Search Header Logo
KPWKP_q1_mod13_SanhiatBunga_v2

KPWKP_q1_mod13_SanhiatBunga_v2

Assessment

Presentation

•

Other

•

11th Grade

•

Practice Problem

•

Easy

Created by

Edgar Monte

Used 2+ times

FREE Resource

12 Slides • 29 Questions

1

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino

Unang Markahan- Modyul 1 3 -Sanhi at Bunga

2

Kasanayang Pampagkatuto:

Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa (MELCs)

3

Layunin:

• Matukoy ng mga mag-aaral ang sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa.

• Makabubuo ng isang maikling talata gamit ang sanhi at bunga.

• Magamit at mapahalagahan ang kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa gamit ang sanhi at bunga.

4

Subukin

Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot na nagsasaad ng sanhi at bunga. Isulat sa sagutang papel.

5

Multiple Choice

Napili ang Tagalog sapagkat ito ang intelektwalisadong wika na matatagpuan sa Pilipinas.

1

sanhi

2

bunga

6

Multiple Choice

Dahil sa pagpapatupad ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa kaya marami na ang gumagamit nito.

1

sanhi

2

bunga

7

Multiple Choice

Ang wikang Pambansa ay naging daan sa pagkakaunawaan kaya ipinanukala ito ni Pangulong Quezon.

1

sanhi

2

bunga

8

Multiple Choice

Kulang na kulang ang mga aklat na nalimbag hinggil sa wikang katutubo kaya naman hindi ito napapag-aralan ng mga mag-aaral.

1

sanhi

2

bunga

9

Multiple Choice

Salamin ng pagkakakilanlan ng isang bansa ang kaniyang sariling wika dahil ito ang bumubuo ng kanyang katauhan.

1

sanhi

2

bunga

10

Multiple Choice

Buhat sa mensahe ni Pangulong Quezon sa Unang Pambansang Asemblea ay dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.

1

sanhi

2

bunga

11

Multiple Choice

Ayon sa Komisyon ng Wikang Pambansa ay habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at payamanin nang nakasalig sa katutubong salita upang mabigyan ng pagpapahalaga ang ibang wika sa Pilipinas.

1

sanhi

2

bunga

12

Multiple Choice

Sensitibong bagay ang pagbabago ng polisiya kaugnay sa wika kaya naman ay dapat na maging maingat ang pangulo sa pagpili ng karapat-dapat italaga.

1

sanhi

2

bunga

13

Multiple Choice

Napatunayan na ang wikang Filipino ay kayang tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika ng rehiyon sapagkat ang komposisyon nito ay hindi nalalayo sa naturang wika.

1

sanhi

2

bunga

14

Multiple Choice

Bunga ng pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal ay dalawang wikang umiiral sa bansa ang gagamiting panturo sa paaralan.

1

sanhi

2

bunga

15

Multiple Choice

Dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at disiplina upang mas mapalaganap at mapaunlad ang wikang Filipino.

1

sanhi

2

bunga

16

Multiple Choice

Ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino dahil sa masyadong mahabang katawagan ang “Wikang Pambansang Pilipino”.

1

sanhi

2

bunga

17

Multiple Choice

May sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga Kastila kaya’t masasabing mayaman ang ating kultura.

1

sanhi

2

bunga

18

Multiple Choice

Nagkaroon ng iba’t ibang rebisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino upang mas mapalawak at mapaunlad pa nito ang wika.

1

sanhi

2

bunga

19

Multiple Choice

Kailangang ganyakin at itaguyod ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo nang makabuo ng orihinal na obra at mga materyales na reperensiya sa iba’t ibang disiplina.

1

sanhi

2

bunga

20

Balikan

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

21

Open Ended

Ano ang kahulugan ng sanaysay?

22

Open Ended

Bakit mahalagang malaman ang uri at elemento ng sanaysay sa pag-aaral ng wika?

23

Tuklasin

Sanhi at Bunga

24

Ang sanhi ay isang pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga. Halimbawa, narinig mo ang sirena ng trak ng bombero. Ano ang maaaring bunga ng sirenang ito?

Isang maaring mangyari ang ikagulat at ikabahala ang sirenang narinig. Kaya ang naging bunga ng sirena sa iyo ay nagulat at nabahala ka.

