Font size
WorksheetsIKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT (AKADEMIK)
Total questions: 60
Worksheet time: 3600secs
Ano ang pangunahing layunin ng talumpati?
Magpatawa
Magbigay ng impormasyon, manghikayat, at maglahad ng paniniwala
Magpakita ng talento
Magpasiat sa tagapakinig
Anong uri ng talumpati ang karaniwang ginagamit sa mga salu-salo at pagtitipon?
Panghikayat
Pampasalig
Panlibang
Pagpaparangal
Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng talumpati na pumupukaw sa atensyon ng tagapakinig?
Katawan
Paninindigan
Introduksyon
Kongklusyon
Anong klasipikasyon ng talumpati ang walang ganap na paghahanda?
Manuskripto
Biglaan (Impromptu)
Daglian
Isinaulo
Alin sa mga ito ang talumpating ginagamit sa mga seminar o kumbensyon at karaniwang binabasa?
Isinaulo
Biglaan
Manuskrito
Panghikayat
Bakit itinuturing na sining ang talumpati?
Dahil nakasulat ito sa magandang papel
Dahil ito ay nagpapahayag ng kaisipan at damdamin sa malikhaing paraan
Dahil ito ay bahagi ng dula
Dahil ito ay may kasamang sayaw
Kung ang isang mananalumpati ay gumagamit ng 'Sanhi at Epekto' sa katawan ng kanyang talumpati, anong paraan ng pag-aayos ito?
Kronolohikal
Spatial
Sanhi at Epekto
Paghahambing
Sa anong uri ng talumpati maaaring marinig ang isang guro na nagbibigay inspirasyon sa pagtatapos?
Pampasigla
Panghikayat
Pagpaparangal
Panlibang
Ang talumpating panghikayat ay kadalasang ginagamit ng mga politiko sapagkat…
Nais nilang patawanin ang mga tao
Nais nilang magbigay parangal
Nais nilang hikayatin ang publiko na maniwala sa kanila
Nais nilang magpaliwanag ng siyentipikong ideya
Kapag ang mananalumpati ay nawawala ang ugnayan sa tagapakinig dahil nagbabasa lamang siya ng manuskrito, anong kahinaan ang ipinapakita nito?
Kawalan ng karanasan
Kawalan ng interaksyon
Kawalan ng tiwala sa sarili
Kawalan ng nilalaman
Kung ikaw ay magtatalumpati tungkol sa 'Pag-ibig sa Bayan' sa Araw ng Kalayaan, anong uri ng talumpati ang nararapat?
Panghikayat
Panlibang
Pagpaparangal
Pangkabaitan
Kung ikaw ay biglang tinawag ng guro upang magbigay ng talumpati nang walang paghahanda, anong klasipikasyon ng talumpati ang iyong magagawa?
Manuskrito
Biglaan
Isinaulo
Panlibang
Sa pagbubukas ng isang programa, inatasan kang bumati sa mga panauhin. Anong uri ng talumpati ito?
Pagpaparangal
Pagbibigay-galang
Pampasigla
Panlibang
Ang isang doktor na nagbibigay ng ulat sa medikal na kumperensya ay gumagamit ng anong uri ng talumpati?
Panghikayat
Pangkabatiran
Pampasigla
Panlibang
Kung ikaw ay magsusulat ng talumpati para sa iyong guro bilang parangal, anong uri ng talumpati ang iyong gagamitin?
Panghikayat
Pampasigla
Pagpaparangal
Pagbibigay-galang
Ano ang pangunahing layunin ng posisyong papel?
Magbigay-aliw sa mga mambabasa
Mahikayat ang madla na tanggapin ang isang paninindigan
Maglahad ng mga kathang-isip na kuwento
Magpakita ng malikhaing pagsulat
Ayon kina Aserold at Cooper (1987), ano ang katangian ng mambabasa ng posisyong papel?
Walang ebidensya
May lohikal na argumento at mapanghikayat na tono
May halong personal na kwento lamang
May emosyon ngunit walang datos
Ano ang unang hakbang sa pagsulat ng posisyong papel?
Pagsulat ng konklusyon
Pagbuo ng thesis statement
Pagbanggit ng sanggunian
Proofreading
Anong bahagi ng posisyong papel ang naglalaman ng dalawang panig ng isyu?
