Search Header Logo
Week 7-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL

Week 7-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Hard

Created by

Edgar Monte

FREE Resource

41 Slides • 57 Questions

1

​Filipino sa Piling

Larang Teknikal

Bokasyonal

Unang Markahan Ika pitong Linggo Pagsulat ng Feasibility Study

2

Alamin

Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika (CS_FTV11/12WG-0m-o-95)

3

Alamin

1. Natutukoy ang dahilan sa pagbuo ng feasibility study;

2. Nakikilala ang mga komponent na bumubuo sa isang feasibility study;

3. Nailalapat sa pagsulat ang mga komponent o bahagi ng feasibility study;

4. Nakasusuri ng halimbawang feasibility study;

5. Nakikilala ang wikang ginagamit sa pagsulat ng feasibility study; at

6. Nakasusulat ng feasibility study batay sa wasto, maingat, at angkop na paggamit ng wika.

4

Subukin

Basahin ang mga tanong at ilagay ang letra ng tamang sagot sa nakalaang patlang.

5

Multiple Choice

Aling bahagi ng Feasibility Study ang naglalaman ng maikli ngunit

malinaw na pangkalahatang pagtingin sa negosyo?

1

Deskripsyon ng Negosyo

2

Deskripsyon ng Produkto

3

Mamamahala

4

Layunin

6

Multiple Choice

Ano ang karaniwang katangian ng produkto at serbisyong nakapaloob sa feasibility study?

1

Ang serbisyo ay nirerentahan, samantala ang produkto ay naibebenta.

2

Ang produkto ay maaring mahawakan samantala ang serbisyo ay maaring magamit.

3

Ang serbisyo ay mayroong supplier, samantala ang produkto ay mayroong manufacturer.

4

Ang produkto ay karaniwang nahahawakan, nauubos o nagagamit, samantala ang serbisyo ay inilalaan para sa mga tao.

7

Multiple Choice

Ano ang kahalagahan ng rekomendasyon sa pagsulat ng feasibility study?

1

Ang rekomendasyon sa pagpaplano ng perang gagastusin.

2

Hindi maisasakatuparan ang feasibility study kung wala ang bahaging ito.

3

Nilalaman nito ang pag-aaral tungkol sa posibilidad ng pagtatayo ng negosyo.

4

Sa rekomendasyon mababasa ang lugar kung saan mainam magtayo ng negosyo.

8

Multiple Choice

Bakit mahalaga ang pagsulat ng feasibility study?

1

Higit na nakikilala ang produkto o serbisyo dahil sa komprehensibong paglalarawan ng feasibility study.

2

Nabibigyang paalala nito ang mga konsyumer para sa mga panganib na kaakibat ng maling paggamit ng produkto.

3

Sa pamamagitan ng feasibility study matitiyak ang matagumpay na paglulunsad ng tiyak na produkto o serbisyo.

4

Ang feasibility study ay dokumentong nagsasaad ng sunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isa o grupo ng tao.

9

Multiple Choice

Alin sa mga bahagi ng feasibility study ang nagtataglay ng paraan kung paano mahihikayat ang mamimili na tangkilikin ang produkto o serbisyo?

1

Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo

2

Estratehiya sa Pagbebenta

3

Pagsusuri ng Kikitain

4

Daloy ng Proseso

10

Multiple Choice

Ano ang tawag sa wikang ginagamit lamang sa partikular na larangan?

1

Impormal

2

Pormal

3

Jargon

4

Creole

11

Multiple Choice

Si Lawrence ay isang mahusay na mekaniko, nagdesisyon siyang magtayo ng isang talyer sa kanilang bayan kung saan maraming behikulo ang paroo’t parito. Ano ang kinonsidera ni Lawrence sa kaniyang pasya?

1

Deskripsyon ng Produkto/Serbisyo

2

Deskripsyon ng Negosyo

3

Pagsusuri ng Lugar

4

Layunin

12

Multiple Choice

Alin ang hindi kabilang sa mga kahalagahan ng pagsasagawa ng feasibility study?

