

Q4_W3_M3_Pagbása at Pagsusuri
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Medium
Edgar Monte
Used 6+ times
FREE Resource
93 Slides • 61 Questions
1
Pagbása at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan–Modyul 3: Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
2
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman:
Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik
Pamantayan sa Pagganap:
Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa
Kasanayang Pampagkatuto:
Naiisa-isa an g mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik (F11PU IVef 91)
3
Layunin:
Natutukoy ang ang layunin at gámit ng pananliksik;
Naisasagawa ang responsibilidad ng mag-aaral bílang mananaliksik;
Naibibigay ang katuturan ng metodo at pamamaraan sa pagsulat ng pananaliksik;
Nagkapagpapakita ng pagkilala sa mga táong pinaghanguan ng mga kaalaman;
Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng bibliyograpiya;
Natutukoy ang mga maaring pagkuhanan ng mga impormasyon sa pagbuo ng saliksik;
4
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat bílang.
5
Multiple Choice
Nirerespeto at iginagalang ang anumang mga pribadong impormasyon tungkol sa kaniyang pinag-aaralan.
Mapamaraan
Matiyaga
Mabait
Etikal
6
Multiple Choice
Hindi kinilala ni G. Maglaya ang isinalin na akda ni G. Lumbera, ano’ng tawag sa kaniyang ginawa?
Plagiarism
Layunin
Metodo
Gámit
7
Multiple Choice
Mahalaga rito ang husay sa pagbuo ng ng mga kasunod at kaugnay na tanong (follow-up question).
Sarbey
Obserbasyon
Pakikipanayam
Dokumentaryong pagsusuri
8
Multiple Choice
Pagmamasid sa kilos, pag-uugali, at inter-aksiyon ng mga kalahok sa isang likas na kapaligiran.
Dokumentaryong pagsusuri
Pakikipanayam
Obserbasyon
Sarbey
9
Multiple Choice
Kadalasang ginagamitan ng estadistikal na pagsusuri
Dokumentasyon
Pakikipanayam
Oberbasyon
Sarbey
10
Multiple Choice
Bahagi ng isang pananaliksik na kakikitahan ng talaan ng mga aklat, jornal, pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon.
Datos
Pagpili ng paksa
Koseptong Papel
Talaan ng Sanggunian/ Bibliyograpiya
11
Multiple Choice
Ang mga gawain sa ibaba ay nakapaloob sa proseso ng pagdidisenyo ng pananaliksik maliban sa isa.
Pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan
ng datos
Pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik
Pamimili ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik
Pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik
12
Multiple Choice
Ang pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon ay makikita sa bahaging ito ng pananaliksik gaya ng mga aklat, jornal, pahayagan, magasin, o website.
Datos
Konseptong Papel
Pagpili ng paksa
Talaan ng Sanggunian/Bibliyograpiya
13
Multiple Choice
Sa isinagawang pananaliksik ni Princess, pinili niyang respondente ng pananaliksik ay mula sa Baitang 12 ng pangkat Automotive at pangkat EPAS sa Senior High School in Progressive. Kinabibilangan ito ng 50 mag-aaral, 30 lalake at 20 babae, na bumubuo sa kabuoang bilang. Saang bahagi ilalagay ni Joana ang ginawa niyang ito.
Kaligiran ng Pag-aaral
Kaugnay na Literatura
Metodolohiya at Pamamaraan
Paglalahad ng Datos at Interpretasyon
14
Multiple Choice
Sa ginamit na sanggunian ay hindi nabanggit ang may-akda o anonymous ang nakalagay sa title page. Paano ito ilalagay sa gagawing bibliyograpiya?
Ang pangalan ng nagparehistro sa pamagat ng aklat ang isinusulat sa bibliyograpiya
Ang pangalan na lámang ng publikasyon ang isinusulat sa bibliyograpiya
Ang pamagat na lámang ng unang akda na makikita sa nilalaman
Ang pamagat na lámang ng aklat ang isinusulat sa bibliyograpiya, taon ng pagkalimbag, lugar na pinaglimbagan at palimbagan
15
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na pahayag ang wasto?
Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lámang ng publikasyon ang isulat sa loob ng parenthesis.
Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, pangalan at, taon ng publikasyon pa rin ang isulat sa loob ng parenthesis.
Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang isulat sa hulihan ng pahayag.
Kung di nabanggit ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lámang ng publikasyon ang isulat sa loob ng parenthesis.
16
Multiple Choice
Dahilan ng pananaliksik o kung ano ang gustong matamo sa isang partikular na pag-aaral.
Inaasahang Bunga
Konseptong Papel
Layunin
Metodolohiya
17
Multiple Choice
Isang mainam na lugar na puntahan upang makapangalap ng mga datos o impormasyon na nais saliksikin
Elektroniko o Internet
Primarya
Sekundarya
Silid-aklatan
18
Multiple Choice
Maituturing bílang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos. Ito ay bunga ng kombinasyon ng serbisyong postal, telepono, at silid-aklatan.
Elektroniko o Internet
Primarya
Sekundarya
Silid-aklatan
19
Multiple Choice
Ito ang kard na kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad sa kaniyang paksa.
Kard Awtor
Kard Layunin
Kard Paksa
Kard Pamagat
20
Balikan
Pagpili ng Paksa
Maraming mag-aaral ang nahihirapan sa pagpili ng paksang kanilang
sasaliksikin. Karaniwan ang kanilang napipiling paksa ay nagawan na ng pananaliksik nang maraming ulit.
Huwag nating kalimutan na ang paksa ang pangunahing idea na daan sa takbo ng isinagawang pananaliksik kayâ napakahalaga ang pagpili ng paksa.
