wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FIL 114: Midterm Exam

Total questions: 80

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Ang maikling katha ay naglalaman ng maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang mga tauhan.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikang patula na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Si Edgar Allan Poe ay isang Amerikanong manunulat na nakilala dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Ang kwento ng tauhan ay isang uri ng kwento kung saan ang interes at diin ay nasa pangunahing tauhan at kontrabida.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Ang bugtong ay maituturing na kwento ng talino.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Sa pababang aksyon ipinapakita ang unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari sa akda.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Ambag naman nina Nathaniel Hawthorne, Herman Melville,at Henry Lames ang pagdidiin sa mga bagay na subhetibo at pangangapa sa mga haka imbes sa galaw o aksiyon sa banghay.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Ang modernong maikling kwento ang “pinakabuso sa mga anyong pampanitikan sa bansa".

a)

Tama

b)

Mali

10.

Ayon kay Rolando Tolentino (2001), ipinakilala ang anyong ito sa pampublikong edukasyong itinaguyod noong panahon ng Amerikano.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Ang mga pangyayari sa maikling kwento ay karaniwang nagmula sa malikot na imahinasyon ng manunulat.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Ang awit at korido ay parehas lamang ng tungkulin sa lahat ng pagkakataon.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Kung noon ay ang mga nasusulat lamang na gawa ng tao ang maituturing na literatura, ngayon, kabilang na rin ang nabibigkas na mga akda.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Isa sa kahalagahan ng panitikan ay nalilinang nito ang kaisipan at imahinasyon ng mga tagapakinig na tinatawag din na manunulat.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Ang panitikan ay nagiging kagamitan ng karamihan upang palawakin at paunlarin pa ang ating mga tradisyon o kultura.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Ang layunin ng nobela ay magbigay ng aral sa mga mambabasa batay sa karanasan ng tauhan sa kwento.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Ang nobela ay kinapapalooban ng bawat kabanata na maituturing din nating maikling kuwento.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Ang pinakamagandang kahulugan ng literatura ay hindi manggagaling sa ating sarili.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Ang alamat kadalasan ay nagmula sa mga ninunong hindi na natin matukoy o makilala.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Sa paggagawa ng akdang nasa anyong tuluyan, dapat may isinasaalang-alang na sukat, bilang ng bigkas at mga taludtod, at may malikhaing paraan ng paghahatid ng mga mensahe sa mambabasa.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Ang maikling kuwento ay nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ang kasukdulan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling kwento at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng mambabasa sa isang maikling kwento.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Kay Ernest Hemingway, ang mga detalye ng realidad na may kahalagahan at kaangkupang pisikal.

a)

Tama

b)

Mali

26.

Ambag naman nina Nathaniel Hawthorne, Herman Melville,at Henry James ang pagdidiin sa mga bagay na obhektibo at pangangapa sa mga haka imbes sa kilos o aksiyon sa banghay

a)

Tama

b)

Mali

27.

Ang modernong maikling kwento ang pinakabuso sa mga anyong pampanitkan sa bansa.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Ayon naman kay Allan Peter Cayetano, ang kinikilalang Ama ng Maikling Kwento, ito ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip ng may akda, na maaring hinango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Mayroong mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Sa kuwentong bayan binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kuwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Ang alamat ay katulad lamang ng kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat ay may mga bahaging totoo at mayroon din naman na hindi totoo ang kuwento at kadalasang ang kuwento ay tungkol sa mga naganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Ang kakalasan ay hindi dapat pahabain at bigyan ng paliwanag.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Ang kasukdulan ay ang bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Ang wakas ay ang bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kwento. Mahalagang maging kapansin-pansin ito upang mabihag ang kawilihan ng bumabasa.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Ang suliraning inihahanap ng lunas ay karaniwang tatlo.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Bago pa man naging matatag ang tula, may pagtatangka na para mabigyang hugis ang nasabing-anyo.

a)

Tama

b)

Mali

39.

Ayon kay Rolando Tolentino (2000), ipinakilala ang anyong ito sa pampublikong edukasyong itinaguyod noong panahon ng Amerikano.

a)

Tama

b)

Mali

40.