Katawan
Panimula
Konklusyon
Sanggunian
Bakit mahalaga ang posisyong papel?
Dahil ito ay para sa libangan
Dahil ito ay nagpapakita ng katotohanan sa isyu at nakatutulong sa pagpapasiya
Dahil ito ay isang uri ng liham
Dahil ito ay ginagamit lamang sa paaralan
Kung ang isang manunulat ay hindi nagbigay ng sapat na ebidensya sa kanyang posisyong papel, anong aspeto ang kulang?
Pagpapahayag
Pangangatwiran
Paglalahad
Pagsusuri
Bakit dapat bukasan ng manunulat ang sarili sa mga posibleng taliwas na argumento?
Upang ipakita ang pagiging makatotohanan at balanseng pagtingin sa isyu
Upang mapahaba ang papel
Upang makapagbigay ng aliw sa mambabasa
Upang masila sa ibang manunulat
Ano ang pagkakaiba ng posisyong papel sa isang karaniwang sanaysay?
Ang posisyong papel ay walang thesis statement
Ang posisyong papel ay nagbibigay ng matibay na ebidensya sa isang paninindigan
Ang sanaysay ay mas pormal kaysa posisyong papel
Pareho lamang ang kanilang layunin
Bakit mahalagang isagawa ang “proofreading” sa paggawa ng posisyong papel?
Upang dagdagan ng mas maraming ideya
Upang mawasan ang maling gramatika at baybay
Upang mabawasan ang haba ng papel
Upang baguhin ang nilalaman
Sa pagsusulat ng posisyong papel, ano ang mangyayari kung walang malinaw na tesis?
Magiging mahina at walang direksyon ang buong sulatin
Mas magiging malikahin ang manunulat
Mas madaling mauunawaan ng mambabasa
Mas mabilis matatapos ang papel
Kung ikaw ay magsusulat ng posisyong papel tungkol sa “Kahalagahan ng Social Media sa Edukasyon,” ano ang unang dapat mong gawin?
Magsimula agad sa konklusyon
Pumili ng paksa at bumuo ng tesis
Kopyahin ang ibang posisyong papel
Maglagay ng larawan
Sa isang talakayan tungkol sa “Death Penalty,” paano mo magagamit ang lohikal na pangangatwiran?
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga datos at pananaliksik na sumusuporta sa iyong panig
Sa pamamagitan ng pag-iyak sa harap ng mambabasa
Sa pamamagitan ng mga biro
Sa pamamagitan ng pagkukuwento ng sariling karanasan lamang
Kung nais mong ipakita na may dalawang panig ang usapin, saan bahagi mo ito ilalagay?
Sa introduksyon
Sa katawan ng posisyong papel
Sa konklusyon
Sa pamagat
Kung ikaw ay gagawa ng posisyong papel tungkol sa “Pagbabawal ng Vape,” paano mo masisiguro na mapanghikayat ito?
Gamitin ang sariling opinion lamang
Gumamit ng mga ebidensya, datos, at lohikal na paliwanag
Gumamit ng mahahabang salita
Umasa sa emosyon lamang
Kapag natapos mo na ang iyong posisyong papel, ano ang huling hakbang bago ito ipasa?
Proofreading
Paglalagay ng larawan
Pag-alis ng mga sanggunian
Pagdagdag ng mga kwento
Bakit kailangang nakasulat at may maayos na pagkakasunod-sunod ang adyenda ng pulong?
Kung walang adyenda, ano ang maaaring maging epekto sa pulong?
Magiging mas sistematiko
Magiging magulo at walang direksyon ang talakayan
Mas madali itong matatapos
Magiging masaya ang mga kalahok
Ano ang implikasyon ng hindi pagtatalak ng mahahalagang desisyon sa katitikan ng pulong?
Madali pa ring matatandaan ng lahat
Magkakaroon ng kalituhan at pagtatalo sa mga susunod na pagpupulong
Mas magiging masigla ang talakayan
Wala itong epekto sa organisasyon
Bakit hindi isasama sa katitikan ang mga impormasyong magdudulot ng kahihiyan sa kasapi?
