wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEWER IN AP 6

Total questions: 46

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Anong batas ang nagpapataw ng parusang kamatayan o matagalang pagkabilanggo sa mga Pilipinong nangangampanya ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos?

a)

Brigandage Act ng 1902

b)

Flag Law ng 1907

c)

Reconcentration Act ng 1903

d)

Sedition Law ng 1901

2.

Anong batas ang nagbabawal sa paglalabas ng lahat ng bandila o anumang ginamit ng mga kilusan laban sa Estados Unidos lalo na ang sagisag ng Katipunan?

a)

Brigandage Act ng 1902

b)

Flag Law ng 1907

c)

Reconcentration Act ng 1903

d)

Sedition Law ng 1901

3.

Anong batas ang nagbabawal sa mga Pilipino na magtayo ng samahan at Kilusang makabayan?

a)

Brigandage Act ng 1902

b)

Flag Law ng 1907

c)

Reconcentration Act ng 1903

d)

Sedition Law ng 1901

4.

Anong pampublikong paaralan ang naitatag noong 1901 na naglalayong mapalaganap ang edukasyon sa bansa sa pamamahala ng mga Amerikano?

a)

Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

b)

Paaralang Normal ng Pilipinas

c)

University of the Philippines

d)

University of the Visayas

5.

Ano ang tawag sa mga Amerikanong naging unang guro ng mga Pilipino?

a)

Mehikano

b)

Normalites

c)

Pransiskano

d)

Thomasites

6.

Anong ugali ng mga Pilipino na mas tinatangkilik ang mga produktong Amerikano?

a)

Colonial Mentality

b)

Crab Mentality

c)

Nepotismo

d)

Pilipinisasyon

7.

Bakit pwersahang pinapatira ang mga Pilipino sa mga kabayanan ayon sa Reconcentration Act? Ito ay para ____________________________.

a)

mabigyan ng negosyo ang lahat ng mga Pilipino

b)

mapaunlad ang transportasyon at komunikasyon

c)

makatulong ang mga Pilipino sa pagpapatayo ng mga gusali

d)

maputol ang tulong na pagkain at suporta ng mga gerilya na nasa kanayunan

8.

Ayon sa Batas Jones, ilan ang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas?

a)

apat

b)

dalawa

c)

isa

d)

tatlo

9.

Bakit ninais ng mga Amerikano na sakupin ang Pilipinas? Ito ay upang _________.

a)

ipagkaloob ang kasarinlan sa mga Pilipino sa panahon na magkaroon ito ng matatag na pamahalaan

b)

patunayan sa mundo na sila ang pinakamakapangyarihan

c)

maging pinakamalakas na bansa sa buong mundo

d)

lalong yumaman ang bansang Amerika

10.

Ilang taon kailangang itatag ang malasariling pamahalaan ng Pilipinas ayon sa Batas Tydings-McDuffie?

a)

apat

b)

dalawa

c)

lima

d)

sampu

11.

Kailan ganap na lumaya ang Pilipinas mula sa kamay ng mga Amerikano?

a)

Hunyo 4, 1946

b)

Hunyo 4, 1964

c)

Hulyo 4, 1946

d)

Hulyo 4, 1964

12.

Paano binigyan ng pagpapahalaga ang mga kababaihan sa pamahalaang Komonwelt?

a)

Binigyan sila ng karapatang bumoto

b)

Hinimok silang manungkulan sa pamahalaan

c)

Binigyan sila ng karapatang makapagtrabaho

d)

Inanyayahan silang maipahayag ang mga kuro-kuro

13.

Paano mailalarawan ang pamahalaang Komonwelt?

a)

Malasariling pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ng Amerika

b)

Malasariling pamahalaan ng Amerika sa ilalim ng mga Pilipino

c)

Malayang pamahalaan sa isang bansang nabigyan ng kalayaan

d)

Malayang pamahalaan ng Pilipinas na sinakop ng bansang Amerika

14.

Bakit masasabing mahalaga ang pagkatatag ng Pamahalaang Komonwelt? Dahil ______

a)

naging madali ang pamumuhay ng mga Pilipino

b)

nabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataong maglakbay

c)

nabigyan tayo ng karapatang makilahok sa usapang stateside

d)

naglinang at sumubok ito sa kakayahan ng mga Pilipino tungo sa malayang pamahalaan

15.

May tatlong sangay ang pamahalaan, anu-ano ang mga ito?

a)

ehekutibo, lehislatibo at hudikatura

b)

pandagat, panlupa, at panghimpapawid

c)

pangulo, pangalawang pangulo at senado

d)

demokratiko, presidensyal, at pampanguluhan

16.

