Font size
WorksheetsGenEd-Filipino Reviewer
Total questions: 100
Worksheet time: 58mins
Sa ponemang segmental, ano ang tinataglay ng mga salitang galaw, baliw, lamay at kahoy?
Ponema
Klaster
Diptonggo
Pares minimal
Ang diptonggo ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng patinig at malapatinig sa loob ng pantig. Alin sa mga sumusunod ang mga salitang walang diptonggo? BAYWANG, LANGOY, WELGA, AWAY, REYNA, WAKAS, BEYSBOL, PAMAYPAY
baywang, langoy
beysbol, away
wakas, welga
pamaypay, reyna
Ang mga salitang PROTESTA at APARTMENT ay halimbawa ng _________.
Diptonggo
Klaster
Pares Minimal
Ponema
Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pares minimal?
bala at pala
buhay at bahay
lolo at lola
pluma at troso
Anong sangay ng linggwistika ang nakatauon sa tamang pagsasaayos ng mga salita para makabuo ng isang pangungusap na nagsasaad ng buong diwa.
Ortograpiya
Ponolohiya
Morpolohiya
Sintaks
Ibigay ang panaguri sa pangungusap na nasa ibaba.
“Ang gatas ay mayaman sa sustansya.”
sustansiya
Ang
gatas
mayaman
“Ang mga mag-aaral sa RTU ay magagaling at masisipag.” Ano ang simuno o paksa sa pangungusap?
mag-aaral
RTU
magagaling
masisipag
“Ang aking pag-ibig ay tanging sayo lamang.” Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
Payak
Tambalan
Karaniwang Ayos
Di-Karaniwang Ayos
“Walang dapat sisihin sa nangyari kundi siya,” Ano ang ayos ng pangungusap?
Karaniwang Ayos
Di-Karaniwang Ayos
Tambalan
Payak
“Natutulog ba ang Diyos?” Ano ang uri pangungusap ayon sa gamit ang halimbawang pangungusap?
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Padamdam
“Kunin mo ang gamit ko sa labas.” Ano uri ng pangungusap ayon sa gamit ang halimbawang pangungusap?
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Padamdam
Alin sa mga sumusunod ay HINDI uri ng pangungusap ayon sa gamit?
Padamdam
Payak
Pautos
Patanong
“Magkikita-kita an gaming pamilya sa pagdating ni Rene.” Anong uri ng pangungusap ayon sa gamit ang nabanggit.
Patanong
Pasalaysay o Paturol
Pautos
Padamdam
“Nahulog ang bata!” Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?
Padamdam
Pasalaysay
Payak
Tambalan
“Gusto ni Kaloy na sumali sa paligsahan ngunit nahihiya siya.” Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?
Payak
Tambalan
Huganayan
Pasalaysay
Ito ay mga salita na nagsasaad ng pangngalan ng tao, bagay, pook, hayop, pangyayari, damdamin, kaisipan, o ideya.
Panghalip
Pang-uri
Pangngalan
Pandiwa
Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng Pambalana ang HINDI kabilang sa Uri Pangngalan?
guro
bansa
Jose Rizal
bayani
“Mabuti siyang kaibigan.” Anong bahagi ng pananalita ang may salungguhit?
Pangngalan
Pandiwa
Pang-uri
Panghalip
Si Fe ay masaya sa kanyang kaarawan. Ang salitang “masaya” ay isang________.
Pang-ukol
Pang-abay
Pang-uri
Pandiwa
“Ang matandang lalaki ay nagtitinda ng balot.” Ano ang pag-uri sa pangungusap?
Matandang
Lalaki
Nagtitinda
Balot
Ito ay may anyong pangngalang pantangi na naglalarawan sa pangngalan. Anong uri ito ng pang-uri?
Panlarawan
Pamilang
Pantangi
Paari
“Si Mang Castor ay nag-iisang nagwagi sa patimpalak.” Ano ang uri ng pang-uri ang salitang nakasalungguhit?
Pamilang
Panlarawan
Pantangi
Paari
Ito ay pinakasimpleng kayarian ng Pang-uri. Binubuo lamang ng salitang-ugat.
Maylapi
Inuulit
Payak
Tambalan
“Malaking-malaki ang bahay na gusto ko.” Anong kayarian ng pang-uri ang nakasalungguhit?