1

Magagamit ito bilang alternatibong dulog at solusyon upang maisakatuparan ang ideya.

2

Isang makabuluhang impormasyon at datos na makatutulong sa pagbuo ng desisyon.

3

Nakikilala ang pangangailangan ng isang produkto.

4

Natutukoy ang tagumpay ng ideya.

13

Multiple Choice

Alin ang nararapat na gawin matapos kilalanin ang mga taong may gampanin sa isang negosyo?

1

Estratehiya ng Pagbebenta

2

Pagsusuri ng Kikitain

3

Daloy ng Proseso

4

Apendise

14

Multiple Choice

Ano ang sulating teknikal ang may malinaw na relasyon sa feasibility study?

1

Naratibong ulat

2

Flyers at Leaflets

3

Anunsyo o Babala

4

Panukalang Proyekto

15

Multiple Choice

Ang perang kakailanganin sa negosyo ay Php 50,000.00. Aling bahagi ng feasibility study ang naglalaman nito?

1

Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo

2

Pagsusuri ng Kikitain

3

Mamamahala

4

Layunin

16

Multiple Choice

Saan makikita ang pormularyo gaya ng business permit sa isang feasibility study?

1

Mga Rekomendasyon

2

Daloy ng Proseso

3

Apendise

4

Layunin

17

Multiple Choice

Ano ang maaaring maging proyekto ni Jennifer kung ang negosyo niya ay isang Salon?

1

Serbisyo lamang

2

Produkto lamang

3

Serbisyo at Produkto

4

Serbisyo, produkto at lugar

18

Multiple Choice

Ano ang kahalagahan ng pagtiyak sa daloy ng proseso sa isang feasibility study?

1

Mas madaling natatapos ang gawain dahil nakabadyet ang gawain sa bawat taong mamamahala ng itatayong negosyo.

2

Nailalatag ang timeline ng tiyak na mga gawain bago maisakatuparan ang negosyo.

3

Natutukoy ang layunin ng pagtataynegosyo.

4

Nasusuri ang pisikal na katangian ng lugar.

19

Multiple Choice

Ano ang maaaring gamitin upang higit na maging komprehensibo ang paglalahad ng datos tulad ng bahagi ng pagsusuri ng kikitain?

1

Graphic organizer

2

Mga larawan

3

Karikatura

4

Ilustrasyon

20

Pagsulat ng Feasibility Study

Ang araling ito ay dinisenyo batay sa kahilingan ng kurikulum na huhubog sa mag-aaral na may kakayahang makaagapay sa global at lokal na ugnayan sa ika-21 siglo. Ang mga mag-aaral na sumasailalim sa teknikal bokasyunal ay inaasahang mahubog ang kakayahan at kasanayan sa kanilang partikular na larang. Maaaring produkto o serbisyo ang maging awtput ng kanilang kakayahan. Ang feasibility study ay sulating teknikal na mahalaga sa larangan ng pagnenegosyo. Sa pamamagitan nito, higit na lalawak ang pagtingin ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng kanilang kasanayan at kung paano nila ito maipapanukala sa publiko. Sa patuloy na pagtuklas sa iyong sariling kakayahan, alin sa mga kasanayan mo ang maaaring mapakinabangan ng komunidad? Paano mo ito palalawakin bilang isang hanapbuhay? Halina’t alamin sa mga susunod na pahina.

21

Balikan

Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata.

22

Dropdown

Bahagi ng kultura ng mga Pilipino ang masasarap na pagkain tuwing may piging o salo-salo. Sa modernong panahon hindi na lamang ito bahagi ng ating tradisyon, naging bahagi rin ito ng komersyo o hanapbuhay. Ang 1.​
ay sulating teknikal-bokasyunal dahil isa itong mahalagang gamit sa isang kainan, 2. ​
o fast food. Ito ay naglalaman ng 3.​
at naglalarawan ng 4.​
. Sa pagsulat ng menu kailangang nakapangkat ang mga pagkain batay sa 5. ​
nito.

