

Modyul 5- Para sa Sariling Pagkatuto Katangian at Anyo ng Akade
Presentation
•
Other
•
12th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Edgar Monte
FREE Resource
30 Slides • 30 Questions
1
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Modyul 5- Para sa Sariling Pagkatuto
Katangian at Anyo ng Akademikong Pagsulat
2
M G A I N A A S A H A N
A. Nakikila ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin,
gamit,katangian at anyo;
B. Naiisa-isa ang mga katangian at anyo ng akademikong sulatin;at
C. Napahahalagahan ang mga katangian at anyo ng akademikong
sulatin.
3
Draw
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang limang salitang tumutukoy sa
katangian ng akademikong sulatin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
4
BALIK-ARAL
Panuto:Piliin ang tamang letra sa loob ng kahon.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
5
Fill in the Blanks
6
Fill in the Blanks
7
Fill in the Blanks
8
Fill in the Blanks
9
Fill in the Blanks
10
ARALIN
Katangian ng Akademikong Pagsulat
Ang akademikong pagsulat ay nagtataglay ng kalikasang katotohanan, katibayan at balanse.Ilan sa mga binanggit na katangian ng akademikong pagsulat ay ang pagiging tumpak, pormal,impersonal at obhetibo nito. Hindi mahirap unawain kung bakit kinakailangan ng mga nabanggit na katangian sa akademikong pagsulat. (sa Bernales, et. al.,2017).
11
ARALIN
Ayon sa uefap.com., ang akademikong pagsulat sa wikang Ingles ay
linear.Walang dahilan upang hindi mailapat ang gayong obserbasyon sa wikang Filipino o sa iba pang wika.Ibig sabihin, ang akademikong pagsulat sa ano mang wika ay may tinutumbok na isang sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya ng argumento nang walang digresyon o repetisyon.Ang layunin nito’y magbigay ng impormasyon, sa halip na umaliw.Gumagamit din ito ng standard na porma ng pasulat na wika.
12
Ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat ay ang sumusunod:
1. Kompleks-ang pagsulat ng wika ay mas kompleks kaysa sa pasalitang wika.Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo.Maidaragdag pa rito ang ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansinpansin
sa ano mang pasulat na gawain.
13
2. Pormal-Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba
pang sangay ng pagsulat.Hindi angkop dito ang mga kolokyal at
balbal na salita at ekspresyon.
14
3. Tumpak-sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.
15
4. Obhetibo-ang akademikong pagsulat, sa pangkalahatan ay obhetibo, sa halip na personal.Ang pokus kasi nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
16
5. Eksplisit-ang akademikong pagsulat ay esksplisit sa ugnayan sa loob ng teksto. Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa.Ang ugnayang ito ay nagagawang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang salitang signaling words sa teksto.
17
6. Wasto-ang akademikong ay gumagamit nang wasto ng mga bokabularyo o mga salita.Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
18
7. Responsable- sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.Kailangan din niyang maging responsable sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang maparatangan na isang plagyarista.
19
Ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat ay ang sumusunod:
Sa mga katangiang natalakay ay maidaragdag ang sumusunod na mula naman sa www.vsm.sk:
20
8. Malinaw na Layunin – ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa.Ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin.
21
9. Malinaw na Pananaw- ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources.Samantalang ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin ng kanyang papel.Ito ay tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat.
22
10. May Pokus – bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag.Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas.
23
11. Lohikal na Organisasyon-ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran.Ang karamihan ng akademikong papel ay may introduksyon,katawan at kongklusyon.Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.
24
12. Matibay na Suporta-ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag.Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga ekspert at siniping pahayag o quotations.
25
13. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon- napakahalaga nito, dahil bilang manunulat ,kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
26
14. Epektibong Pananaliksik – sa karamihan ng akademikong papel, kailangang gumamit ng napapanahon,propesyonal at akademikong hanguan ng mga impormasyon.Dahil dito, napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pagsulat. Kaugnay nito, mahalagang maipamalas ang intelektwal na katapatan sa pamamagitan ng dokumentasyon ng lahat ng hinangong impormasyon o datos. Iminumungkahi na angb dokumentasyon ay sa estilong A.P.A.