21
Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa
1. Sa kasalukuyang panahon, ang Internet at Social Media ay bahagi na ng búhay ng tao. Napakaraming taglay na impormasyon ang internet at kung magiging mapanuri ka bakâ nandiyan lang at naghihintay ang isang kakaiba at bágong paksang maaari mong gamitin para sa iyong pananaliksik.
22
Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa
2. Ang Telebisyon ay isa pa sa mga uri ng media na laganap lalo na sa
panahon ng cable at digital television . Sa panonood mo ng mga balita, mga programang pangtanghali, teleserye, talk shows at iba pa bak â matuon.
23
Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa
3. Diyaryo at Magasin. Mula sa mga ito’y pag-uukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinyon, editoryal, at mga artikulo. Suriin at bakâ naririto lang ang paksang aakit sa iyo ng atensiyon.
24
Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa
4. Mga Pangyayari sa iyong paligid. Kung maging mapanuri ka ay maaaring may mga pangyayari o mga bágong kalakaran sa paligid na mapagtutuunan ng pansin mo at maaaring maging paksa mo sa pananaliksik.
25
Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa
5. Sa sarili. Ang paksang nagmula sa bagay na interesado ang mananaliksik ay karaniwang humahantong sa isang matagumpay na sulating pananaliksik sapagkat nalalagay niya hindi lámang ang kaniyang isipan kundi ang buong puso at damdamin para sa gawaing sa una pa lang ay gusto niya o interesado siya.
26
Open Ended
Gawain 1:
Panuto: Magtalâ ng mga napapanahong isyu o paksa na makukuha mula sa sumusunod:
Mula sa naitalang mga paksa, pumili ng isa at ano sa tingin mo ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang pananaliksik.
27
Open Ended
Gawain 2:
Panuto:Pumili ng isang paksa mula sa Gawain 1. Isulat ang paksa sa ibaba at ilahad kung ano-ano ang layunin mo sa napiling paksa.
Paksa:____________________________________
1._______________________________________________________________________________
2._______________________________________________________________________________
3._______________________________________________________________________________
Ang bahaging ito ng modyul ay iyong magiging gabay o tulong sa sandaling ikaw ay magsusulat na ng sariling layunin ng gagawin mong pananaliksik sa napili mong paksa.
28
Tuklasin
Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik
29
Layuning ng pananaliksik
Narito ang mga layunin ng pananaliksik ( base sa aklat nina Garcia)
30
1. Mabigyan ng kasiyahan ang kuryusidad ng tao.
Dahil sa pagkamangha sa mga nakikita sa kapaligiran, lalo na ngayong panahon ng teknolohiya, nagsusulputang imbensiyon nagiging mausisa tayo.
31
2. Mabigyan ng mga kasagutan ang mga tiyak na katanungan.
Gumagawa táyo ng pananaliksik dahil nais nating mabigyan ng ng kasagutan ang mga tiyak na katanungan.Nabibiyang-linaw ang maraming katanungan sa kaisipan natin bílang mananaliksik.
32
4. Makatuklas ng mga bágong kaalamam.
Maraming nang kaalaman ang umiiral, ginagamit at pinakikinabangan ngunit lubha pa itong mapapaunlad sa pamamagitan ng pananaliksik
33
5. Maging solusyon ito sa suliranin
Kung noon ang mga damo at dahon ay walang silbi, ngayon ito ay mga gamot na herbal nanakakalunas sa iba’t ibang karamdaman at pinagkakaperahan tulad ng sakít sa diabetes at tuberculosis.
34
Laging tatandaan na ang layunin ng pananaliksik ay siyang sasagot sa iyong gagawing pag-aaral.
35
LAYUNIN NG PAG-AARAL:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang tuklasin ang pananaw, kaalaman, at paniniwala ng mga Bacooreño sa usaping patungkol sa virus na HIV.
36
Nilalalayon ng pananaliksik na ito na:
1. Matukoy ang kaalaman ng mga Bacooreño patungkol sa virus na HIV;
2. Malaman ang kahalagahan ng tamang pag-unawa sa virus na HIV;
3. Maipahayag ang mga pananaw ng mga Bacooreño sa mga PLHIV at sa patuloy na paglobo ng mga kaso nito; at
4. Maitama ang mga maling pananaw ng mga Bacooreño sa virus na HIV.
37
Gámit ng Panaliksik sa Akademikong Gawain
Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lámang.
38
Ang maprosesong pananalisik ay isa sa mga halimbawa ng akademikong pagsulat.
39
Pagbuo ng Akademikong Pagsulat
Nakadepende sa kritikal na pagbása ng isang indibidwal (Arogante et al. 2007)
40
Husay ng manunulat na:
-mangalap ng mahahalagang datos -mahusay magsuri
-mag-organisa ng mga idea -orihinalidad na gawa
-lohikal mag-isip -may inobasyon
-kakayahang gumawa ng sintesis
41
Etika at Pananaliksik
ETIKA-Ito ay ang pagsunod sa istandard na pinaniniwalaan ng lipunan na wasto at naaayon sa pamantayan ng nakararami.
