wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

QUIZ 4 VALUES EDUCATION 7

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang salitang konsensiya ay nagmula sa Latin na cum scientia na nangangahulugang “with knowledge.”

a)

True

b)

False

2.

Tama ang konsensiya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at ang mali bilang mali.

a)

True

b)

False

3.

Ang maling konsensiya ay nagkakamali dahil sa pagkakaroon ng tamang batayan sa paghusga.

a)

True

b)

False

4.

Ang kamangmangang madaraig ay hindi kayang malampasan ng tao sa kahit anong paraan.

a)

True

b)

False

5.

Ang kamangmangang di madaraig ay hindi madaling mapagtagumpayan kahit may paraan upang matuto.

a)

True

b)

False

6.

Ang antecedent conscience ay kumikilos pagkatapos maisagawa ang isang kilos.

a)

True

b)

False

7.

Ang concomitant conscience ay ang kamalayan habang isinasagawa ang isang kilos.

a)

True

b)

False

8.

Ang edukasyon at moral na pormasyon ay nakatutulong sa paghubog ng mabuting konsensiya.

a)

True

b)

False

9.
  1. Ang regular na panalangin kasama ang pamilya ay walang kinalaman sa paghubog ng konsensiya.

a)

True

b)

False

10.

Ang pagkakaroon ng mabuting konsensiya ay nakatutulong sa pagkakaroon ng makatao at makatarungang lipunan.

a)

True

b)

False

11.

Ano ang ibig sabihin ng salitang konsensiya mula sa Latin na cum scientia?

a)

May damdamin

b)

May kaalaman

c)

May paniniwala

d)

May pananampalataya

12.

Kailan masasabing tama ang konsensiya?

a)

Kapag hinuhusgahan ang mali bilang tama

b)

Kapag hinuhusgahan ang tama bilang tama

c)

Kapag hindi na ginagamit sa pagdedesisyon

d)

Kapag nakabatay sa maling prinsipyo

13.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng maling konsensiya?

a)

Isinauli ang sobrang sukli ng tindera

b)

Itinago ang sobrang sukli at itinuring na biyaya

c)

Tumangging gumamit ng perang hindi sa kanya

d)

Nagpasalamat dahil naisauli ang sukli

14.

Anong uri ng kamangmangan ang maaaring malampasan sa pamamagitan ng pag-aaral?

a)

Kamangmangang di madaraig

b)

Kamangmangang madaraig

c)

Kamangmangang likas

d)

Kamangmangang moral

15.

Kailan kumikilos ang konsensiya sa antecedent stage?

a)

Bago ang kilos

b)

Habang isinasagawa ang kilos

c)

Pagkatapos ng kilos

d)

Kapag tapos na ang lahat

16.

Alin sa mga sumusunod ang consequent conscience?

a)

Pagninilay pagkatapos kumilos

b)

Pagdadalawang-isip bago kumilos

c)

Pagpili ng tamang desisyon bago gumawa

d)

Pagsuri habang gumagawa

17.

Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa mga paraan ng paghubog ng mabuting konsensiya?

a)

Edukasyon at moral na pormasyon

b)

Regular na panalangin kasama ang pamilya

c)

Pagsasanay ng mga birtud

d)

Pagpapabaya sa sariling asal

18.

Ano ang pangunahing layunin ng mga katuruang panrelihiyon sa paghubog ng konsensiya?

a)

Turuan ang tao ng mga batas ng lipunan

b)

Magbigay ng moral na gabay at prinsipyo sa etika

c)

Ipakilala ang mga tradisyon ng bawat relihiyon

d)

Ipagbawal ang pakikisalamuha sa iba

19.

Ang pagtuturo ng kababaang-loob at pagmamalasakit ay nagpapalago ng:

a)

Konsensiyang makasarili

b)

Konsensiyang mapanlinlang

c)

Konsensiyang may malasakit at kabutihan

d)

Konsensiyang mapanghusga

20.

Ang mabuting konsensiya ay nagiging gabay upang:

a)

Magpasya ayon sa pansariling interes

b)

Iwasan ang pananagutan

c)

Gumawa ng mga desisyong batay sa moralidad

d)

Umiwas sa paggawa ng kabutihan