wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3rd Final Exam PPITTP

Total questions: 50

Worksheet time: 24mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin kung sa anong elemento ng tekstong impormatibo

nabibilang ang mga sumusunod na pahayag.

Inilalagay ang mga pinagbatayang ebidensya.

a)

Layunin ng

May-akda

b)

Paggamit ng Nakalarawang

Representasyon

c)

Pagbibigay-diin sa salita

d)

Talasanggunian

2.

Tukuyin kung sa anong elemento ng tekstong impormatibo

nabibilang ang mga sumusunod na pahayag.

Ang manunulat ay maaaring magpalawak ng kaalaman ukol sa

isang paksa o di naman kaya ay mailahad ang mga yugto ng buhay.

a)

Layunin ng

May-akda

b)

Paggamit ng Nakalarawang

Representasyon

c)

Pagbibigay-diin sa salita

d)

Talasanggunian

3.

Tukuyin kung sa anong elemento ng tekstong impormatibo

nabibilang ang mga sumusunod na pahayag.

Dito nagagamit ang estilong nakadiin, nakahilis, o

nakasalungguhit.

a)

Layunin ng

May-akda

b)

Paggamit ng Nakalarawang

Representasyon

c)

Pagbibigay-diin sa salita

d)

Talasanggunian

4.

Tukuyin kung sa anong elemento ng tekstong impormatibo

nabibilang ang mga sumusunod na pahayag.

Mga detalyeng nakakatulong upang mabuo ang isang teksto.

a)

Layunin ng

May-akda

b)

Pantulong na Kaisipan

c)

Pangunahing Ideya

d)

Talasanggunian

5.

Tukuyin kung sa anong elemento ng tekstong impormatibo

nabibilang ang mga sumusunod na pahayag.

Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa

bawat nahagi na tinatawag na organizational markers.

a)

Layunin ng

May-akda

b)

Pantulong na Kaisipan

c)

Pangunahing Ideya

d)

Talasanggunian

6.

Tukuyin kung sa anong elemento ng tekstong impormatibo

nabibilang ang mga sumusunod na pahayag.

Paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, at tsart.

a)

Layunin ng

May-akda

b)

Pantulong na Kaisipan

c)

Pangunahing Ideya

d)

Paggamit ng Nakalarawang

Representasyon

7.

Maraming naganap sa ating bansa kaya’t minabuti ni Alvin na

magbasa pa tungkol dito, babasahin n’ya ngayon ang “Ang Kasaysayan ng

Pilipinas sa Panahon ng mga Kastila.”

a)

Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan,

b)

Pag-uulat

Pang-impormasyon

c)

Pagpapaliwanag

8.

Hirap intindihin ng kapatid ni Jose kung bakit naubos ang tubig

na kanyang iniwan sa labas, kaya ipinaliwanag niya ang siklo ng tubig.

a)

Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan,

b)

Pag-uulat

Pang-impormasyon

c)

Pagpapaliwanag

9.

“Bagong Tax Reform Law,” masaya si Fe sa kanyang nasagap

na impormasyon tungkol sa kahulugan ng batas na ito.

a)

Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan,

b)

Pag-uulat

Pang-impormasyon

c)

Pagpapaliwanag

10.

Lubusang nalungkot si Aling Pasing sa kanyang nabalitaan

tungkol sa kaguluhang naganap sa Marawi.

a)

Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan,

b)

Pag-uulat

Pang-impormasyon

c)

Pagpapaliwanag

11.

Ito ay naglalayong magsaad ng kabuuang larawan ng isang bagay, pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay- bagay, pook, tao, o pangyayari.

a)

Tekstong Impormatibo

b)

Tekstong Prosidyural

c)

Tekstong Deskriptibo

d)

Tekstong Argumentatibo

12.

Ang uri ng paglalarawang ito ay literal at pangkaraniwang gumagamit ng paglalarawan.

a)

Impresyonistiko

b)

Teknikal

c)

Karaniwan

d)

Masining

13.

Ang uri ng paglalarawang ito ay hindi literal at ginagamitan ng mga matalinghaga o idyomatikong paglalarawan.

a)

Teknikal

b)

Karaniwan

c)

Impresyonistiko

d)

Masining

14.

Alin sa mga sumusunod ay karaniwan ang uri ng paglalarawan?

a)

mala-Adonis sa kagwapuhan

b)

singbilis ng kidlat

c)

kasing-puti ng niyebe

d)

matayog

15.

Ang salitang "maanghang" ay paglalarawan gamit ang __________.

a)

paningin

b)

pandinig

c)

pang-amoy

d)

panlasa

16.

Ang nasa imahe ay mailalarawan gamit ang _______

a)

panlasa

b)

pang-amoy

c)

pandinig

d)

paningin

17.

Tukuyin ang uri ng paglalarawan na ginamit sa pangungusap.

Tinunghayan ng buwan ang sariling halindog sa kaharap nitong dagat.

a)

Karaniwan

b)

Masining

18.

Makikita mo ang malinaw na repleksiyon ng buwan sa dagat.

Ano ang salitang naglalarawan sa pangungusap?

a)

makikita

b)

malinaw

c)

repleksiyon

d)

buwan

19.