42
Kawalan ng etika sa Panaliksik
1. Pagpapasagot sa sarbey nang hindi ipinapaalam sa respondent kung tungkol saan ang saliksik.
2. Pagtatanong sa mga mag-aaral kaugnay sa kanilang seksuwal na gawain.
3. Paglalathala ng mga datos na tumutukoy sa personal na resulta ng panayam o sarbey ng grupo ng mga impormante..
43
Kawalan ng etika sa Panaliksik
1. Pagpapasagot sa sarbey nang hindi ipinapaalam sa respondent kung tungkol saan ang saliksik.
2. Pagtatanong sa mga mag-aaral kaugnay sa kanilang seksuwal na gawain.
3. Paglalathala ng mga datos na tumutukoy sa personal na resulta ng panayam o sarbey ng grupo ng mga impormante..
44
Komponent ng Etika sa Pananaliksik
1. Pagprotekta sa kaligtasan ng mga respondent.
2. Pag-iingat sa mga personal na datos
3. Pag-iwas sa desepsiyon o hindi pagsasabi ng totoo
4. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga bata bílang respondent ng saliksik
45
Plagiarism at ang mga Responsibilidad ng mananaliksik
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab(2014), ang plagiarism ay ang tahasang paggamit o pangongopya ng nga salita at idea nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
46
Tinukoy ng Plagiarism.Org (2014) ang iba pang anyo ng plagiarism gaya ng:
Pag-angkin sa gawa, produkto, o idea ng iba;
Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;
Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kayâ pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa idea nang walang sapat na pagkilala; at
47
Tinukoy ng Plagiarism.Org (2014) ang iba pang anyo ng plagiarism gaya ng:
Pag-angkin sa gawa, produkto, o idea ng iba;
Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag;
Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kayâ pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa idea nang walang sapat na pagkilala; at
Ang pangongoya ng napakaraming idea at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin man o hindi ang pinagmulan nito.
48
Bukod sa mga nabanggit narito pa ang ibang anyo ng plagiarism:
Pagsusumite ng isang papel sa magkaibang kurso (Council of Writing Programs Administrators 2003)
Redundant publication ang pagpasá ng isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa publikasyon
Self-plagiarism ang bahagi ng isang pananliksik ay inuulit sa isa pang pananaliksik na walang sapat na pagbanggit(Univerity og Minnesota, Center for Bioethics 2003)
Pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik
49
A. Disenyo ng Pag-aaral
Ipinaliliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan, historical, o kayâ’y eksperimental.
50
Mga uri ng pananliksik:
1. Pananaliksik na Eksperimental
Pinakamabisang uri kung nais tukuyin ang ianaasahang resulta
Binibiyang- pansin ang mga posibleng dahilan na maaaring tumugon sa suliranin
Halimbawa:
Saan higit na madaling matuto sa matematika batay sa wikang ginagamit.
51
Mga uri ng pananliksik:
2. Korelasyonal na Pananaliksik
Matukoy ang kaugnayan ng 2 baryabol nang Makita ang implikasyon nitó at epekto sa isa’t isa
Makatutulong para magkaroon ng prediksiyon sa kalalabasan ng pananaliksik
Halimbawa:
Kaugnayan ng kinalakhang paligid sa pagiging goal- oriented ng isang Tao.
52
Mga uri ng pananliksik:
3. Pananaliksik na Hambing-Sanhi
Pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang bagay o tao
Halimbawa:
Paghahambing sa kahusayan ng mga mag-aaral sa pribado at pampublikong paaralan
53
Mga uri ng pananliksik:
5. Etnograpikong Pananaliksik
Kultural na pananaliksik
Halimbawa: Uri ng pamumuhay ng mga Mangyan sa Mindoro
54
Mga uri ng pananliksik:
6. Historikal na Pananaliksik
Pagtuon sa nagdaang pangyayari
Magpabatid ng katotohanan ng nakalipas na pangyayari
Halimbawa: Pag-alam sa lawak ng angkan
55
Mga uri ng pananliksik:
7. Kilos-saliksik (Action Research)
Benepisyal
May suliraning kailangang tugunan
Nagbibigay ng solusyon
Halimbawa: Pagtukoy sa suliranin ng pamayanan
56
Mga uri ng pananliksik:
8. Deskriptibong Pananaliksik
Paglalarawan ng isang penomenong nagaganap kaugnay sa paksa
Pinakagamiting uri ng pananaliksik
Halimbawa: Pagtukoy sa iba’t ibang halamang gamot sa Pilipinas
57
Uri ng Pananaliksik Batay sa Klase ng Pagsisiwalat ng Datos
1. Kuwantiteytib- Ito ay ginagamit sa pagkalap ng numeriko o istadistikal na datos upang makabuo ng pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa paksa o isyu na pinag-aaralan.
2. Kuwaliteytib- Ito ay ginagamit sa pagkalap ng datos ng mga karanasan ng tao sa kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin sa numerikong pamamamaraan upang makita ang magkakaibang realidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan.
58
B. Mga Kalahok at Sampling
Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bílang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar, at ang hangganan ng kaniyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.
59
Mga katanungang dapat sagutin:
Sino ang kasangkot sa pag-aaral
Ilan ang kasangkot
Paano sila pipiliin
60
Ano ba ang Sampol?
Tumutukoy sa grupo (tao o bagay) na pinaghahanguan ng mga impormasyon para sa pananaliksik
61
Pagkuha ng Sampol
Tumutukoy sa proseso ng pagpili ng mga indibidwal na miyembro ng isang grupo para sa paksa ng gagawing pag-aaral o pananaliksik.
62
Ang Populasyon
Tumutukoy sa grupo ng interes ng gagawing pananaliksik;
Ang grupong ninanais paghanguan ng resulta sa gagawing pag-aaral
63
Bakit karaniwang praktis ang kumuha ng isang bahagi ng malaking populasyon?
Magastos kung buong populasyon
Maraming oras ang igugugol kung buong populasyon
Nakapaghihinuha (Inferring) at nakapaglalahat (generalizing) tungkol sa populasyon gámit ang sampling
64
Hakbang sa Pagsasampling
Pagkilala sa populasyon, pagtiyak sa kinakailangang sukat ng sampol at estratehiya sa pagpili ng sampol
65
Mga Estratehiya sa Sampling (Pagsasampol
Pagkuha ng Random o Random Sampling
Pagkuha ng Nonrandom o Non-random Sampling
66
Random Sampling- Ang bawat miyembro ay mayroong pantay na pagkakataon upang mapili (EQUIPROBABILITY) at maging bahagi ng gagawing sampol ng pag-aaral
Uri ng Random Sampling:
Simple Random Sampling
Stratified Random Sampling
Cluster Random Sampling
67
2. Stratified Sampling-Pagpili na ang mga tiyak na subgroup ay magkakaroon ng sapat na bílang ng mga kinatawan sa loob ng sampol
Hakbang:
-Hinahati ang grupo na ang bawat isa ay nabibilang sa katulad na istratum.