Maylapi
Inuulit
Payak
Tambalan
“Ang prinsesa ay maganda.” Anong Kaantasan ng Pang-uri ang pangungusap?
Pahambing
Lantay
Pasukdol
Pandiwa
Alin sa mga sumusunod ang Kaantasan ng Pang-uri ang Pahambing?
Ang lapis niya ay apat.
Ang damit na suot mo ay kupas na.
Pinakamaganda ang prinsesa sa lahat ng babae sa palasyo.
Ang prinsesa ay mas maganda sa reyna.
Anong bahagi ng pananalita ang nagsasaad ng kilos, galaw, at pangyayari?
Pangngalan
Panghalip
Pang-uri
Pandiwa
Ibigay ang aspekto ng pandiwa ng sumusunod na pangungusap: Katatapos lang nilang manood ng pelikula ni Anne Curtis na “No Other Woman” nang biglang nagkagulo sa mall.
Kontemplatibo
Perpektibo
Imperpektibo
Pandiwa
“Kumakain ng prutas si Seri.” Ibigay ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap.
Ganapan
Sanhi
Tagaganap
Tagatanggap
“Pinagbakasyunan nina Neil at Raz ang Camotes.” Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?
Ganapan
Sanhi
Tagaganap
Tagatanggap
“Ipinagluto ng kanyang asawa si Mark.” Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?
Ganapan
Sanhi
Tagaganap
Tagatanggap
Si Ana ay mabagal na naglalakad papunta sa labas. Anong bahagi ng pananalita ang sinalongguhit na salita?
Pang-ukol
Pang-abay
Pang-uri
Pandiwa
Si Fel ay -masayang- naghihintay sa kanyang ina. Paano ginamit ang salitang sinasalungguhit sa
pangungusap.
Pang-ukol
Pang-abay
Pang-uri
Pandiwa
“Pumuntang PARKE ang mga bata.”
Pang-abay na Pamaraan
Pang-abay na Panlunan
Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na Pang-agam
“BUKAS namin kukunin ang mga gamit ko.” Nasa anong uri ng pang-abay ang bahaging may malalaking titik?
Pang-abay na Pamaraan
Pang-abay na Panlunan
Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na Pang-agam.
Saan kabilang ng tayutay ang pahayag na “Kapalaran huwag ka sanang mailap.”
Pagtawag
Palit-saklaw
Pagmamalabis
Palit-tawag
“Ako ay isang ibon na nakakaigayang pakinggan.” Ito ay isang halimbawa ng tayutay na
a.Pagwawangis
Pagpapalit tawag
Pagtutulad
Sinekdoke
“Sumisipol ang hanging amihan.” Ito ay isang halimbawa ng tayutay na
Hyperbole o pagmamalabis
Irony o pag-uya.
Metonomi o pagpapalit-tawag
Personification o pagsasatao
Ibigay ang uri ng tayutay na ginamit sa mga sumusunod na pahayag.
Durog ang katawang bumagsak sa semento ang kaawa-awang si Angelo. Nadurog ang kanyang puso sa tindi ng pagdadalamhati sa sinapit ng bunsong anak.
Pagsasatao
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagmamalabis
Alin ang gumamit ng mga ekspresyong idyomatiko sa mga sumusunod na pangungusap?
May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Ang taong napapailalim ay naipapaibabaw rin.
Tiririt ng maya, tiririt ng ibon, gustong mag-asawa, walang maipalamon.
Nagbubuhat ng sariling bangko ang ginoo nang dumating ang kanyang kabiyak.
Ang mga kasambahay ay nagkaroon na ng karapatan ayon sa batas. Aling salita ang gamit eupemistiko?
Karapatan
Kasambahay
Nagkaroon
Batas
Siya ang BUGTONG NA ANAK ng mag-asawa. Ibigay ang kahulugan nito.
Hindi mabuting anak
Pinakamamahal na anak
Pinakamabuting anak
Kaisa-isang anak
“Bakit ayaw mong ILIBING SA LIMOT ang malungkot na pangyayari sa buhay?” Ibigay ang kahulugan ng malalaking titik.
Sariwain
Alalahanin
Iwasan
Kalimutan
Alin ang salawikain sa sumusunod:
May puno walang bunga, may dahon walang sanga
Di maliparang uwak
Nagbubuhat ng sariling bangko
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Ito ay nangangahulugan
Babala sa maikli ang pag-iisip
Babala sa mayaman
Babala sa nakalimot sa tunay na buhay
Babala sa bagong mayaman
Namalasak ang anyo ng tulang ito noong panahon ng Hapon at binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtod; 5 pantig sa unang taludtod, 7 pantig sa ikalawa, at 5 pantig sa ikatlo.
