Font size
WorksheetsFILIPINO LONG QUIZ
Total questions: 15
Worksheet time: 3hrs 34mins
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa guhit.
“Natawa si Judiel sa malakas na bigkas ng mga salita ni Greg sa kaniyang pagsasalita.”Alin sa pangungusap ang mga salitang magkatugma?
Natawa-Judiel
Malakas-bigkas
Malakas-salita
“Tumalon ang malaking malaking palaka sa balon.”Alin sa mga salita sa pangungusap ang magkatugma?
Tumalon-balon
Malaking-palaka
Balon-malaki
Alin sa sumusunod na pangkat ng mga salita ang magkatugma?
Tinapay-buhangin
Timpla-sardinas
Buhok-usok
”Ang bata ay masayang naglalaro ng saranggola.”Alin sa sumusunod na salita ang umpisa o simula ng binasang pangungusap?
Bata
Ang
Naglalaro
“Gabi na nang dumating sina Nanay at Tatay. Pagod na pagod sila galling trabaho. Nagpahinga sila kaya bingyan ko ng tubig na maiinom at saka tinanggalan ko ng medyas. Napangiti silang dalawa. Ganyan ko kamahal ang magulang ko.”Alin sa mga salita ang simula ng talatang binasa?
Dumating
Gabi
Pagod
Para sa bilang 6.
“Isang araw, nainip ang magkaibigang Pagong at Matsing sa paghihintay kay Tutubi. Nagpasya sina Pagong at Matsing na sunduin ito sa kanilang bahay. Sa kanilang paglalakad, nasalubong nila si Tipaklong. Nagbatian sila sa isa’t isa. Ilang minute pa ang nakalipas at narrating nina pagong at Natsing ang bahay ni Tutubi.”Bakit di ka pa umaalis ng bahay”?Ang sabay na tanong ng dalawa kay Tutubi.”Pasensiya na kayo bigla akong nahilo,”ang sagot ni Tutubi.”Ganun ba?Sige saka na lang tayo mamasyal. Aalagaan ka na lang naming nin Pagong,”sabi ni Matsing.”Oo nga,”sang-ayaon na wika ni Pagong.”
Tanong: Alin sa sumsusnod na pangungusap na ginamit bilang pagsisimula ng kwento?
“Oo nga,”sang-ayon na wika ni Pagong
“Isang araw,nainip ang magkaibigang pagong at Matsing sa paghihintay kay Tutubi.
“Bakit di ka pa umaalis ng bahay?
B. Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot.
Alin sa sumsusnod na pangungusap ang may wastong baybay ng mga salita?
Ang sarap nang aming tanghalian kanina.
Pira ko ang pinambele ng sabon ni Nanay.
Nakatutuwa ang mga batang masipag at masunurin sa magulang.
Alin sa sumusunod ang pangungusap na ginamitan ng wasto o tamang bantas?
Aba?Nakakabasa ka na pala?
Aba! Nakakabasa ka na pala.
Aba, nakakabasa ka na pala!
“Gusto kong _____________ng pinggan pagkatapos na kumain.”Punan ng wastong saltang kilos ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Magsayaw
Maghugas
Maghilamos
“Dumating sina Lolo at Lola kanina kaya kaming magkakapatid ay____________sa sobrang saya.”Punan ng angkop na pandiwa ang patlang.
Nakatulog
Napatalon
Naglakad
Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tamang paggamit ng malaking letra?
Ang malaking letra ay ginagamit sa mga pangkaraniwang ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari.
Ang malaking letra ay ginagamit sa pagsisimula ng pangungusap o talata, sa tanging ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari.
Ang malaking letra ay maaring gamitin sa kung saan mo gusting gamitin.
“Malakas ang paparating na bagyo________PAG-ASA.”Punan ng wastong pang-ukol ang patlang.
Para sa
Ayon sa
Laban kay
“Ang mga bulaklak na ito ay ___________ pinakamamahal kong ina.”Punan ng angkop na pang-ukol ang patlang.
Para sa
Tungkol sa
Ukol kay
”Ang kaniyang mga sinabi ay hindi___________iyo. Kaya huwag ka nang magtampo sa kaniya.”Punan ng angkop na pang-ukol ang patlang.
Tungkol sa
Batay sa
Ayon sa
Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng wastong gamit ng bantas na tuldok?
Ginagamit ito sa pansamantalang paghinto.
Ginagamit ito sa ganap na paghinto o sa hulihan ng pangungusap.
Ginagamit ito kahit saang bahagi ng isang pangungusap.
Nakita mong hindi pa marunong maghugas ng pinggan ang kapatid mo. Gusto mo siyang turuan sa pamamagitan ng pagbibigay ng panuto, alin sa sumusunod ang ibibigay mong panuto sa kaniya?