-Gumamit ng pa-random sa pagpili ng mga kalahok sa bawat istratum.
68
Nonrandom Sampling:
Systematic Sampling
Convenience Sampling
Purposive Sampling
69
1. Sistematikong Sampling- Plano para sa pagpili ng mga miyembro matapos na mapili nang pa-random ang panimula. Pagtiyak sa sampling interval at constant sampling interval
70
2. Convenience Sampling- Batay sa kaluwagan ng mananaliksik o ang accessibility nitó sa nagsasaliksik
Halimbawa: Pagtawag sa telepono o Pop-up survey sa internet
71
3. Purposive Sampling- Ginagamit batay sa paghuhusga at kaalaman ng mananaliksik upang makuha ang representiveness ng populasyon
72
Halimbawa: Paksa: Reaksiyon sa RH Bill
Populasyon: Mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Cavite
Sampling: Mga Student-Leader sa bawat Pamantasan/Kolehiyo sa Cavite
73
Stratified sampling ang ginamit ng mananaliksik sa pagkalap ng mga respondente na kung saan ang tiyak na subgroup ay magkakaroon ng sapat na bílang ng mga kinatawan sa loob ng sampol. Gumamit din ang mga mananaliksik ng Slovin’s Formula n = N / (1+Ne2).
Ang mga tagatugon ng pananaliksik ay nagmula sa mga estudyante ng City of Bacoor Senior High School-Dulong Bayan na kung saan hinati sa tatlong espesyalisasyon na STEM, ABM at TVL. Ang bawat espesyalisasyon ay may karampatang numero ng respondente na nakabase sa resultang nakalap gámit ang Slovin’s Formula, Stratified Sampling, at Even Numbering Random Sampling.
Ang kabuoang respondente na ginamit sa buong pananaliksik ay 149 na mga estudyante na kinabibilangan ng 18 na taga-STEM, 53 na taga-ABM, at 76 na taga-TVL.
74
C. Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos
Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos na kinakailangan o ginagamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral. Maaaring gumamit ng sarbey, talatanungan(questionnaire-checklist), at pakikipanayam.
75
Sa pangangalap ng datos, may tatlong pangunahing ginagamit:
1. Talatanungan
Ang talatatanungan ay ginagamit ng mga mananaliksik kung saan ay isinusulat ang mga tanong na pinasasagutan sa mga respondente. Ito ang pinakamadaling paraan sa pangagalap ng datos.
Open-ended na talatanungan- Ang mga respondent ay malaya sa pagsagot.
Close-ended na talatanungan- Uri ng talatanungan ng may pagpipilian
76
Sa pangangalap ng datos, may tatlong pangunahing ginagamit:
2. Ang pakikipanayam
Ito ay maisasagawa kung possible ang inter-aksiyong personal.May dalawang uri ito.
Binalangkas na pakikipanayam o structured interview
Di-binalangkas na pakikipanayam o unstructured interview
77
3. Obserbasyon
May dalawang uri ito:
Di-pormal na obserbasyon- Itinatala lamang ang mga napag-usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon.
Pormal na imbestigasyon o structured observation- Itinatala rito kung ano lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagutan ay binalangkas. Limitado ang mga impormasyong makukuha ngunit ito ay mas sistematiko kaysa sa di-pormal na obserbasyon.
78
Halimbawa:
Naghanda ng mga talatanungan na ipapasagot sa bawat estudyante na mapipiling maging respondente ng City of Bacoor Senior High School- Dulong Bayan upang malaman ang antas ng kanilang kaalaman patungkol sa SHS at pagpili ng espesyalisayon sa SHS.
Ang mga talatanungan ay ginawa at dinesenyo ng mananaliksik batay sa kapakinabangan at pangangailangan ng pananaliksik na ito. Pinasagutan ang bawat katanungan sa 149 estudyante ng City of Bacoor Senior High School- Dulong Bayan. Upang makasegurado ang mga mananaliksik sa takdang bílang ng mga respondente ay kinuha ng mananaliksik ang mga respondente base sa resulta ng Draw lots at tiningnan ang kanilang mga ID upang maging tama ang mga respondente na kukunin sa nasabing pananaliksik.
79
D. Paraan ng pangagalalap ng datos
Dito ipinapaliwanag kung paano ang pangangalap ng mga impormasyong ginamit. May mga ilang pamantayan sa paghahanap ng mga datos at mga impormasyong kailangan sa pananaliksik. Ito ay ang sumusunod:
Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik.
Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning sanggunian.
Kailangang may sapat na bílang ang mga sangguniang makatutugon sa paksang pag-aaralan.
80
Pangunahing Mapagkukuhanan ng Datos
1. Opinyon ng mga EKSPERTO
2. Pagkonsulta sa mga AKLAT at ARTIKULO
3. OBSERBASYON sa mga karanasan
4. SARILING paniniwala
81
a. Kahusayan sa pagsubok-
Isinasaad kung paano gagawin para masubok ang Reliability ng pag-aaral. Nangangahulugan din ito ng ganap na kawastuan ng datos. Ito ay kadalasang kinukuha sa tulong ng mga bihasa sa estadistika.
Kaakibat nitó ang tinatawag na validity na may kinalaman sa ugnayan ng mga datos. Sinusukat dito ang lawak ng pagtatamo ng mga layuning hinahangad na matamo o masukat ng pamamaraan.
