NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Ekonomiks
Total questions: 50
Worksheet time: 17mins
Aling sangay ng ekonomiks ang nagpapaliwanag sa gawi ng kabuuang ekonomiya?
Ekonometriks
Maykroekonomiks
Makroekonomiks
Oikonomiks
Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Kita at gastusin ng pamahalaan
Kalakalan sa loob at labas ng bansa
Ugnayan ng sektor ng ekonomiya
Transaksyon ng mga institusyong pinansyal
Aling modelo ang nagpapakita na ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa?
Unang modelo
Ikalawang modelo
Ikatlong modelo
Ika-apat na modelo
Paano naibabalik ng pamahalaan ang buwis na nalilikom sa sambahayan at bahay-kalakal?
Pagboto
Pangangampanya
Receive Payment
Transfer Payment
Paano nagkakaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal
Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa bahay-kalakal
Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay-kalakal
Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal
Sa paanong paraan ka makatutulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis bilang isang mag-aaral?
Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader
Humingi ng resibo kung mamimili sa mga tindahan tulad ng department store
Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis
Paalalahanan ang magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis
Anong sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya ang nag-uugnay sa mga nag-iimpok at namumuhunan?
Pamilihang Bayan
Pamilihang Panlabas
Pamilihang Panloob
Pamilihang Pinansyal
Paano naipapakita ang Unang modelo ng ekonomiya?
Nagbabayad si Kadita ng buwis sa pamahalaan tuwing taon
Namimili si Kagura gamit ang iba't ibang online shopping websites
Umaangkat si Khalid ng mga imported chocolates mula sa bansang Kuwait
Ginagamit ni Karina ang kanyang mga tanim na gulay sa pagluluto ng pinakbet
Anong gawain ang tumutukoy sa pagbebenta ng mga produkto galing sa Pilipinas papunta sa ibang bansa?
Pag-aangkat
Pagluluwas
Pag-iimpok
Pamumuhunan
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na ekonomiya ayon sa ikalimang modelo?
Higit na tumataas ang koleksyon ng buwis
Nakakapagpadala tayo ng ating mga eksperto sa ibang bansa
Nagbibigay ito ng karagdagang dadaluyan ng pera at produkto ng ating pambansang ekonomiya
Nabibigyan ng oportunidad na makapasok ang mga foreign investors upang magamit nila
Saang pamilihan kumukuha ang bahay-kalakal ng mga input para sa kanilang produksyon?
Goods Market
Factor Market
Financial Market
World Market
Ano ang ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya ayon sa ikaapat na modelo?
Pag-iimpok
Pamumuhunan
Paniningil ng buwis
Pakikipagkalakalan
Aling sitwasyon ang nagpapakita ng mabubuting maitutulong ang pag-iimpok ng sambahayan sa Pamilihang Pinansyal?
Ginamit ni Odette ang kaniyang credit card sa online shopping
Ipinambili ni Johnson ng sports car ang nakuha niyang dibidendo mula sa stock market
Nagamit ni Layla ang insurance ng kanyang ama na si Nolan upang magpatuloy sa pag-aaral
Nanalo sa lotto ang magkapatid na Lesley at Harley at kanila itong ipinautang sa kanilang mga kapamilya
Ano ang tawag sa agwat ng kita ng Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa at ng kita ng mga dayuhang namumuhunan sa loob ng ating bansa?
Personal Consumption (C)
Statistical Discrepancy (SD)
Government Expenditure (G)
Net Factor Income From Abroad (NFIFA)
Ano ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa taong 2024?
9,300,464
16,145,597
18,859,620
19,605,425
Ano ang Gross National Product (GNP) ng bansa sa taong 2024?
9,300,464
16,145,597
19,605,425
21,303,702
Magkano ang naging kontribusyon ng Sektor ng Agrikultura?
1,698,277
2,444,082
5,158,105
12,003,238
Ano ang nagaganap kapag mas malaki ang import kaysa sa export?