Pantum
Tanaga
Haiku
Tugma
Ano ang pangunahing dahilan ng pagkilala sa panahon ng mga Hapon bilang “Gintong Panahon ng Panitikan sa Pilipinas”?
Higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian,
at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahong ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino katulad nina Genoveva Edroza-Matute at Liwayway A. Arceo.
Ang karamihan sa mga inilathala noon sa pahayagan ay sa wikang Niponggo.
Ipinagbawal ng mga Hapon ang paggamit ng Ingles.
Siya ay kilala bilang “dakilang manunulat” ng kilusang propaganda:
Graciano Lopez Jaena
Jose Rizal
Marcelo H. Del Pilar
Gregorio Del Pilar
Sino ang makata ng Pampanga na sumulat ng ”Kahapon, Ngayon at Bukas” sa sarili nyang wika?
Aurelio Tolentino
Juan Abad
Severino Reyes
Patricio Mariano
Sino ang taong kilala sa dulaan at itinuturing na ama ng dulaan at sarsuwela?
Mariano Pineda
Brigido Batumbakal
Severino Reyes
Crisostomo Soto
Mula pa rin sa tula, ano ang buong pangalan ng naghahandog ng tula kay Celia?
Ikaw ang bulaklak niring dili-dili
Celiang sagisag mo’y ang M.A.R.
Sa birheng mag-ina’y ipamintakasi
Ang tapat mong lingcod na si F.B.
Francisco Balagtas
Francisco Buenconsejo
Francisco Buenaventura
Francisco Bernabe
Sino ang may sagisag na Pingkian at Dimas-Ilaw at may-akda ng kilalang sanaysay na Liwanag at Dilim?
Gregorio del Pilar
Emilio Jacinto
Marcelo H. Del Pilar
Juan Luna
Alin dito ang isa pang anyo ng panitikan maliban sa tuluyan?
Pasalaysay
Pabigkas
Palahad
Patula
Alin sa mga panlibangan na ito ang pagtatanghal na patula batay sa alamat ng singsing na nahulog sa dagat at dapat sisirin ng mga binata?
Dupluhan
tibag
karagatan
karilyo
Alin sa mga tulang liriko na pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig?
Oda
Soneto
Awit
Elehiya
Saan hinango ang mga kuwentong tinatawag na parabola?
Mga pinagmulan
Kasabihan
Kuwentong bayan
Bibliya
Alin sa mga sumusunod ang mensahe ng epiko ng Ilokano na Biag ni Lam-ang?
Pinatutunayan ng epiko ang yaman ng mga Ilokano sa lahat ng bagay.
Kailangan paniwalaan ang ukol sa biag ng mga anting-anting dahil sa mga pangyayaring nagpapatunay
dito.
Dito nagpapatunay na walang kamatayan.
Masasalat ang mga katutubong ugali at mga tradisyong dapat pagyamanin at panatilihin
upang pakinabangan ng kabataan.
Ang mga awiting bayan ay palasak ng panahon ng katutubo at sa lahat ng pagkakataon ay may awit ng ng katutubo. Ang uyayi ay pag-awit sa pagpapatulog ng sanggol. Alin naman ang awit sa kasalan?
Kumintang
Diona
Soliranin
Tikam
Alin ang genre ng panitikan na nagbibigay ng kuro-kuro, damdamin, o opinion sa mga bagay-bagay, tao, o anumang nais pag-ukulan ng pansin?
Tula
Dula
Sanaysay
Maikling kuwento
“Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.” Ang saknong na ito ay buhat sa tulang ____________.
Katapusang Hibik ng Pilipinas
Huling Paalam
Sa Mga Kabataang Pilipino
Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Sino ang nagpahayag ng “Ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.”
Hill, 1976
Webster, 1974
Gleason, 1988
Meriam, 1879
“Kapag nag-iisa’t kasama ang gitara
basta’t dumarating ang kanta
awiting maaari ring kung may kasama
tambol mo ay butas na lata
sabayan ng sipol ang bawat pasada
huminga ka ng malalim at sabay ang buga
sabay-sabay ang pasok sa bagsak ng paa
heto na, heto na, heto na...
