NEW
Font size
WorksheetsPANGGITNANG TERMINONG PAGSUSULIT
Total questions: 80
Worksheet time: 3600secs
ANUTO: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat aytem upang matukoy ang konseptong binabanggit. Piliin ang letra ng iyong sagot.
Ano ang pinagmulan ng unang anyo ng dula sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila?
A. Panonood ng sine
B. Ritwal, sayaw, tula, at awit
C. Pagtatalumpati
D. Panunulat ng nobela
Ano ang bagong anyo ng panitikan na ipinakilala noong panahon ng mga Amerikano?
A. Korido
B. Awit
C. Maikling kwento
D. Epiko
Ano ang pangunahing dahilan ng paghina ng pagtatanghal ng dula sa panahon ng liberasyon?
A. Kakulangan ng manunulat
B. Pagkaubos ng teatro
C. Pagkahilig ng mga Pilipino sa pelikulang banyaga
D. Kakulangan sa pondo
Ano ang mahalagang institusyong itinayo na nagbigay-pansin sa dula sa panahong ito?
A. Malacañang Palace
B. National Library
C. Cultural Center of the Philippines
D. Senate Theater
Ano ang dulang itinanghal ng Sining Kambayoka noong 1978?
A. Halik sa Kampilan
B. Maranatha
C. Bata pa si Sabel
D. Vaudeville
Bakit muling nabuhay ang dula sa panahon ng Hapones?
A. Dahil sa utos ng mga Hapones
B. Dahil sa pagkawala ng mga pelikula
C. Dahil sa kagustuhan ng mga Amerikano
D. Dahil sa pagbabalik ng Moro-moro
Ano ang pangunahing layunin ng mga Kastila sa paggamit ng dula noong kanilang pananakop?
A. Aliwan lamang
B. Propaganda laban sa mga katutubo
C. Pagtuturo ng relihiyon
D. Pagpapalaganap ng panitikan
Ano ang layunin ng mga dulang itinanghal noong panahon ng Hapones?
A. Turuan ang mga mamamayan ng Kastila
B. Aliwin at palipasin ang lungkot ng mga mamamayan
C. Itaguyod ang pamahalaang Hapones
D. Magpatawa lamang
Ano ang katangian ng mga dula sa panahon ng aktibismo?
A. Maligoy at mahaba ang dayalogo
B. Magaan at pawang aliwan
C. Matapang sa paksa at wika
D. Tradisyonal ang pagtatanghal
Alin sa mga sumusunod ang HINDI karaniwang paksa ng palabas noong panahon bago ang Kastila?
A. Digmaan
B. Alamat ng mga bathala
C. Modernong teknolohiya
D. Pag-ibig
Anong samahan ang pinamunuan ni Behn Cervantes?
A. Repertory Philippines
B. Theatro Filipino
C. PETA
D. UP Repertory
Kailan muling nabuhay ang sigla ng panitikan matapos ang digmaan?
A. 1945
B. 1946
C. 1953
D. 1954
Sino ang mga artistang naghatid ng birong kontra-Hapones na nauunawaan ng mga Pilipino?
A. Dolphy at Panchito
B. Katy de la Cruz at Diana Toy
C. Pugo at Tugo
D. Jose Villa Panganiban at Jose Hernandez
Anong uri ng panitikang pampanitikan ang muling sinubukang buhayin pagkatapos ng digmaan?
A. Sarsuwela
B. Epiko
C. Korido
D. Alamat
Sina Simplicio Flores at Jacobo Enriquez ay kilala sa paglimbag ng anong uri ng dula?
A. Musikal
B. Sarsuwela
C. Dulang may iisahing yugto
D. Komersyal na dula
Sino ang namuno sa Theatro Filipino?
A. Behn Cervantes
B. Jimmy Asensio
C. Rolando Tinio
D. Leonardo Ilagan
Saan karaniwang ginaganap ang mga palabas noong sinaunang panahon?
A. Entablado
B. Paaralan
C. Liwasan at tahanan
D. Sinehan
Ano ang tawag sa dulang isinasagawa tuwing bisperas ng Araw ng mga Patay?