Ang ambag ni O. Henry , ang pinakagamit ng nakagugulat na paksa, may sinusundang pormula ng didaktisismo, sentimentalismo, at melodrama ang maikling kwentong nalalathala sa komersyal na diyaryo.

a)

Tama

b)

Mali

41.
Buong Pangalan (Apelyido, Pangalan, Gitna)
4 lines
42.
Seksyon
a)
FILIPINO 2A
b)
FILIPINO 2B
43.
Lumilikha tayo ng mga ito tungkol sa ating sarili, sa ibang tao, sa mundong ating ginagalawan at sa katotohanang ating nararanasan.
a)
Paniniwala
b)
Karanasan
c)
Pangarap
d)
Lipunan
44.
Ito ay nagpapahintulot sa mga tao na tingnan ang kanilang sarili bilang mga tagamasid ng natural na mundo.
a)
Kasuotan
b)
Kapaligiran
c)
Obserbasyon
d)
Panitikan
45.
Naaalala nito ang mga makikinang na tao at ang kanilang mga kabayanihan na nagpabago sa anyo ng mga bansa.
a)
Panitikan
b)
Kaugalian
c)
Kasaysayan
d)
Alaala
46.
Araw o yugto ng panahon na inilaan upang gunitain, ritwal na ipagdiwang o muling gawin, o asahan ang mga kaganapan o panahon na nagbibigay ng kahulugan at pagkakaisa sa isang indibidwal at sa relihiyoso, pulitikal, o socioeconomic na komunidad.
a)
Okasyon
b)
Selebrasyon
c)
Tradisyon
d)
Kapistahan
47.
Ang pagbabahagi nito mula sa isang kultura patungo sa isa pa ay nagbibigay sa mga tao ng kaalaman sa isa pang paraan ng pamumuhay dahil mas mahalaga ito sa mga oras ng salungatan kapag ang ibang paraan ng pakikipag-ugnayan ay ginagawang hindi praktikal.
a)
Musika
b)
Tradisyon
c)
Sining
d)
Kultura
48.
Mahalaga ito sa ating kultural at panlipunang buhay dahil ito ang daluyan kung saan natin pinoproseso ang ating mga damdamin at ideya at ito rin ay isang mahalagang kasangkapan para sa pag-aaral, pagtuturo, at pakikipag-usap.
a)
Wika
b)
Sining
c)
Kultura
d)
Komunikasyon
49.
Ang pag-aaral nito ay mahalaga dahil ito ay tumutulong sa mga tao ng iba't ibang larangan na maunawaan ang kalagayan ng lupain at gumawa ng mga aksyon sa isang nakasulat na paraan.
a)
Relihiyon
b)
Heograpiya
c)
Topograpiya
d)
Agrikultura
50.
Pinahihintulutan nitong kopyahin ang mga huwaran ng kultura at lumikha ng mga kondisyon para sa karagdagang paglikha sa anyo ng pagpapatatag ng mga relasyon sa lipunan para sa mga susunod na henerasyon.
a)
Panitikan
b)
Kultura
c)
Sibilisasyon
d)
Kabihasnan
51.
Sa pamamagitan nito ay nagtatayo tayo ng mga pamilya at komunidad, gumagawa tayo ng mga transisyon at nagmamarka ng mahahalagang pangyayari sa ating buhay, ipinapahayag natin ang ating sarili sa kagalakan at kalungkutan, at marahil, ang pinakamahalaga, tayo ay lumikha at nagpapanatili ng pagkakakilanlan.
a)
Ritwal
b)
Nasyonalismo
c)
Kultura
d)
Ekonomiya
52.
Lumilikha ito ng pakiramdam ng seguridad at kaligtasan para sa mga indibidwal dahil nagbibigay ito sa kanila ng pagkakaisa at nagkakaisang pakiramdam ng pag-aari.
a)
Batas
b)
Kultura
c)
Lipunan
d)
Karapatan
53.
Habang pinahuhusay ng pagkakaiba-iba ng kultura ang malikhaing pag-iisip sa mga proseso ng produksyon, nagiging posible ang pinahusay na produktibidad para sa mas mataas na kaunlaran nito.
a)
Pagkakaisa
b)
Pamumuhay
c)
Ekonomiya
d)
Teknolohiya
54.
Ito ay nagpapahintulot sa isang tao na umatras sa nakaraan at matuto tungkol sa buhay sa bansa mula sa mga nauna sa atin.
a)
Obserbasyon
b)
Karanasan
c)
Kasaysayan
d)
Panitikan
55.
I. Ang Mangyan ay matatagpuan sa isla ng Mindoro. II. Ang mga aksyon at emosyong dulot ng pakikisalamuha sa mga nangingibabaw na bagay ay bahagi rin ng kulturang popular.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
56.
I. Ang karaniwang industriya ng Manobo ay ang kaingin. II. Ang mga saloobin ng isang indibidwal sa mga partikular na paksa ay hindi maaaring maapektuhan ng kulturang popular.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
57.
I. Maranao ang katagang ginamit ng mga ninuno ng Pilipinas upang tukuyin ang timoganing tribu. II. Ang mataas na kultura ay tinukoy bilang sining at iba pang mga likha na lubos na pinahahalagahan ayon sa kasaysayan, masining, at panlipunan.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
58.
I. Ang Muslim ay matatagpuan sa isang distrito sa Quiapo, Maynila at sa ilang mga bahagi ng Visayas tulad ng Sulu. II. Ang kulturang popular ay madalas na itinuturing na isang mas malalim o mas mataas na uri ng masining na pagpapahayag.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
59.
I. Ang mga Pampangen ay ibinigay ng mga Kastila sa lalawigan dahil natagpuan nila ang mga unang naninirahan dito sa tabi ng pampang. II. Ang kulturang popular ay isang kasangkapan na ginagamit ng mga piling tao para supilin o samantalahin ang masa.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
60.
I. Ang Tagalog ay hinango sa salitang "taga-ilog". II. Ang kulturang popular ay tinutukoy ng mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao at hayop sa kanilang pang-araw-araw na gawain.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
61.
I. Ang Tagbanua ay galing sa salitang "tao mula sa kabundukan". II. Karaniwang nakikilala ang kulturang popular sa mga katutubo at mataas na kultura.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
62.
I. Ang Tasaday ay kasali sa kabihasnan ng Gitnang Luzon. II. Ang pinakakatangian ng kulturang popular ay ang pagiging madali sa pagkamit nito sa masa.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
63.
I. Ang Tiboli ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng isla ng Mindanao partikular na sa Timog-Cotabato, Sultan Kudarat, at Saranggani. II. Ang kulturang popular ay naiimpluwensyahan din ng mga propesyonal na entidad na nagbibigay ng impormasyon sa publiko.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
64.
I. Ang Waray ay sa parte ng Leyte at isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. II. Ang kulturang Pilipino ay may iba't ibang impluwensya mula sa mga nakaraang kolonisasyon, pangunahing nagmula sa kultura ng Espanya, Indio at Amerika.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
65.
I. Ang Yakan ay matatagpuan sa Basihan. II. Ang kultura at pagpapahalagang Pilipino ay isa lamang sa mga magagandang bagay na pinahahalagahan ng maraming tao mula sa buong mundo.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
66.
I. Ang Zamboangeño ay kilala sa tawag na "Lupain ng mga Halaman". II. Maitatanggi natin ang katotohanan na ang relihiyon ay may malaking papel sa paghubog hindi lamang sa kultura ng Pilipinas kundi pati na rin sa iba pang kultura.
a)
A
b)
B
c)
C
d)
D
67.

