Font size
WorksheetsPAGSULAT - DRILLS
Total questions: 83
Worksheet time: 55mins
Anong uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa?
Literature
Sintesis
Background Synthesis
Thesis Statement
Ano ang tawag sa pagsasama ng dalawa o higit pang buod mula sa mga akda o sulatin?
Literature
Sintesis
Background Synthesis
Thesis Statement
Anong uri ng sintesis na hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin?
Thesis-driven Synthesis
Synthesis for the Literature
Background Synthesis
punto de bista
Ano uri ng sintesis na karaniwang isinasaayos batay sa tema at hindi ayon sa sanggunian?
Thesis-driven Synthesis
Synthesis for the Literature
Background Synthesis
Thesis Statement
Anong uri ng sintesis na kadalasang ginagamit sa mga sulating pananaliksik?
Synthesis for the Literature
Thesis-driven Synthesis
Background Synthesis
Thesis Statement
Ano ang tawag sa matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksang handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos at ebidensya?
Synthesis for the Literature
Thesis-driven Synthesis
Background Synthesis
Thesis Statement
Anong uri ng sintesis na karaniwang isinasaayos batay sa mga sanggunian?
Synthesis for the Literature
Thesis-driven Synthesis
Background Synthesis
Thesis Statement
Anong uri ng sulating akademiko na tumatalakay sa karanasan ng paglalakbay?
Lakbay-Sanaysay
Photo Essay
Kathambuhay
Repleksibong Sanaysay
Ano ang tawag sa koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular na konsepto o magpahayag ng damdamin?
Repleksibong Sanaysay
Posisyong Papel
Lakbay-Sanaysay
Photo Essay
Anong uri ng akademikong sulatin na humahamon sa mapanuring pag-iisip at ito ay maaaring nasa anyo ng personal na sanaysay, lahok sa journal, talaarawan, reaksiyong papel o learning log?
Lakbay-Sanaysay
Repleksibong Sanaysay
Posisyong Papel
Panukalang Proyekto
Anong uri ng sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa partikular na paksa o usapin?
Photo Essay
Posisyong Papel
Lakbay-Sanaysay
Repleksibong Sanaysay
Anong tawag sa isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito?
Sintesis
Panukalang Proyekto
Photo Essay
Katitikan ng Pulong
Alin sa sumusunod ang katangian ng isang sintesis?
may obhetibong balangkas ng orihinal na teksto
sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay
personal at kalimitang nakakapang-akit ng mambabasa
nakabatay sa katotohanan na nagbibigay ng matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento
Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa pagsulat ng sintesis?
pinaikling bersyon at ginagamitan ng sariling pananalita
hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang panig
napahahalagahan at mapahahagahan ng mga tao ang lugar o kulturang itinalakay
naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag ang basehan sa likod nito
Alin sa sumusunod ang katangian ng isang posisyong papel?
hindi nagbibigay ng sariling idea o kritisismo
may obhetibong balangkas ng orihinal na teksto
personal at kalimitang nakakapang-akit ng mambabasa
nakabatay sa katotohanan na nagbibigay ng matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento
Alin sa sumusunod ang pinakaunang hakbang sa pagsulat ng posisyong papel?
Tiyakin ang paksa.
bumuo ng isang balangkas
magkaroon ng panimulang saliksik
bumuo ng posisyon batay sa naihanay na katwiran
Alin sa sumusunod ang katangian ng isang lakbay-sanaysay?
Sariling salita ang ginamit.
Akademikong lengguwahe ang ginamit.
Mas marami ang larawan kaysa sa teksto.
Mas marami ang teksto kaysa sa mga larawan.
Paano isinusulat ang isang mahusay na lakbay-sanaysay?
Iniisa-isa ang mga di-matatawarang likha at ganda sa paligid
Inilalahad dito ang mga nasaksihan at napagmasdan sa kapaligiran.
Isinasalaysay ang mga kapana-panabik na mga pangyayari at karanasan.
Inilalarawan dito ang mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan at naramdaman sa lugar na pinuntahan.
Alin sa sumusunod ang katangian ng isang larawang sanaysay?
Malinaw ang paksa.
Nahihikayat ang mambabasa.
Kapana-panabik ang mga eksena.
Tinatalakay ang kabuoan ng orihinal na teksto.
Alin sa sumusunod ang hindi kalikasan ng larawang sanaysay?
Nagpapahayag ito ng damdamin at kaisipan sa serye ng larawan.
Iniaayos ito ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod sa damdaming gustong ipalutang.
Ang mga larawan ay pangunahing nagkukuwento samantalang ang teksto ay suporta lamang.