27
15. Iskolarling Estilo sa Pagsulat – kakaiba ang estilo sa akademikong pagsulat, kaysa ibang uri ng pagsulat, tulad halimbawa sa malikhaing pagsulat.Iskolarli ang estilo sa pagsulat ng akademikong papel dahil sinisikap dito ang kalinawan at kaiklian.Kailangan ding maging madaling basahin ang akademikong papel,kung kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas at bokabularyo sa pagsulat nito. Ang mga gayong pagkakamali ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-iingat,kung hindi man ng kakulangan ng kaalaman sa wika.
28
Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat
Maraming anyo ang akademikong pagsulat.Pinakapopular na marahil sa mga ito ang reaction paper at term paper dahil sa dalas ng pagpapagawa ng mga ito sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan.
29
Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat
Sa modyul na ito, may labing- isang anyo ng akademikong papel na pagtutuunan ng pansin. Sampu sa mga ito ay ayon sa Gabay sa Kurikulum na mula sa Departamento ng Edukasyon.Ang mga anyong ito ng akademikong papel ay hinati sa tatlong kategorya.
30
Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat
Ang unang kategorya ay ang mga karaniwang anyo ng akademikong papel.Ipinapalagay na karaniwan ito dahil madalas na ipagawa sa mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura.Nabibilang dito ang Sintesis, Buod, Abstrak, Talumpati at Rebyu.
31
Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat
Ang ikalawang kategorya ay naiiba sa iba pang anyo ng akademikong papel.Personal kasi ang mga ito.Sa ibang salita ay pansarili,kaiba sa ibang anyo ng akademikong papel.Taliwas sa iba, nakatuon ang mga ito sa manunulat mismo, sa kanyang iniisip at nadarama kaugnay ng kanyang paksa,maging sa kanyang mga personal na karanasan at maging sa kanyang may pagkiling o subjective na pananaw.Nakapaloob dito ang Replektibong Sanaysay,Posisyong Papel, Lakbay-Sanaysay at Pictorial Essay.
32
Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat
Ang ikatlong kategorya naman ay iba pang anyo ng akademikong papel.Walang ibang dahilan sa pagkakategoryang ito maliban sa residual ang mga ito.Ibig sabihin, hindi nabibilang ang mga ito sa una at ikalawang kategorya.Nakapaloob dito ang Bionote, Panukalang Proyekto, Agenda at Katitikan ng Pulong. (sa Bernales, et. al.,2017).
33
MGA PAGSASANAY
A.Panuto:Piliin sa Hanay B ang katumbas ng Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang letra.
34
Multiple Choice
May sinusunod na hulwaran
Lohikal na Organisasyon
Pormal
Wasto
Eksplisit
Tumpak
35
Multiple Choice
Hindi angkop ang mga kolokyal o balbal na salita
Eskolarling Istilo
Pormal
Lohikal na Organisasyon
Eksplisit
Tumpak
36
Multiple Choice
May facts and figures
Eskolarling Istilo
Pormal
Lohikal na Organisasyon
Eksplisit
Eskolarling Istilo
37
Multiple Choice
Paggamit ng wastong salita
Eskolarling Istilo
Pormal
Lohikal na Organisasyon
Wasto
Tumpak
38
Multiple Choice
Paggamit ng signaling words
Eskolarling Istilo
Pormal
Lohikal na Organisasyon
Tumpak
Eksplisit
39
B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
40
Multiple Choice
Ang karamihan ng akademikong papel ay may introduksyon, katawan at
kongklusyon.Bawat talata ay lohikal na na nauugnay sa kasunod na talata.
Replektibong Sanaysay
Epektibong Pananaliksik
Agenda
Matibay na Suporta
Lohikal na Organisasyon
41
Multiple Choice
Bilang manunulat kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap
na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung
magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng
manunulat.
Replektibong Sanaysay
Epektibong Pananaliksik
Agenda
Matibay na Suporta
Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon
42
Multiple Choice
Sa akademikong papel kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal
at akademikong hanguan ng mga impormasyon.
Replektibong Sanaysay
Epektibong Pananaliksik
Agenda
Matibay na Suporta
Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon
43
Multiple Choice
Sa katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta
para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag.
Replektibong Sanaysay
Epektibong Pananaliksik
Agenda
Matibay na Suporta
Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon
44
Multiple Choice
Nakatuon sa manunulat mismo sa kanyang iniisip, at nadarama kaugnay
ng kanyang paksa, maging sa kanyang personal na karanasan.
Replektibong Sanaysay
Epektibong Pananaliksik
Agenda
Matibay na Suporta
Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon
45
Open Ended
C. Panuto: Mula sa mga katangian ng akademikong pagsulat,pumili lamang
ng tatlo na sa iyong palagay ay mas higit na kailangang taglayin ng isang
akademikong pagsulat.Isulat sa sagutang papel.