Paano kinilala si Pangulong Manuel L. Quezon sa ating bansa? Siya ang ____________.

a)

tinaguriang bayani ng Pasong Tirad

b)

unang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt

c)

huling pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas

d)

nakapagpalaya sa Pilipinas sa pananakop ng bansang Hapon

17.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang pambansang wika? Upang _____.

a)

magkaisa, magkaunawaan, at mayroong pagkakakilanlan ang mga Pilipino

b)

maging sikat ang mga Pilipino

c)

maging maunlad ang buhay ng mga Pilipino

d)

magsilbing panakot sa mga bansang may planong sakupin tayong muli

18.

Sino sa mga dayuhang ito ang may hawak sa kalakalang tingian?

a)

Hapon

b)

Indiano

c)

Malayo

d)

Tsino

19.

Paano naapektuhan ng colonial mentality ang pamumuhay ng mga Pilipino?

a)

Ibinenta ang mga produkto ng bansa sa mga dayuha

b)

Higit na tinangkilik ang sariling produkto kaysa sa mga banyaga

c)

Tinangkilik ang mga produktong gawa sa ibang bansa kaysa Pilipinas

d)

Tinangkilk ang mga produktong dekalidad na nagmula sa mga mayayamang bansa

20.

Anong hakbang ang ginawa ni Pangulong Quezon para masolusyunan ang mga suliraning pangkabuhayan?

a)

Pagpatupad ng mga programang akma sa pangangailangan

b)

Pangalagaan at paunlarin ang iilang likas na yaman na mapagkikitaan

c)

Pangunahan ang ibang bansa sa pagluluwas ng mga produktong Pilipino

d)

Palawakin pa ang kalakalan sa pagitan ng mga bansang Tsina at Hapon sa Pilipinas

21.

Paano nilutas ng pamunuang Manuel L. Quezon ang pagdami ng mga dayuhan sa Pilipinas?

a)

Nagpatupad ng malawakang pag-iimbistiga sa papasok

b)

Naglagay ng malaking bayad sa mga papasok na produkto

c)

Naglagay ng quota sa mga produktong ibebenta sa Pilipinas

d)

Naglimita sa 500 ang bilang ng maaaring mandayuhan sa bansa bawat taon

22.

Anong programang inilunsad ng pamahalaan para masuportahan ang mga produktong Pilipino? Naitatag ang ______.

a)

mga pabrikang gagawa ng artipisyal na pataba

b)

Buy Philippine Products

c)

mga korporasyong magpapataw ng matataas na buwis sa lupa

d)

National Economic Protectionism Association o NEPA para itaguyod ang programang pangkabuhayan

23.

Kailan sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa at Asya?

a)

1939

b)

1940

c)

1941

d)

1950

24.

Bakit sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas?

a)

Upang palawakin ang kanilang kontrol sa Pilipinas at mapalapit sa mga teritoryo ng Allied Forces.

b)

Para magtayo ng negosyo sa Pilipinas

c)

Para matulungan ang mga Pilipino

d)

Para magturo ng bagong wika sa Pilipinas

25.

Ano ang tawag sa mga sundalong namundok upang lumaban sa pamahalaang Hapones?

a)

Gerilya

b)

HUKBALAHAP

c)

Kolaboreytor

d)

MAKAPILI

26.

Kailan sinalakay ng mga Hapones ang Pearl Harbor?

a)

Agosto 8, 1940

b)

Oktubre 8, 1940

c)

Oktubre 28, 1941

d)

Disyembre 7, 1941

27.

Bakit tinawag na "Araw ng Kataksilan" ang pagbomba ng mga Hapones sa Pearl Harbor?

a)

Dahil ito ay isang selebrasyon ng pagkakaibigan

b)

Dahil nagpadala ng tulong ang mga Hapones

c)

Dahil inatake ito ng walang paalam

d)

Dahil nagkaroon ng kasunduan bago ang pagsalakay

28.

Bakit tinawag na "Death March" ang sapilitang pagpapamartsa ng mga sundalong USAFFE mula Bataan patungong Tarlac?

a)

Dahil sa kakulangan ng mga armas at bala

b)

Dahil sa matinding gutom, uhaw, at pagpapahirap na nagdulot ng pagkamatay ng maraming sundalo

c)

Dahil sa pagkakaroon ng mga sundalong nagprotesta

d)

Dahil sa mabilis na paglalakbay ng mga sundalo

29.

Sino ang pangulo ng Ikalawang Republika?

a)

Benigno Aquino Sr.

b)

Jose Laurel

c)

Jose Vargas

d)

Luis Taruc

30.

Anong uri ng pamahalaan ang pinamumunuan ni Jose P. Laurel noong panahon ng pananakop ng mga Hapones?

a)

Demokratiko

b)

Militar

c)

Puppet

d)

Totalitaryan

31.