Nakabatay ito sa pagpapahayag ng manunulat sa sarili niyang pananaw batay sa kaniyang karanasan
Alin sa sumusunod ang katangian ng repleksibong sanaysay?
tiyak at obhetibo
personal at subhetibo
hindi nagbibigay ng sariling idea
hindi nakabatay sa sariling karanasan
Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng repleksibong sanaysay?
Batay sa naihanay na katwiran ay bumuo ng posisyon.
Nangangailangan ito ng mataas na kasanayan sa pag-iisip.
Bagaman pagsulat ito ng opinyon, hindi maaaring isulat lahat ang pumapasok sa isipan.
Hindi problema ang paggamit ng panghalip na “ako” dahil ang inaasahang maisulat dito ay ang sariling mga karanasan ng manunulat.
Alin sa sumusunod ang katangian ng isang panukalang proyekto?
personal at subhetibo
detalyado at may ebidensiya
nakabatay sa kaugnay na akda
Malinaw ang ayos ng idea.
Ano ang pangunahing layunin at gamit ng panukalang proyekto?
magresolba ng mga suliranin
magpabatid ng mga argumento
maglatag ng opinyon
maglaan ng badget
Ano ang tawag sa elemento ng lakbay-sanaysay na ang nilalaman ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinabahagi?
Anyo at Estruktura
Tema at Nilalaman
Kaisipan
Wika at Estilo
Ano ang tawag sa elemento ng lakbay-sanaysay na isinaalang-alang ang maayos na pagkakasunod-sunod ng idea o pangyayari na nakatutulong sa pag-unawa ng mambabasa?
Tema at Nilalaman
Larawan ng Buhay
Wika at Istilo
Anyo at Istruktura
Ano ang tawag sa elemento ng lakbay-sanaysay na binigyang pansin dito ang paggamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag?
Anyo at Istruktura
Tema at Nilalaman
Kaisipan
Wika at Estilo
Ano ang tawag sa elemento ng lakbay-sanaysay na binigyang pansin ang mga ideang magkaugnay na magbibigay-linaw sa tema?
Tema at Nilalaman
Wika at Istilo
Kaisipan
Anyo at Istruktura
Ano ang tawag sa elemento ng lakbay-sanaysay na inilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay na ginamit ang sariling himig ng may-akda?
Tema at Nilalaman
Wika at Istilo
Larawan ng Buhay
Anyo at Istruktura
Ano ang paksa ng lakbay-sanaysay?
Maldives of the Philippines
Beautiful Natural Wonders
Isla Del Fuego
Isla ng Manjuyod
Paano sinimulan ang lakbay-sanaysay?
pangangatwiran
paglalarawan
pagsasalaysay
panghihikayat
Bakit tinaguriang “Maldives of the Philippines” ang Manjuyod Sand Bar?
may asul na karagatan, puti at pinong-pino ang buhangin at may cottages sa gitna ng dagat
may mga beach house sa gitna ng dagat at napapaligiran ng swimming pool
maaaring mag-island hopping at maligo kasama ang mga butanding
maraming dolphin, pawikan, jelly fish, star fish at malalaking isda
1.Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
Sanaysay
Talumpati
Replektibong sanaysay
Lakbay-sanaysay
2.Iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik.
sanaysay
talumpati
replektibong sanaysay
larawang sanaysay
3.Ito ay salitang Griyego na nangangahulugang karakter.
etika
ethos
repleksiyon
sanaysay
4.Ito ay nangangahulugang moral na pagkatao na nagdidikta ng mga batayan.
etika sa pagsulat
pagpapahalaga sa pagsulat
respeto sa pagsulat
repleksiyon sa pagsulat
5.Ito ang parte kung saan dito inilalagay ang pananaw o reaksiyon sa bawat aspektong may kaugnay sa sinusuri.
panimula
katawan
gitna
kongklusyon
6.Ito naman ay bahagi kong saan ang pangkalahatang reaksiyon ukol sa paksa ay isinasaad.
Simula
Katawan
Wakas
Kongklusyon
7.Ito ay pinakamahalaga sa bahagi dahil dito ang inaasahan kung ipagpapatuloy ng mambabasa sa kaniyang binabasang sulatin.
katawan
kongklusyon
panimula
wakas
8.Bahagi ng sulatin kung saan dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.
panimula
katawan
pamagat
wakas
9.Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksa,naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.
katawan
kongklusyon
panimula
wakas
10.Ang parte ng replektibong sanaysay kung saan dito inilalaghay ang pananaw o reaksiyon sa bawat aspektong may kaugnay sa sinusuri.
katawan
kongklusyon
panimula
wakas
11.Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
Akademikong sulatin
Larawang sanaysay
Lakbay-sanaysay
replektibong sanaysay
13.Ito ay uri ng sanaysay na kung saan pili ang mga salitang ginagamit.
pormal
di-pormal
maanyo
replektibo
13.Ito ay paglalahad ng makatarungan ,patas o balanseng pahuhusga o assessment sa mga sitwasyong may kinalaman sa mga bagay,tao,pook o pangyayari.