A. Salubong
B. Panunuluyan
C. Pangangaluluwa
D. Tibag
Ano ang naging malaking ambag ng panahon ng Amerikano sa kulturang popular?
A. Awit
B. Korido
C. Pelikula
D. Pasyon
Anong uri ng panitikang pampanitikan ang muling sinubukang buhayin pagkatapos ng digmaan?
A. Sarsuwela
B. Epiko
C. Korido
D. Alamat
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa 10 dulang tinipon nina Flores at Enriquez?
A. Gloria Habeas Corpus
B. Kayamanan
C. May Pag-asa
D. Karalitaan
Sino ang direktor ng Bata Pa si Sabel?
A. Lutgardo Labad
B. Jimmy Asensio
C. Raul Silos
D. Rolando Tinio
Ang dulang Panunuluyan ay ginaganap tuwing anong okasyon?
A. Mahal na Araw
B. Bisperas ng Pasko
C. Linggo ng Pagkabuhay
D. Undas
Ano ang unang tema ng mga dula noong unang bahagi ng ika-20 siglo?
A. Romansa
B. Kababalaghan
C. Makabayan
D. Pantasya
Ano ang pangunahing layunin ng mga ritwal at palabas noong sinaunang panahon?
A. Magbigay libangan lamang
B. Sumalamin sa modernong buhay
C. Ipahayag ang paniniwala at kaugalian
D. Kumita ng pera
Anong dula ang isinasagawa sa madaling araw ng Linggo ng Pagkabuhay?
A. Moriones
B. Salubong
C. Niños Inocentes
D. Duplo
Saan madalas itanghal ang mga dula noong panahon ng Hapones?
A. Katedral
B. Sabungan
C. Metropolitan Theatre
D. Barangay Hall
Sino ang may-akda ng Walang Sugat?
A. Juan Abad
B. Severino Reyes
C. Simplicio Flores
D. Dionisio Salazar
Ano ang wala sa mga palabas noon kaya’t hindi ito ganap na maituturing na dula?
A. Manonood
B. Kwento
C. Entablado at costume
D. Sayaw at tugtog
Ano ang pumalit sa Moro-moro at sarsuwela sa entablado noong dekada 1920?
A. Duplo
B. Bodabil
C. Panunuluyan
D. Tibag
Anong istilo ang ginaya ng mga dulang ipinalabas sa Metropolitan Theatre noong umpisa?
A. Sarsuwela
B. Moro-moro
C. Modernong opera
D. Makalumang bodabil
Ano ang naging reaksyon ng mga mamamayan sa pagbuhay muli ng sarsuwela?
A. Mainit ang pagtanggap
B. Masiglang pagtangkilik
C. Malamig na pagtanggap
D. Buong suporta
Ano ang layunin ng dulang Tibag?
A. Aliwin ang mga naulila
B. Hanapin ang nawawalang singsing
C. Hanapin ang krus na kinamatayan ni Hesus
D. Patunayang mahal ang isang dalaga
Sino ang kinikilalang Ama ng Sarsuwelang Tagalog?
A. Hermogenes Ilagan
B. Severino Reyes
C. Aurelio Tolentino
D. Patricio Mariano
Sino ang may-akda ng Ang Gintong Alaala?
A. Orlando Nadres
B. Conching Rosal
C. Amelia Lapeña-Bonifacio
D. Rodulfo Galenzoga
Alin sa mga sumusunod ang Wayang Orang at Wayang Purwa?
A. Sayaw ng kasal
B. Ritwal ng pag-aanak
C. Palabas tungkol sa pananampalataya
D. Alamat ng diwata
Anong dula ang ginaganap sa ika-30 araw ng pagkamatay bilang aliw sa naulila?
A. Duplo
B. Karagatan
C. Juego de Prenda
D. Panubong
Alin sa mga sumusunod ang hindi isang kilusang nagtanghal ng dula sa panahon ng liberasyon?
A. PETA
B. UP Mobile Theater
C. Dulaang Sibol
D. Komisyon sa Wikang Filipino
Ano ang halimbawa ng dulang palabas?
A. Kabesang Tales
B. Pagbibinyag sa Apoy at Dugo
C. Hanggang Dito na Lamang at Maraming Salamat
D. Maranatha
Saan nagtanghal ang PETA ng mga dulang may uri?