Doo-bidoo-bi-doo, bidoo-bidoo-ahhhh!”
Anong teorya ng wika ang nagpapaliwanag sa “ahhh!” sa huling linya ng kantang ito ng
Kamikazee?
Pooh-pooh
Bow-wow
Sing-song
Tararaboom-de-ay
Anong antas ng wika ang tunog ng kampana?
Teoryang Ding-dong
Teoryang Bow-wow
Teoryang Pooh-pooh
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
“Erpat bilhan mo po ako ng tsinelas.” Anong antas ng wika ang nakasalungguhit?
Kolokyal
Lalawiganin
Balbal
Pambansa
Handa ng lumisan ang taong “amoy lupa” nang malaman niyang nasa maayos na kalagayan na ang mga anak nito. Ang pariralang “amoy lupa” ay nagsasaad ng anong antas ng wika?
Kolokyal
Pambansa
Balbal
Pampanitikan
Ang “Maupay na Aga!” ng mga taga Samar ay halimbawa ng anong antas ng wika?
Kolokyal
Pambansa
Balbal
Lalawiganin
“Neneng ang pangalan ng aking ERMAT”. Ano ang antas ng wikang nakasulat sa malalaking titik?
Balbal
Kolokyal
Pambansa
Lalawiganin
Nasa anong antas ng wka kabilang ang mga salitang tulad ng NASAN AT PA’NO?
Pabalbal
Kolokyal
Panretorika
Pampanitikan
Wikang nabuo mula sa pangunahing wika ng isang lugar o lalawigan na kadalasang sinasalita sabang bayan ng naturang lugar.i
Idyolek
Jargon
Sosyolek
Dayalek
Tagalog – Bakit?
Batangas – Bakit ga?
Bataan – bakit ah?
Ang mga salitang ito ay anong uri ng Barayti ng Wika? (4)
Dayalek
Idyolek
Sosyolek
Jargon
Ang Cebuano, ilokano at Hiligaynon ay halimbawa ng anong barayti ng wika?
Sosyolek
Idyolek
Dayalekto
Jargon
Ang “Hindi po naming kayo tatantanan” at “Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras”ay mga tanyag na pahayag ni Mike Enriquez sa telebisyon. Sa anong barayti ng wika ito nauuri?
Jargon
Idyolek
Sosyolek
Dayalekto
Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?
Pilipino
Tagalog
Wikang Pambansa
Filipino
Bakit Tagalog ang siyang napiling batayan ng kauna-unahang wikang pambansa sa Pilipinas?
Dahil sa ito ang ginagamit ng mga taga-Manila kung saana naming matatagpuan ang labisera ng Pilipinas
Dahil sa ito ay binubuo ng mga kaakit-akit na mga salita at bokabularyo.
Dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit nan g mas nakararaming Pilipino
A at C
Ilan lahat ang hiram na titik ng Alpabetong Filipino?
6
7
8
9
Isang disenyo ng pananaliksik na nagsisiyasat sa pamamagitan ng palatanungan o pakikipanayam.
Sarbey
Case study
Feasibility study
Etnograpiya
Bahagi ng pananaliksik kung saan matatagpuan ang panimula, kaligiran ng pag-aaral at konseptuwal framework.
Kabanata II
Kabanata I
Kabanata IV
Kabanata III
Sistematikong paglalarawan ng mga datos kaugnay sa estatistika.
Talahanayan
Balangkas
Grap
Mapa
Sa paglalagay ng talang-parentetikal/parenthetical citation sa estilong APA, paano ilahad ang tatlo o higit pang awtor?
Sotto, De Leon at Revillame, 2011
Sotto at 2 pa, 2011
Sotto, p.275
Sotto, et al., 2011
Ito ay pagbasang pansamantala o di palagian.Ginagawa ito kung nais magpalipas ng oras.
Scanning
Pre-viewing
Kaswal
Skimming
Noong sumiklab ang digmaan sa Libya, inilikas ang mga OFW sa tulong ng embahada ng Pilipinas doon. Pagkatapos ng giyera, nagsibalikan rin ang mga Filipino expatriates doon.
Anong uri ng panandang diskurso ang mga nakahilig na salita?
