WorksheetsESP 10 Pretest
Total questions: 55
Worksheet time: 30mins
1. Ang wastong paggamit ng kilos-loob o will ay naipakita ni _____
A. Deon. Lumabas pa rin siya ng bahay kahit na mapanganib pa.
B. Nelly. Ipinamalita niya sa mga kapitbahay na wala ng COVID-19.
C. Julius. Binato niya ang pusa matapos siyang biglaang kagatin nito.
D. Edna. Pinigilan niyang kumain ng masarap dahil bawal ito sa kanya.
2. Makagagawa ka ng angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan kung _____
A. pipiliin mo ang mali upang mapasaya ang iba
B. isaaalang-alang mo ang kabutihan para sa sarili
C. gagamiting mo nang tama ang isip at kilos-loob
D. hahayaang magkamali sa pasya at magsisi na lang
3. Ang dalawang kalikasan ng tao ay _____
A. materyal at ispirituwal
B. isip at kilos-loob
C. pandamdam at emosyon
D. panlabas at panloob
4. Ang mga ito ay katangian ng wastong pag-iisip at pagkilos, MALIBAN sa_____
A. ito ang pinaka-tamang gawin
B. naayon sa batas ng Diyos at ng tao
C. nabuo ito gamit ang kalayaang mag-isip o kumilos
D. ito ay magdudulot ng personal na kapakinabangan
5. Ang pahayag na nagsasaad ng tamang impormasyon ay _____
A. Ang materyal na kalikasan ng tao’y tumutukoy sa mental na katangian.
B. Ang materyal na kalikasan ng tao’y pinagmumulan ng diwa at talino.
C. Ang ispirituwal na kalikasan ng tao’y pagsasagawa ng pisikal na gawain.
D. Ang ispirituwal na kalikasan ng tao’y nagbibigay kakayahang umunawa.
6. Patuloy pa rin ang pakikipagkita ni Gerlie kay Bhoy tuwing gabi kahit kinausap na ng mga magulang na itigil na ito.
TAMA
MALI
7. Hinikayat ni Stephanie ang kapatid at mga magulang na magbigay ng tulong sa kapitbahay na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 kahit na nga nangangailangan din sila.
TAMA
MALI
8. Nangangalap muna si Alden ng mga impormasyon mula sa mga eksperto at kinauukulan bago maniwala sa sinasabi ng iba.
TAMA
MALI
9. Hindi na sini-seryoso ni Alvin ang pagbabasa ng modyul. Naisip niya na hindi naman siya magko-kolehiyo at walang halaga ang matuto pa.
TAMA
MALI
10. Uminom ng alak si Aldrich sa udyok ng mga barkada. Tanda raw ito ng pakikisama at pagmamahal sa bawat isa.
TAMA
MALI
Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
mag-isip
mag-unawa
maghusga
mangatwiran
Ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan sa______________________.
pag-ibig
pakikipagkaibigan
paglilingkod
pagmamalasakit
Ano ang tawag sa galaw ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang bagay na may halaga?
Pag-aalaga
Pagkakaunawaan
Pagrespeto
Pagmamahal
Anong katangian ng tao ang may kakayahan na magnilay o gawing obheto ng kaniyang isip ang kaniyang sarili?
May kamalayan sa sarili
May kakayahang kumuha ng buod
Ens Emans
Personalidad
Anong yugto ng konsensiya kung may ilang gawaing kaugnay nito tulad ng pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap ng impormasyon, pagsangguni na sinundan ng pagninilay ng naghahatid sa paghatol ng konsensiya?
Unang Yugto
Ikalawang Yugto
Ikatlong Yugto
Ikaapat na Yugto
Ayon kay _______________, ang kalayaan ay kilos kung saan malaya ang tao kapag walang nakahahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay.
Scheler
Cruz
Johann
Sto. Tomas de Aquino
Alin sa mga sumusunod ang hindi naaangkop na gawain sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
kusang loob
makasarili
pagmamahal
responsibilidad
Ano ang tawag sa aspeto ng kalayaan na kung saan malaya ang tao kapag walang nakahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay?
Vertical Freedom
Horizontal Freedom
Kalayaan Mula sa
Kalayaan Para sa
Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
Responsibilidad
Pagmamahal
Kilos-loob
Konsensiya
Ano ang ginagamit na batayan sa pagpapasiya kung ano ang tama at mali?
kalayaan
Isip, puso at kamay
Likas na Batas Moral
Konsensiya na nahubog sa batas moral
Ang mga sumusunod ay mga panloob na pandama maliban sa isa
kamalayan
damdamin
memorya
imahinasyon
Ang ____________, ayon kay Scheler, ay ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang iba’t ibang pagkilos ng tao
katotohanan
pagmamahal
pakikinig
pagpapatawad
Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
Pagmamahal
Kamalayan sa sarili
Pagmamalasakit
Lahat ng Nabanggit
Magkakasama kayo ng ilan sa iyong mga kaklase na kumakain sa kantina. Masaya kayong nagkukuwentuhan nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Liza, isa rin sa inyong kaklase. Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa. Kapitbahay ninyo. Ano ang gagawin mo?
