Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Long Quiz (YUNIT 2-4)

Total questions: 30

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga teminong ginagamit na tinatawag na

(a)  

2.

Ito ay ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa.

(a)  

3.

Ang pangunahing layunin ng larangan na ito ay “hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao”.

(a)  

4.

Ito ay nagbibigay ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng kritisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa

(a)  

5.

Pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan at gumagamit ng emperikal na obserbasyon, kuwalitatibo at kuwantitatibong metodo.

(a)  

6.

Pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng mga grupo, komunidad, lipunan at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan, ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad ang mga pangyayaring ito.

(a)  

7.

Isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao - kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan. T

(a)  

8.

Anong metodo sa pagsasalin ang ginamit sa pahayag na ito?

Orihinal : Each citizen must aim at personal perfection and social justice through education.

Salin : Bawat mamamayan dapat layunin sa personal kaganapan at panlipunan katarungan sa pamamagitan edukasyon.

a)

Adaptasyon

b)

Idyomatiko

c)

Matapat

d)

Salita-sa-Salita

9.

Ibigay ang metodo sa pagsasalin na ginamit sa pahayag.

Orihinal: She was hospitalized last night and she kicked the bucket this

morning.

 Salin: Naospital siya kagabi at namatay siya kaninang

umaga.

a)

Matapat

b)

Lexical Synonym

c)

Idyomatiko

d)

Literal

10.

Alin ang wastong salin ng katagang “They moved to another place".

a)

Sila ay gumalaw sa ibang lugar.

b)

Sila ay lumipat sa ibang lugar.

c)

Sila ay tumayo sa lugar.

d)

Lumipat ang kanilang lugar.

11.

Nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang kanilang estruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya.

a)

Kemistri

b)

Pisika

c)

Biyolohiya

d)

Astronomiya

12.

Ang salitang siyensiya o science ay mula sa salitang Latin na scientia na nangangahulugan ng karunungan.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Ang Information Technology ay tumutukoy sa pag-aaral at sa hindi paggamit ng teknolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos at pagpoproseso.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Ang pagsasalin ay nagmula sa salitang Latin na translation na translatio naman sa wikang Ingles. Metafora o metaphrasis ito sa wikang Griyego na pinagmulan ng salitang Ingles na metaphrase o salitang-sa-salitang pagsalin

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Nakapaloob sa Metodo ang problema, motibo, layunin. Background at pangkalahatang pahayag. Bakit isinagawa ang pag-aaral? Ang mga tanong na dapat sagutin? Ano ang pinatunayan ng hipotesis?

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Anong pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko-teknikal ang nasa ibabang halimbawa:

persepsyon mula sa Latin na perception

amnesya mula sa Ingles na amnesia

a)

saling-paimbabaw (surface assimilation)

b)

saling-hiram (loan translation)

c)

saling-angkat (direct borrowing)

d)

saling-panggramatika (grammatical translation)

17.

Anong pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko-teknikal ang nasa ibabang halimbawa:

paghuhugas-isip para sa brainwashing

alon ng tunog para sa sound waves

a)

saling-hiram (loan translation)

b)

saling-paimbabaw (surface assimilation)

c)

saling-sanib (amalgamated translation)

d)

saling-daglat (abbreviated word)

18.

Anong pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko-teknikal ang nasa ibabang halimbawa:

banyuhay (bagong anyo ng buhay) - metamorphosis

balarila (bala ng dila) - grammar

a)

saling-tapat (parallel translation)

b)

saling-daglat (acronyms/abbreviated word)

c)

saling-panggramatika (grammatical translation)

d)

Saling-likha (word invention)

19.

Anong pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko-teknikal ang nasa ibabang halimbawa:
inter-aksyong sosyal ---- social interaction

kumperensyang internasyunal ---- international conference

a)

saling-paimbabaw (surface assimilation)

b)

saling-tapat (parallel translation)

c)

saling-panggramatika (grammatical translation)

d)

saling-taal (indigenous-concept oriented translation)

20.

Anong pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko-teknikal ang nasa ibabang halimbawa:

BSU-Batangas State University

LPU-Lyceum of the Philippines University

UB-University of Batangas

s

a)

saling-sanib (amalgamated translation)

b)

saling-daglat (acronyms/abbreviated word)

c)

saling-taal (indigenous-concept oriented translation)

d)

saling-paimbabaw (surface assimilation)

21.

Dahil isa sa kahingian nito ay ang pagsunod sa isang pinaghandaang proseso. May mga hakbang na kailangan sundin upang maging tiyak na tama at maasahan ang mga datos na makakalap.

a)

Sistematik

b)

Etikal

c)

Matalino

d)

Kontrolado

22.

Ito ay tumutukoy sa pagsasalin ng ideya ng orihinal na teksto sa mabisa at malinaw na pananalita na hindi nababago ang tunay na kahulugan.

a)

Pagpili ng paksa ng pananaliksik

b)

Abstrak

c)

Paraphrase

d)

Rebyu

23.

Kailangang panatilihin ng mananaliksik ang katapatan sa buong proseso at iwasan hangga’t maari ang paglabag sa karapatan ng ibang tao na maaring masangkot sa pananaliksik gaya ng repondante, o mga awtor ng sangguniang gagamitin niya.

a)

Matalino

b)

Etikal

c)

Sistematiko

d)

Kontrolado

24.

Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.

a)

Pagpili ng Batis ng Impormasyon

b)

Pagbasa, Pagsulat ng Paraphrase , Abstrak at Rebyu

c)

Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik

d)

Akademikong Publikasyon

25.

Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang maging konstant. Hindi dapat baguhin, anumang pagbabagong nagaganap sa asignatura o pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol na kailangang-kailangan sa mga eksperimental na pananaliksik.

a)

Kontrolado

b)

Etikal

c)

Sistematiko

d)

Empirikal

26.

Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraan ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.

(a)  

27.

Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal lektyur, at mga report.

(a)  

28.

Isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang akda batay sa nilalaman, istilo at anyo ng pagkakasulat nito.

(a)  

29.

Paghahanap ng maliliit na suliranin sa teksto na madaling masoslusyunan gaya ng pag-aalis o pagdaragdag ng salita o pangungusap, pag-aalis o paglilipat lipat ng talata at iba pa. sa bahagi rin ito nirerebisa ang wika ng papel upang maging mas malinaw, maikli ngunit malaman at madaling basahin para sa mga mambabasa.



(a)  

30.

May kinalaman sa mga pagkakamaling grammatikal, tipograpikal at pagbabantas. Kailangan maging maingat sa pagbasa ang mananaliksik sa bahaging ito dahil tinitingnan ang baybay at tamang gamit ng bawat salita.

(a)