Enumerasyon
Sanhi at bunga
Komparison at kontras
Order o pagkakasunod-sunod
Sina Nora Aunor at Vilma Santos ay kapwa mahuhusay na artista. Taglay nila ang kahusayan sa pag-arte, halos lahat ng kanilang pelikula ay nagbigay sa kanilang ng acting awards. Si Nora ay tinaguriang “Superstar” at si Vilma naman ay tinaguriang “Star of all seasons”. Bagamat pareho silang sikat na artista, si Nora ay mahusay rin na mang-aawit at si Vilma ngayon ay mahusay na pulitiko. Anong uri ng panandang diskurso ang taglay ng talata?
Problema at solusyon
Depinisyon
Order o Pagkakasunod-sunod
Paghahambing at pagkokontrast
Ang isang set ng kompyuter ay binubuo ng sumusunod na bahagi: CPU, monitor, mouse, kay board at AVR. Ang opsyunal na bahagi nito ay printer at scanner. Ibig sabihin, maaring wala ang mga kagamitang ito. Anong uri ng panandang diskurso ang mga nakahilig na salita?
Enumerasyon
Depinisyon
Sanhi at Bunga
Order
Noong 1969, nilikha ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE). Ayon sa ulat na ito, kailangang magpokus ang edukasyon sa paghuhubog ng mga manggagawang may kasanayan sa mobile assembly line para tumugon sa “pambansang kaunlaran”. Matapos nito, nilagdaan ni Marcos noong 1972 ang Education Development Act na naglalayong magkaroon ng isang “edukasyong pangkaunlaran” sa susunod na sampung taon. Ang batas na ito ay pinondohan ng World Bank na mahigit P500 milyon sa inisyal na alokasyon. Anong uri ng panandang diskurso ang mga nakahilig na salita?
Paghahambing at kontrast
Enumerasyon
Order o pagkasunod-sunod
Sanhi at bunga
Ngayong sumapit sa kalahating siglo at isang taon ang paglagi ko sa mundo, biglang dumating sa akin ang paabiso ng Unyon ng mga Manunulat ng Pilipinas na makakasama ako sa programa nila.
Naisip ko tuloy na may distansya ang aking akala na ako ay Makita, at ang distansya ay mula sa kanto sa baryo hanggang sa Aurora Boulevard sa Kalakhang Maynila.
Ngunit higit pa pala masisipat sa akin ng UMPIL. Mula sa pagiging Pambaryong Tagasagap ng Balagtasan, ako’y makakabilang sa mga Pambansang Alagad ni Balagtas. (Lamberto E. Antonio)
Informativ
Deskriptiv
Narativ
Argumentativ
Naiiba sa karaniwang mga langgam si Anggam. Isa sa ugaling inaayawan ng kanyang kasamahang langgam ay ang pagiging tamad niya. Wala siyang ginawa kundi maghapong matulog. Samantala nagkakandarapa sa paghahakot ng mga pagkain ang kanyang mg kasama. Pero, pagdating sa pagkain, alerto siya. Anong uri ng teksto ito?
Informativ
Deskriptiv
Narativ
Argumentativ
Basahin ang teksto sa ibaba at sagutan ang mga kasunod na aytem.
Mag-isip ka, Binata
Ikaw ay baguntao... Malakas, makisig, matatag, maginoo, ikaw, tulad ng iyong ama ay magiging haligi ng tahanan.
Huwaran mo ang iyong ama. Siya ang utak na namamatnugopt sa inyong tahanan samantalang ang iyong ina ang siyang katuwang sa pagpapaligaya nito. Ikaw ay galamay ng iyong mga magulang. Ikaw ang pag-asa nila sa kanilang pagtanda. Ikaw ang dahilan ng kanilang pagpapakasakit. Dapat mong gantihan ng kabutihan ang kanilang paghihirap.
Ngayong nag-aaral ka pa’y maaari kang tumulong sa anumang paraan. Ngunit ang higit nilang inaasahan sa iyo ay ang pagtatapos mo ng pag-aaral. Para kanino ang iyong pag-aaral? Ito’y sa iyong kinabukasan, upang ikaw ay maging matatag at nakahandang tumanggap ng pananagutan. Kaya dapat mong ibigin at igalang ang iyong mga magulang. Tungkulin mong paglingkuran sila nang buong lugod at kasiyahan. Huwag mo silang biguin sa pangarap nila sa iyo!
Ang tono ng teksto ay __________.