82
b. Pagsusuri ng mga Datos-
Tinatawag din itong pag-aanalisa ng mga datos. Sa bahaging ito ipinaliliwanag ng mananaliksik ang paraan ng pag-aanalisa ng mga natagpuang kasagutan ng mga kasangkot sa pag-aaral, maaaring sa paraang pabahagdan. Ang mga karampatang puntos ng bawat kasagutan at ng paliwanag sa paraan ng ganuong pagpupuntos.
83
Halimbawa:
Upang masagot at malaman kung ano ang antas ng kanilang kaalaman sa pagpili ng espesyalisasyon sa SHS at patungkol sa SHS, gumamit ang mga mananaliksik ng estadistika at titingnan kung ano ang may pinakamataas na porsiyento ng kasagutan sa mga katanungan.
Dagdag pa dito ay inilatag rin ang mga nasabing resulta sa tulong ng mga kaugnay na literatura ng mga mananaliksik upang maging batayan sa paggawa ng mga rekomendasyon upang mapataas ang antas ng kanilang kaalaman patungkol sa SHS at pagpili ng espesyalisasyon.
84
Talaan ng Sanggunian/ Bibliyograpiya
Sa paghahanap ng datos tungkol sa paksa, ang karaniwang nagagamit na sanggunian ay mga aklat, pahayagan, journal, magasin, mga computer data base, at mga aklat pananaliksik, na inaayos na paalpabeto. Matatagpuan dito ang pangalan ng awtor na nauuna ang apelyido, pamagat ng aklat/magasin, artikulo, pangalan ng magasin/pahayag, lugar ng pinaglimbagan, taon ng pagkalimbag, at pahina.
Ang talasanggunian o Bibliyograpiya ay bahagi ng isang pananaliksik o maging ng aklat na kakikitahan ng talaan ng mga aklat, jornal, pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon.
Sa pangangalap ng datos, huwag kalimutan ang talaan ng sanggunian: Magkaroon ng magkakabukod na talaan para sa iba't ibang sanggunian
85
Talâng Parentetikal/ Dokumentasyong Parentetikal
a. APA – American Psychological Association, ang estilong APA ay kadalasang ginagamit sa mga siyentipikong pananaliksik sa larangan ng sikolohiya, medisina, agham panlipunan, at iba pang mga teknolohikal na larangan.
b. MLA – Modern Language Association, karaniwang ginagamit sa mga akademiko at iskolarling papel sa malalayang sining o liberal arts at sa disiplina ng Humanidades.
86
DALAWANG (2) URI NG PAGTATALÂ NG MGA IMPORMSYON O DATOS
1. Tuwirang Sipi - Ito ay eksakto o kompletong pagsipi ng bahagi ng orihinal na teksto. Maaaring ito ay isa o higit pa sa isang salita, parirala, pangungusap, o talata.
2. Pabuod - Ang orihinal na teksto ay kailangang ibuod sapagkat may mga tekstong mahahaba. Kailangang maisagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng sariling pananalita ng mananaliksik. (Paraphrasing ang tawag dito)
87
A. APA – American Psychological Association
• Isang estilo ng pagsulat ng bibliyograpiya o pagbanggit sa loob ng papel na karaniwang ginagamit ng mga mananaliksik sa disiplina ng agham at mga pang-akademikong papel.
• Nagagawa nitóng maging tuloy-tuloy ang daloy ng teksto sa pagbása.
• Sa paggamit ng APA, pagkatapos banggitin ang “paraphrase” kailangang sundan ito ng apelyido ng awtor at ng petsa kung kailan ito nailathala o nabanggit ng awtor.
• Mahalaga ang maingat na pagkilalasa pinagmulan ng hiram na idea , datos o, impormasyon.
88
A. APA – American Psychological Association
Halimbawa: sa hulíng talata: (Mabilin, 2010)
sa simulang talata: Mabilin (2010)
89
• Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lámang ng publikasyon ang isulat sa loob ng parenthesis.
• Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon.
• Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang volume, banggitin ang bílang ng volume kasunod ng pangalan ng awtor o mga awtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting bantas upang paghiwalayin ang unang entry sa taon ng publikasyon.
• Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing awtor sa mismong teksto, banggitin na lámang ang unang awtor sa loob ng panaklong at sundan ng et al. bago ang taon ng publikasyon.
90
B. MLA – Modern Language Association
Karaniwang ginagamit sa mga akademiko at iskolarling papel sa malalayang sining o liberal arts at sa disiplina ng Humanidades.
Halimbawa: Isang awtor: (Mendillo, 2010)
Higit sa dalawang awtor: (Mabilin at Mendillo, 2010)
Higit pa sa dalawang awtor: (Mendillo et al.)
91
Mga Hakbang sa pagtatala ng Sanggunian o Bibliyograpiya
1. Istilong APA (American Psychological Association)
a. Halimbawa ng isa ang awtor
Garcia, Lakandupil C. (2012). Paradaym: Pananaliksik sa Wikang Filipino(Intelektwalisasyon, Disiplina at Konsepto), Malabon City: JimcsyPublishing House.
92
Mga Hakbang sa pagtatala ng Sanggunian o Bibliyograpiya
b. Halimbawa ng dalawa ang awtor
Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon.
Irabagon, Cristina T. at Gonzales, Corazon C. (2003). Sining ng
Komunikasyon. Valenzuela City: Mutya Publishing.
93
Mga Hakbang sa pagtatala ng Sanggunian o Bibliyograpiya
c. Halimbawa ng tatlo o higit ang awtor
Kung tatlo o higit pa ang awtor sa mismong teksto, banggitin na lámang ang unang awtor sa loob ng panaklong at sundan ng et al. bago taon ng publikasyon.
Garcia, Lakandupil C. et.al. (2012). Paradaym:Pananaliksik sa Wikang Filipino (Intelektwalisasyon, Disiplina at Konsepto), Malabon City: Jimcsy Publishing House.
