wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEWER???

Total questions: 82

Worksheet time: 27mins

Name
Class
Date
1.

1.      Ginagamitan ito ng malikhaing kaisipan o mayamang guniguni na maaaring fiksyonal o di-fiksyonal.

(a)  

2.

Uri ng pagsulat na nakatuon sa isang tiyak na propesyon.

(a)  

3.

Karaniwan itong makikita sa mga dyaryo o pahayagan

(a)  

4.

Nakatuon ito sa mga pinagkuhanan o batayan ng pagsulat.

(a)  

5.

Uri ng pagsulat na kung saan ang manunulat ay nagbibigay ng direksyon.

(a)  

6.

Ginagamitan ito ng intelektwal na kasanayan na naglalayong maipahayag ang mas mataas na kaalaman nang may batayan at pagsusuri

(a)  

7.

Nilalayon naman ng anyong ito na maipaalam ang mga pangyayaring nagaganap maging sa loob man o labas ito ng isang bansa.

(a)  

8.

Naglalarawan ito sa isang tao, bagay, hayop, lugar, at mga pangyayari.

(a)  

9.

nagpapaliwanag at nanghihikayat na pumanig sa nangangatwiran

(a)  

10.

Ang anyong ito ng pagsulat ay nagsasalaysay o nagkukwento ng mga pangyayari na naganap sa isang tao.

(a)  

11.

Nangangahulugan ito ng pagbabago

(a)  

12.

Nangangahulugan ito ng pagbabago sa kaisipan.

(a)  

13.

Nagmula ito sa dalawang salita na meta at kognitib.

(a)  

14.

Hindi lahat ay kayang matandaan ang mga detalye sa binasa, kaya malaking tulong ang teknik na ito.

(a)  

15.

Tumutukoy ang teknik na ito sa pagkuha ng lahat ng detalye maging maliit man o malaking detalye gaya ng ginagawa ng mga akawntant na sinusuring mabuti ang bawat detalye upang maging akyureyt ang mga datos.

(a)  

16.

Nakatutulong ito na magkaroon ng pamilyaridad upang maintindihan ng mambabasa ang binabasa niya.

(a)  

17.

Nangangahulugan na sa teknik na ito, kinakailangang suriin ang binabasa.

(a)  

18.

Pampalipas oras lamang ang teknik na ito.

(a)  

19.

Mabilis itong teknik ng pagbasa dahil ang pokus ng mambabasa ay makuha lamang ang mga espisipikong impormasyonsa kaniyang binabasa

(a)  

20.

Isang teknik sa pagbasa na kung saan ang kinukuha lamang ng mambabasa ay ang mahahalagang impormasyon ng anumang babasahin. Kinukuha lamang dito ang pamagat, may akda, naglimbag, talaaan ng nilalaman at maaari rin namang ang buod ng kailangang basahin

(a)  

21.

Nagiging replektib na teknik sa pagbasa kung   naisasabuhay ng mambabasa ang mga aral na kaniyang natutunan sa binasa

(a)  

22.

Mabilis ding teknik ito ng pagbasa ngunit ang pangkalahatang impormasyon ang kinukuha ng mambabasa

(a)  

23.

Nagkakaroon ng ugnayan ang mambabasa at ang may- akda sa teoryang ito.

(a)  

24.

Sa teoryang ito, ang isang mambabasa ay marunong nang magbasa kung kaya’t madali na lamang niyang basahin ang anumang nais niyang basahin

(a)  

25.

Teorya ng pagbasa na nagpapaliwanag na ang utak ng isang tao ay may imbakan ng kaalaman na tinatawag na iskemata

(a)  

26.

Isinasaad ng teoryang ito na ang pagkatuto ng isang tao ay nagmula sa tekstong kaniyang binabasa

(a)  

27.

Karaniwang nagaganap sa sarili ang paraang ito ng pagbasa.

(a)  

28.

Sa paraang ito ng pagbasa, ang tinig ng bumabasa ay malinaw na nadirinig ng awdyens o tagapakinig.

(a)  

29.

Tindig ang pinatutungkulan dito. Sa paniniwala ng marami, tindig pa lang ng   isa tao ay malalaman na may angking talino ang isang tao.