Lalapit at makikinig lamang sa kanilang usapan
Makikinig at magbibigay din ng iyong sariling komento
Lalapitan sila at malumanay na pagsasabihan na mali ang kanilang ginagawa
Wala sa nabanggit
Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya ginawa ito ay dahil crush din pala niya ang crush mo. Ano ang gagawin mo?
Aawayin ang iyong kaklase
Sisiraan din ang iyong kaklase
Kakausapin ng mahinahon ang iyong kaibigan
Lahat ng nabanggit
Itinuturing na mataas na elemento na nasa loob ng katawan ng tao; ito ay biyaya ng Diyos sa tao upang makaramdam at isabuhay ang magagandang aral mula sa Kanya.
Pandama
Isip
Espiritu
Sa pamamagitan ng isip, nagkakaroon ang tao ng kakayahang maging kritikal at mapanuri upang mapaunlad ang sariling buhay, maging ng buhay ng kanyang kapwa.
Tama
Mali
Ito ay kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan
kamalayan
memorya
instinct
Sobra ang sukli ng tindera sa iyo? Ano ang gagawin mo?
Isasauli ko ang sukli sa tindera
Hindi ko ibabalik dahil hindi naman niya alam na sobra ang sukli
Ibibigay ko sa kaklase kong walang baon.
Pambibili ko ulit ito ng pagkain sa tindahan nila.
Naitulak ka ng iyong kaklase ng hindi niya sinasadya. Ano ang iyong gagawin?
Itutulak ko rin siya dahil itinulak niya ako.
Pagsasabihan ko siya na huwag nya nang ulitin ito.
HIndi ako magagalit dahil hindi naman niya ito sinasadya.
Isusumbong ko siya sa aking guro
Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.
TAMA
MALI
Kung ang panlabas na pandama o external senses ay depektibo, magkakaroon din ng depekto sa ideya na mabubuo ng isip. Ang pahayag na ito ay _______________.
Tama, dahil ang isip ay isang bulag na pakultad o kakayahan.
Mali, dahil ang isip ay may sariling kakayahan.
Tama, dahil ang isip ay umaasa sa mga impormasyon na inihahatid ng panlabas na pandama.
Mali, dahil walang kaugnayan ang dalawa.
Ano ang nagtutulak sa tao na tumulong at maglingkod sa kanyang kapwa-tao?
Kamalayan sa sarili
Konsensiya
Pagmamahal
Paglilingkod
Ang panlabas na pandama o external senses ang siyang nag-uugnay sa tao sa reyalidad upang makuha ang mga impormasyon na kinakailangan ng isip upang makabuo ng isang ideya. Ang pahayag na ito ay ____________.
Tama, dahil ang panlabas na pandama ang nagbibigay ng kaalaman sa isip.
Mali, dahil walang kaugnayan ang dalawa.
Tama, dahil ang ideya na nabubuo ng isip ay nakasalalay sa mga impormasyon na inihahatid ng panlabas na pandama.
Mali, dahil magkahiwalay ang kakayahan ng panlabas na pandama at isip.
Ang mga sumusunod ay mga kakayahan ng isip maliban sa isa
Magmahal
Gumawa ng imahinasyon
Gumawa ng buod
Magnilay
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na kahulugan ng makataong kilos?
a. Batayan ng makataong pagkilos ang Likas na batas Moral na ginawa ng tao upang magkaroon ng kaayusan ang mundo.
b. Ito ay boluntaryo, pinag-iisipang mabuti, at malayang naisasagawa.
c. Ito ay tumutukoy sa kusang-loob na pagkilos na maaaring gawin ng tao ang anumang kanyang naisin.
d. Lahat ng nabanggit
1. Aling kilos ang ipinapakita ng isang mag-aaral na sumigaw sa silid-aklatan dahil sa gulat bilang reaksiyon sa nakitang daga?
a. Di kusang-loob
b. Kilos-loob
c. Kusang-loob
d. Walang kusang-loob
1. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita na ang tao ay mapanagutan sa kanyang kilos?
a. Hindi nagpaalam si Clara sa kanyang mga magulang na gagabihin siya ng uwi ngunit pag-uwi sa bahay sinabi niya kung saan siya nagpunta at humingi ng paumanhin.
b. Nakipagpalitan ng masasakit na salita si Esme sa mga kamag-aaral na nagtataawa sa kanya.
c. Sa sobrang pagmamahal ay sumamang makipagtanan si Joan sa kanyang kasintahan.
d. Dahil sa pagsubaybay sa isang serye sa Netflix ay hindi nagawa ni Anton ang kanyang takdang aralin kaya’t hindi siya nakapagpasa, sinabi niya sa guro na siya ay nagkasakit upang di mapagalitan.
1. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagkukusang kilos?
a. Sa paglalakad ni Alvin ay hindi sinadyang narinig ang usapan ng mga kamag-aral na nag-uusap sa may pintuan ng silid ngunit diretso pa rin siyang pumunta sa kaniyang upuan.
b. Kahit hindi naninigarilyo ay ginawa pa rin ni Rick dahil sa kagustuhang mapasama sa barkada.
c. Pagkakaroon ng interes ni Sirene na making sa usapan ng kanyang katabi sa dyip.
d. Wala sa nabanggit
1. Alin sa sumusunod ang kilos na nagaganap sa tao?
a. Kilos ng tao
b. Makataong Kilos
c. Kilos na sinadya
d. Kilos-loob
1. Kailan matatawag na walang kusang-loob ang kilos ng tao?
a. Kung ang kilos ay may kaalaman at pagsang-ayon.
b. Kung may paggamit ng kaalaman nginit kulang ang pagsang-ayon
c. Kung walang kaalaman at walang pagsang-ayon
d. Kung walang kaalaman ngunit may pagsang-ayon
1. Alin sa mga sumusunod ang MALI kaugnay ng konsepto sa pananagutan ng kilos?
a. Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung panlipunan.
b. Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.
c. Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ang kilos ay pagkukusang kilos.
d. Anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging ano siya sa mga susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon.
1. Mapagkakatiwalaan at maasahang mag-aaral si Judy. Dahil dito, naging paborito siya ng kanyang guro at laging nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang nagagaawa. May pananagutan ba si Judy kung bakit nasa kanya ang paghanga ng kaniyang guro?
a. Oo, dahil siya na lamang ang kumikilos sa klase.
b. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase na mapansin ng kanilang guro.
c. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
d. Wala, dahil iyon ang damdamin ng kaniyang guro sa ipinapakita niya.
1. Ano ang kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa?
a. Walang Kusang-loob
b. Di Kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Kilos-loob
1. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ano ang mayroon ang tao na nagiging d
ahilan niya upang tumuon at kumikiling sa mabuti?
a. Dignidad
Dignidad
b. Isip
c. Kalayaan
d. Kilos-loob
1. Alin sa sumusunod na kilos ayon sa panagutan ang gumagawa na may lubos na pagkaunawa sa kanyang kalikasan at kahihinatnan nito?
a. Di Kusang-loob
b. Kilos-loob
c. Kusang-loob
d. Walang Kusang-loob
1. May kakaibang ekspresyon ng mukha si Mike sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kanyang kanang mata. Nakikita ang manerismong ito sa kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin si Mike dahil iyon ay isang manerismo niya. Tama ba ang ginawa ni Mike?
a. Oo, dahil sa kaniyang pagkilos, makikita na wala siyang kaalaman na sadyang bastusin o magpakita ng interes sa dalaga.
b. Oo, dahil hindi niya hawak ang magiging tugon ng ibang tao sa sitwasyon
c. Hindi, maaari naman siyang humingi ng paumanhin kahit hindi niya kasalanan
d. Hindi, may pananagutan pa rin siya sa kaniyang kilos
Alin sa dalawang uri ng makataong kilos ang inilalarawan?
Kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao, sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ito ay walang aspekto ng mabuti o masama kaya walang pananagutan.
Kilos ng Tao (Acts of Man)
Makataong Kilos (Human Act)
Alin sa dalawang uri ng makataong kilos ang inilalarawan?
Kilos na ginagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa. Ito ay ginagamitan ng isip at kilos loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
Kilos ng tao (Acts of Man)
Makataong kilos (Human Act)
Alin sa 3 Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan ang inilalarawan?
Ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
Di-kusang loob
Walang kusang loob
Kusang Loob
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kilos ng tao (Acts of Man)?
Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan
Pagbibigay ng limos sa mga batang kalye
Pagkaramdam ng gutom
Pagbalik ng nahulog na wallet ng isang ale
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng makataong kilos (Human Act)?
Pagtibok ng puso
Pagkurap ng mga mata
Pagkaramdam ng sakit kapag nasusugatan
Pagtulong sa batang nawawala sa pamilihan
TAMA o MALI
Bilang natatanging nilikha, mayroon tayong isip at kilos-loob na susi upang maging mapanagutan tayo sa ating mga kilos.
TAMA
MALI
Ang makataong kilos ay ang kusang paggawa ng bagay na alam mong tama
TAMA
MALI
Pinasa ang nakakatawang larawan ng kaklase sa group chat
May Pananagutan
Walang pananagutan
