WorksheetsPANGSURING-BASA SA EL FILIBUSTERISMO
Total questions: 60
Worksheet time: 30mins
Sinong tauhan ang nasa Noli Me Tangere ang nagbalik sa El Filibusterismo upang isakatuparan ang kanyang mga balak?
Basilio
Ben Zayb
Padre Florentino
Simoun
Kanino inialay ni Jose Rizal ang kanyang nobelang Noli Me Tangere?
Sa Inang Bayan
Padre Florentino
Kay Maria Clara
Sa tatlong Paring Martir
Ano ang kahulugan sa Wikang Filipino ng salitang Filibustero?
Ang paghihiganti
Ang Pagbabalik-loob
Ang Pagsusuwail
Ang Puspusang Pagsunod
Paano inilantad ni Gat Jose Rizal ang tunay na kalagayan ng bayan?
Sa pamamagitan ng pagpapamudmod ng mga polyeto.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey sa kanyang mga kakilala.
Sa pamamagitan ng pagtatanghal sa mga perya tungkol mga nangyayari sa lipunan.
Sa pamamagitan ng pagsulat ng mga akdang naglalantad ng mga pangyayari sa lipunan.
Saang ebanghelyo sa Bibliya hinango ni Rizal ang pamagat na Noli Me Tangere na tumutukoy rin sa kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga makakasalubong nila.
Juan 20: 13-17
Gawa 20: 28
Juan 3:16
Exodo 3:12
Sino ang nagpayo kay Rizal na lisanin ang Pilipinas na agad naman niyang sinunod upang mailayo ang sarili sa kapahamakan?
Ang Gobernador
Ang kanyang mga kapatid
Ang kanyang mga magulang
Ang kanyang mga kasama sa La Liga
Maliban kay Valentin Ventura, ang lahat ay binigyan ni Rizal ng kaunaunahang sipi ng kanyang aklat MALIBAN SA ISA:
GOMBURZA
Dr. Blumentritt
Marcelo H. Del Pilar
Graciano Lopez Jaena
Ang lahat ay bahagi o tema sa Count of Monte Cristo na nahahawig sa El Filibusterismo ni Rizal MALIBAN SA ISA.
Paghihiganti
Paggamit ng rebolusyonaryong paksa
pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon.
paggamit ng limpak-limpak na kayamanang itinapon o itinago sa kailaliman ng dagat at nahanap ng pangunahing tauhan
Pilipinang nag-aasal banyaga at itinuturing na mapait na dalandan sa nobela.
Donya Consolacion
Donya Victorina
Hermana Penchang
Paulita Gomez
Maganda at mayamang pamangkin ni Donya Victorina na katipan ni Isagani.
Hermana Penchang
Huli
Paulita Gomez
Sisa
Sinasabing mayamang mag-aaral na masigasig sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila.
Ben Zayb
Macaraig
Sandoval
Simoun
Anak ni Kabesang Tales na pumasok bilang guwardiya sibil.
Basilio
Simoun
Tadeo
Tano
Tsinong mangangalakal at kaibigan ng mga prayle na nais magkaroon ng konsulado ng Tsino sa Pilipinas.
Ben Zayb
Quirimit
Quiroga
Tano
Mayamang babaeng nagpahiram ng pantubos kay Huli bilang kapalit ng pagiging katulong nito.
Donya Consolacion
Donya Victorina
Hermana Narcisa
Hermana Penchang
Paring tinaguriang "moscamuerta" o patay na langaw.
Padre Irene
Padre Salvi
Padre Camorra
Padre Fernandez
Pinakatanyag na abogado na naging tanggulan ng mga kabataan sa planong pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.
Basilio
Ginoong Pasta
Ginoong Leeds
Don Tiburcio De Espadana
Hindi pa rin nakalimot si Kabesang Tales sa magandang kaugalian, sa kabila ng______
pagdarahop
pagaayuno
paglalaro
pagsusugal
Ang paghahanda ng mga sandata ni Kabesang Tales ay nagpapahiwatig na handang ipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang________
kasiyahan
kayamanan
karapatan
kalayaan
Ipinagbili ni Huli ang lahat ng kanyang alahas maliban sa agnos na na ibinigay sa kanya ni________.