(a)  

30.

Ginagamit ito ng tagapagsalita upang hindi siya magmukhang tuod o robot.   Ginagawa rin ang pagkumpas upang bigyang diin ang bahagi na nais niyang iparating.

(a)  

31.

Ang walang tigil na paggalaw ng isang tao ay nakapagdudulot na labis na pagkabagot ng mga tagapakinig. Kinakailangan lamang ang ilang pagkilos upang mawala ang kaba ng tagapagsalita at nagbibigay ito ng pagkakataon upang alalahanin ang anumang sasabihin

(a)  

32.

Tumutukoy ito sa boses na siyang itinuturing na pinakapuhunan ng isang tagapagsalita

(a)  

33.

Ito ang emosyong hatid ng ispiker sa kaniyang awdyens

(a)  

34.

Tumutukoy ito sa pagiging rasyonal ng isang ispiker

(a)  

35.

Tumutukoy ito sa kredebilidad ng ispiker

(a)  

36.

Hindi hinahayaan ng uring ito ng tagapakinig na makatapos sa pagpapahayag ang isang tagapagsalita sapagkat nagtatanong siya kaagad at ang katotohanan na nagnanais lamang siya na makaagaw ng pansin ng iba pang tagapakinig.

(a)  

37.

Tagapakinig na habang nakikinig ay may ginagawang ibang bagay

(a)  

38.

Tagapakinig na kahit anong gawin ay hindi maunawaan ang pinakikinggan.

(a)  

39.

Isang tagapakinig na maraming tanong ngunit palaging may pagduruda sa mga kasagutan sa kaniya.

(a)  

40.

Paborito o hilig ng tagapakinig na ito na maupo sa dulong bahagi ng silid-aralan upang hindi mapansin ang kaniyang pagkaantok na nauuwi sa pagtulog habang siya’y nakikinig.

(a)  

41.

Pinakamahusay na uri ng tagapakinig sapagkat hindi lamang nakikinig nang maayos, ganap o lubos bagkus nilalakipan pa niya ito ng pang-unawa.

(a)  

42.

Walang interes na makinig ang nasa uring ito. Mas gusto pa niyang magbasa ng mga magasin kaysa makinig. Nakaupo lamang siya na tila ba nasa kanilang bahay.

(a)  

43.

Uri ng tagapakinig na tango nang tango at ngiti nang ngiti ngunit hindi naman niya naiintindihan ang pinakikinggan.

(a)  

44.

Ang kognitibong aspetong bawat indibidwal na kung saan bukod sa kanyang narinig ay kasabay itong naipoproseso sa kanyang utak upang lubos itong maunawaan

(a)  

45.

Tumutukoy sa pisyolohikal na aspeto ng tao na nakaririnig dahil mayroong teynga

(a)  

46.

Ang pagsulat ay ang ikatlong makrong kasanayan na hinuhubog sa bawat tao lalo’t higit ay sa mga mag-aaral.

a)

True

b)

False

47.

Binigyan ng 16% na bahagi ng gawain ng tao sa pang-araw-araw na buhay ang pagbasa. 

a)

TRUE

b)

FALSE

48.

Batay kina Wixson et al. (1985), Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto

a)

TRUE

b)

FALSE

49.

Ang pagsulat ay ang ikaapat at panghuling makrong kasanayan na dapat malinang sa bawat mag-aaral.

a)

TRUE

b)

FALSE

50.

Kahit 16% ang bahagi ng pagsulat, kinakailangan pa rin itong matutunan upang ang sinumang hindi nagtataglay ng angking kagalingan sa pagsasalita ay makapagpapahayag pa rin sa paraang pasulat.

a)

TRUE

b)

FALSE

51.

Sa pagsulat, hinuhubog ang kakayahan na makapagsulat nang may maayos na kaisipan upang maging kaaya-aya sa mga babasa nito

a)

TRUE

b)

FALSE

52.

Uring ito ng pakikinig na nakakakalap ng impormasyon ang isang tagapakinig.

a)

a. Ebalwatib

b)

b. Pasibo

c)

c. Impormatib

d)

d. Reflektib

53.