A. Dulaang Aurora
B. Dulaang Raha Soliman sa Fort Santiago
C. Cultural Center of the Philippines
D. Luneta Grandstand
Sino sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa bagong henerasyon ng mandudula noong panahon ng Hapones?
A. Lamberto Avellana
B. Narciso Pimentel
C. Climaco
D. Jose Rizal
Alin ang hindi halimbawa ng dulang paloob?
A. Kabesang Tales
B. Maranatha
C. Mga Ama, Mga Anak
D. Bata pa si Sabel
Ano ang karaniwang nilalaman ng Wayang Orang?
A. Alamat ng mga hayop
B. Paglalakbay sa kalawakan
C. Pagpaparusa ng bathala sa malupit na pinuno
D. Kasaysayan ng bayan
Ano ang layunin ng Juego de Prenda?
A. Parusahan ang mga makasalanan
B. Magbigay ng aliw sa mga bata
C. Aliwin ang mga tao sa lamayan
D. Magbigay ng parangal sa bayani
Anong dula ang hindi isinulat ni Lamberto Avellana?
A. Pitang Muelle
B. Diborcio Na
C. Sa Pula, Sa Puti
D. Parbol
Anong dula ni Dionisio Salazar ang isinulat noong 1968?
A. Ang Baliw
B. Moses, Moses!
C. Hulyo 4, 1954 A.D.
D. Tanikalang Ginto
Sino ang may-akda ng Pagbibinyag sa Apoy at Dugo?
A. Amelia Lapeña-Bonifacio
B. Paul Dumol
C. Nick Joaquin
D. Imee Marcos
Anong organisasyon ang tumutok sa pagtatanghal ng dula sa mga lalawigan?
A. Arena Theater
B. Dulaang Sibol
C. UP Mobile Theater
D. Tanghalang Pilipino
Ano ang pamagat ng kauna-unahang sarsuwelang Tagalog na isinulat ni Severino Reyes?
A. Anak ng Dagat
B. Dalagang Bukid
C. Walang Sugat
D. RIP
Ano ang layunin ng mga kapisanang nagtanghal ng dula?
A. Magbigay aliw
B. Itaas ang antas ng sining at kulturang Pilipino
C. Magsimula ng bagong moda
D. Pagsabay sa uso ng pelikula
Alin sa mga sumusunod ang isang sarsuwela ni Dionisio Salazar?
A. Dilubyo
B. Florante at Laura
C. Kayamanan
D. Katipunan
Ano ang layunin ni Imelda Marcos sa pagtatanghal ng mga sarsuwela?
A. Mapasaya ang kabataan
B. Mapasikat ang modernong teatro
C. Buhayin ang kulturang Pilipino
D. Makalikom ng pondo
Bakit hindi gaanong tinangkilik ng kabataan ang sarsuwela?
A. Mas gusto nila ang sine at telebisyon
B. Walang kalidad ang produksyon
C. Walang libre
D. Mabagal ang musika
Ano ang pangunahing layunin ng mga dulang romantiko?
A. Manlibang at magbigay-aliw
B. Magsiwalat ng katiwalian
C. Maging rebolusyonaryo
D. Magturo ng relihiyon
Kailan sinimulan ng Palanca Awards ang pagbibigay ng parangal sa mga dula?
A. 1946
B. 1950
C. 1953–1954
D. 1960
Sino ang may-akda ng dulang Hulyo 4, 1954 A.D.?
A. Severino Montano
B. Rogelio Sicat
C. Dionisio Salazar
D. Rene Villanueva
Sino ang sumulat ng Dalagang Bukid na naging unang pelikulang Pilipino?
A. Julian Cruz Balmaceda
B. Aurelio Tolentino
C. Hermogenes Ilagan
D. Vicente Salumbides
Sino ang tinaguriang Ama ng Pelikulang Filipino?
A. Jesus Nepomuceno
B. Vicente Salumbides
C. Jose Nepomuceno
D. Antonio Sempio
Anong uri ng dulang ginagamitan ng ginupit na karton?
A. Senakulo
B. Karilyo
C. Duplo
D. Moriones
Ano ang paksa ng Senakulo?