Ihiwalay ang mga kutsara at tinidor sa pinggan.Tanggalin ang mga mumo sa pinggan. Unahaing sabunin ang mga kutsara,tinidor at baso bago ang mga pinggan saka ito banlawang maigi.
Umigib ng tubig at ilagay sa drum. Imisin ang mga mumo sa pinggan.Ilapag ang mga ito sa palanggana at hayaan ng ilang oras.
Pagalitan mo ang iyong kapatid dahil ang laki-laki na niya pero hindi pa rin siya marunong maghugas ng pinggan.
Kung bubuo ka ng isang pangungusap na may simuno at panaguri, alin sa sumusunod ang gagawin mong bagay sa pagbuo?
Nang matagal na panahon
Masipag maghanap-buhay si Tatay.
Dahil sa iyo.
.”Isang mabait at matabang pusa ang aking alaga. Palagi akong sinsalubong kapag galling sa eskwela.”Alin sa sumusunod ang paksa ng pangungusap?
Alaga
Kaibigan
Mabait at matabang pusa
Para sa bilang 19.
Madilim ang paligid,malakas ang ulan at hangin na tumatama sa aming munting tahanan. Tila malapit na rin tanagayin an gaming bubong sa buong magdamag na bagyo. Kinaumagahan ay nagising ako ng napakaliwanag na paligid.”Salamat sa Diyos,iniligtas kami sa masamang panahon.”
Alin ang paksa sa binasa?
Salamat sa Diyos
Masamang panahon
Madilim na paligod
Para sa bilang 20.
“Isang malakas na bagyo ang nanalasa noong Nobyembre 2022 kung saan marami ang lugar na lumubog sa baha. Isang buwang walang pasok sa lahat ng mga paaralan sa amin.”
Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag tungkol sa paksa ng binasa?
Ang panahon ay hindi natin mawari. Sa ngayon ay umuulan ngunit bigla-bigla ay iinit. Iba na talaga ang panahon ngayon.
Ang isang malakas na bagyo maaaring sumira ng maraming ari-arian maging buhay ng mga tao kaya dapat na lagging handa sa anumang sakuna na darating.
Namasyal ang magkakaibigan sa tabing-ilog dahil napakasarap ng simoy ng hangin ditto.
Isang mabait at matabang pusa ang aking alaga. Palagi akong sinasalubong kapag galing sa eskwela. Ano ang paksa sa teksto?
Ang mabait at matabang pusa.
kaibigan
alaga
Di matatawaran ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Huwag natin abusuhin ang kanyang kabaitan. Tumulong sa kanya sa abot ng makakaya.
ang pag-aalaga ng isang ina
ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.
di matutumabasang pagmamahal
Masayang naglalaro sina Ana at Lala sa kanilang bakuran ng lutu-lutuan. Ano ang simuno sa pangungusap?
Sina Ana at Lala
Bakuran
Masaya
Bumili ng isang kilong manok si Nanay para sa hapunan. Alin ang panaguri sa pangungusap?
Bumili ng isang kilong manok
si Nanay
manok
Masipag mag-aral si Kuya.Alin ang simuno sa pangungusap?
Si Kuya
Masipag
Mag-aral
“Sina Mak at Pat ay tunay na magkaibigan.”Ang salitang may salungguhit ay tumutukoy sa _________?
panaguri
simuno
salita
Ang mga sumusunod na pangungusap ay binubuo ng simuno at panaguri. Alin sa mga ito ang hindi buo ang diwa?
Sa Riverbank Center namasyal ang magkakaibigan.
Si Lilibeth ay nasa unang baitang.
Ang mga ibon
Alin sa mga pahayag ang buo ang diwa?
Ang Marikina ay malinis na lugar.
Ang sapatos
matitibay na sapatos
Nais mong turuan ng tamang pagbabasa ang iyong kapatid. Ano ang tamang panuto na maibibigay mo sa kanya?
Basahin mo ng mabilis at malakas.
Tingnan ang larawan.
Basahin ng may katamtamang bilis, unawain ang binabasa, at sumunod sa tamang bantas ng pangungusap.
May kailangang sagutan ang iyong kapatid sa kanyang modyul. Upang makatulong sa kanya, anong panuto ang maibibigay mo?
Kumuha ng lapis at papel, at isulat ang mga sasabihin kong sagot sa bawat bilang.
Mabagal siyang magbasa kaya ako na lamang ang magbabasa at ibibigay ko ang sagot sa kanya.
Kumuha ng papel at lapis, buksan sa pahina ng gawaing modyul, basahing mabuti ang panuto at tanong bago sumagot.