Mapangutya
Mapagbiro
Mapanghikayat
Mapanumbat
13.Ang lahat ng bagay ay may proseso. Ang pagbabago ay dinaraan sa panahon at iniaayon sa kalikasan ng personalidad ng tauhan. Kung sa simula pa ang tauhan ay bakla na, datapwat hindi hinahangad na mabago pa, lahat ng mga masasakit ay mahihirap na paraan ay susubukin, pero asahang hanggang sa wakas ang kalagayan ay nagiging gayundin. Sikolohikal ito. Ang anumang naiisip ay napipigilan, subalit hindi mababago kailanman, maliban na lamang kung magmilagro, ngunit hindi na magiging kapani-paniwala pa ito.
Katangi-tangi, kaala-alala ang isang tauhan kung kakaibang-kakaiba. Ang kakaibang tauhan ay iyong buhay na buhay sa ganang sarili niyang kakanyahang taglay. Sa pananalita, sa kilos, sa ugali, sa lahat ng kalikasan nito mismo ay walang katulad, subalit karaniwang nakikita sa araw-araw na buhay. Hindi ito nakakahon o kung tawagin sa Ingles ay stereotype. Iyong tipo bang kapag madrasta, masungit at mapagmaltrato. Kung kerido ito ay palaging materyosa at mataray. Kung asawa, ito’y lagging nagmamartir. Kung mahirap, ito’y lagi na lamang problemado. At marami pang iba. Kailangang mabago ang ganitong konsepto dahil sa totoong buhay, hindi lahat ng tao ay pare-pareho.
Ang pinakaangkop na pamagat ng talatang ito ay:
Ang Tao sa Mundo
Ang Katangian ng Tao
Ang Katauhan
Ang Tauhan
Ang proseso ng paghahatid ng saloobin, opinyon at karunungan sa pamamagitan ng makabuluhang tunog ay tinatawag na:
Pagtatala
Pakikinig
Pagsasalita
Pagbasa
Paano _____ hindi ka makakapagpasa?
kong
kung
kaya
kung kaya
_____ kaming pagsusulit.
may
mayroon
meron
miron
Iyan _____ ang mga haharapin mong pagsubok.
ding
din
ring
rin
Makulay _____ ang buhay sa kolehiyo.
raw
daw
dito
doon
Darating _____ Pepe at Ana ang sorpresa.
kay
kina
kila
kanila
Bawal _____ magdala ng anumang plastik sa institusyong ito kaya bantay _____ bantay ang mga sekyu.
ng – nang
nang – ng
nang - nang
ng – ng
“Kung tutuusin, _______ limang demonstrasyon na nila iyan ngayong buwan,” reklamo ng drayber. “Dapat nga natin silang suportahan dahil kilalang _______ Aquino ang NGO na iyan kaya tiyak na ___________ demokrasya rin sila!” bulalas naman ng pasahero.
ika-, maka, maka-
ika, maka-, maka
ika-, maka- maka
ika, maka, maka-
Ito ang taunang kalendaryo na nagbibigay impormasyon tungkol sa lagay ng panahon , galaw ng mga planeta, pag-unlad ng teknolohiya, palakasan, pamahalaan, mga kilalang tao at iba pang bagay sa daigdig.
Diksyunaryo
Ensayklopedia
Atlas
Almanac
Ano ang pinakamainam na gamitin kapag nangangailangan ng impormasyon sa heograpiya?
Diksyunaryo
Ensayklopedia
Atlas
Atlas
Tukuyin kung paano dapat ayusin o pagsunod-sunurin ang sumusunod na pangungusap upang makabuo ng isang makabuo ng isang maayos na talata:
I. Sila ang nagtatag ng kani-kanilang pamayanan ng nang lumaon ay tinawag na barangay
II. Ayon sa kasaysayan, sila ay tumakas sa kanilang bayan dahil sa masamang pamamalakad ni Sultan Makatunaw
III. Maraming libong taon na ang nakalipas bago pa man dumating ang mga Kastila sa atin kapulunan, isang pangkat ng mga taga-Borneo ang dumating sa ating dalampasigan
IV. Sila’y pinamumunuan ng sampung datu.
V. Naglalakbay sila na sakay ng mga balangay.
III, IV, II, I, V
III, IV, II, I, V
III, V, II, IV,I
III, II, IV, V,I
Uri ng pagsulat na ang pokus ay ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin:
Malikhain
Jornalistik
Teknikal
Akademiko