Trade Deficit
Trade Off
Trade On
Trade Surplus
Alin ang HINDI ginagamit sa pagkuha ng Pambansang Kita?
Income Approach
Intrusive Approach
Expenditure Approach
Value Added Approach
Ano ang kahulugan ng implasyon?
Pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagtaas ng halaga ng salapi
Pagbaba ng presyo ng mga bilihin at pagtaas ng halaga ng salapi
Pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng halaga ng salapi
Pagbaba ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng halaga ng salapi
Sinong grupo ang nalulugi sa implasyon?
Nagpapautang
Nangungutang
Speculators
May 'di tiyak na sahod
Sinong grupo ang nakikinabang sa implasyon?
Nag-iimpok
Nangungutang
Nagpapautang
May tiyak na sahod
Magkano ang bagong presyo ng manok kung ito ay nagkakahalaga ng 200/kilo at ang antas ng implasyon ay 5%?
195
200
205
210
Paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
Bumili lamang kung kilala at suki
Bumili lamang sa mga supermarket
Bumili lamang kung bagsak ang presyo
Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan
Paano malulutas ang demand-pull inflation
Pagkontrol sa supply ng salapi.
Pagbibigay pansin sa produktibidad.
Pagbubukas ng karagdagang trabaho.
Pagpapautang na may mababang interes.
Paano malulutas ang demand-pull inflation?
Pagkontrol sa supply ng salapi.
Pagbibigay pansin sa produktibidad.
Pagbubukas ng karagdagang trabaho.
Pagpapautang na may mababang interes.
Aling sitwasyon ang nagpapakita ng cost-push inflation?
Pagtaas ng presyo ng kandila tuwing Undas
Pagtaas ng presyo ng bulaklak sa Araw ng mga Puso
Pagtaas ng presyo ng tuition fee ng isang private school dahil sa pagtaas ng sahod ng mga guro rito
Pagtaas ng presyo ng limited edition Jordan shoes dahil sa pagtaas ng bilang ng mga taong nagnanais na bilhin ito
Aling sitwasyon ang nagpapakita ng demand-pull inflation?
Naglabas ng paalala ang Meralco na magtataas sila ng bayarin sa kuryente
Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng produkto
Si Mang Julian ay gumagawa ng sinturon dahil biglang nagmahal ang mga materyales na ginagamit niya
Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong gadget ng mga kabataan
Aling gawain ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng Implasyon?
Pag-iimpok
Pag-aaral ng mabuti
Pagiging magastos
Pagbili lamang ng mga kailangan
Sino sa sumusunod ang direktang apektado sa implasyon?
Entreprenyur
Guro
Negosyante
Real Estate Broker
Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa pagkakaroon ng implasyon?
Palaging mag-shopping
Ubusin lagi ang pera sa mga kagustuhan
Bilhin lang ang nararapat at importante
Bumili ng bagong gamit tulad ng Cellphone
Paano nakakaapekto ang bilang ng mga mamimili sa pagkakaroon ng Implasyon sa isang bansa?
Nahahatak ng bilang ng mamimili ang presyo pataas
Nakakapili ang mamimili ng presyo ng mga produkto
Nahahatak ng bilang ng mamimili ang presyo pababa
Naiimpluwensyahan ang mga mamimili ng mga negosyante na baguhin ang presyo
Anong sitwasyon ang umiiral kapag bumaba ang halaga ng isang litrong gasolina mula P48.00 tungo sa P45.00?
Deflation
Hyper Deflation
Hyper Inflation
Inflation
Paano mo mabibigyang kahulugan ang Patakarang Piskal?
Pagpapatupad ng mga sistema upang makontrol ang supply ng salapi
Nakatuon lamang sa mga gastusing panloob at panlabas ng pamahalaan
Tumutukoy sa katangian ng pamahalaan ukol sa sistema ng pagbubuwis
Tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis
Anong kagawaran ng pamahalaan ang naatasan upang ihanda ang Pambansang Badget ng Pilipinas?