23

Dropdown

Mahalaga ring may nakalagay na 6. ​
upang matukoy ang halaga ng pagkain. Mas mauunawaan ito kung may 7. ​
sa mga putahe at mas patok sa mamimili ang mga 8. ​
na kakikitaan ng mga hitsura ng pagkain. Sa pagpaplano ng menu, ang pangunahing isinasaalang-alang ay ang pagiging 9.​
ng pagkain upang mapabuti ang kalusugan ng 10. .​

24

Open Ended

Question image

Tuklasin

Magtala ng mga konsiderasyon sa pagbuo ng desisyon sa tapat ng mga sitwasyong nasa kolum.

25

Suriin

Pagsulat ng Feasibility Study

Ang feasibility study ay isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sangkap at epekto ng iminumungkahing produkto at/o serbisyo at kung ito ay naaayon sa pangangailangan sa pamilihan. Tungkulin nitong pag-aralan o suriing mabuti ang pangkalahatang kalagayan ng mga bagay, tao o sitwasyong nakaaapekto sa isang negosyo bago maipatupad ang anomang aksiyon o proyekto. Sa pamamagitan ng sulating teknikal na ito natutukoy ang posibilidad kung maaaring maisakatuparan ang isang proyekto.

26

Bahagi ng Feasibility Study

Ang feasibility study ay ginagawa bilang bahagi ng isang negosyo, tungkulin nitong tuklasin ang mga posibleng suliranin kung maaaring ituloy ang proyekto o hindi. Sa pagsulat ng feasibility study, kailangan ang masusing pananaliksik na pinaglalaanan ng panahon. Mayroong tiyak na komponent na sinusunod ang proponent. Hindi maaaring pagpalit-palitin o alisin ang mga bahaging ito para sa teknikal na aspetong pangnilalaman ng sulatin. Ang mga sumusunod ay ang mga bahagi ng isang pangkaraniwang feasibility study:

27

7. Mamamahala

8. Pagsusuri ng Kikitain

9. Estratehiya ng pagbebenta

10. Daloy ng Proseso

11. Mga Rekomendasyon

12. Apendise

1. Deskripsyon ng Negosyo

2. Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo

3. Layunin

4. Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo

5. Pagsusuri ng Lugar

6. Mga Mapagkukunan

28

Proseso sa Pagsulat ng Feasibility Study

Mahalagang sundin ang proseso sa pagsulat ng feasibility upang matiyak ang resultang nais mabuo sa pagsulat nito.

29

Replace this text with your body text.

​Duplicate this text as many times as you would like.

Subheader text

Replace this text with your body text.

​Duplicate this text as many times as you would like.

1. Ipakilala ang Deskripsyon ng Negosyo.

Proseso sa Pagsulat ng Feasibility Study

30

1. Ipakilala ang Deskripsyon ng Negosyo.

Marapat na ilarawan ang uri ng negosyong nais pasukin sa bahaging ito, ano ang tiyak na panawag dito at sino ang mag-oorganisa nito.

31

2. Alamin ang Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo.

Dito inilalarawan ang uri ng produkto o serbisyong nais ibahagi. Ang produkto ay anomang nakokonsumo, nagagamit o nauubos samantalang ang serbisyo naman ay ibinibigay.

32

3. Itala ang mga layunin.

Dito inilalarawan ang uri ng produkto o serbisyong nais ibahagi. Ang produkto ay anomang nakokonsumo, nagagamit o nauubos samantalang ang serbisyo naman ay ibinibigay.

33

4. Ilatag ang bahagi ng pagtutuos at paglalaan ng pondo.

Itala sa bahaging ito ang pondong inilaan sa negosyo at kung ano ang mga partikular na gastusin ang paglalaanan nito.

34

5. Suriin ng Lugar.

Tukuyin ang tiyak na marketplace na pagtatayuan ng negosyo na sa iyong palagay ay naangkop na mapabilang ang produkto. Mahalagang tiyakin ang detalye ng lugar sa bahaging ito.

