal ang pag-overtake sa kaliwang bahagi ngkalsada

b)

B. ipinagbabawal ang pag-overtake sa kanang bahagi ng kalsada

c)

C. pinapahintulutan ang pag-overtake sa kaliwa o kanan na bahagi ng kalsada kung walang panganib

66.

Ano ang kulay ng traffic light na nagsasabing GO o maaari ka nang umandar?

a)

A. Asul

b)

B. Berde

c)

C. Dilaw

67.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Matarik ang kalsada

b)

B. Sirang kalsada

c)

C. llog

68.

Sakay ng manual clutch backbone na motorsiklo, may asong biglang tumawid sa iyong daan. Aling paa ang dapat mong gamitin upang matamo ang maksimum na preno upang hindi masagasaan ang aso?

a)

A. Kaliwa

b)

B. Kanan

c)

C. Pareho

69.

Ang dobleng buong dilaw na linya ay

a)

A. ay hindi dapat tawiran kailanman

b)

B. ay hindi dapat tawiran maliban kung may pag iingat

c)

C. wala sa pagpipilian

70.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Madulas ang kalsada

b)

B. Papalaki ang kalsada

c)

C. Papaliit ang kalsada

71.

Ang paggamit ng mobile phone habang nagmamaneho ay delikado at

a)

A. ito ay labag sa batas at lahat ng saklaw sa batas

b)

B. ito ay labag sa batas maliban na lamang kung ginagamitan ng hands-free device

c)

C. maaari kung nakahinto ang sasakyan dahil sa traffic light sa interseksiyon

72.

Ang panglikong signal na ilaw ay dapat gamitin kapag:

a)

A. nagmamaneho ng maayos

b)

B. ipaparating ang iyong intensyon sa mga drayber na nasa paligid mo

c)

C. dapat kang bigyan ng daan

73.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Doble ang kurbadong delikado sa unahan

b)

B. Doble ang kurbadong delikado sa kanan

c)

C. Doble ang kurbadong delikado sa kaliwa

74.

Ang traffic signs na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga batas at regulasyong pantrapiko na kung hindi papansinin ay ituturing na paglabag ay tinatawag na:

a)

A. regulatory signs

b)

B. warning signs

c)

C. informative signs

75.

Kailan mo dapat suriin ang lebel ng langis ng iyong makina?

a)

A. Kada 600 km

b)

B. Bago ang mahabang lakbayin

c)

C. Umagang umaga

76.

Ang mga mandato ng LTO ay magrehistro ng mga sasakyan na emission compliant at karapat dapat na gamitin, magbigay kaayusan sa kalsada at

a)

A. panatilihin ang kalinisan sa kalsada

b)

B. bigyan ng lisensya ang mga dekalidad na drayber

c)

C. gumawa ng patnubay na may kinalaman sa prangkisa ng mga sasakyang publiko

77.

Ano ang dapat mong gawin kung ang riles ng tren ay walang babala o warning devices?

a)

A. Bilisan ang takbo at tumawid ng mabilis subalit huwag kalimutang suotin ang helmet

b)

B. Huminto sa layong 15 talampakan sa riles ng tren, lumabas sa sasakyan, lumakad sa loob ng riles at suriin kung maluwag ang trapiko

c)

C. Bagalan ang takbo, suriin ang kaliwa at kanang bahagi ng riles ng tren, at mag-ingat na magpatuloy kung maluwag ang trapiko

78.

Ayon sa batas, ano ang dapat mong gawin sa sandaling makarating sa isang interseksiyon na may senyas na huminto?

a)

A. Bagalan ang takbo at dumiretso kung ligtas na itong gawin

b)

B. Magbigay ng daan kung kinakailangan sa mga paparating na sasakyang nanggagaling sa kaliwa na kakanan

c)

C. Huminto at dumiretso kung ligtas na itong gawin

79.

Ano ang iyong dapat na gawin kung ikaw ay papasok sa lugar na maraming ginagawang kalsada na pansamantalang ipinagbabawal ang pag-overtake?

a)

A. Sundin lamang ang senyas kung rush hour

b)

B. Sundin ang senyas ayon sa nakasulat

c)

C. Sundin lamang kung ang traffic enforcer ay naka-duty

80.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Madulas ang kalsada

b)

B. Baku-bakong kalsada

c)

C. Matarik na kalsada

81.

Upang makatulong sa pagbawas ng polusyon sa hangin, ano ang dapat mong gawin sa iyong preno?

a)

A. Pumreno ng maayos

b)

B. Pumreno ng madalas

c)

C. Pumreno ng biglaan

82.

Ano ang gagawin mo kung ikaw ay paparating sa interseksiyon at ang ilaw pantrapiko ay naging dilaw mula sa kulay na berde?

a)

A. Magpatuloy sa iyong kasalukuyang bilis

b)

B. Tumigil, kahit na nasa interseksiyon

c)

C. Tumigil bago ang interseksiyon o bago ang linya sa paghinto

83.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Matarik ang paakyat na direksyon ng kalsada

b)

B. Matarik ang kalsada

c)

C. Matarik ang pababang direksyon ng kalsada

84.