Department of Budget and Management
Department of Social Welfare and Development
Department
Anong kagawaran ng pamahalaan ang naatasan upang ihanda ang Pambansang Badget ng Pilipinas?
Department of Budget and Management
Department of Public Works and Highways
Department of Social Welfare and Development
Department of the Interior and Local Government
Anong batas makikita ang pambansang badyet sa isang taon?
General Appropriations Act
General Appropriations Bill
General Procurement Act
General Procurement Bill
Anong bangko ang pinahihintulutan ng batas na gumawa ng pera ng ating bansa?
Bank of the Philippine Island
Central Bank of the Philippines
Development Bank of the Philippines
Land Bank of the Philippines
Paano ipinatutupad ang Tight/Contractionary Money Policy?
Babaan ang inflation rate
Babaan ang interest rate
Taasan ang inflation rate
Taasan ang interest rate
Bakit kinakailangang higpitan ang suplay ng salapi sa ekonomiya ng bansa?
Dumami ang pera ng bansa
Maiwasan ang pagtaas ng implasyon
Hindi magwelga ang mga manggagawa
Maiwasan ang pagkakaroon ng mga utang
Ano ang maaaring ipatupad ng Bangko Sentral kung mataas ang implasyon?
Contractionary Fiscal Policy
Contractionary Money Policy
Expansionary Fiscal Policy
Expansionary Money Policy
Ano ang magiging epekto sa ating ekonomiya kung ang Bangko Sentral ay magpatupad ng Expansionary Money Policy sa ating bansa?
Marami ang magsasara ng kanilang negosyo
Mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa
Aalis ang mga dayuhang negosyante sa ating bansa
Dadami ang mga negosyanteng magtatayo ng kanilang mga negosyo
Aling patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas na naglalayong makontrol ang suplay ng salapi sa ating bansa?
Patakarang Paggawa
Patakarang Pananalapi
Patakarang Piskal
Patakarang Politikal
Magkano ang maaaring ilaan ni Tigreal sa pag-iimpok kung ang kabuuang kita niya ay Php20,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php17,000.00?
Php 1,000.00
Php 2,000.00
Php 3,000.00
Php 4,000.00
Si Hanzo ay isang matalino at matipid na guro. Buwan-buwan siyang nagdedeposito ng limang libong piso (P 5,000.00) sa LANDBANK. Bakit niya ito ginagawa?
May maipautang sa kapitbahay
May panggastos sa kasalukuyan
Magkaroon ng pambayad sa utang
Makapag-impok ng salapi para sa hinaharap
Anong paraan ang HINDI nakakatulong upang ikaw ay makapag-impok?
Matutong sumabay sa uso
Magbukas ka ng bank account sa bangko
Magkaroon ka ng disiplina sa iyong sarili
Gumastos lamang ng naaayon sa iyong mga pangangailangan
Paano mo paghahambingin ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya?
. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya samantalang
ang pamumuhunan ay papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
Ang pag-iimpok ay isang papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya samantalang
ang pamumuhunan ay palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
Ang pag-iimpok ay isang papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya samantalang
ang pamumuhunan ay papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya samantalang
ang pamumuhunan ay palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
Bakit mahalaga ang pag-iimpok sa araw-araw na pamumuhay?
Pangload at pang-internet
Panglibre sa mga barkada
Pambili ng mga makabagong gadget
Magamit sa oras ng sakuna o emergency
Alin sa sumusunod ang pinakamainam na paraan ng pamamahala sa iyong pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso?
Bibili ako ng bago at magarang kotse
Ibibili ko ng mga alahas, bag, damit at pagkain
Ibibili ko ng bahay at lupa para sa mga magulang ko
Magtatayo ako ng negosyo, mamumuhunan at mag-iimpok ng pera sa bangko
Anong sektor kabilang ang badyet para sa edukasyon at
kalusugan?
Debt Burden
Economic Services
General Public Services
Social Services