Dahil pampubliko ito at kailangang pormal
Dahil wala itong kinalaman sa mga usapin
Dahil nais itago ng kalihim
Dahil hindi ito mahalaga
Ano ang ipinakikitang mabuting katangian ng isang sekretaryang sumusulat ng katitikan sa loob ng 48 oras matapos ang pulong?
Katamaran
Disiplina at pagiging responsible
Pagkabalisa
Pagpapasikat
Ano ang kahulugan ng salitang Adyenda?
Listahan ng mga pag-uusapan at desisyunan sa isang pulong
Ulat ng mga nangyari sa nakaraang pulong
Plano ng mga proyekto sa loob ng taon
Iskedyul ng mga aktibidad
Ano ang layunin ng pagkakaroon ng katitikan ng pulong?
Upang magagawa ng ulat para sa mga estudyante
Upang magkaroon ng opisyal na tala ng mga napagkasunduan sa pulong
Upang ipakita sa publiko ang mga pangalan ng dumalo
Upang magamit bilang dekorasyon
Alin sa mga sumusunod ang uri ng adyenda na nangangailangan ng pagpapasya ng kapulungan?
Nagbibigay impormasyon lamang
Kailangang tugunan
Pabalita o patalastas
Iskedyul ng susunod na pulong
Sa pagsulat ng katitikan, ano ang tinatawag na heading?
Bahagi kung saan nakasulat ang pangalan ng kompanya, petsa, at lugar ng pulong
Listahan ng mga dumalo
Mga usaping napagkasunduan
Lagd ng kalihim
Ano ang tamang pahayag tungkol sa haba ng adyenda?
Dapat mahaba para mas kumpleto
Nakasalalay sa dami at halaga ng paksa sa pulong
Pare-pareho ang haba sa lahat ng pulong
Hindi kailangang limitahan
Kung ikaw ay sekretarya at kailangan mong maghanda ng adyenda, kailan mo ito dapat matapos?
Sa araw ng pulong mismo
Tatlo o higit pang araw bago ang pulong
Pagkatapos ng pulong
Isang linggo matapos ang pulong
Kung napansin mong may maling impormasyon sa nakaraang katitikan, ano ang dapat mong gawin?
Itago na lamang
Baguhin nang walang abiso
Itama sa bahagi ng “Paglilinaw mula sa nakaraang katitikan”
Balewalain
Kung ikaw ang tagapagpadaloy ng pulong, paano mo mapapanatiling maayos ang daloy ng diskusyon?
Sumunod sa adyenda at tiyaking sinusunod ang nakalaang oras bawat paksa
Pumili ng paksang gusto mo lamang
Hayaan ang mga kalahok na magsalita ng kahit anong paksa
Iwasang sumunod sa mga nakasulat sa adyenda
Sa pagsagawa ng katitikan, anong anyo ang mas mainam gamitin kung nais maging malinaw ang presentasyon?
Maikling kwento
Talata o talahanayan na malinaw ang pagkakabahagi
Tula
Liham
Kung ikaw ang gagawa ng adyenda para sa isang organisasyon, ano ang dapat mong isaalang-alang?
Paksang mahalaga sa grupo at oras na ilalaan sa bawat paksa
Mga personal mong interes
Mga hindi kaugnay na paksa
Mga paksang walang layunin
Bakit mahalagang sistematiko at organisado ang pagkakasunod ng mga larawan sa pictorial essay?
Upang magmukhang maganda lamang ang pagkaayos
Upang malinaw na maipahayag ang mensahe at daloy ng kuwento
Upang mapadali ang bilang ng larawan
Upang mas madaling magamit sa susunod na proyekto
Ano ang maaaring mangyari kung hindi magkakaugnay ang mga larawan gamit sa pictorial essay?
Mas magiging malikahin ang sulatin
Magiging magulo at mawawala ang pokus sa paksa
Magiging maikli ngunit epektibo ang akda
Magiging masaya ang tema
Ano ang pangunahing layunin ng pictorial essay?
Magpakita ng mga larawan ng kalikasan
Talata o talahanayan na malinaw ang pagkakabahagi
Tula
Liham
Ano ang tinutukoy na “puso” ng pictorial essay?