Sa krus na daan walang mga babala o marka sa kalsada. May dalawang sasakyan na paparating, alin ang mas may prayoridad?

a)

A. Ang mas mabilis na sasakyan

b)

B. Ang sasakyan na may mas maluwag na daan

c)

C. Wala

85.

Alin sa mga traffic light ang nagsasabi sa iyong maghanda sa paghinto?

a)

A. Dilaw

b)

B. Berde

c)

C. Pula

86.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Bawal ang lumiko

b)

B. Isang direksyon lamang

c)

C. Bawal pumasok ang lahat na klase ng sasakyan

87.

Kapag papalapit sa isang crosswalk o linya ng taong naglalakad, dapat kang

a)

A. bumusina nang huminto sa pagtawid ang taong naglalakad

b)

B. huminto at maghintay sa taong naglalakad

c)

C. bilisan ang iyong bilis

88.

Ano ang dapat mong gawin kung nais mong bagalan ang takbo o huminto?

a)

A. Bumusina para magsenyas sa harap ng sasakyan

b)

B. Tapakan ng bahagya ang preno upang umilaw ang brake light

c)

C. Manatili sa iyong lane at saka huminto

89.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Delikado ang kurbada sa kaliwa

b)

B. Delikado ang kurbada sa kanan

c)

C. Babala ng sangandaan

90.

Kung kailangan mong magsuot ng salamin sa mata upang makakita ng malinaw, kailan mo dapat ito isuot kung ikaw ay magmamaneho?

a)

A. Sa hindi magandang panahon

b)

B. Sa gabi

c)

C. Sa lahat ng oras

91.

Ano ang pinakamabuting gawin kung ikaw ay inaantok habang nagmamaneho?

a)

A. Buksan ang radyo nang napakalakas

b)

B. Magmaneho ng higit na mabilis

c)

C. Huminto sa tamang pahingahan at magpahinga

92.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Panganib sa nahuhulog na bato

b)

B. Sirang kalsada

c)

C. Matarik ang kalsada

93.

Ano ang dapat na haba ng saddle box o bag?

a)

A. Ang haba ay HINDI dapat lalampas sa dulong bahagi ng likuran ng 6 na pulgada

b)

B. Ang haba ay HINDI dapat lalampas sa dulong bahagi ng likuran

c)

C. Ang haba ay HINDI dapat lumampas sa upuan ng motorsiklo

94.

Bakit nakapinta ang rumble strips sa kalsada?

a)

A. Upang matulungan kang mapanatili ang tamang distansya ng paghihiwalay

b)

B. Upang tulungan kang pumili ng tamang linya

c)

C. Upang malaman mo ang iyong bilis

95.

Ano ang ibig sabihin ng kumukurap-kurap na pulang ilaw trapiko?

a)

A. Ipagpatuloy ang pagmamaneho, sira ang ilaw trapiko

b)

B. Huminto at magpatuloy lamang kung ligtas

c)

C. Maingat na magpatuloy

96.

Sa alin mga sitwasyong maaring gamitin ang telepono habang nagmamaneho ng sasakyan?

a)

A. Kung ito ay isang mahalagang tawag

b)

B. Kung magaan ang trapiko

c)

C. Wala sa itaas

97.

Ang taong may kapansanan ay maaaring magkaroon ng lisensya sa pagmamaneho kung:

a)

A. nakasulat sa lisensya ang kanyang karamdaman

b)

B. nakasulat sa student permit ang kaniyang karamdaman

c)

C. may kasamang kualipikadong nagtuturo

98.

Hindi ka dapat gumamit ng mobile phone habang nagmamaneho ng motorsiklo dahil:

a)

A. mahina ang sagap ng mobile phone kung bukas ang makina ng motorsiklo

b)

B. maaapektuhan nito ang electronic system ng iyong sasakyan

c)

C. ito ay ipinagbabawal ng batas at nakakasagabal ito sa iyong atensiyon habang nagmamaneho

99.

Ayon sa R.A. 10666, alin sa mga sumusunod ang nagbabawal sa drayber na mag-angkas ng bata?

a)

A. Kung ang itinakdang bilis ay higit sa 40km/oras

b)

B. Kung ang itinakdang bilis ay higit sa 50km/oras

c)

C. Kung ang itinakdang bilis ay higit sa 60km/oras

100.

Ang traffic sign na ito ay nagsasabing "magbigay ng karapatan sa daan":

a)

A. baligtad na tatsulok

b)

B. patayong tatsulok

c)

C. hugis na parihaba na may pulang border

101.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Papasok sa sangandaan na may kalsada sa gilid

b)

B. Sasanib sa trapiko pagpasok sa sangandaan

c)

C. Papasok sa sangandaan

102.

