Search Header Logo
APP6 Aralin 9

APP6 Aralin 9

Assessment

Presentation

Education

12th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Maricho Barrit

Used 4+ times

FREE Resource

29 Slides • 9 Questions

1

APP6 Aralin 9

Slide image

2


Agenda

Aralin 9

3

Layunin

  •  Naihahambing ang iba’t ibang anyo ng agenda

  • Nabibigyang-interpretasyon ang ilustrasyon;

  • Nakabubuo ng isang agenda batay sa isang sitwasyon.

4

Ginawa ang mga batas upang sundin. May tungkulin tayong lahat na mamamayan sa pagsasakatuparan ng mga batas na ito. Subalit malungkot tanggapin ang katotohanang marami pa rin sa atin ang sumusuway sa mga patakaran at batayang ipinatutupad. 

5

Talagang mapalad na lamang kung balang araw ay walang masasaktan. Higit na mabuti sana kung makikipagtulungan ang lahat para sa pagtamo ng kaayusan at kapayapaan

6

Kagaya ng nangyari sa isang pagpupulong, kinakailangan ang mga batayan upang magkaroon ng katiwasayan. Silipin natin kung paano makatutulong ang pagkakaroon ng agenda sa isang pagpupulong.

7

Silipin natin ito

8

Ang magtaguyod sa mga desisyon at mga proseso at ang magpabatid ng impormasyon ay isa sa ating mga tungkulin bilang bahagi ng lipunang ating ginagalawan. Ang mga desisyong ito ay nababatay sa mga usaping tinalakay. Bilang isang mamamayan, tungkulin nating makisangkot sa pagdedesisyong ito. Upang tayo’y magkaroon ng gabay sa gawaing ito, tutulungan tayo ng sulating ito.

9

Open Ended

Ano ang Agenda at saan ito ginagamit?

10

Ang agenda ay isang magkakasunod na listahan ng mga paksang pag-uusapan sa isang pulong. Ito ay karaniwang ipinapadala kasama ang paunawa ng pulong. 

11

Minsan ito’y inihanda matapos ang pag-ikot ng paunawa upang isama ang opinyon ng miyembro. Nakaayos ang agenda ayon sa kahalagahan ng kawakasan nito. 

12

Ang mga paksa ay natutukoy sa pamamagitan ng kalihim na may pagkonsulta sa mga may mataas na kapangyarihan. Ang kontrobersyal na paksa ay dapat nakasulat sa dulo.

13

Ayon sa Oxford Dictionary, ito’y talaan ng mga aytem na pag-uusapan sa pormal na pagpupulong at mga problemang dapat tutukan.

14

Ayon naman sa Cambridge Dictionary, mga talaan o balangkas ng mga usapin na pag-uusapan sa isang pagpupulong

15

Binigyang-linaw rin ng Merriam Dictionary na ito’y mga plano o tunguhin bilang gabay na maingat na pinagplanuhan.

16

Open Ended

Malaki ba ang gampaning ng agenda sa isang pagpupulong? Sa paanong paraan?

17

Malaki ang pakinabang ng agenda. Ito ang nagsisilbing gabay sa isasagawang pagpupulong upang maging maayos ang daloy ng talakayan. Nakasulat ito sa maikli ngunit tahasang paraan.

18

Layunin at Hakbang ng Agenda

19

LAYUNIN

Inilahad ni Henry Robert III, ang mga layunin sa pagsulat ng Agenda:

  • Nagsisilbing gabay tunguhin para sa pagpupulong.

  • Nagbibigay balangkas sa gaganaping pagpupulong

  • Nagsisilbing talaan ng mga usapin na dapat pag-usapan.

  • Nagbibigay impormasyon sa mga kalahok kung ano ang pag-uusapan.

  • Nagpapagaan sa paghahanda ng katitikan sa pagpupulong.

20

Open Ended

Magbigay ng dalawang layunin na ibinahagi ng Robert III sa pagsulat ng agenda.

21

 Hakbang

Ayon kay Henry Robert III, ang pagbuo ng epektibong agenda ay isa sa pinakamahalagang elemento para sa matagumpay na pagpupulong.