Basilio
Kapitan Tiyago
Isagani
Simoun
Hindi natupad ni KabesangTales ang pagpapaaral sa kanyang dalagang anak sa Maynila dahil_____________.
hindi kaya ng kanyang anak
nag-asawa na ang kanyang anak
tinaasan nang tinaasan ang buwis sa lupa
pinigilan siya ng kanyang ina
Dahil sa pangangailangan, napilitang kunin ni ______ ang rebolber ni Simoun kapalit ng laket ni Huli.
Basilio
Hermana Penchang
Kabesang Tales
Tandang Selo
Namatay ang anak ni Kabesang Tales dahil sa______
pagod at pagkakasakit
sama ng loob
pakikipag-away
sakuna
Nakauwi si Kabesang Tales mula sa pagkakabihag dahil siya'y _______________.
tinaboy
tinapon
tinubos
tinakas
Dahil sa pakikipagasunto ang ilan ay inihambing si Kabesang Tales sa_____
asong pumatol sa tigre
kambing na sumuwag sa Kalabaw
kalesa na bumangga sa dyip
palayok na bumangga sa malaking kaldero
Bakit tinawag na makasalanan si Juli?
Dahil siya ay ginahasa ng isang pari.
Sapagkat hindi siya marunong magdasal.
Dahil namatay siya nang hindi nakapagkukumpisal.
Sapagkat iniwan niya ang ama at nagpaalipin sa isang Hermana.
Sino ang tanging mag-aaral na naiwan sa kulungan?
Basilio
Juanito Lelaez
Pecson
Sandoval
"May tao talagang suwerte", ito ay sinambit para kay _____.
Don Timoteo
Kapitan Tiyago
Kapitan Heneral
Padre Fernandez
Siya ang naging punong-abala sa kasalan nina Juanito Pelaez at Paulita Gomez.
Don Timoteo
Kapitan Tiyago
Simoun
Sandoval
Ano ang dahilan ng lalong pagkabagabag ni Huli sa nangyari kay Basilio?
Dahil kailanman ay hindi na ito makalalaya pa.
Sapagkat hindi niya ito magawang tulungan upang malakaya.
Dahil nalaman nitong lubos na pinahihirapan si Basilio sa kulungan.
Sapagkat nalaman nitong siya at ang kaniyang ama ang dahilan ng kaniyang pagkakakulong.
Bakit lumuwas ng Maynila si Basilio?
Upang hanapin ang matagal nang nawawalang ina
Para humingi ng tulong para sa pagpapatayo ng akademya
Upang kunin ang kaniyang natipong kuwalta na gagamitin sa pagtubos kay Huli
Para magliwaliw at kalimutan ang mga suliraning pinagdadaanan ng kaniyang kasintahan
Sino ang ama ni Huli?
Basilio
Kapitan Tiyago
Juanito
Kabesang Tales
Saan nagsimula ang mga pangyayari sa El Filibusterismo?
sa handaan
sa Bapor Tabo
sa Kagubatan
sa tahanan ni Pilosopo Tasyo
Sino ang unang nakatuklas na si Ibarra at Simoun ay iisa?
Donya Victorina
Maria Clara
Ben Zayb
Basilio
Ano ang kalagayan sa lipunan ng Pilipinas na ipinakikita sa Bapor Tabo?
Malayong agwat ng mayayaman sa mahihirap
Ang pagiging mapagkunwari ng mga kababaihang Pilipino
Mataas ang mithiin ng mga Pilipino at dayuhan na umunlad ang Pilipinas.
Ang mga mayayaman ay may matinding adhikain na matulungan ang mga mahihirap.
Si Ibarra ay nagpalit lamang ng karakter sa El Filibusterismo at nakilala bilang__________.
mayamang Pari
mayamang Haciendero
mayamang Politiko
mayamang mag-aalahas
Sa teoryang ito masasalamin ang paglalaban ng mahihirap at mayayaman sa lipunan.
eksistensiyalismo
feminism
marxismo
realism
Ano ang isinisimbolo ng Bapor Tabo?
Ang lipunang Amerika
Ang lipunang Espanya
Ang lipunang Pilipinas
Ang lipunang Pranses
Napag-usapan sa Bapor ang mga suliranin sa Ilog Pasig, paano umano ito malulunasan ayon kay Simoun?