35

6. Alamin ang mga mapagkukunan ng suplay.

Isa-isahin sa bahaging ito ang mga mapagkukunan ng suplay ng mga hilaw na materyales.

36

7. Kilalanin ang mga mamamahala.

Magkaroon ng paghahati-hati ng gawain sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga tiyak na tao sa bawat gawain o posisyong bahagi ng negosyo.

37

8. Suriin ang kikitain.

Sa bahaging ito, ipakita ang arawan o buwanang kikitain ng negosyo at sulitin kung ito ay sasapat sa gastusin o puhunan.

38

9. Ilahad ang estratehiya sa pagbebenta.

Ibabahagi naman dito ang paraan ng paglulunsad ng negosyo, kung paano ito maipakikilala sa mamimili nang magaan para sa kostumer at negosyante.

39

10. Ipakita ang daloy ng proseso.

Dito matutunghayan ang takbo ng pamamahagi ng produkto at serbisyo kung paano ito sisimulan ng tagapaglunsad upang makarating sa kostumer. Maaari itong gamitan ng graphic organizer upang maayos na mailahad ang proseso.

40

11. Sumulat ng mga rekomendasyon.

Mahalagang gumawa o sumulat ng rekomendasyon upang matulungan ang negosyante sa pagdedesisyon kung dapat bang ituloy o hindi ang negosyo.

41

12. Maglakip ng mga pormularyo sa apendise.

Kung kinakailangan, maaring ilakip ang mga pormularyong kailangan sa pagpapatayo ng negosyo, tulad ng business permits atbp.

42

Ang Wika ng Feasibility Study

Ang pagsulat ng feasibility study ay isang kompleks na gawaing nangangailangan nang maingat at masusing pananaliksik. Mahalagang angkop ang wikang gagamitin sa pagsulat nito. Ito ay teknikal na sulating nilalapatan ng pormal na wikang teknikal. Hindi maiiwasan ang paggamit ng mga salitang jargon na kabilang sa larangan ng pagnenegosyo ngunit hangga’t maari tumbasan ang mga salitang may salin sa Filipino, sikaping gamitin ang salin nito. Sa larangan ng negosyo, nariyan ang samo’t saring mga register gaya ng mga salitang interest, sales, marketing, staffing, expenses, market segments, assets at marami pang iba. Ang mga teknikal na jargon ay maaaring nakabatay sa oryentasyon ng negosyong ipinapanukala.

43

Halimbawa:

Medisina (antibiotic, therapy, diagnosis, colon, check-up)

Arkitektura ( façade, pastiche, blueprint, vault)

IT (mouse, motherboard, CPU, editing, layout, animation)

44

media

45

media

46

media

47

media

48

media

49

media

50

media

51

media

52

media

53

media

54

media

55

media

56

media

57

media

58

media

59

Open Ended

Question image

Pagyamanin

Gawain 1 Pagsusuri ng Halimbawa (SWOT Analisis)

Mula sa binasa mong halimbawa ng feasibility study, gumawa ng analisis gamit ang SWOT na talaan bilang indikasyon.

60

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa wika ng Negosyo

Ibigay ang kahulugan ng mga salita para sa mga termino sa Ingles. Ibigay muna ang salitang katumbas nito sa Filipino bago ang kahulugan nito.

61

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa wika ng Negosyo

Ibigay ang kahulugan ng mga salita para sa mga termino sa Ingles. Ibigay muna ang salitang katumbas nito sa Filipino bago ang kahulugan nito.

62

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa wika ng Negosyo

Ibigay ang kahulugan ng mga salita para sa mga termino sa Ingles. Ibigay muna ang salitang katumbas nito sa Filipino bago ang kahulugan nito.

63

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa wika ng Negosyo

Ibigay ang kahulugan ng mga salita para sa mga termino sa Ingles. Ibigay muna ang salitang katumbas nito sa Filipino bago ang kahulugan nito.