94
Mga Hakbang sa pagtatala ng Sanggunian o Bibliyograpiya
d. Halimbawa ng mga hanguang walang awtor o editor
Simulan sa pamagat ng akda at tuldukan, taon ng pagkasulat, lugar ng pinaglimbagan, publisher na nagsagawa ng paglilimbag.n.
The Personal Promise Pocketbook. (1987). Makati: Alliance Publishers, Inc.
95
Mga Hakbang sa pagtatala ng Sanggunian o Bibliyograpiya
f. Tesis/ Disertasyon
Edulzhura, Princess. (2017).Epekto ng Social Networking Sites sa mga Piling Mag-aaral ng SHS in Progressive Di- nalathalang Tisis.Senior High School in Progressive, Bacoor City. Bacoor City.
96
Mga Hakbang sa pagtatala ng Sanggunian o Bibliyograpiya
g. Pelikula, Kaset, CD, VCD
Gaya ng pagtatala sa aklat papalitan lamang ang awtor ng direktor kung pelikula at artist/speaker/lecturer kung kaset,vcd o cd.
Pelikula
Bernardo, Sigrid A. (2017). “Kita Kita” (Pelikula). Viva Films
CD
Labajo, Juan Karlo. (2018). “Buwan” (Pinoy Rock). Juan Carlos
Band, MCA Music Inc. (Universal Music Philippines)
97
Mga Hakbang sa pagtatala ng Sanggunian o Bibliyograpiya
h. Mga dokumento mula sa mga tanggapan ng gobyerno
Sulat ang pangalan ng ahensiyang pinagmulan ng dokumento at tuldukan. Kasunod ang taon ng publikasyon at tuldok. Isunod ang pamagat ng dokumento, ang bílang ng publikasyon (kung mayroon) sa loob ng parentesis at tuldukan. Isunod ang lugar ng publikasyon, tutuldok, at pablisher.
98
i. Mga hanguang elektroniko
Kung naka-post sa internet ang pangalan ng awtor o kontribyutor, taon at pamagat, sundin ang tuntunin at isunod ang sinalungguhitang website o path, tuldok.
Kung pamagat lámang ang abeylabol, simulan sa pamagat, tuldukan, at isunod ang website o path na sinalungguhitan.
Kung hindi abeylabol ang datos pangalan ng awtor at pamagat, ilagay na lang ang sinalungguhitang website.
99
i. Mga hanguang elektroniko
Aguino, Christine Joy (2018). Mga batayang Kasanayan sa Paghahanda para sa
Papel Mananaliksik. Mula sa https://www.academia.edu/ 33481735/ PANANALIKSIK
Makepeace, Caroline. (2019). 7 Helpful Tips for Visiting the Grand Canyon in
Winter. Mula sa https://www.ytravelblog.com /author/cazcraig/
100
B. MLA – Modern Language Association
Aklat na Iisa ang Awtor:
Mendillo, Benjamin. Namamayaning-Diwa, Manila: PNU Press, 2010
Aklat na may Dalawang Awtor:
Mendillo, Usher Ben R., at Ben Steward Mendillo. The Successful
Entrepreneur. 2nd Ed. Quezon City, 2012.
101
Mga batayang impormasyon na kailangang matukoy sa talasanggunian
a. Pangalan ng Awtor o mga awtor
b. Pamagat ng libro
c. Lugar ng publikasyon
d. Pablisher o tagalimbag
e. Petsa o Taon ng pagkalimbag
f. Editor, tagasalin, konsultant, compiler (kung mayroon)
102
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos
Ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga halimbawa ng hanguang primarya (primary sources) ay ang mga indibidwal o awtoridad, mga grupo o organisasyon/ asosasyon, samahan o kapisanan, pamilya, mga pampublikong kasulatan, o dokumento at iba pa. Kabilang din dito ang mga kinagisnang kaugalian maging mga pampublikong kasulatan o dokumento,
103
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos
Samantala, ang mga hanguang sekundarya naman ay: aklat tulad ng diksyonaryo, ensayklopedya, taunang aklat, jornal, atlas, almanac. Mga lathalaing artikulo gaya ng magasin, disertasyon, manuskrito, at iba pa.
104
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos
Hanguang Elektroniko o Internet ay maituturing ngayon bílang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng kumbinasyon ng mga serbisyong postal, telepono, at silid-aklatan. (mga Uniform Resource Locator (URL) na nagtatapos sa .edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko., .org organisasyon, .com business o komersyon, .gov. ph institusyon o sangay ng pamahalaan o gobyerno ng Pilipinas)
105
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos
Hanguang Silid-aklatan isang lugar puntahan upang makapangalap ng mga impormasyon o datos na na sasaliksikin.
106
May tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid- aklatan.
Una, panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliograpi, indeks, at hanguang elektroniko o internet.
Pangalawa, pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming, at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.
Pangatlo, pagbabasá at pagtatalâ mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer prinouts, at iba pang sanggunian.
107
Uri ng Kard katalog
a. Kard ng Paksa – ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lámang samananaliksik ay ang kaniyang paksang tatalakayin.
b. Kard ng awtor – ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad sa kaniyang paksa
c. Kard ng Pamagat – ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kayâ parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong pamilyar na sa iba.
108
Open Ended
Suriin
Bakit mahalaga ang dokumentasyon at pagsinop ng talâ sa pagsulat ng pananaliksik.
109
Open Ended
Suriin
Sa iyong palagay makakatulong ba ang pagkilala sa pinagmulan ng ide a at
batid ng impormasyon
110
Open Ended
Suriin
Paano makatutulong ang pagkilala sa lahat ng mga im pormasyon at datos sa
pagbuo ng pananaliksik?
