NEW
Font size
WorksheetsMga Tanong Tungkol sa Kaligtasan
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ang lahat ng mga sumusunod ay nararapat gawin habang may nagaganap na terrorist attack MALIBAN sa __________.
Hamunin at galitin ang mga terorista.
Huwag mag-panic at manatiling kalmado.
Humingi agad ng tulong sa mga awtoridad.
Magtago at manatili sa isang ligtas na lugar.
Ang lahat ng mga sumusunod ay nararapat gawin habang may nagaganap na pagputok ng bulkan MALIBAN sa __________.
Magsuot ng face mask at goggles.
Makinig sa mga anunsyo ng lokal na pamahalaan.
Sundin ang payo ng mga awtoridad, lalo kung tungkol ito sa paglikas.
Buksan ang mga bintana upang makunan ng litrato ang nagaganap na pagsabog.
Ang lahat ng mga sumusunod ay nararapat gawin sa panahon ng matinding init MALIBAN sa __________.
Limitahan ang pagbababad sa araw.
Uminom ng maraming kape at soft drinks.
Magsuot ng maninipis at maluluwag na damit.
Manatili sa maaaliwalas na lugar na may magandang bentilasyon.
Ang lahat ng mga sumusunod ay nararapat gawin habang may nagaganap na storm surge MALIBAN sa __________.
Lumikas sa mas mataas na lugar.
Iakyat sa itaas na palapag ang mga gamit na maaaring bahain.
Hintaying umabot sa dibdib ang taas ng baha bago humingi ng tulong.
Patayin ang main circuit breaker at bunutin ang lahat ng electrical appliances.
Ang lahat ng mga sumusunod ay nararapat gawin habang may nagaganap na tagtuyot MALIBAN sa __________.
Ipunin ang tubig-ulan.
Huwag uminom ng tubig.
Magtipid sa paggamit ng tubig.
Gamitin ang tubig sa paglalaba bilang pambuhos sa banyo.
Ang duck, cover, and hold ay isinasagawa tuwing nagkakaroon ng earthquake drill. Ito ay tuloy tuloy na programa ng lahat ng institusyon at departamento ng pamahalaan. Bakit kailangang sundin ang nabanggit na estratehiya lalo na sa oras ng lindol?
Para mailigtas agad ang sarili bago ang iba
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng malawakang pagkasira ng mga ari-arian
Upang maging handa at maikondisyon ang kaisipan at katawan bilang paghahanda sa lindol
Upang maprotektahan ang katawan partikular na ang ulo sa mga bagay na posibleng bumagsak kapag may earthquake drill.
Ang lungsod ng Marikina ay may programa tungkol sa materials recovery facility (MRF). Dito isinasagawa ang waste segregation o pagbubukod-bukod ng mga basurang nabubulok, di-nabubulok, at recyclable. Paano ito nakatutulong sa kapaligiran?
Nagiging matiwasay at malinis ang paligid.
Ang mga basura ay naitatapon nang wasto ayon sa uri nito.
Nagkakaroon ng pagkakakitaan ang mga empleyado ng pamahalaan.
Nakatutulong ito para mabawasan ang mga basura na itatapon sa landfills at mga negatibong epekto ng improper waste disposal.
Sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan, nagdudulot ito ng pagbaha sa maraming lugar sa bansa. Ano ang nararapat gawin upang maiwasan ito?
Lumikas sa mataas na lugar.
Suportahan ang pamahalaang lungsod sa mga programa laban sa pagbaha.
Ugaliing maglinis ng paligid upang maiwasan ang pagbara sa mga kanal at estero.
Huwag matakot dahil ito ay hindi naman nakamamatay at maaaring humupa rin.
Bilang mag-aaral, bakit mahalagang maging mulat sa mga isyu na may kaugnayan sa climate change?
Upang matukoy ang mga panganib na dala nito
Upang makalipat sa bansang di-gaanong naapektuhan nito
Upang makapagreklamo sa pamahalaan at makagawa ng mga polisiya hinggil dito
Upang makatulong sa pagpapakalat ng tamang impormasyon at angkop na pagkilos upang maiwasan ang paglala nito
Bakit kailangang bigyan ng pansin ng pamahalaan ang pagkakaroon ng “sustainable economy”?
Upang mas lumaki ang taunang kita ng bansa
Upang magkaroon ng karagdagang alternatibong pagkakakitaan
Upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa paraang hindi nasisira o napababayaan ang likas na yaman
Upang mapalakas ang ekonomiya sa pamamagitan ng paggamit ng likas na yaman sa kahit na anong paraan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng mga mamamayan upang mabawasan ang masasamang epekto sa ekonomiya ng climate change?
Pagtatayo ng mga bahay na bato sa mga lugar na dinaraanan ng bagyo.
Paglalagay ng mga seawall sa mga baybayin ng bansa na madalas bagyuhin.
Pagpapatibay ng mga paaralan na ginagamit bilang evacuation centers.
Paggamit ng mga sustainable na pamamaraan sa sektor ng agrikultura upang hindi mapabayaan o masira ang mga likas na yaman.
Bilang isang indibidwal, paano siya makatutulong sa kaniyang simpleng paraan upang hindi na lumala ang suliraning ito?
Makilahok sa mga gawaing may kinalaman sa karagatan.
Huwag magsunog ng basura at pababain ang kanyang carbon footprint.
