Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGBASA (Midterms)

Total questions: 88

Worksheet time: 1hrs 28mins

Name
Class
Date
1.

Tinalakay sa aklat ni Sicat et. al (2016) na "Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa upang mabuhay", ito ay winika ni __________ ______.

(a)  

2.

Gustave Flaubert, isang manunulat na siyang nagpaunlad ng reyalismong pampanitikan sa Pransiya at sumikat sa kanyang akda na _________ ________ (1857)

(a)  

3.

Ayon kay ANdersion et al. (1985) sa aklat na _______ ____ ______ na sinipi namansa aklat ni Sicat et al.(2016) na ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.

(a)  

4.

Ito ay isang makrong kasanayan na kognitibong hakbang ng pagtukoy sa kaisipan ng bawat simbolo upang makahango at makakuha ng kaalaman.

(a)  

5.

Ayon sa aklat ni Sicat et.al, nahahati sa dalawang pangkalahatang kategorya ang mapanuring pagbasa:

(a)  

6.

Ito ay kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na paghahanap ng kahulugan.

(a)  

7.

Ito ay may layuning makuha ang "gist" o pinakaesensiya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin na maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi and mga ispesipikong detalye na nakapaloob dito.

(a)  

8.

Ang __________ at _________ ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit maaari rin itong ikategorya bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown(1994) sa aklat ni Sicat et al.(2016), ang dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa.

(a)  

9.

Ito ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay upang hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago magbasa.

(a)  

10.

Ito ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay upang alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuoang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.

(a)  

11.

Sa aklat ni Adler at Doren(1973) na tinalakay naman sa aklat ni Sicat et. al(2016), sinasabi rito na may apat na antas ng pagbasa.

a)

Primaryang Antas

b)

Mapagsiyasat na Antas

c)

Analitikal na Antas

d)

Sintopikal na Antas

e)

Sekondaryang Antas

12.

Ito ay antas ng pagbasa na tumutukoy sa tiyak nadatos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting o lugar at mga tauhan sa isang teksto.

(a)  

13.

Sa antas na ito, nauunawaan na ang mambabasa ang kabuoang teksto at nagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Nagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto nang mas malalim.

(a)  

14.

Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.

(a)  

15.

Tumutukoy ito sa pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba't ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay. Nakabubuo ng sariling perspektibo o pananaw sa isang tiyak na paksa.

(a)  

16.

Sinisimulan sa pagsisiyasat ang tekstong babasahin upang malaman ang tamang estretahiya sa pagbasa batay sa genre ngteksto.

(a)  

17.

Kinakapalooban ito ng ______________ o _______________ ng isang teksto sa pamamagitan ngmabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat.

(a)  

18.

Sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba't ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto. May mga prediksyon bago magbasa ang pinanghahawakan upang panatilihin ang pokus sa aktibong pang-unawa sa binasa.

(a)  

19.

Sa kasanayang ito maisasagawa ng isang mambabasa ang pagtatatsa ng komprehensiyon, pagbubuod, pagbuo ng sintesis at ebalwasyon upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto.

(a)  

20.

Ayon sa aklat ni Sicat et. al(2016) ang pagtukoy sa ________ o __________ ng isang pahayag ay mahalang kasanayan ng isang mambabasa.

(a)  

21.

Ito ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng mga emperikal na karanasan, pananaliksik o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.

(a)  

22.

Ito ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao.

(a)  

23.

ito ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa pagpapahayag.

(a)  

24.

Ito ay ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sateksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa tiyak na paksang tinatalakay.

(a)  

25.

Ito ay ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay matibay na paniniwala at paninindigan tungkol sa isang pangyayari o paksa.

(a)  

26.

Ang Impormatibo ay tinatawag ding (a)   .

27.

Ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng ano mang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.

(a)  

28.

Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan.

(a)  

29.

Ito ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.

(a)  

30.

Ito ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.

(a)  

31.

Ito ay isang uri ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng gabay at mga paalala na maaaring hindi nakaayos nang magkakasunod.

(a)  

32.

Ito ay upang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring ang salaysay ay personalna naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang. Maaaring ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.

(a)  

33.

Ito ay nagkukuwento ng mga serye ng pangayayri sa maaaring piksiyon o di-piksiyon. Kapuwa gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at kumakasangkapan ng iba't ibang imahen, metapora, at simbolo upang maging malikhain ang katha.

(a)  

34.

Ito ay isang uri ng di-piksiyon na pasulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba't ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat.

(a)  

35.

Nilalahad dito ang pangunahing ideya sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat.

(a)  

36.

Ditodagling inilalahad ang pangunahing ideya sa tekstong impormatibo, Ginagamit nito organizational markers upang makita at mabasa agad ng mambabasa ang pangunahing ideya.

