Font size
WorksheetsLONG TEST IN ASYA 7
Total questions: 40
Worksheet time: 54mins
Ayon sa mga datos sa talahanayan, ano ang dalawang pangunahing yamang mineral ng mga rehiyon?.
Ginto at langis
Ginto at natural gas
Langis at natural gas
Langis at petrolyo
Batay sa talahanayan, ano ang pangunahing pananim ng bawat rehiyon?
Palay at barley
Palay at bulak
Palay at mais
Palay at trigo
Mula sa talahanayan sa itaas, sa rehiyon na ito matatagpuan ang pinakamaraming punong teak sa buong mundo.. .
Hilagang Asya
Silangang Asya
Timog Asya
Timog-Silangang Asya
Batay sa talahanayan, ano-anong mga relihiyon ang naniniwala sa iisang Diyos?
Buddhism, Islam at Jainismo
Kristiyanismo, Islam at Sikhismo
Jainismo, Kristiyanismo at Sikhismo
Buddhism, Kristiyanismo at Sikhismo
Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga rehiyon sa Asya?
A. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin
ng mga dayuhang bansa.
C. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan ng kanilang bansa.
Alin sa sumusunod na mga epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ang maituturing na MABUTI?
Naging laganap ang racial discrimination.
Nawalan ng karapatan ang mga Pilipino sa sariling bansa.
Umusbong at tumindi ang damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis, pagkamkam sa mga ari-arian at mga produktong Pilipino
Batay sa talahanayan, alin sa mga bansa ang may mabilis na paglaki ng populasyon?
India
Laos
Indonesia
Sri Lanka
Batay sa talahanayan, anong relihiyon ang may Sampung Utos ng Diyos?
Jainismo
Sikhismo
Buddhism
Kristiyanismo
Suriin ang talahanayan, alin sa mga relihiyon ang naniniwala sa reinkarnasyon?
Jainismo
Sikhismo
Buddhism
Kristiyanismo
Ayon sa datos, anong bansa ang may pinakamataas na bahagdan sa edad na 65 pataas?
India
Japan
Indonesia
Sri Lanka
Ang Hilagang Asya ay may pisikal na katangian na malalawak na damuhan o grassland. Alin sa mga sumusunod na uri ng damuhan ang pinagsamang damuhan at kagubatan?
Prairie
Savanna
Steppe
Taiga
Mula sa talahanayan, anong bansa ang may pinakamataas na literacy rate?
BANSA
LITERACY RATE
Maldives
Pakistan
Nepal
Sri Lanka
Anong samahan ang naitatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang hindi na muling sumiklab ang anomang kaguluhan?
United Nations
League of Nations
European Nations
Organization of American State
Batay sa talahanayan, anong bansa ang may pinakamababang literacy rate?
Bangladesh
Nepal
Bhutan
Pakistan
Noong Unang Digmaang Pandaigdig nabuo ang isang alyansa sa Europa na tinawag na Central Powers. Ano-ano ang mga bansang bumubuo dito?
China, Japan at Korea
France, Italy at Russia
Germany, Austria-Hungary
United States of America, France at England
Alin sa mga sumusunod na grupo ng mga bansa ang kabilang sa Silangang Asya?
Afghanistan, Bangladesh, India, Nepal, Pakistan
China, Japan, North Korea, South Korea, Taiwan
Malaysia, Myanmar, Philippines, Thailand, Singapore
Azerbaijan, Kazakhstan, Mongolia, Tajikistan
Alin sa mga makabayang samahan sa Indonesia ang pinamunuan ni Sukarno laban sa mga mapaniil na patakaran ng mga Dutch?
Budi Utomo
Sarekat Islam
Indonesian Nationalist Party
Indonesian Communist Party
Ito ay nagmula sa salitang Latin na Imperium na ang ibig sabihin ay command. Isang salitang Latin na nagsimulang gamitin sa panahon ng pananakop ng Imperyong Roma.
Imperyalismo
Kapitalismo
Kolonyalismo
Nasyonalismo
Alin sa mga sumusunod na kilusang pangkababaihan ang hindi itinatag sa Timog Asya?
Arab Women Connect
Women's Indian Forum
Women's Indian Association
All India Women's Conference
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa tatlong uri ng nasyonalismong nabuo sa China?
Nasyonalismong tradisyunal
Nasyonalismong teknolohikal
Nasyonalismong may impluwensiya ng dayuhan
Nasyonalismong may impluwensiya ng komunismo
Ang mga rehiyon sa Asya ay may magkakaibang uri ng klima bunsod ng iba-ibang salik. Ang mga lugar sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya ay may mahabang taglamig at maikli ang tag-init. Ano naman ang katangian ng klima mayroon sa Timog Asya?
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon
Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
May mainit na panahon sa mga lugar na nasa mababang latitude at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutang ng yelo
Ano ang pangunahing naglalarawan sa dalawang pahayag?
Nagtulungan ang mga komunista at nasyonalistang Tsino laban sa mga Hapones
Natalo ni Mao Zedong si Chiang Kai-Shek.