Teksto
Larawan
Tema
Panimula
Kung ikaw ay gagawa ng pictorial essay tungkol sa Kalikasan, ano ang pinakamainam na unang hakbang?
Kumuha agad ng larawan kahit walang plano
Pumili ng paksa at magsagawa ng pananaliksik
Maglagay ng mga hindi kaugnay na larawan
Gumamit ng mga larawan ng tao lamang
Kung gusto mong pukawin ang damdamin ng mambabasa, paano mo ito magagawa sa pictorial essay?
Gumamit ng malabong larawan
Pumili ng mga larawang nagpapakita ng tunay na emosyon at kuwento
Maglagay ng maraming teksto at kakaunting larawan
Gumamit ng parehong larawan nang paulit-ulit
Kung ang iyong target na mambabasa ay mga kabataan, paano mo iaangkop ang iyong pictorial essay?
Gumamit ng malalalim na salita at komplikadong tema
Gumamit ng mga larawan at wikang naaayon sa kanilang edad at interes
Pumili ng mga larawang walang kinalaman sa kabataan
Gumamit ng parehong istilo para sa lahat ng edad
Bakit mahalagang magsaliksik bago sumulat ng lakbay-sanaysay?
Upang magawa ang sanaysay kahit walang karanasan
Upang magkaroon ng sapat na kaalaman at mas makatotohanang paglalarawan sa lugar
Upang kopyahin ang sinasabi ng mga gabay o artikulo
Upang makagawa ng malikhaing kuwento kahit hindi totoo
Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na “Mag-isip nang labas sa ordinaryo” sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?
Sumulat lamang ng mga karaniwang tanawin
Hanapin ang mas malalim na kahulugan at karanasan sa paglalakbay
Maglista ng lahat ng lugar na binisita
Huwag pansinin ang mga kakaibang karanasan
Ano ang pangunahing layunin ng lakbay-sanaysay?
Magbigay ng impormasyon tungkol sa ruta at presyo ng pamasahe
Ibahagi ang karanasan at repleksyon ng manunulat sa isang paglalakbay
Magpayo sa mga turista tungkol sa ligtas na biyahe
Mag-imbita ng mga taong pumunta sa isang lugar
Ayon kay Dinty Moore, ano ang pagkakaiba ng manunulat sa turista?
Ang turista ay nagmamasid lamang samantalang ang manunulat ay nagmamasid at nagmumuni upang makapagsalaysay
Ang manunulat ay mas mahilig mag-selfie
Ang turista ay mas mahusay sa pagsusulat
Ang manunulat ay laging may gabay na sinusundan
Kung ikaw ay gagawa ng lakbay-sanaysay tungkol sa iyong bayan, alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paraan?
Ilarawan lamang ang mga sikat na pasyalan
Isama ang iyong karanasan, repleksyon, at mga tao o kulturang nakasalamuha
Kopyahin ang mga impormasyon sa internet
Magpakil lamang ng larawan
Habang naglalakbay ka, napansin mong kakaiba ang pananamapalataya ng mga taong iyong binisita. Paano mo ito maisasama sa iyong sanaysay?
Ipuna ang kanilang paniniwala
Ilarawan ito nang may paggalang at ilahad ang iyong sariling pagninilay
Huwag na lang isulat para hindi magtagal ang sanaysay
Bughawin ang paksa upang hindi ito maisama
Kung ikaw ay limitado lamang sa loob ng iyong lungsod, paano mo pa rin magagawang makabuluhan ang iyong lakbay-sanaysay?
Ituon sa personal na karanasan at mga natutunan sa paglalakbay kahit sa lokal na lugar
Huwag nang sumulat dahil walang bagong lugar
Pumili ng sikat na lugar kahit hindi mo pa napuntahan
Gumamit ng mga larawan mula sa internet
Kung ikaw ay gagamit ng mga larawan sa iyong lakbay-sanaysay, paano mo ito dapat piliin?
Pumili ng kahit anong larawan basta maganda
Siguraduhing may kaugnayan ito sa paksa at nakatutulong ipahayag ang damdamin o ideya ng sanaysay
Pumili ng mga larawang makulay lamang
Gumamit ng maraming larawan kahit walang koneksyon sa paksa