46
Open Ended
PAGLALAHAT
Panuto: Isulat ang tinutukoy sa bawat dayagram.Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
47
Open Ended
PAGPAPAHALAGA
Panuto;Isulat sa isang malinis na papel o kuwaderno, sagutin ang
sumusunod na tanong.
1. Batay sa mga katangian ng akademikong sulatin na natutuhan ngayong
araw,ano sa palagay mo ang maaari pang idagdag at bakit?
48
Open Ended
PAGPAPAHALAGA
Panuto;Isulat sa isang malinis na papel o kuwaderno, sagutin ang
sumusunod na tanong.
2. Paano mo magagamit sa pang-araw-araw na gawain ang mga katangian
at anyo ng akademikong sulatin? Maglahad ng isang sitwasyon.
49
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Isulat ang T-kung tama at M-kung mali.Isulat sa sagutang papel ang sagot.
50
Multiple Choice
Pinakapopular na anyo ng akademikong sulatin ay reaction paper at term
paper dahil sa dalas ng pagpapagawa sa mga mag-aaral sa mataas na
paaralan.
TAMA
MALI
51
Multiple Choice
Eksplisit ang isang akademikong pagsulat kapag may sinusunod na
istandard na organisasyonal na hulwaran.
TAMA
MALI
52
Multiple Choice
Isang katangian ng akademikong pagsulat ang pagiging subhetibo ng mga
impormasyon.
TAMA
MALI
53
Multiple Choice
Ang pagsulat ng manwal ay isang anyo ng akademikong pagsulat.
TAMA
MALI
54
Multiple Choice
Iskolarli ang estilo ng pagsulat ng akademikong papel dahil sinisikap dito
ang kalinawan at kaiiklian.
TAMA
MALI
55
Multiple Choice
Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa sa pasalitang
wika.Maidaragdag ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansinpansin.
TAMA
MALI
56
Multiple Choice
Angkop ring gamitin sa akademikong pagsulat ang mga kolokyal na salita.
TAMA
MALI
57
Multiple Choice
Ang akademikong pagsulat ay gumagamit nang wastog mga bokabularyo o
mga salita.
TAMA
MALI
58
Multiple Choice
Isa sa katangian ng akademikong pagsulat ay may malinaw na layunin
upang matugunan ang mga tanong na kaugnay ng isang paksa.Ang mga
tanong na ito ang nagbibigay ng layunin.
TAMA
MALI
59
Multiple Choice
Ang mga anyo ng akademikong pagsulat ay liham pangkaibigan,buod,
pictorial essay at bionote.
TAMA
MALI
60
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Modyul 5- Para sa Sariling Pagkatuto
Katangian at Anyo ng Akademikong Pagsulat
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 60
SLIDE
Similar Resources on Wayground
50 questions
KM SESSION (FORs and Models) PART 2)
Presentation
•
University
58 questions
Revisao 3º ano
Presentation
•
12th Grade
53 questions
Wielkie odkrycia geograficzne
Presentation
•
KG
56 questions
Sổn lừ
Presentation
•
KG - University
57 questions
Lição sem título
Presentation
•
KG - University
49 questions
4/4 母语双周活动 Slides & Quiz
Presentation
•
12th Grade
55 questions
Chapter 5- Molecules and Compounds
Presentation
•
University
Popular Resources on Wayground
28 questions
US History Regents Review
Quiz
•
11th Grade
36 questions
Biology Regents Review
Quiz
•
9th - 10th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
38 questions
Regents Life Science General Review
Quiz
•
9th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
6th Grade
21 questions
EOY Grade 6 Benchmark Assessment - Content Skills
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
Discover more resources for Other
45 questions
Earth and Space Science Regents: Exam Cram
Presentation
•
7th - 12th Grade
50 questions
US History Comprehensive Final Exam
Quiz
•
9th - 12th Grade
16 questions
TSI Math 2.0 Practice
Quiz
•
9th Grade - University
15 questions
Persuasive Appeals Practice
Quiz
•
9th - 12th Grade
59 questions
SS Final Exam Review
Quiz
•
KG - University
20 questions
Explore Human Impact on Climate and Sustainability
Quiz
•
9th - 12th Grade
22 questions
Global History Regents Review (MC)
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Taxes
Quiz
•
9th - 12th Grade