Larawang-sanaysay
lakbay-sanaysay
replektibong sanaysay
pormal na sanaysay
14.Ito ay isang koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkakasunod sunod upang ipahayag ang mga pangya-yari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
larawang sanaysay
lakbay sanaysay
replektibong sanaysay
pormal na sanaysay
15.Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinusulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad.
lakbay sanaysay
larawang sanysay
replektibong sanaysay
pormal na sanaysay
16-25.Pagbibigay ng reaksyon sa Isang Pangyayari,Isyu. Ilahad ang pangkalahatang obserbasyon at reaksiyon hinggil sa Rehabilitasyon ng Manila Bay.
Ang Manila Bay Beach ay isang proyekto ng pamahalaang pambansa ng Pilipinas. Bahagi ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Manila Bay Rehabilitation Program na inilunsad ni Secretary Roy Cimatu noong Enero 2019. Sa loob ng parehong taon, bahagi ng proyekto ng pambansang 2020 ay inilalaan para sa artipisyal na proyekto sa beach. Ang proyekto ay nakatanggap ng suporta mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila na pinamunuan ni Mayor Isko Moreno.
Ang pagtatrabaho sa artipisyal na tabing dagat ay nagsimula pa noong Agosto 2020, nang naglabas ng permiso ang gobyerno sa Philippine Mining Service Corporation upang magdala ng durog na dolomite mula sa Alcoy, Cebu patungong Maynila.
Ang proyektong Manila Bay Beach ay nakatawag nang pansin sa publiko noong 2020, ang proyekto ay nakatanggap ng pagpuna mula sa mga pangkat sa pangangalaga sa kapaligiran at mga pamana o heritage. Kabilang sa mga ito ay ang oras ng proyekto na ipinatupad sa gitna ng pandemya ng COVID-19 at pag-aalala ng masamang epekto sa kapaligiran na sanhi ng pagtapon ng dolomite sa maruming Manila Bay. Hanggang noong Setyembre 25, sinuspinde ng pinuno ng kapaligiran ang dolomite mining operation sa Cebu bilang mapagkukunan ng puting buhangin ng Manila Bay.
Ang Manila Bay Beach ay unang binuksan sa publiko mula Setyembre 19 hanggang 20, 2020. Isinara itong muli para sa pagpapalawak. Ang ikalawang yugto ng programa sa pagpapaganda o rehabilitasyon sa beach ay nagsimula sa unang linggo ng Nobyembre. Plano ng DPWH na magtayo ng isang breakwater, bilang karagdagan sa mga geotubes, upang maprotektahan ang beach mula sa mga pag-alon ng bagyo at maiwasan ang mga dolomite sands mula sa pagkabuos o madala ng alon.
Si Kokoy ay mahiyain at hindi makapagsalita kapag kaharap niya ang kanyang iniibig na dalaga. Paano makakatulong ang talumpati sa kanya?
Siya ay dapat magsulat ng isang talumpating Binasa
Siya ay dapat magsulat ng isang Biglaang Talumpati
Siya ay dapat magsulat ng isang Dagliang Talumpati
Siya ay dapat magsulat ng isang talumpating Pinaghandaan
Ang aming pastor ay naimbitahan na magsalita ng kanyang kaibigan para sa yumaong kamag-anak, ngunit anong talumpati ang dapat niyang gawin?
Nagpapakilala
Eulohiya
Nagpapaliwanag
Nagbibigay Gantimpala
Ang guro naming ay nagsagawa ng sorpresang pagpapasagot o surprise recitation sa aming klase kaninang umaga, kaya’t kami ay nagsagawa ng isang uri ng talumpati na _______.
Pagbabasa na talumpati
Dagliang Talumpati
Biglaang Talumpati
Kinabisang Talumpati
Si Juan ay tatakbo bilang SK Kagawad, kailangan niya ipahayag ang damdamin at plataporma niya para sa barangay ngunit hindi niya lubos alam ang talumpati na dapat niyang gawin.
Naghihikayat
Nagpapakilala
Nagpapaliwanag
Nagbibigay Gantimpala
Isang hamon para sa mga manunulat ng posisyong papel ang pagpili ng tono sa pagsulat na nagpapahayag nang sapat ng kanilang mga damdamin at nang hindi nagsasara ng komunikasyon.
Depinadong Isyu
Mapangumbinsing Argumento
Klarong Posisyon
Angkop na Tono
May mga pagkakataong kailangan natin mamili ng panig, upang maipahayag natin ang ating opinyon ukol sa isang usapin. Anong sulatin ang maari nating gawin?
Pictorial Essay
Panukalang Proyekto
Posisyong Papel
Lakbay Sanaysay
Ano ang HINDI katangian ng posisyong papel?