64

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa wika ng Negosyo

Ibigay ang kahulugan ng mga salita para sa mga termino sa Ingles. Ibigay muna ang salitang katumbas nito sa Filipino bago ang kahulugan nito.

65

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa wika ng Negosyo

Ibigay ang kahulugan ng mga salita para sa mga termino sa Ingles. Ibigay muna ang salitang katumbas nito sa Filipino bago ang kahulugan nito.

66

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa wika ng Negosyo

Ibigay ang kahulugan ng mga salita para sa mga termino sa Ingles. Ibigay muna ang salitang katumbas nito sa Filipino bago ang kahulugan nito.

67

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa wika ng Negosyo

Ibigay ang kahulugan ng mga salita para sa mga termino sa Ingles. Ibigay muna ang salitang katumbas nito sa Filipino bago ang kahulugan nito.

68

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa wika ng Negosyo

Ibigay ang kahulugan ng mga salita para sa mga termino sa Ingles. Ibigay muna ang salitang katumbas nito sa Filipino bago ang kahulugan nito.

69

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa wika ng Negosyo

Ibigay ang kahulugan ng mga salita para sa mga termino sa Ingles. Ibigay muna ang salitang katumbas nito sa Filipino bago ang kahulugan nito.

70

Open Ended

Question image

Gawain 3 Pagtatala ng mga Salita

Magtala ng sampung salitang kabilang sa register ng iyong larangan o strand at ibigay ang kahulugan nito.

Larangan o Strand : Home Economics

Halimbawa:

baking- ito ang proseso ng pagluluto ng tinapay sa hurno.

71

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

72

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

73

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

74

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

75

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

76

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

77

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

78

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

79

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

80

Fill in the Blanks

media image

Type answer...

81

Open Ended

Question image

Isagawa

Gumawa ng sariling Feasibility study na maaring may kaugnayan sa iyong strand, sa lipunang kinabibilangan, o sa iyong paaralan. Sundin ang bahaging tinalakay.

Ang pagsulat ng Feasibility study ay naglalayong:

a. Malinang ang kakayahang magmungkahi

b. Pagpapalawak ng ideya sa napapanahong suliranin

82

Tayahin

Basahin ang mga tanong at ilagay sa patlang ang letra ng tamang sagot.

83

Multiple Choice

Ano ang tawag sa mga salitang nabibilang sa partikular na larangan gaya ng animation, drafting, editing?

1

Register

2

Pormal

3

Kolokyal

4

Impormal

84

Multiple Choice

Saang bahagi ng feasibility study matatagpuan ang flowchart ng mga mangangasiwa ng negosyo?

1

Mga mapagkukunan

2

Daloy ng proseso

3

Mamamahala

4

Layunin

85

Multiple Choice

Ano ang mainam na katangian ng marketplace ng isang nagsisimulang negosyo?

1

May kaibigang kapareho ang negosyo sa kalapit na lugar.

2

Angkop sa pangangailangan ng komunidad.

3

May kaibigang kostumer.

4

Madalang ang tao

86

Multiple Choice

Aling bahagi ng feasibility study ang naglalaman ng sunod-sunod na plano at petsa ng pagsasakatuparan nito?

1

Mga mapagkukunan

2

Daloy ng proseso

3

Mamamahala

4

Layunin

87

Multiple Choice

Anong uri ng estratehiya ang paggamit ng social media platforms at pagsasagawa ng promo sa isang negosyo?

1

Promosyon

2

Pagpapakilala

3

Estratehiya sa Pagbebenta

4

Estratehiya sa Pagpapalawak ng negosyo

88

Multiple Choice

Aling bahagi ang naglalaman ng pagkilala sa itatayong proyekto, ang pangalan nito at bumuo rito?

1

Deskripsyon ng produkto/serbisyo

2

Deskripsyon ng negosyo

3

Mga mapagkukunan

4

Layunin

89

Multiple Choice

Ano ang kahalagahan ng pagsusuri ng kikitain sa isang feasibility study?