Bakit tinawag na Pamahalaang Papet ang Ikalawang Republika ng Pilipinas?

a)

Dahil kontrolado ito ng mga Hapones at ginagamit lamang ang mga pinuno bilang sunud-sunuran.

b)

Dahil ito ay pinamunuan ng mga dayuhan.

c)

Dahil ito ay isang demokratikong pamahalaan.

d)

Dahil binuo ito ng mga Pilipino na may sariling layunin

32.

Ano ang tawag sa panahon ng mga Hapones dahil sa takot at pag-aalinlangan ang naghahari? Panahon ng ____________.

a)

Kadiliman

b)

Kahirapan

c)

Kapayapaan

d)

Kasayahan

33.

Alin sa mga wikang ito ang itinuro at ipinagamit ng mga Hapones sa mga paaralan?

a)

English

b)

Espanyol

c)

Niponggo

d)

Tagalog

34.

Saan naganap ang parusa at paghihirap ng mga Pilipino sa panahon ng mga Hapones?

a)

Cebu

b)

Fort San Pedro

c)

Fort Santiago

d)

Corregidor

35.

Bakit nakaranas ng kahirapan at kagutuman ang mga Pilipino?

a)

A. Dahil sa kawalan ng interes ng mga Pilipino na magtrabaho. 

b)

B. Dahil sa kakulangan ng pagkain at kontrol ng mga Hapones sa mga pangunahing bilihin. 

c)

C. Dahil maraming nagtrabaho sa mga bukirin at malayang namuhay. 

d)

D. Dahil sa labis na produksyon ng pagkain sa bansa 

36.

anahon ng mga Hapones?

a)

Cebu

b)

Fort San Pedro

c)

Fort Santiago

d)

Corregidor

37.

Bakit nakaranas ng kahirapan at kagutuman ang mga Pilipino?

a)

Dahil sa kawalan ng interes ng mga Pilipino na magtrabaho.

b)

Dahil sa kakulangan ng pagkain at kontrol ng mga Hapones sa mga pangunahing bilihin.

c)

Dahil maraming nagtrabaho sa mga bukirin at malayang namuhay.

d)

Dahil sa labis na produksyon ng pagkain sa bansa

38.

Sila ang mga sundalong Pilipinong namundok at ipinagpatuloy ang pakikipagpaglaban nang palihim para sa kalayaan laban sa mga Hapones.

a)

Gerilya

b)

HUKBALAHAP

c)

Kempeitai

d)

MAKAPILI

39.

Ito ay isang kilusang Gerilyang binuo ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang armadong bahagi nito laban sa mga Hapon.

a)

Gerilya

b)

HUKBALAHAP

c)

Kempeitai

d)

MAKAPILI

40.

Kailan ang petsa ng pagbalik ni Hen. Douglas MacArthur sa Pilipinas kasama ang mga hukbong Amerikanong lulupig sa mga Hapon?

a)

Enero 9,1944

b)

Mayo 10,1945

c)

Hulyo 9, 1946

d)

Oktubre 20, 1944

41.

Paano ipinamalas ng kilusang Gerilya ang pagpapahalaga sa kalayaan sa pananakop ng mga Hapones?

a)

Sa pamamagitan ng pagtulong sa mga Hapones sa kanilang pamamahala

b)

Sa pamamagitan ng pagsusuong ng mga panganib at pakikibaka laban sa mga mananakop

c)

Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pabrika upang suportahan ang ekonomiya ng mga Hapones

d)

Sa pamamagitan ng pagpayag sa mga Hapones na mangasiwa ng buong bansa

42.

Bakit itinuring na pinakamatagumpay na kilusang Gerilya ang HUKBALAHAP?

a)

Dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa mga Hapones

b)

Dahil sa kanilang hindi pagsuporta sa mga lokal na komunidad

c)

Dahil sa pagtatayo ng pabrika at negosyo para sa mga Hapones

d)

Dahil sa epektibong paggamit ng mga taktika ng gerilyaat malawak na suporta ng mamamayan

43.

Sino ang Ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas?

a)

Elpidio Quirino

b)

Emilio Aguinaldo

c)

Jose Laurel

d)

Manuel Roxas

44.

Sino ang mga sibilyang namundok upang makibaka para sa kalayaan laban sa mga Hapones?

a)

Gerilya

b)

Kempeitai

c)

Militar

d)

Kolaboreytor

45.

Sino ang naging unang Pangulo ng Komonwelt sa ilalim ng pamahalaang Amerikano?

a)

Andres Bonifacio

b)

Claro Recto

c)

Manuel Quezon

d)

Manuel Roxas

46.

Sino ang pinuno ng HUKBALAHAP?

a)

Jose Maria Sison

b)

Luis Taruc

c)

Macario Peralta

d)

Salipada Pendatun