Maikli Lamang
klaro
2-5 pahina ang haba
may supportang ebidensya
Alin sa mga sumusnod ang HINDI layunin o gamit ng posisyong papel?
hindi kadalasan ginagamit ng mga politiko
maipaglaban kung ano ang alam mong tama
nagtatakwil ng kamalian
Ipaalam ang iyong panig
Ang awtor ay kailangan ding magbanggit ng iba’t ibang uri ng ebidensyang sumusuporta sa kanyang posisyon.
Depinadong Isyu
Klarong Posisyon
Mapangumbinsing Argumento
Angkop na Tono
Modifayd Tama o Mali:
Ang talumpati ay tumatalakay sa pagsasalita o pagbibigay ng iyong kaalaman sa isang batay na paksa
Tama ang pahayag
pagpapahayag o pangangatwiran ng kaalaman
pagpapahayag o pagbibigay kaalaman
pangangatwiran at pagbibigay kaalaman.
Ang rebyu ay isang akdang sumusuri o pumupuna sa isang likhang sining.
TAMA
MALI
Layunin ng isang kritiko na makapaglahad ng obhetibo at matalinong analisis ng akdang sinusuri.
TAMA
MALI
Kahit anong likhang sining ay maaaring gawan ng rebyu.
TAMA
MALI
Isang pangkaraniwang gawain ang magsuri ng isang likhang sining.
TAMA
MALI
Ang isang kritiko ay kailangang may sapat na kaalaman sa genre na kanyang sinusuri at sa paksa niyon.
TAMA
MALI
Ang isang kritiko ay kailangang maging tapat, obhetibo at may bahid impluho ng damdaming pansarili.
TAMA
MALI
Kailangang pag-ukulan ng ilang pahina ang lagom ng akdang sinusuri.
TAMA
MALI
Kailangang bigyang-halaga ang nilalaman ng akdang sinusuri, ngunit hindi na ang estilo o paraan ng pagkakasulat ng akda.
TAMA
MALI
Hindi na kailangan ng pagpapakahulugan sa ano mang mababanggit na kahusayan at kahinaan.
TAMA
MALI
Hindi maaaring isama sa rebyu ang sariling pagkakilala ng kritiko ayon sa matapat niyang paniniwala.
TAMA
MALI
Listahan ng mga tatalakayin sa isang pormal na pagpupulong
katitikan ng pulong
adyenda
resume
panukalang proyekto
Isang plano naglalaman ng mga batayang impormasyon tungkol sa binabalak na gawain
katitikan ng pulong
adyenda
resume
panukalang proyekto
Tawag sa mga liham na ginagamit sa transaksyon sa trabaho o negosyo ay tinatawag na ___________.
adyenda
resume
korespondensiya opisyal
panukalang proyekto
Ano ang dokumentong nagpapakilala ng edukasyon, mga seminar at pagsasanay na natapos at mga kasanayan ng isang aplikanteng naghahanap ng trabaho?
biyograpiya
liham-aplikasyon
adyenda
resume
Batas na naglalayong palaganapin ang paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon at korespondensiya sa mga tanggapan ng pamahalaan
Executive Order No. 335, s.1988
Executive Order No. 263, s. 1940
Executive Order No. 117, s. 1986
Executive Order No. 450, s. 1960
Ano ang dokumento na nag-uulat ng napag-usapan sa isang pagpupulong.
abstrak
adyenda
katitikan
panukalang proyekto
Ang proyekto ay isang charity donation
rasyonal
pakinabang
kategorya
deskripsyon
Ang proyekto ay magsisimula ng Nobyembre 12, 2020 at matatapos ng Disyembre 18, 2020.
diskripsyon
petsa
rasyonal
kategorya
Ano ang pangunahing pakinabang ng adyenda sa isang pulong?
makatipid sa oras
pagpapanatili ng record
pagtukoy ng mga dadalo
pagpapaalala ng mahalagang punto
Inilalagay sa huling bahagi nito ang pangunahing punto sa isang memo
academic format
upfront format
soft -approach format
Alin ang hindi kasama sa pagsulat ng adyenda
petsa ng pulong
lugar ng pulong
paksang pag-uusapan
usapin ng nakaraang pulong
John Donaldson
8 Sue CircleSmithtown, CA
08067909-555-5555
john.donaldson@emailexample.com
Anong bahagi ng liham-aplikasyon ito?
pamuhatan
bating panimula
katawan
lagda
Sa bahaging ito makikita ang pinakamensahe o nilalaman ng isang liham-aplikasyon
bating pangwakas
katawan
patunguhan
bating panimula
Nangangailangan ang proyekto ng mahigit Php 200,000 upang maisakatuparan ang proyekto.
badget
pakinabang
rasyonal
petsa
Panukala para sa Araw ng Pagtatapos
rasyonal
pamagat
Deskripsiyon
kategorya