Sa hilagang bahagi ng hangganan ng Asya matatagpuan ang Arctic Ocean, sa silangan naman ang Pacific Ocean, at sa timog naman ang Indian Ocean. Ano ang pinatutunayan ng katangiang ito ng Asya?
napaliligiran ng apoy
napalilibutan ng anyong lupa
napalilibutan ng hangin
napaliligiran ng anyong tubig
Ano ang tawag sa lupain sa pagitan ng dalawang ilog na kinilala bilang 'cradle of civilization'?
China
Egypt
India
Mesopotamia
Akkadian : Haring Sargon ; Babylonian : ______________?
Haring Hammurabi
Haring Nebuchadnezzar
Haring Rehoboam
Haring Solomon
Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon batay sa paghahating heograpikal. Paano isinasagawa ang paghahating ito?
Isinasaalang ang sukat at lawak.
Depende sa antas ng pagsulong at pag-unlad ng bansa.
Gamit ang batayang pisikal,kultural,historikal at politikal.
Ayon sa klima at behetasyon na nararanasan ng bansa.
Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga bansa ayon sa laki ng populasyon?
Laos, Sri Lanka, Japan, Indonesia at India
India, Indonesia, Japan, Sri Lanka at Laos
Indonesia, India, Sri Lanka, Japan at Laos
Sri Lanka, Laos, India, Japan at Indonesia
apos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang hindi na muling sumiklab ang anomang kaguluhan?
United Nations
League of Nations
European Nations
Organization of American State
Alin sa mga sumusunod ang samahan na naitatag ng mga kababaihan sa Timog Asya?
Womens League
Rights of Women
Assembly of Women
National Council of Indian Women
Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
Passive resistance
Armadong pakikipaglaban
Pagbabago ng pamahalaan
Pagtatayo ng mga partido politikal
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
Nabago ng kapaligiran ang pamumuhay.
May maunlad na pamumuhay gamit ang bagong teknolohiya.
Maraming nakagawian bunga ng pagtira sa lambak at ilog.
Nakagawian na ang pamumuhay na pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
Paano nakamit ng mga Tsino ang kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga kanluranin?
Nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagbigay-daan sa paglaya ng China.
Nagkaisa ang mga komunista at nasyonalistang Tsino upang harapin ang mga mananakop.
Binuo ang United Front bilang paghahanda ng mga Tsino sa pakikipaglaban sa kanila.
Itinatag ng mga komunista ang People's Republic of China sa pamumuno ni Mao Zedong.
Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa ideolohiya MALIBAN sa isa. Ano ang hindi sumusuporta dito?
Ito ay lipon ng mga kaisipan at paniniwala.
Ito ay instrumento para isulong ang anumang naisin o plano.
Ito ay tumutukoy din sa pag-aaral sa mga nilalang sa labas ng planeta.
Ito ay mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga suliranin at pangangailangan ng mga mamamayan.
Paano nakaapekto ang ideolohiya ng bansa sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga tao?
Maraming mga tao ang maghihirap kapag naisagawa ang mga kabuhayan.
Magkakaroon ng di pantay-pantay na oportunidad at pamumuhay sa bawat tao.
Mas uunahin ng mga namumuno sa gobyerno ang kanilang mga kapakanan kaysa sa mga tao.
Mas magiging maunlad ang isang bansa ngunit magdudulot ito ng kaguluhan sa isipan ng mga mamamayan.
Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI naganap sa panahong Paleolitiko?
Nakagawa ang tao ng mga kasangkapang yari sa matulis na bato.
Natutong magtanim at mag-alaga ng hayop ang mga tao.
Nakadepende ang tao sa kanyang kapaligiran.
Nomadiko ang uri ng pamumuhay.
Ano ang naging epekto ng mga samahang pangkababaihan at ng mga kalagayang panlipunan tungo sa pagkakapantay-pantay sa Timog at Kanlurang Asya?
Nagkaroon ng karapatan ang mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan.
Naging balakid ang mga kababaihan sa pagtamo ng kalayaan ng mga bansa na nagdulot ng takot sa bansa.
Mas nawalan ng kalayaan at karapatan ang mga kababaihan kaya naisipan nilang magkaisa at lumaban.
Dumami ang suliraning kinakaharap ng mga kababaihan kabilang ang pagiging sakit nila sa lipunan.
Ang suttee o sati ay isa sa mga sinaunang paniniwala ng mga kababaihan sa bansang India. Paano ito isinasagawa?
Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng kanyang pagmamahal.
Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang bangkay ng kanyang asawa.
Sa araw ng kamatayan ng asawang babae,inililibing ito sa puntod ng kanyang asawang namatay.
Huinihiling ng asawang babae na ilibing ito sa puntod ng asawang lalaki para makasama.
Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
Maayos ang labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito.
Hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aagaw sa lugar na ito.
Maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan.
Natuklasan ang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa Neokolonyalismong Kultural?
Awit
Pananalapi
Pagkain
Sayaw
Ano ang pangunahing naglalarawan sa dalawang pahayag kaugnay ng neokolonyalismo?
Ang mga mayayamang bansa ay nagkakaloob ng tulong pinansiyal at militar sa mga dating kolonya na kalimitan ay nasa Asya at Africa.
Nagiging instrumento ng mga kapitalistang bansa ang mga institusyon gaya ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) sa pagtataguyod ng neokolonyalismo.