Ano ang maksimum na sukat ng pinasadyang top box ng motorsiklo?

a)

A. 3ft x 3ft x 3ft

b)

B. 2ft x 2ft x 2ft

c)

C. 1.5ft x 1.5ft x 1.5ft

103.

Ang sasakyan sa harapan mo ay nagdidilaw na ilaw. Ang ibig sabihin nito ay:

a)

A. sira ito

b)

B. mabagal na paggalaw

c)

C. kotse ng doktor

104.

Ano ang ibig sabihin ng senyas trapiko na ito?

a)

A. Bawal pumasok ang mga sasakyang 30 taon ang edad

b)

B. Pinakamababang itinakdang bilis

c)

C. Katapusan ng pinakamataas na itinakdang bilis

105.

Sa rotonda, alin ang may karapatan sa daan?

a)

A. Ang sasakyang nakaharap sa berdeng ilaw

b)

B. Ang sasakyang papasok pa lamang sa rotonda

c)

C. Ang sasakyang nasa paligid ng rotonda

106.

Maaari kang mag-overtake sa highway kung ito ay may dalawang lane na may:

a)

A. putol-putol na puting linya

b)

B. tuloy-tuloy na puting linya

c)

C. tuloy-tuloy na dilaw na linya

107.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Ginagawa ang kalsada

b)

B. Madulas ang kalsada

c)

C. Baku-bakong kalsada

108.

Aling lane ang dapat mong piliin matapos kang lumiko pakanan mula sa interseksiyon patungong one-way street?

a)

A. Manatili sa pinakakanan na lane

b)

B. Manatili sa pinakaloob na lane

c)

C. Manatili sa gitna ng kalsada

109.

Sino ang partikular na hindi kasama s Republic Act No. 10666?

a)

A. Batang nangangailangan agad ng atensyong medikal

b)

B. Batang kailangang pumunta sa paaralan

c)

C. Lahat ng nabanggit

110.

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a)

A. Bawal dumaan ang tren

b)

B. Daang tren

c)

C. Babala ng sangandaan

111.

Kung kakaliwa, saan dapat nakaposisyon ang iyong motorsiklo?

a)

A. Sa pinakamalapit na kurbada ng highway

b)

B. Sa pinakamalapit sa gitna ng highway

c)

C. Sa pinakamalapit sa gilid na linya ng highway

112.

Ano ang gagawin mo kung ikaw ay dumating sa interseksiyon na may sirang mga signal pantrapiko?

a)

A. Ipagpalagay na ang interseksiyon ay nakasenyas ng "Hinto" sa lahat ng direksyon

b)

B. Bilisan ang takbo

c)

C. Bagalan ang takbo at hintayin ang traffic enforcer

113.

Ano ang ibig sabihin ng ilaw trapiko na ito?

a)

A. Humanda sa paghinto

b)

B. Huminto kapag nagpalit ng pula

c)

C. Huminto kung kinakailangan

114.

Gamit ang backbone na motorsiklo, aling stand ang kailangan mong gamitin kung ikaw ay paparada nang magdamag?

a)

A. Stand sa gilid

b)

B. Cross stand

c)

C. Stand sa gitna

115.

Ano ang dapat mong gawin sa kumikislap na dilaw na trapikong ilaw?

a)

A. Ang signal na ito ay nagsasabi na hindi ka makakaliko sa sangandaan kaya dumiretso ka lang.

b)

B. Magmaneho ng maingat; para itong "Give Way" sign

c)

C. Huminto, magbigay daan at magpatuloy kapag ligtas

116.

Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mo ang ilaw trapiko na ito?

a)

A. Magpatuloy

b)

B. Maghintay sa pulang ilaw

c)

C. Magpatuloy kapag walang sagabal sa kabila

117.

Sakaling may nakabanggaan sa kalsada na kinakasangkutan ng isang tao, ano ang una mong dapat gawin?

a)

A. Huminto, suriin ang sitwasyon at bigyan ng nararapat na tulong ang taong nabangga

b)

B. Humanap ng ligtas na lugar na paparadahan ng iyong sasakyan

c)

C. Tumawag ng pulis o kamag-anak para sa iyong seguridad at kaligtasan

118.

Ang isang putol-putol na puting linya sa dalawang daan na kalsada ay:

a)

A. pagdaan o pag-overtake ay maaaring gawin kahit anong oras

b)

B. walang mag-o-overtake

c)

C. naghahati sa trapiko na gumagalaw sa magkabilang direksyon

119.

Ano ang ibig sabihin ng pavement marking na ito?

a)

A. Bawal mag-overtake

b)

B. Bawal huminto

c)

C. Gilid ng kalsada

120.

Kung ito ang plaka ng iyong sasakyan, kailan mo dapat i-renew ang rehistro upang maiwasan ang multa?

a)

A. Hanggang ika-19 na araw ng ikalawang buwan ng taon

b)

B. Hanggang ika-9 na araw ng ikalawang buwan ng taon

c)

C. Hanggang sa huling linggo ng ika-apat na buwan ng taon

Similar Resources on Wayground