Nilalayon nito na mapalipasang oras nang hindi na mamalayan. Ginagawa ito upang maaliw at maging masaya ang isang tagapakinig.

a)

a. Pangkasiyahan

b)

b. Pasibo

c)

c. Impormatib

d)

d. Reflektib

54.

Lagi itong may kaakibat na pagsusuri. Kinakailangang magsuri ang isang tagapakinig upang malaman ang tama at ang mali.

a)

a. Ebalwatib

b)

b. Pasibo

c)

c. Impormatib

d)

d. Kritikal

55.

Isinasagawa ang pakikinig na ito upang matutunan ng isang tagapakinig na maganalisa sa kaniyang pinakinggan

a)

a. Ebalwatib

b)

b. Pasibo

c)

c. Metakomprehensyon

d)

d. Kritikal

56.

Naghahangad lamang dito ang isang tagapakinig na tumanggap ng mensahe ngunit hindi inuunawa ang pinakikinggan.

a)

a. Empatik

b)

b. Pasibo

c)

c. Impormatib

d)

d. Kritikal

57.

Pakikinig na may layuning maitaas ang pagtingin sa sarili ng isang tao. Natututuhan nating magnilay- nilay sa ating pinakikinggan, lalo na kung ilalagay ang sarili sa kalalagayan ng iba.

a)

a. Pangkasiyahan

b)

b. Pasibo

c)

c. Impormatib

d)

d. Reflektib

58.

Pinakamataas na uri ng pakikinig. Dito, hindi lang nagiging kritikal, ebalwatib at replektib ang isang tagapakinig dahil ginagamitan na ito ng metakomprehesyon na kung saan hindi lamang literal na kahulugan ang naisasagawa, maging ang nakatago pang mensahe sa tinanggap na impormasyon.

a)

a. Ebalwatib

b)

b. Pasibo

c)

c. Metakomprehensyon

d)

d. Kritikal

59.

Nagaganap ito kung nakikinig tayo sa isang taong may mabigat na suliranin. Ipinararamdam dapat sa kaniya na may taong nag- aalala at kaisa niya na handang tumulong sa kaniya.

a)

a. Empatik

b)

b. Pasibo

c)

c. Impormatib

d)

d. Kritikal

60.

Ang pagsasalita ay ikalawang makrong kasanayan na pinagtutuunan natin ng pansin sa buong araw.

a)

TRUE

b)

FALSE

61.

Ang pagsasalita ay mayroon itong 45% na gawain ng bawat tao sa isang araw.

a)

TRUE

b)

FALSE

62.

Sinaulo itong taumpati. Dito, mayroon ng naisulat ang isang mananalumpati at kinakailangan lamang niya itong sauluhin bago bigkasin sa harap ng maraming tao.

a)

a.      Impromptu

b)

b. Memoryado

c)

c. Ekstemporenyus

d)

d. Pagbasa ng isang itinakdang papel

63.

Pagsasalita na kung saan ay binabasa lamang ng ispiker ang kaniyang sasabihin

a)

a. Impromptu

b)

b. Memoryado

c)

c. Ekstemporenyus

d)

d.Pagbasa ng isang itinakdang papel

64.

Biglaan itong talumpati na kung saan ang mabibigkas ay walang ganap na paghahanda

a)

a.      Impromptu

b)

b. Memoryado

c)

c. Ekstemporenyus

d)

d. Pagbasa ng isang itinakdang papel

65.

Mayroon itong kahandaang taglay

a)

a. Impromptu

b)

b. Memoryado

c)

c. Ekstemporenyus

d)

d. Pagbasa ng isang itinakdang papel

66.

Ang pagsulat ang Ikatlong makrong kasanayan na hinuhubog sa bawat tao lalo’t higit ay sa mga mag-aaral. Malalaman sa pagtalakay nito na kaakibat ng pagbabasa ay ang pang-unawa sa tekstong binabasa

a)

TRUE

b)

FALSE

67.

Ang pagbasa ay 16% na bahagi ng gawain ng tao sa pang-araw-araw na buhay

a)

TRUE

b)

FALSE

68.