111
Open Ended
Pagyamanin
Gawain 1:
Pag-isipang mabuti ang pamagat ng pananaliksik at pangunahing layunin nitó. Subukan mong lapatan ng tatlong tiyak na mga layunin sa gagawing pananaliksik.
Persepsiyon ng mga Mag-aaral at Guro ng City of Bacoor Senior High School-Dulong Bayan sa Distribusyon ng Condom ng DOH
at ang Implikasyon nito sa mga Kabataan
Layunin ng Pag-aaral:
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang iba’t ibang persepsiyon ng mga mag-aaral at guro ng City of Bacoor Senior High School- Dulong Bayan ukol sa distribusyon ng condom ng Kagawaran ng Kalusugan at ang implikasyon nitó sa mga kabataan.
Nilalalayon ng pananaliksik na ito na:
1.__________________________________________________________________________
2.__________________________________________________________________________
3.__________________________________________________________________________
112
Gawain 2:
PAGTAPAT-TAPATIN: Piliin sa hanay B ang mga terminong inilalarawan kahulugan sa hanay A. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. Titik lámang.
Note! Fill in the Blank ang gagamitin natin.
113
Fill in the Blank
Bahagi ng populasyon
114
Fill in the Blank
Interes na grupo ng pag-aaral
115
Fill in the Blank
Pangongopya at di-pagkilala sa gawa ng iba
116
Fill in the Blank
Instrumento sa pangangalap ng datos
117
Fill in the Blank
Tutugon sa panayam man o sarbey
118
Fill in the Blank
Batay sa kaluwagan respondente
119
Fill in the Blank
Batay sa kaluwagan respondente
120
Fill in the Blank
Inter-aksiyong personal
121
Fill in the Blank
Ang sasagot sa suliranin ng pag-aaral
122
Fill in the Blank
Pagkakataon ng bawat miyembro upang mapili
123
Gawain 3:
PAGTUKOY: Tukuyin kung anong uri ng disenyo ng pananaliksik ang inilalahad ng bawat pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Titik lámang.
A. Eksperimental
B. Korelasyonal
C. Hambing-Sanhi
D. Etnograpiko
E.Sarbey
F. Kuwaliteytib G. Historikal
H. Kilos- Saliksik
I. Deskriptibo
J. Kuwantiteytib
124
Fill in the Blank
Pinakamabisang uri kung nais tukuyin ang inaasahang resulta.
125
Fill in the Blank
Ito ay ginagamit sa pagkalap ng datos ng mga karanasan ng tao sa
kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin sa numerikong pamamamaraan upang makita ang magkakaibang realidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan.
126
Fill in the Blank
Paglalarawan ng isang penomenong nagaganap kaugnay sa paksa
127
Fill in the Blank
Kultural na pananaliksik
128
Fill in the Blank
Matutukoy ang ugnayan ng 2 baryabol nang makita ang implikasyon nitó at ang epekto sa isa’t isa
129
Fill in the Blank
Ito ay ginagamit sa pagkalap ng numeriko o estadistikal na datos upang
makabuo ng pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa paksa o isyu na pinag-aaralan.
130
Fill in the Blank
May suliraning kailangan tugunan/solusyon
131
Fill in the Blank
Pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang bagay o tao
132
Fill in the Blank
Pagtuon sa nagdaang pangyayayri
133
Fill in the Blank
Pagpapayaman at pagpaparami ng mga datos
134
Open Ended
Gawain 4:
Panuto: Gámit ang mga detalye sa ibaba, gumawa ng isang talasangunian.
Isulat ito sa loob ng kahon.
135
Open Ended
Gawain 4:
Panuto: Gámit ang mga detalye sa ibaba, gumawa ng isang talasangunian.
Isulat ito sa loob ng kahon.
136
Open Ended
Gawain 4:
Panuto: Gámit ang mga detalye sa ibaba, gumawa ng isang talasangunian.
Isulat ito sa loob ng kahon.
137
Open Ended
Isagawa
Gawain 1:
Panuto:Lapatan ito ng mga tiyak ng layunin ang pamagat ng pananaliksik.Maaari mong palitan ng pangalan ng iyong paaralan.
Mga Dahilan ng Stress at Epekto sa Pang-akademikong Gawain ng mga
Mag-aaral sa STEM G11 at 12 ng City of Bacoor Senior High School Dulong Bayan
Layunin ng Pananaliksik
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang mga dahilan at epekto ng stress sa pang-akademikong Gawain ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Nilalalayon ng pananaliksik na ito na:
1_________________________
2_________________________
3. _________________________
138
Tayáhin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat bílang.
139
Multiple Choice
Ipinapahayag sa bahagi ng metodolohiya ang iba’t ibang isinasagawang
hakbang ng mananaliksik sa paghahahanap ng datos.
Paraan ng pangangalap ng datos
Pagpapayaman ng datos
Pangongopya ng datos
Pagsusuri ng datos
140
Multiple Choice
Inilalarawan sa bahaging ito ng metodolohiya ang bawat hakbang sa pag- aanalisa ng mga datos na nakalap.
Pagsusuri ng Datos
Pagrerebisa ng datos
Pangangalap ng datos
Pagpaparami ng datos
141
Multiple Choice
Ito ang pinakapamagat ng ikalawang bahagi ng sulating pananaliksik na katutunghayan ng pamamaraan at paraaan, gayundin ng mga bílang ng respondent na gagamitin o ginamit sa pag-aaral.
Resulta
Diskusyon
Metodolohiya
Introduksiyon
142
Multiple Choice
Ipinaliliwanag sa bahaging ito ng metodolohiya ang paraan ng pagpili ng sampol mula sa populasyon.
Mananaliksik
Respondente
Disenyo
Datos
143
Multiple Choice
Bahagi ng isang pananaliksik na kakikitahan ng talaan ng mga aklat, jornal, pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon.