Gumawa ng tuwid na kanal na magdudugtong sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila
Mag-alaga ng pato o itik
Palalimin ang Ilog
Tabunan ang Ilog
Ang lahat ay dahilan ng pagtutol ni Don Costudio sa solusyon na nais ni Simoun maliban sa isa dahil_____________________?
malaking pera ang kailangang gugugulin
walang ibabayad sa mga manggagawa
maraming bayan ang kailangang sirain
madadamay ang kaniyang mga lupain
Sino ang nakasagutan ni Don Custodio at ng ilang mga pari nang sabihing mag-alaga ng itik upang makapangitlong nang marami at maaaring gawing balut?
Donya Victorina
Padre Irene
Ben Zayb
Simoun
Ano ang pinakalayunin ni Simoun sa kaniyang pagbabalik?
maghiganti
magbenta ng mga alahas
mahukay ang kayamanan
mabigyang-solusyon ang suliranin sa Ilog Pasig
Si Padre Florentino ay isang pareng ____________ na amain ni Isagani.
Kastila
Indiyo
Pilipino
Intsik
Naordinahan si Padre Florentino bilang isang ganap na pari sa edad na _______________.
20 taong gulang
24 taong gulang
25 taong gulang
26 taong gulang
Malungkot ang buhay ni Padre Florentino, siya ay naging pari dahil sa kagustuhan ng kanyang______________.
ama
ina
kuya
ate
Ang sisidlan ng kayamanan ni Simoun ay itinapon ni Padre Florentino sa _________________.
bukid
bundok
dagat
gubat
Pagkatapos uminom ng lason ni Simoun ay pumunta siya kay Padre Florentino upang _________________.
magpakumbaba
magpasalamat
mangumpisal
magpatototo
Sinabi ni Padre Florentino kay Simoun na maganda ang kanyang layunin ngunit hindi naman maganda ang kaniyang _____________.
paghihiganti
pananaliksik
pamamaraan
pamamalakad
Ninais ni Padre Florentino na itago na lamang sa kalikasan ang kayamanan ni Simoun at makuha na lang ng isang taong may_____
mabuting ugali at mayaman
magandang hangarin at layunin
may balak maghiganti
malaking pamilya.
Ayon kay Simoun ang katarungan ay______
pag-ibig
paghihiganti
pagrerebelde
pakikipaglaban
Ang El Fibusterismo ay isang nobelang politikal na naglalarawan ng kanser ng _______________.
bayan
lipunan
simbahan
mamamayan
Kilala si Padre Florentino bilang isang paring _______________.
mapagbigay
maramot
matapang
tamad
Kakaiba sa lahat ng pare si Padre Florentino na ipinakilala sa El Fili dahil siya'y isang _____________.
Amerikano
Arabo
Indiyo
Kastila
Si Padre Florentino ay naging ganap na pari sa edad na ______.
24
25
29
35
Bakit nalungkot at nawalan ng sigla si Padre Florentino?
hindi matanggap ng kanyang magulang na maaga siyang nag-pari
nawalan siya ng mga kaibigan simula nong siya'y naging pari
nalaman niya na nag-asawa na ang kanyang iniirog
may suliranin sa simbahan
Mula sa ang angkan na _____ si Padre Florentino.
mahirap
malaki
mayaman
tanyag
Pabalik na si Basilio sa bayan nang marinig ang:
Aninong palapit sa kanya
Kaluskos ng mga dahoon
Yabag ng mga paa
Takbuhan ng mga hayop
Nagulat si Basilio nang makilala ang mukha sa tama ng liwanag ng lente, ito ay si:
Simoun, ang mag-aalahas
Simoun, ang tumulong sa paglilibing sa kanyang ina
Simoun na nakatatakot ang mukha
Simoun na naghuhukay
Nang makita ni Simoun si Basilio ay tinangka nitong barilin sapagkat:
Nakilala siya nito
Baka siya isuplong sa may kapangyarihan
Natuklasan ang lihim niya
Nagalit siya kay Basilio
Naitago ni Simoun ang tunay niyang anyo sa kaniyang:
Malaki at bughaw na salamin
Mahabang balbas
Ayos at pananalita
Matikas na tindig
Nagbalik sa kapuluan si Simoun kasama ang:
Kura
Kastila
Tagalog
Artilyero