Ayon kay dating pangulong Fidel V. Ramos, tila isang hindi maasahang presidente si Pangulong Benigno Aquino III kapag nagsalita. Dagdag pa niya maaaring makasama sa imahen ng Pilipinas ang mga pahayag ng kasalukuyang pangulo tungkol sa insidente ng Mamamasapano, Maguinadanao.

a)

OBHETIBO

b)

SUBHETIBO

20.

Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF). Halatang-halata na dumaan sila sa matinding pagsasanay.

a)

OBHETIBO

b)

SUBHETIBO

21.

Ang Mamasapano ay isang 5th class municipality. Ibig sabihin, atrasado ang lugar, mabagal ang pag-unlad, at naghihirap ang mga tao.

a)

OBHETIBO

b)

SUBHETIBO

22.

Dahil sa giyera, lalong naging mahirap ang buhay para sa mga mamamayan ng Mamaspano. Nagdulot ito ng pagtigil ng mga bata sa pagpasok sa paaaralan at pagkawala ng kabuhayan ng mga bata.

a)

OBHETIBO

b)

SUBHETIBO

23.

Ang ama ni Jim ay tigre kung magalit.

a)

Metapora

b)

Personipikasyon

c)

Pagtutulad/Simile

d)

Pagmamalabis/Hyperbole

24.

Ang kanyang anyo ay kawangis ng isang anghel.

a)

Metapora

b)

Pagmamalabis/Hyperbole

c)

Pagtutulad/Simile

d)

Personipikasyon

25.

Maging ang langit ay lumuha sa naganap na trahedya.

a)

Pagsasatao/Personipikasyon

b)

Pagtutulad

c)

Metapora

d)

Pagtawag

26.

Malakas ang Dingdong ng Doorbell kaya nalaman kagad ni Mike na may tao sa labas ng kanyang bahay.

a)

Pagtutulad

b)

Pagtawag/Apostrophe

c)

Paghihimig/Onomatopeya

d)

Palit-tawag/Metonymy

27.

Tumagos sa puso ang kanyang sinabi.

a)

personipikasyon

b)

pagtawag

c)

pagmamalabis

28.

Ang buhay ay isang bahaghari.

a)

simili

b)

personipikasyon

c)

metapora

29.

Umuusok siya sa galit habang nasa harap ng anak.

a)

pagmamalabis

b)

personipikasyon

c)

simili

30.

Napaiyak siya sa takot sa kamay na bakal ng ama.

a)

personipikasyon

b)

simili

c)

metapora

31.

Tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari

a)

Pinangyarihan

b)

Kinaroroonan

c)

Tagpuan

d)

Kabanata

32.

Tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda

a)

Banghay

b)

Kwento

c)

Balangkas

d)

Kakalasan

33.

Tinatawag din itong flashback. Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.

a)

Prolepsis

b)

Analepsis

c)

Ellipsis

34.

Dalawang uri ng tauhan

a)

Masama at Mabuti

b)

Pangunahing tauhan at ekstra

c)

Bida at Kontrabida

d)

Bilog at Lapad

35.

Tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang katapusan.

a)

Tauhang bilog

b)

Tauhang lapad

36.

Ang tauhang bilog ay tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa pangangailangan.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.

a)

Unang Panauhan

b)

Ikalawang Panauhan

c)

Ikatlong Panauhan

38.

Isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya ay “siya”.

a)

Unang panauhan

b)

Ikalawang panauhan

c)

Ikatlong panauhan

39.

Ang tauhan ay tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang dayalogo, saloobin o damdamin.

a)

Tuwirang pahayag

b)

Di- Tuwirang Pagpapahayag

40.

Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan.

a)

Tuwirang pahayag

b)

Di- Tuwirang Pagpapahayag

41.

(a)   ang tawag sa mga taong gumaganap sa isang kwento.

42.

Karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan.

a)

Katunggali

b)

Kasamang tauhan

c)

May-akda

d)

Kaibigan

43.

Siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan

a)

Kontrabida

b)

May-akda

c)

Kasamang tauhan

d)

Katunggali

44.

May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

a)

Analepsis

b)

Prolepsis

c)

Ellipsis

45.

Tinatawag din bilang flashforward. Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.

a)

Analepsis

b)

Prolepsis

c)

Ellipsis

46.

·Panimula ·Pababang aksyon ·Kasukdulan ·Pataas na aksyon ·Wakas

Ito ang wastong daloy o pagkakasunod-sunod ng banghay sa mga tekstong naratibo.

a)

Tama

b)

Mali

47.

Ideya kung saan umiikot ang pangyayari

a)

Tauhan

b)

Banghay

c)

Paksa

d)

Tagpuan

48.

Sa kanya umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan.

a)

Kasamang tauhan

b)

Pangunahing tauhan

c)

Katunggali

d)

May-akda

49.

Tumutukoy sa pasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod- sunod mula sa simula hanggang katapusan.

a)

Tekstong Impormatibo

b)

Tekstong Deskriptibo

c)

Tekstong Persuweysib

d)

Tekstong Naratibo

50.

Tawag sa mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod.

a)

Anachrony

b)

Anastrophe

c)

Analeptics

d)

Analyte