Datos
Pagpili ng paksa
Konseptong Papel
Talaan ng Sanggunian/ Bibliyograpiya
144
Multiple Choice
Alin sa sumsusunod na mga gawain ang nabanggit ang nagpapakita ng
plagiarism?
Hindi man kilala ang awtor ng pinagkunan ay binibigyan pa rin ito ng pagkilala.
Hindi paglalagay nang maayos na panipi sa mga siniping pahayag.
Himihingi ng pahintulot sa may-akda ng mga gagamiting talâ
Pagbanggit sa awtor ng mga pinagkunang sanggunian
145
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na pahayag ang wasto sa paggamit ng hanguang Elektroniko?
I at II
I at III
II at III
Lahat ng nabanggit
146
Multiple Choice
Nais mong gamitin bòlang bahagi ng iyong saliksik ang isang awitin. Paano mo ito isusulat bílang bahagi ng iyong sanggunian.
Labajo, Juan Karlo. Buwan (Pinoy Rock). Juan Carlos
Band, MCA Music Inc. (CD) 2018. (Universal Music Philippines)
Juan Karlo. Labajo, 2018 Buwan (Pinoy Rock). Juan Carlos
Band, MCA Music Inc. (Universal Music Philippines)
Labajo, Juan Karlo. (2018). “Buwan” (Pinoy Rock). Juan Carlos
Band, MCA Music Inc. (Universal Music Philippines)
Labajo, Juan Karlo. (2018) Buwan (Pinoy Rock). Juan Carlos
Band, MCA Music Inc. (Universal Music Philippines)
147
Multiple Choice
Sa ginamit na sanggunian ay hindi nabanggit ang may-akda o anonymous ang nakalagay sa title page. Paano ito ilalagay sa gagawing bibliyograpiya?
Ang pangalan ng nagparehistro sa pamagat ng aklat ang isinusulat sa bibliyograpiya
Ang pangalan na lámang ng publikasyon ang isinusulat sa bibliyograpiya
Ang pamagat na lámang ng unang akda na makikita sa nilalaman
Ang pamagat na lámang ng aklat ang isinusulat sa bibliyograpiya, taon ng pagkalimbag, lugar na pinaglimbagan, at palimbagan
148
Multiple Choice
Noon, footnoting o talababa ang pangunahing ginagamit sa pagkilala ng pinagkunan ng datos. Sa kasalukuyan, higit nang gamitin ang ______________.
postpartum citation
parenthetical citation
parallel citation
passcode citation
149
Multiple Choice
Ito ay paglilipat ng idea mula sa isang wika tungo sa iba pang wika.
Kinakailangang maging maingat ang mananaliksik sa gawaing ito.
Presi
Paraphrase
Buod ng Tala
Sariling Salin
150
Multiple Choice
Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos na kinakailangan o ginagamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral. Maaaring gumamit ng sarbey, talatanungan(questionnaire-checklist), at pakikipanayam
Paraan ng Paglikom ng Datos
Paraan sa Pagsusuri ng Datos
Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
151
Multiple Choice
Ito ay ginagamit sa pagkalap ng datos ng mga karanasan ng tao sa kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin sa numerikong pamamamaraan upang makita ang magkakaibang realidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan.
Deskriptibo
Historikal
Kuwaliteytib
Kuwantiteytib
152
Multiple Choice
Mahalaga rito ang husay sa pagbuo ng mga kasunod at kaugnay na tanong (follow-up question).
Sarbey
Obserbasyon
Pakikipanayam
Dokumentaryong pagsusuri
153
Multiple Choice
Maituturing bílang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos. Ito ay bunga ng kumbinasyon ng serbisyong postal, telepono at silid-aklatan.
Elektroniko o Internet
Primarya
Sekundarya
Silid-aklatan
154
Open Ended
Karagdagang Gawain
Panuto: Maghanap ng aklat, diksyonaryo, jornal, pahayagan, magasin, o website na maaaring maging sanggunian. Gumawa ng limang talaan ng sanggunian. Sundin ang pamantayan sa pagsulat nitó. Lagyan ng laybel kung anong uri ng sanggunian ang ginamit.
Pagbása at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan–Modyul 3: Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 154
SLIDE
Similar Resources on Wayground
130 questions
QTNNL 1
Lesson
•
University
129 questions
Chemical Reactions
Lesson
•
9th Grade
144 questions
TEAS Test Study Guide - Circulatory System
Lesson
•
University
140 questions
AP Bio Unit 2
Lesson
•
12th Grade
139 questions
Adjective vs Adverb
Lesson
•
KG - University
131 questions
S2.2 Covalent Model
Lesson
•
12th Grade
130 questions
Słownictwo - jedzenie
Lesson
•
11th Grade
142 questions
Kinh tế chính trị
Lesson
•
University
Popular Resources on Wayground
8 questions
Spartan Way - Classroom Responsible
Quiz
•
9th - 12th Grade
15 questions
Fractions on a Number Line
Quiz
•
3rd Grade
14 questions
Boundaries & Healthy Relationships
Lesson
•
6th - 8th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
3 questions
Integrity and Your Health
Lesson
•
6th - 8th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
9 questions
FOREST Perception
Lesson
•
KG
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Other
8 questions
Spartan Way - Classroom Responsible
Quiz
•
9th - 12th Grade
22 questions
El Imperfecto
Quiz
•
9th - 12th Grade
15 questions
ACT Reading Practice
Quiz
•
11th Grade
20 questions
Grammar
Quiz
•
9th - 12th Grade
18 questions
Mendelian Genetics
Quiz
•
10th - 12th Grade
20 questions
verbos reflexivos en español
Quiz
•
9th - 12th Grade
14 questions
Making Inferences From Samples
Quiz
•
7th - 12th Grade
25 questions
Early Cold War Quizziz
Quiz
•
11th Grade