A. Kasaysayan ng Pilipinas
B. Buhay ni Rizal
C. Buhay ni Hesukristo
D. Kwento ng mga santo
Ano ang tawag sa patulang pagtatalo ng mga Muslim sa Lanao at Jolo?
A. Dungaw
B. Bayok
C. Balak
D. Sayatan
Bakit higit na kinagiliwan ang Life Theatre kaysa sa Avenue Theatre?
A. Mas murang tiket
B. Mas malapit sa bayan
C. Mas sikat ang mga artistang tulad ni Katy de la Cruz
D. Mas marami ang palabas
Ano ang pangunahing layunin ng Dramatic Philippines?
A. Magturo ng sayaw
B. Magsanay ng mga sundalo
C. Magtanghal ng mga dula
D. Magtayo ng sinehan
Anong programa ang gumamit ng dula para sa pagbabago ng kanayunan?
A. YCAP
B. DOST
C. GAB
D. TESDA
Sino ang may-akda ng Halik sa Kampilan?
A. Rolando Tinio
B. Leonardo Ilagan
C. Orlando Nadres
D. Nick Joaquin
Ano ang dramang musikal na Bisaya na itinanghal ng Sining Kambayoka?
A. Usa sa Kasalan
B. Kuwentong Maranaw
C. Vaudeville
D. Ang Gintong Alaala
Sino ang pangunahing tauhan sa Kuwentong Maranaw?
A. Imee Marcos
B. Pilandok
C. Kabesang Tales
D. Ginoong Dula
Ano ang tagumpay ng Hulyo 4, 1954 A.D. sa Palanca Awards?
A. Ikaapat na gantimpala
B. Pangalawang gantimpala
C. Unang gantimpala
D. Walang napanalunan
Anong tema ang tinatalakay sa dulang Hulyo 4, 1954 A.D.?
A. Romansa
B. Rebolusyonaryong misyon
C. Buhay estudyante
D. Migrasyon
Sa anong panahon ng panunungkulan isinadula ang krisis sa Hulyo 4, 1954 A.D.?
A. Manuel Roxas
B. Carlos Garcia
C. Ramon Magsaysay
D. Ferdinand Marcos
Anong suliranin ang karaniwang kinahaharap ng mga tauhan sa dulang romantiko?
A. Kawalan ng edukasyon
B. Pag-aaway ng pamilya
C. Agwat sa estado sa buhay
D. Pagkamatay ng magulang
Sino ang may-akda ng Dapat Isumpa?
A. Faustino Galauran
B. Dolores Tensuan Dungo
C. Simplicio Flores
D. Rogelio Sikat
Ano ang tema ng dulang Moses, Moses! ni Rogelio Sikat?
A. Pag-ibig
B. Kabataan
C. Realismong Panlipunan
D. Kasaysayan
Ano ang kauna-unahang pelikulang may tunog sa Pilipinas?
A. Dalagang Bukid
B. Ibong Adarna
C. Miracles of Love
D. Punyal na Ginto
Ano ang sinasabing pumatay sa Moro-moro ayon kay Severino Reyes?
A. Senakulo
B. Sarsuwela
C. Bodabil
D. Duplo
Ano ang nilalaman ng mga dula ni Aurelio Tolentino?
A. Pagmamahalan ng magkasintahan
B. Kuwento ng mga santo
C. Pagtutol sa administrasyon
D. Pagpapatawa
Ano ang tawag sa mga dulang makatao, makatotohanan, at romantiko noong 1920s?
A. Moro-moro
B. Komedya
C. Dula sa makabagong panahon
D. Panunuluyan
Ano ang uri ng pagtatanghal na ginagamitan ng panyo?
A. Pamamanhikan
B. Sayatan
C. Ch’along
D. Hugas-kalawang
Ano ang dalawang uri ng Senakulo?
A. Cantada at Hablada
B. Moriones at Tibag
C. Panunuluyan at Pangangaluluwa
D. Niños at Inocentes
Alin sa mga sumusunod ang dulang may temang Kristiyano laban sa Muslim?
A. Duplo
B. Komedya
C. Karilyo
D. Juego de Prenda
