Search Header Logo

Spiritist Academy Daily Quiz for 16 September 2021

Authored by Jun Casillan

Philosophy

7th Grade - University

Kawanggawa sa Asal at Kawanggawa sa Espiritu covered

Spiritist Academy Daily Quiz for 16 September 2021
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

5 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE SELECT QUESTION

30 sec • 1 pt

I-tsek ang lahat ng mga halimbawa ng pagkakawanggawa sa espiritu.

Pag-awat sa mga nag-aaway

Pagbibigay ng payo sa mga naguguluhan ang pag-iisip

Pagtuturo ng paggalang sa kapwa

Pag-aalay ng panalangin sa mga bagong kamamatay

Paghikayat na maging masipag

Answer explanation

368. Ano ang kawanggawa sa asal?


Ito ay ang pagbibigay-tulong sa ating kapwa upang sila’y magkaroon ng magandang asal o ugali.


369. Mangyaring magbigay ng mga halimbawa.


Halimbawa’y ang pagtuturo sa ating kapwa na maging malinis, masipag, magalang, maayos magtrabaho, atbp.


373. Ano ang kawanggawa sa espiritu?


Ito ay ang pagbibigay-tulong sa ating kapwa tungo sa ikabubuti ng kanyang espiritu.


374. Mangyaring magbigay ng mga halimbawa.


Halimbawa’y ang mga sumusunod:


(1) Pagdalangin para sa kaluluwa ng mga bagong kamamatay

(2) Pagpayapa sa mga nag-aaway

(3) Pag-aliw sa mga nahahapis

(4) Pagpapayo sa mga nalalabuan ng isip

(5) Pangangaral ng ukol sa moral, tulad ng pagiging matapat, mababang-loob, mapagpaumanhin, matu-lungin, atbp.

Tags

Kawanggawa sa Asal at Kawanggawa sa Espiritu

2.

FILL IN THE BLANKS QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang dapat ipinagdarasal natin para sa bagong kamamatay upang makatulong sa kanya?

(a)  

Answer explanation

613. Paano tayo makatutulong sa bagong kamamatay?


Sa pamamagitan ng pagdalangin na magkaroon siya ng kaliwanagan ng isip, upang huwag magulumihanan sa bagong kalagayan.

Tags

Pagtulong sa Bagong Kamamatay

3.

MULTIPLE SELECT QUESTION

30 sec • 1 pt

I-tsek ang lahat ng mga nagaganap kapag ipinagdarasal natin ang kaluluwa ng mga taong sumakabilang-buhay na.

Nahahalina ang mga banal na espiritu na lapitan sila at bigyan ng kaliwanagan

Napapaikli ang kanilang mga paghihirap.

Nahihikayat sila na magsisi sa kanilang mga maling gawa at magpakabuti na

Nababawasan ang kanilang mga tiisin.

Natutuwa sila sa pagkaalam na mayroong nagmamalasakit sa kanila.

Answer explanation

287. Maaari bang dahil sa ating pagdalangin para sa kaluluwa ng mga taong namatay na, ay kung sakaling sila’y naghihirap at nasa kadiliman ay mabawasan o mapaikli ang kanilang mga tiisin?


Hindi po, sapagkat ang katarungan ng Diyos ay malalabag kung ipahihintulot ito.


288. Wala bang naitutulong sa mga espiritung ito ang ating mga panalangin para sa kanila?


Mayroon po, at malaki. Ang ating mga panalangin ay umaakit ng mga banal na espiritu at ang mga ito ang lumalapit sa kanila upang bigyan sila ng kaliwanagan at pag-asa.


289. Ano pang tulong ang nagagawa para sa kanila ng ating mga panalangin?


Nagkakaroon sila ng malaking kaaliwan sa pagkaalam na may mga nagmamahal at nagmamalasakit sa kanila.


290. Ano ang nagiging bunga nito sa kanila?


Nahihikayat silang magsisi na sa kanilang mga kasalanan at maghangad na magpakabuti na.

Tags

Panalangin Para sa mga Espiritu

4.

FILL IN THE BLANKS QUESTION

30 sec • 1 pt

Matatagpuan ang mga ito sa lahat ng dako ng sandaigdigan. Ano ang mga ito?

(a)  

Answer explanation

699. Saan maaring matagpuan ang mga espiritu?


Sila’y nasa lahat ng dako ng sandaigdigan.

Tags

Langit, Impyerno, at Purgatoryo

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ayon sa Espiritismo, hindi raw pook ang 'Langit' at ang 'Impyerno', kundi mga katayuang espiritual. Ano naman ang paniniwala ng Espiritismo sa tinatawag na purgatoryo?

Pook

Katayuang Espiritual

Pareho

Answer explanation

739. Ang purgatoryo ba ay isang pook o isang katayuang espiritual?


Pareho po.

Tags

Purgatoryo

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Microsoft

Continue with Microsoft

or continue with

Facebook

Facebook

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?