Umayon at umangkop sa mga pagbabago ng kapaligiran upang manatiling buhay.
Pagsabihan ang mga may-ari ng pabrika na huwag maglabas ng usok dahil ito ay nakasasama sa kalusugan.
Ano ang unang nararapat gawin upang makaiwas o malimitahan ang negatibong dulot ng sakunang ito?
Pagtibayin ang pundasyon ng inyong tahanan upang hindi ito gumuho o masira.
Maghanda, maging alerto, at maghintay ng babala mula sa barangay o sa PHIVOLCS.
Lumabas ng inyong tahanan at hintayin ang pagguho ng lupa upang makuhanan ito ng video at mai-post sa social media.
Agarang lumikas mula sa inyong tahanan at pumunta sa isang open area o evacuation center upang makasigurong ligtas sa panganib.
Paano makatutulong ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act o RA 10121 upang mabawasan ang mga pinsala ng mga kalamidad na nararanasan sa ating bansa?
Ipinag-uutos nito ang pagbibigay ng sampung libong pisong cash allowance sa mga nasalanta ng kalamidad.
Ipinag-uutos nito ang pagbibigay ng libreng pabahay at gamot sa mga taong nakatira sa mababang lugar at baybayin.
Ipinag-uutos nito ang paggawa ng mga plano at pagbibigay ng pondo upang mabawasan ang mga pinsala ng mga kalamidad.
Ipinag-uutos nito ang pagbibigay ng relief goods sa mga taong nasalanta ng kalamidad upang matugunan ang kanilang mga kagustuhan.
Ano ang unang dapat isagawa sa pag-iwas ng inyong barangay sa mga panganib na dulot ng kalamidad?
Ianunsiyo sa mga residente ng barangay ang programang nais ipatupad.
Magbahay-bahay para malaman ng bawat residente ang iyong programa.
Hayaan ang mga residente na manguna sa pagbuo ng programa ng barangay.
Pulungin ang mga kagawad at pag-usapan kung pa
Bakit mahalagang isagawa ang disaster management?
Upang magkaroon ng dahilan ang mga tao na magtulungan.
Upang hindi na maglaan ng pondo ang pamahalaan sa aspektong ito.
Upang maging handa ang komunidad sa mga paparating na selebrasyon.
Upang mabawasan ang mga pinsala at pagkawala ng buhay na dulot ng mga kalamidad.
Sa pagsasagawa ng disaster management, bakit mas mainam ang community-based disaster risk reduction and management (CBDRRM) o bottom-up approach?
Dahil mas makatitipid sa gastusin kung ang mga residente ang gagawa ng lahat ng gawain.
Dahil mas magiging epektibo ang pagtugon kung ang mga eksperto ang didisenyo ng mga programa sa pagtugon.
Dahil mas magiging mabilis ang paggawa ng desisyon kung ang lokal na pamahalaan ang mag-isang gagawa ng plano.
Dahil mas magiging epektibo ang pagtugon kung ang mga residente mismo ang aktibo sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga ito.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na gawin sa ilalim ng disaster mitigation stage ng CBDRRM para sa bagyo?
Magtayo ng mga bahay sa mabababang lugar.
Magpamahagi ng relief goods sa mga nasalanta.
Linisin ang mga estero at mga daluyan ng tubig.
Mag-ipon ng mga gamit na maaaring gamitin sa panahon ng bagyo.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na gawin sa ilalim ng disaster mitigation stage ng CBDRRM para sa lindol?
Gumawa ng evacuation plan.
Magsagawa ng earthquake drills.
Bigyan ng first aid ang lahat ng nasugatan.
Patibayin ang mga gusali at imprastruktura.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na gawin sa ilalim ng disaster mitigation stage ng CBDRRM para sa sunog?
Gamitin ang fire extinguishers.
Isagawa ang search and rescue operation.
Mag-install ng smoke detectors at fire sprinklers.
Bigyan ng psychological first aid ang mga nasunugan.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na gawin sa ilalim ng disaster preparedness stage ng CBDRRM para sa bagyo?
Ihanda ang go bag.
Magtayo ng bahay sa matataas na lugar.
Ibalik ang supply ng kuryente sa komunidad.
Patuluyin sa evacuation centers ang mga lumikas.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na gawin sa ilalim ng disaster preparedness stage ng CBDRRM para sa lindol?
Magsagawa ng earthquake drills.
Isagawa ang drop, cover, and hold.
Palitan ang mga gumuhong gusali.
Gumamit ng pito upang matukoy ang lokasyon mo.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na gawin sa ilalim ng disaster preparedness stage ng CBDRRM para sa sunog?
Tumawag sa pinakamalapit na fire station.
Pag-aralan ang paggamit ng fire extinguisher.
Lagyan ng label at itago ang mga flammable na gamit.
Sagipin ang mga kasama sa bahay na na-trap sa loob.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na gawin sa ilalim ng disaster response stage ng CBDRRM para sa epidemya?
Kumuha ng health insurance.
Magtayo ng quarantine facilities.
Mag-ehersisyo at palakasin ang resistensya.
Dalhin sa ospital ang mga may sintomas ng sakit.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na gawin sa ilalim ng disaster recovery stage ng CBDRRM para sa tsunami?
Magtayo ng seawalls. .
Gumawa ng evacuation plan.
Tumakbo kaagad sa mataas na lugar
Magbigay ng pautang sa mga residenteng nasalanta