22

1.   Pagbibigay ng pamagat sa Agenda

2.   Isulat ang “Sino, Saan at Kailan” na impormasyon sa uluhan

3.   Sumulat ng maikling pahayag ng payunin o mga layunin ng pagpupulong.

4.   Sumulat ng balangkas ng iskedyul sa mga pangunahing elemnto ng pagpupulong.

5.   Maglaan ng oras sa iskedyul ng sinumang mahalagang panauhin.

6.   Mag-iwan ng sapat na oras sa bawat pagpupulong para sa Q&A.

7.   Maaring magbigay ng balangkas ng pag-uusapang paksa (Opsyunal).

8.   Iwasto ang agenda kung may pagkakamali bago ito ipamahagi.

23

Mahalagang Hangarin ng Agenda

  • Ang unang hangarin ay maisulat ang pinakamahalagang isyung tatalakayin ng mga miyembro upang makapaghanda nang maaga.

  • Ikalawa, ay upang hayaan ang mga kasali na malaman ang maliliit na detalyeng kakailanganin bago dumating ang pagpupulong,

  • Pangatlo, ang agenda ay naglalaman ng layunin na maaaring makamit o gustong makamit pagkatapos ng pagpupulong.

24

Open Ended

Ano ang unang mahalagang hangarin ng Agenda?

25

Mga Anyo ng Agenda

26

1.   Pormal na pagtitipon

Ang paksa ay kailangan malinaw na nakatala batay sa mga sumusunod:

1.   Pamumuno sa pagpupulong

2.   Petsa ng pagpupulong

3.   Lugar ng pagpupulong

4.   Mga pangalan ng kalahok

27


2.   Impormal na Pagpupulong

Di gaanong detalyado ang mga impormasyon, nakalista ang mga pangunahing paksa ngunit hindi na kailangan ang mga karagdagang detalye at hindi na rin kailangan ang time frame.

28

3.   Malayang Pagpupulong

Ang madaliang agenda ay nalikha upang itala ang mahalagang paksang pag-uusapan kasabay ng mga pangunahing tanong na may kaugnayan sa paksa. Ang anyong ito ay kadalasang naisasagawa kung magkakaroon ng di inaasahang suliranin, ang proyektong gawain ay kailangang mabalik-aralan.

29

4.   Proyektong pagpupulong

Kadalasa’y napakadetalyado ngunit nakatuon sa kabuuan ng proyekto.

30

5.   Presentasyong pagpupulong

Ang kadalasang anyo ng agenda sa pagpupulong ay limitado sa lugar na pinagtatrabuhan o sa isang partikular na organisasyon.

31

SUBUKIN NATIN ITO


32

Multiple Choice

Ito ay di gaanong detalyado ang mga impormasyon, nakalista ang mga pangunahing paksa ngunit hindi na kailangan ang mga karagdagang detalye at hindi na rin kailangan ang time frame.

1

Impormal na Pagpupulong

2

Malayang Pagpupulong

3

Proyektong pagpupulong

4

Presentasyong pagpupulong

33

Multiple Choice

Ito ay kadalasang anyo ng agenda sa pagpupulong ay limitado sa lugar na pinagtatrabuhan o sa isang partikular na organisasyon.

1

Presentasyong pagpupulong

2

Proyektong pagpupulong

3

Malayang Pagpupulong

4

Pormal na pagtitipon

34

Multiple Choice

Ang paksa ay kailangan malinaw na nakatala

1

Pormal na pagtitipon

2

Impormal na Pagpupulong

3

Malayang Pagpupulong

4

Proyektong pagpupulong

35

Multiple Choice

Ito ay madaliang agenda na nalikha upang itala ang mahalagang paksang pag-uusapan kasabay ng mga pangunahing tanong na may kaugnayan sa paksa.

1

Malayang Pagpupulong

2

Impormal na Pagpupulong

3

Pormal na pagtitipon

4

Proyektong pagpupulong

36

Multiple Choice

Ito ay kadalasang anyo ng agenda sa pagpupulong ay limitado sa lugar na pinagtatrabuhan o sa isang partikular na organisasyon.

1

Impormal na Pagpupulong

2

Proyektong pagpupulong

3

Malayang Pagpupulong

4

Pormal na pagtitipon

37

Maraming Salamat.

38

Binigyang-linaw rin ng Merriam Dictionary na ito’y mga plano o tunguhin bilang gabay na maingat na pinagplanuhan.

APP6 Aralin 9

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 38

SLIDE