Ang isla nito ay sinasabing isa sa mga pangunahing mga lugar na saklaw ng NPA.

(a)  

68.

Ito ay ang mga mandirigma na lumalaban sa mga digmaan at nagtatanggol sa pamayanan.

(a)  

69.

Ito ay alamat ng mga Maranao at naging simbolo ng kanilang sining para sa lahat.

(a)  

70.

Ang pinakapangunahing konsepto ng Islam ay ito o paniniwala sa isang diyos o tahwid.

(a)  

71.

Ang Pampanga ay may tatlong lungsod, ang San Fernando, Angeles at ito.

(a)  

72.

Ito ang isang anyo ng Tagalog ng Batangas.

(a)  

73.

Sayaw ng mga lalaking mandirigma na gumagamit ng bilao.

(a)  

74.

Noong 2004, ang mga Tasaday ay nagsimula nang itanim ito.

(a)  

75.

Ito ay mahahabang hikaw na gawa sa mga abaloryo at kadenang tanso.

(a)  

76.

Ito ay bundok na nasa Samar na may taas na 850 metro.

(a)  

77.

Ito ay isang pangtambol na instrumento na ginagamit sa anunsyo ng kasal.

(a)  

78.

Ito ay ang magkahalong wikang kastila at lokal na mga diyalekto

(a)  

79.
Bilang isang Filipino major, bakit kailangan mong mapag-aralan ang Kulturang Popular?
4 lines
80.
Ano ang kaibahan ng Ugnayan ng Wika, Kultura, Lipunan sa Kulturang Popular?
4 lines