1

Natutukoy ang badyet na kailangang ilaan sa bawat kagamitang kailangan.

2

Natitiyak ang arawan o buwanang kita kung ito ba ay sapat sa inilabas na puhunan.

3

Nadedetermina ang potensyal na magsusuplay ng mga hilaw na materyales na kailangan.

4

Natutukoy ang kwalipikasyon ng lugar na magiging sentro ng pamilihan o serbisyo sa kostumer.

90

Multiple Choice

Kung ang panawag sa kumukonsumo ng produkto ay kostumer, ano ang panawag natin sa tagapag-prodyus ng mga hilaw na materyales?

1

Konsumer

2

Employer

3

Supplier

4

Importer

91

Multiple Choice

Si Gemma ay isang OFW na hilig ang pagluluto kaya noong bumalik sa bansa ay napagdesisyunan niyang magtayo ng isang karinderya, ngunit wala siyang ideya kung paano sisimulan ang negosyo. Sa iyong palagay, ano ang maaaring pangunahing isasaalang-alang ni Gemma sa kaniyang itatayong karinderya?

1

Ang lokasyon, target na kostumer, at ang puhunan sa negosyo.

2

Ang lokasyon, target na kostumer, puhunan sa negosyo at ang pamilya niya.

3

Ang lokasyon, target na kostumer, at ang puhunan sa negosyo at ang panahon.

4

Ang lokasyon, target na kostumer, puhunan sa negosyo at ang mga posibleng maging katuwang niya sa negosyo.

92

Multiple Choice

Sa pagsisimula ng negosyo, ano ang pangunahing pormularyong permiso ang marapat na masiguro ng negosyante?

1

SEC Registration Form

2

BIR Accreditation Form

3

DTI Business Permit

4

Barangay Business Permit

93

Multiple Choice

Question image

Tukuyin kung anong proyekto ang maaaring maibahagi ng ideyang negosyo sa bawat bilang. Piliin sa talaan ang letra ng tamang sagot.

1

Serbisyo lamang

2

Produkto lamang

3

Serbisyo at Produkto

94

Multiple Choice

Question image

Tukuyin kung anong proyekto ang maaaring maibahagi ng ideyang negosyo sa bawat bilang. Piliin sa talaan ang letra ng tamang sagot.

1

Serbisyo lamang

2

Produkto lamang

3

Serbisyo at Produkto

95

Multiple Choice

Question image

Tukuyin kung anong proyekto ang maaaring maibahagi ng ideyang negosyo sa bawat bilang. Piliin sa talaan ang letra ng tamang sagot.

1

Serbisyo lamang

2

Produkto lamang

3

Serbisyo at Produkto

96

Multiple Choice

Question image

Tukuyin kung anong proyekto ang maaaring maibahagi ng ideyang negosyo sa bawat bilang. Piliin sa talaan ang letra ng tamang sagot.

1

Serbisyo lamang

2

Produkto lamang

3

Serbisyo at Produkto

97

Multiple Choice

Question image

Tukuyin kung anong proyekto ang maaaring maibahagi ng ideyang negosyo sa bawat bilang. Piliin sa talaan ang letra ng tamang sagot.

1

Serbisyo lamang

2

Produkto lamang

3

Serbisyo at Produkto

98

Open Ended

Question image

Karagdagang Gawain

Magtala ng tatlong (3) napapanahong suliranin sa negosyo. Maaaring magtanong sa kapitbahay o kakilalang online seller kung nagsagawa ba o hindi ng feasibility study bago magtayo ng negosyo. Sa tapat nito, isulat ang problemang kinakaharap ng negosyo at posibleng solusyong naisip mo. Suriin ang iyong sinulat.

​Filipino sa Piling

Larang Teknikal

Bokasyonal

Unang Markahan Ika pitong Linggo Pagsulat ng Feasibility Study

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 98

SLIDE