(a)  

37.

makatulong mabuo ang isipan ngmga mambabasa ang pangunahing ideya nais niyang maitanim o maiwan sa isipan

(a)  

38.

paggamit ng larawan, diagramo chart

a)

Paggamit ng mga nakalarawang representasyon

b)

Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita

c)

Pagsusulat ng mga Talasanggunian

39.

pag-bold ng letra, gawing italic o ang paglalagay ng guhit sa mga salita.

a)

Paggamit ng mga nakalarawang representasyon

b)

Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita

c)

Pagsusulat ng mga Talasanggunian

40.

paglalagay ng credits upang mapatunayan ang totoo (bibliography)

a)

Paggamit ng mga nakalarawang representasyon

b)

Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita

c)

Pagsusulat ng mga Talasanggunian

41.

Uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ng ugnayan ng mga pangyayari.

(a)  

42.

Ito namanay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng kahit anong bagay, konsepto, at maging pangyayari.

(a)  

43.

sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, ipinapaliwanag ng manunulat ang kahuluganng isang salita, terminolohiya, o konsepto

(a)  

44.

sa tekstong ito, ang malawak na paksa ay hinahati sa iba't-ibang kategorya upang magkaroon ngsistema ang talakayan.

(a)  

45.

direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di mapasusubalian

(a)  

46.

kinapapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsyon kungano ang nararamdaman ng manunulat

(a)  

47.

Ito ay maihahalintulad sa isang larawang ipinipinta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita narin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.

(a)  

48.

Limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal

4 lines
49.

Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.

(a)  

50.

kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy

(a)  

51.

kung nauna ang panghalip at malalaman kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto

(a)  

52.

paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip namuling ulitin ang salita

(a)  

53.

may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais naipahiwatig ng nawalang salita

(a)  

54.

nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at para sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.

(a)  

55.

mabibisan salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.

(a)  

56.

Dalawang uri ng Kohesyong Gramatikal

a)

Reiterasyon

b)

Kolokasyon

c)

Kronolohikal

d)

Anapora

57.

kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.

(a)  

58.

Tatlong uri ng Reiterasyon

a)

Pag-uulit o repitisyon

b)

Pag-iisa-isa

c)

Pagbibigay-kahulugan

d)

Pag-gamit ng pang-abay

e)

Pag-banggit sa pangyayari

59.

ang mga salitang karaniwang nagagamit nang magkakapareha o may kaugnayan sa isa't isa kaya't kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat

(a)  

60.

Ayon kay (a)   , may tatlong elemento ang panghihikayat.

61.

Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat.

(a)  

62.

Paggamit ng emosyon ng mambabasa.

(a)  

63.

Paggamit ng lohika at impormasyon.

(a)  

64.

ito ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay.

(a)  

65.

Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakasisilaw at mga

mabubulaklak na salita o pahayag.

(a)  

66.

Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.

(a)  

67.

Ito ang propaganda device kung saan tuwirang ineendorso o pinopromote ng isang tao ang kanyang tao o produkto gamit ang kunwaring o totoong karanasan nila sa paggamit ng produkto.

(a)  

68.

Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng paglalagay nila ng kanilang sarili sa yapak ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan.

(a)  

69.

sa pamamagitan ng bilang o dami ng taong tumatangkilik o boboto marahil gawa ng sarbey o pinag-uusapan ang produktong ito o kandidato ay nahihikayat ang masa na sumakay na lang at iyon na rin ang iboto.

(a)  

70.

pagsasabi ng puna na pawang magaganda lamang sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito o pangit bahagi nito.

(a)  

71.

nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting at oras o panahon kung

kailan nangyari ang kwento

(a)  

72.

Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian.

(a)  

73.

sa halip na direktang pagsasalaysay, gumagamit ng paguusap ang mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.

(a)  

74.

nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.

(a)  

75.

tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng isang kwento.

(a)  

76.

omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala.

(a)  

77.

isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay linaw sa kuwento.

(a)  

78.

nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.

(a)  

79.

nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kwento. Kadalasang ipinapakilala sa pamamagitan ng flashback

(a)  

80.

Pagbabago ng kahihinatnan ng kwento at pagresolba ng biglaang suliraning walang solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao, bagay at pangyayari na hindi naman naipakilala sa unang bahagi ng kwento.

(a)  

81.

Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya

(a)  

82.

Ang (a)   ay ang pahayag na inilalahad upang

pagtalunan o pag-usapan.

83.

Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang

maging makatuwiran ang isang panig.

(a)  

84.

ito ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at

instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.

(a)  

85.

nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto

ng prosidyur.

(a)  

86.

nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang makumpleto ang isasagawang proyekto.

(a)  

87.

serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto

(a)  

88.

naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur

(a)