May palatandaang salita o pahayag na karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakaroon ng sanhi at bunga: kaya, kaya naman, dahil sa, dahil dito, buhat nang, bunga nito, tuloy, sapagkat, pagkat. Ang mga salita o pahayag na ito ay tinatawag ding mga pang-ugnay.

25

Halimbawa: Naranasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na sa sarili niyang bansa ay hindi sila nagkakaintindihan ng mamamayan, gumawa siya nang hakbang at isang ahensya na mag-aaral ng magiging batayan ng wikang pambansa, at ito ay ang Surian ng Wikang Pambansa.

26

Sanhi: Naranasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na sa sarili niyang bansa ay hindi sila nagkakaintindihan ng mamamayan


Bunga: gumawa siya nang hakbang at isang ahensya na mag-aaral ng magiging batayan ng wikang Pambansa

27

Open Ended

Question image

Paano mo masasabing ang mga pahayag ay sanhi o bunga? Ipaliwanag.

28

Suriin

Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang tsek (√) kung ang pahayag ay sanhi at ekis (x) kung ito ay bunga.

29

Multiple Choice

Sa resulta ng pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa, naging malinaw ang katayuan na magkaroon ng isang wikang gagamitin sa buong bansa.

1

x

2

√

30

Multiple Choice

Walang isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip na ituro ang wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aral ng mga katutubong wika.

1

x

2

√

31

Multiple Choice

Tagalog ang sinasalita ng mayorya sa bansa, kaya ito ang napiling batayan ng pagkakaroon ng Wikang Pambansa.

1

x

2

√

32

Multiple Choice

Hinirang ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang unang mga Kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa sapagkat kailangang may mangasiwa sa pagpili ng wikang Pambansa.

1

x

2

√

33

Multiple Choice

Ang kilusang Propaganda ay nagsimulang gumamit ng wikang Tagalog kaya naisulong ang paggamit ng wikang Tagalog sa mga pahayagan.

1

x

2

√

34

Pagyamanin

Basahin at unawain ang panuto sa bawat bahagi ng Gawain. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

35

Open Ended

Question image

Pagsasanay 1.1 Hanapin sa loob ng talata ang mga pangungusap na nagsasaad ng ugnayang sanhi at bunga.

36

Open Ended

Question image

Pagsasanay 1.2 Mula sa teksto sa unang pagsasanay. Punan ang tsart ng sanhi at bunga ayon sa mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

37

Open Ended

Pagsasanay 1.3 Bumuo ng maikling talata na nagpapahayag ng ugnayang sanhi at bunga. Gamitin ang ang mga sumusunod na pang-ugnay.a. kaya,

b. sapagkat,

c. dahil dito,

d. buhat nang,

e. bunga nito,

38

Open Ended

Question image

Isaisip

Gamit ang teknik na Three Minute Review. Isulat ang naging pag-unawa sa paksang tinalakay sa aralin nang may pag-aantas.

39

Open Ended

Question image

Isagawa

Bumuo ng isang maikling talata na binubuo ng 4-7 pangungusap. Tiyaking ito ay naglalahad ng kahalagahan ng paggamit ng mga kabataan ng wikang pambansa sa pagpapaunlad ng wika. Kinakailangang nagpapakita ito ng konsepto ng sanhi at bunga. Lumikha ng sariling pamagat.

40

Tayahin

Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot na nagsasaad ng sanhi at bunga. Isulat sa sagutang papel.

41

Open Ended

Karagdagang Gawain

Sa kasalukuyan, ang pagsasalin ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng impormasyon kaugnay sa Covid 19. Mahalagang isalin ang mga panuntunan at gabay mula sa Ingles patungo sa ating wikang Pambansa sapagkat ito ang nauunawaan ng lahat. Maglahad ng mga posibleng kagandahang-dulot ng pagsasalin at paano nito napapaunlad ang ating wikang Pambansa. Ilahad ang kasagutan gamit ang ugnayang sanhi at bunga.

Sanhi: ____________________________________________________________________

Bunga: ____________________________________________________________________

pattern-tertiary
Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino

Unang Markahan- Modyul 1 3 -Sanhi at Bunga

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 41

SLIDE