Batay kina Wixson et al. (1987), Becoming a Nation of Readers, ng pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.

a)

TRUE

b)

FALSE

69.

Maaari rin itong maging kaaliwan, kaluguran pakikibaka, pagtuklas sa mga kalutasan ng problema at magbigay ng mga eksperyensya sa buhay (Toze).

a)

TRUE

b)

FALSE

70.

Ayon kina Wixson et al. (1987), sa New Directions in statewide reading assessment sa pahayagang “The Reading Teacher”, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon

a)

TRUE

b)

FALSE

71.

Nagaganap ito sa pagitan ng awtor at mambabasa

a)

a. Maestratehiya

b)

b. Interaktibo

c)

c. Konstraktib

d)

d. Holistiko

72.

Sa pamamagitan nito, maraming kakayahan pa ng isang      tao ang malilinang gaya ng kritikal napag- iisip at pag- unawa

a)

a. Maestratehiya

b)

b. Interaktibo

c)

c. Konstraktib

d)

d. Holistiko

73.

Marapat na ang isang mambabasa ay makatuklas ng iba’t ibang paraan o estratehiya upang lubos niyang maunawaan ang kanyang binabasa. Maaaring gamitin dito ang SQ3R (Survey, Question, Read, Recall at Review).

a)

a. Maestratehiya

b)

b. Interaktibo

c)

c. Konstraktib

d)

d. Holistiko

74.

Tumutulong ito sa mambabasa upang makabuo siya ng panibagong konsepto o    pananaw hinggil sa isang bagay na may iskema siya o may munti na siyang kaalaman dito na maaari pang maiugnay at mapalawak.

a)

a. Maestratehiya

b)

b. Interaktibo

c)

c. Konstraktib

d)

d. Holistiko

75.

Ang istilo ng awtor ay tumutukoy sa kung paano niya isinulat ang kayang akda

a)

a. Antas ng Bokabularyo

b)

b. Kakayahan at Kasanayan sa Pagbasa

c)

c. Istilo ng Awtor

d)

d. Mambabasa

76.

Sila ang mga taong nagbabasa, umuunawa at tumutugon sa tekstong binabasa

a)

a. Antas ng Bokabularyo

b)

b. Kakayahan at Kasanayan sa Pagbasa

c)

c. Uri ng Teksto

d)

d. Mambabasa

77.

Nakasalalay sa antas ng bokabularyo ang ikauunawa sa gawaing pagbabasa

a)

a. Antas ng Bokabularyo

b)

b. Kakayahan at Kasanayan sa Pagbasa

c)

c. Tekstong Akademiko

d)

d. Uri ng Teksto

78.

Magkasabay na hinuhubog ang kakayahan at kasanayan sa pagbasa

a)

a. Antas ng Bokabularyo

b)

b. Kakayahan at Kasanayan sa Pagbasa

c)

c. Istilo ng Awtor

d)

d. Tekstong Akademiko

79.

Kinakailangang maging maingat ang mambabasa sa uri ng tekstong   kanyang babasahin ngunit hindi rin maitatatwa na ang bawat isa ay mayroong nakahiligang basahin

a)

a. Antas ng Bokabularyo

b)

b. Kakayahan at Kasanayan sa Pagbasa

c)

c. Tekstong Akademiko

d)

d. Uri ng Teksto

80.

Ang anumang uri at anyo ng tekstong babasahin gaya ng mga aklat, maikling kwento, nobela, tula, sanaysay, at iba pa ay dumaan na sa masusing pag- aaral ng mga manunulat kung kaya’t naaangkop ang mga ito sa bawat mambabasa

a)

a. Antas ng Bokabularyo

b)

b. Kakayahan at Kasanayan sa Pagbasa

c)

c. Istilo ng Awtor

d)

d. Tekstong Akademiko

81.

Ang ikaapat at panghuling makrong kasanayan na dapat malinang sa bawat mag-aaral ay ang pagsulat

a)

TRUE

b)

FALSE

82.

Mayroon lamang ang pagsulat na 9% sa kabuuang gawain ng tao sa araw- araw

a)

TRUE

b)

FALSE